Chapter 3

1864 Words
"Hoy Inday. Bat hindi mo na sagutin yang si Berto? Abay ang tagal ng sunod ng sunod sayo e." Sigaw ni aling Bebang sa akin. "Alae. Ikaw talaga aling Bebang. Bat ko naman sasagutin si Berto e wala namang tinatanong sumusunod laang naman sa akin. Tssk. " Sabi ko dito. "Ay ang talino talaga." Sabi ni Aling Bebang. Saka napatampal sa noo. "Alae. Alam ko na po yun matagal na. Na matalino ako. Dahil top nuch ako sa school." Sabi ko sa kanya. Nagtawanan sila. "Ikaw naman kasi Aling Bebang. Alam mo na ngang si Inday na matalino ang kausap niyo, dapat nililinaw niyo ang sinasabi niyo." Sabi ni Berto dito. "Naku Berto. Bokya ka pala, hindi umoobra kay Inday ang pagiging Siga mo dito sa palengke!!" Sigaw naman ni Maria. kakamot kamot ng ulo si Berto sa tabi ko. "Ala e. Kayo ngay tigilan si Berto. Wala naman siyang tinatanong sa akin e sumusunod laang e!!" Sigaw ko din sa kanila. Nagtawanan lang sila. Ganito sila ka ingay lalo na kapag nakikita na susunod sunod sa akin si Berto. Na sanay na lang ako sa ka ingayan nila. Maaga pa akong nagligpit ngayun kasi aayain ko ang kapatid ko na mag exam sa pinaka malapit na school sa amin. Semi private ito. Eto na ang pinaka mura na skwelahan ng College dito sa amin. Nais niyang kumuha ng Ingenering. Pag dating ko sa bahay sinalubong ako ng kambal na umiiyak. "Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko sa mga ito na nagalala. "Ate si nanay dinala ni kuya sa ospital kasi nahihirapang huminga." Sabi ni Rajie. Bigla akong kinabahan. Bitbit ang kambal tumakbo ako sa pinaka malapit na ospital. Nakita ko ang kapatid ko na umiiyak sa isang tabi. "Alie!!" Sigaw ko dito. Lumingon ito sa akin. "Ate!!" Sigaw nito. Bigla itong yumakap sa akin ng makalapit ako. Nanginginig itong umiyak sa balikat ko. "Ate si nanay. Nawalan siya ng malay." Sabi nito. Nanghina ako sa narinig. Nanghihina man ay pinilit kong maging matatag para sa mga kapatid ko. "Sino ang pamilya ng pasyente?' Tanong ng Doctor na lumabas. Agad kaming lumapit. "Ala e. Kami po Doc." Sabi ko. Humarap ito sa akin. "Sumunod ka sa akin sa opisina" Sabi nito. Kinakabahang sumunod ako sa Doctor. "Tatapatin na kita iha. Lumaki na ang butas sa puso ng nanay mo. Kaylan pa umiinda ng sakit ang pasyente?" Tanong nito sa akin. Nagisip ako. "Ala e. Hindi naman po siya umiinda ng sakit. Ngayun laang po." Sagot ko dito. "Kung ganun nililihim niya sa inyo ang nararamdaman niya. Sa klase ng butas sa puso niya hindi na ito kinakaya ng gamot na iniinom niya. Kailangan na natin siyang operahan." Sabi ng Doctor na nagpa gulat sa akin. "Ala e. Doc hindi po ba dilikado yun?" Tanong ko dito. "Iha mas madidilikado ang nanay mo pag hindi siya maoperahan. Kailangan niya ng hearth transplant at iilan lang ang ospital na mayroon dito sa pilipinas." Sabi niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi ng Doctor. Hindi lang kung magkano ang halaga na kakailanganin ko para maoperahan ang nanay ko ang iniisip ko. May gumugulo sa utak ko ng hindi makatiis. "Alae. Doc bakit naman po lalagyan ng halaman ang puso ang nanay ko. Baka hindi naman po kayanin ng nanay kapag nagkaugat na yun." Sabi ko habang umiiyak. Natawa ang Doctor. Tumingin ako dito. "Tingnan mo to umiiyak na nga ako at nagaalala. Tinatawanan pa nito e reklamo ko kaya ito kay Tulfo." Bulong ko. Habang naiyak. "Ano kaba. Inday sino ba ang nagsabi sayo na tataniman ang puso ng nanay mo?" Sabi nito. Na natatawa. "Alae. Kayo po. Sabi niyo po kailangan ng nanay ng hearth transplant e." Sabi ko dito. Napaisip ito. "Ah, yun pala yun. Hindi yun halaman. Ang ibig kong sabihin papalitan natin ang puso ng nanay mo ng bago. Kasi butas na ito kaya kailangan niyang maoperahan." Paliwanag nito. Napaisip ako sa sinabi niya. "Alae. Yun pala yun Doc hindi niyo nililinaw e." Sabi ko dito. Sabay hampas sa braso nito. Napahimas na lang ito sa braso niya. "Alae. Doc K. Kung hindi ma operahan ang nanay ko h. Hangang kailan siya tatagal." Nauutal na tanong ko. Nung bumalik ang isip ko sa problema ko. "Mahina na ang puso ng nanay mo. Baka hindi na siya umabot ng tatlong buwan." Sabi nito sa akin. Na nagpalaglag sa balikat ko at tuluyan ng nalaglag ang luha ko. Lumabas ako sa opisina ng Doctor na tulala na tauhan lang ako ng salubungin ako ng mga kapatid ko. "Alae. Ate nilipat na sa kwarto si nanay." Sabi ng kambal. Pumasok ako sa loob nakita ko na tulog parin ito. Pinabili ko sa kapatid ko ang reseta ng Doctor. Nagpabili narin ako ng makakain namin.Nilapitan ko ang nanay ko sa higaan. "Alae. Nay lumaban ka para sa amin. Pinapangako ko e gagawa ako ng paraan kahit ano gagawin ko maoperahan ka lang e. Hindi ko makakaya nay kung pati ikaw mawawala pa sa amin e." Bulong ko sa isip ko. Mabilis kong pinahid ang luha na dumaloy sa pisngi ko ng dumating si Alie. Pinakain ko muna sila hinintay ko pa ang doctor saka pumunta sa information para magpil up para sa admition ng nanay ko. Gabi na ng matapos ako. Nagpaalam muna ako sa mga kapatid ko na aalis muna. Buti na lang konti lang ang kinuha kong isda kanina. Kasi wala rin akong balak na magtinda ngayung hapon. Nag doorbell ako sa malaking gate. Dito lang ang alam ko na maaring magpahiram sa akin ng malaking halaga. "O Inday!" Sabi ng guard ng makita ako. "Alae. Nandiyan na ba sila Doña Elizabethb e?"Tanong ko dito. "Oo kakarating lang nila kanina. Bakit may kailngan ka kay Madam.?" Tanong nito sa akin. "Ala e. Oo sana e" Sabi ko. Saka nahihiyang nagkamot ng ulo. "Tekat sasabihin ko na narito ka." Sabi niya at nagpaalam na muna sa akin. Habang naghihintay pilit kong pinalalakas ang loob ko. Maya maya nagbukas na ang gate. "Halika Inday, pasok ka daw" Sabi nito at sinamahan ako sa may pintuan ng malaking bahay. May sumalubong sa amin na may edad ng katulong. "Halika Inday, nandun si Madam." Dinala ako nito sa dulo. Habang naglalakad hindi ko mapigilan na humanga sa nakikita. tatlo ang nakita kung sala sa bahay nasa dulo si Doña Elizabet. Na nakangiti ng makita ako. "Inday iha!" Sabi nito. Ng makita ako. Pinaupo ako nito at nagpakuha ng maiinom sa katulong. "Ano at napa sugod ka ng ganitong Oras.?" Tanong nito. Napa lunok ako hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Dahil alam ko na hindi basta basta ang halaga na hihiramin ko. "Ahhm. ala e, napariro ako at hindi sumugod Doña Elizabeth."Sabi ko dito. Natawa ito. Pero Hindi ko na pinansin Nagpatuloy ako mahalaga ang pinarito ko. "Ala e. Naparito ako para manghiram ng pera sa inyo. Kinapalan ko na po ang mukha ko e sa pagpunta ko dito. K..Kasi nasa ospital ang nanay ko" Sabi ko habang nilalaro ang kamay ko. Napatingin siya sa akin. Kaya mas Lalo akong kinabahan. "Hindi ka talaga nagbabago Inday. Ang sarap mo paring kausap. Kung ganun magkano naman ang hihiramin mo iha.?" Tanong uli nito. Sinabi ko ang halaga ng hihiramin ko saka nakiramdam sa reaction niya. Tahimik lang naman ito naghihintay ng sasabihin ko pa. "Ala e. G. Gagamitin ko po para sa operation ng nanay ko. Kailangan po daw kasing operahan sa puso ang nanay ko e." Sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako. Yumuko ako. "Kung pahihiramin ka namin ng pera ano naman ang kondisyon mo pano mo ito babayara?" Tanong nito. Sa malumanay na pananalita. Napa tingin ako dito at wala sa sarili na nahawakan ko ang kamay niya. Mlamig ito. Pero malambot halatang pangmayaman. "Ala e tatanawin ko pong malaking utang na loob sa inyo yoon. Kahit ano po ang gusto niyong kapalit basta maoperahan lamang po ang nanay ko." Sabi ko. Ngumiti ito sa akin. Saka hinawakan ang kamay ko. "Gusto talaga kitang kausap Inday" Sabi nito sa akin. Saka ngumiti alanganin akong ngumiti. "Mabuti pa kumain na muna tayo. Alam ko na nagugutom kana." Sabi niya sa akin. Ayaw ko man dahil nahihiya ako wala akong magawa alangan namang magpa choosy pa ako no. Dumeretso kami sa isang silid. Hindi na ako nagulat ng makita ang malaking lamesa. Na upo ako sa harap ni Doña Elizabeth. Nakaramdam ako agad ng gutom ng ihain ang pagkain namin. Crispy Pata, Kalderetang baka, chopsoey. sarsyadong isda at Pasta . "Kumain ka lang iha wag kang mahihiya." Sabi nito. Napa tingin ako sa kanya. "Ala e. Talaga bang kami lang ang kakain nitong lahat. Iba talaga pag mayaman." Bulong ko sa isip ko. Natatakam ako sa pagkain na nasa harap ko. Ngumiti lang ako sa kanya saka kumuha ng kanin at nagsimula ng kumain. Hindi ko na namalayan ang sandali ng tumigil ako busog na busog ako. Ng dumighay ako napa hawak ako sa bibig ko. "Ala e. Sorry." Sabi ko at napa tingin ako sa kanya. Natawa sila. "Ayos lang yu. Dahil sayo napa sarap ang kain ko ngayung gabi." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. nagpupunas siya ng bibig saka niyaya akong mag tsaa sa sala na pinangalingan namin kanina. "Iha. May iaalok ako sayo. Na alam ko na pareho tayo masisiyahan." Sabi nito maya maya. Saka hinawakan nito ang kamay ko. Niilang ako sa tuwing nagkakalapit ng ganito ang kamay namin napakalambot ng kamay niya kahit may kalamigan. Hindi kagaya sa akin na puro kalyo sa kakahila ng banyera. "Wag mo sanang isipin na pipresure kita. Gusto kita Inday totoo yun. Gustong gusto ko ang pagiging totoo mo." Sabi niya. Ikinailang ko. Nalilito man hindi na lang ako umimik. Kaya napa yuko ako. "Paooperahan namin ang nanay mo. Pero sa isang kundisyun. Pakakasalan mo ang anak ko. Ikaw ang gusto kong mapangasawa ng anak ko inday. Mapapanatag lang ako kung ang kagaya mo ang makakasama niya." Sabi niya. Na nagpabingi ata sa akin. "Ala e. Ano nga po uli yun." Tanong ko sa kanya. "Pakasalan mo ang anak ko, kapalit ng pagpapaopera sa nanay mo. Nangangako ako na lahat gagawin namin para maging ligtas na maooperahan ang nanay mo." Sabi niya. Napa tanga ako sa sinabi niya hindi maproseso ng utak ko. "Ala e. Bakit ako po?" Tanong ko sa kanya. Ng maisip ang sinabi niya. Saka napapikit. "Ala e. Ang ibig kong sabihin bakit ako? Saka isa pa sigurado akong hindi ako magugustuhan ng anak niyo e." Sabi ko dito. Natawa siya. Na pinagtaka ko. "Ikaw ang gusto ko kasi totoo ka. mapagmahal ka kaya mo isakripisyo ang sarili mo para sa mga mahal mo. Yan ang gusto ko na makatuluyan ng anak ko at isa pa paano ka nakakasiguro na hindi ka ma gugustuhan ng anak ko. maganda ka, mabait. Minsan may pag slow pero nakakaaliw ka." Mahaba nitong paliwanag na nag paisip sa akin. Hangang sa makabalik ako sa ospital. Hindi parin ako makapaniwala na nagkasundo na lang kami ng ganun ganun lang. Tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa dala kong pagkain na pinadala ni Doña Elizabeth pinakain ko muna sila saka pinauwi muna. Ako na ang nagbantay kay nanay. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD