"Ala e. Kumain na tayo at aalis pa tayo" Sabi ko sa kambal kong kapatid. Dahil hinahatid ko pa sila sa school bago ako pumupunta sa palengke at magtinda. Sa madaling araw ako pumipila para kumuha ng Isda Saka iiwan ko ito sa iwanan namin ng paninda. Uuwi muna ako para magasikaso sa kanila bago ako babalik sa palengke para magtinda.
Naglagay ako ng kanin at ulam sa pingan at nagdala ng kape. Pinasok ko sa silid na tinabingan ko lang ng renolyom na luma galing yun sa kapit bahay namin para maging silid namin.
"Alae. Nay kain na po kayo."
Sabi ko sa nanay ko. Ng makita na gising na ito. Tinulungan ko itong bumangon saka inayos ang pagkain niya
"Alae. Anak Sana hinayaan mo na lang na si Alie ang magasikaso sa akin."
Sabi nito sa akin.
"Alae. Nay hayaan niyo na po at maaga pa naman." Sabi kosa kanya. Saka nagpaalam na kakain na din ako. Ganito kami tuwing madaling araw aalis kami. Si Alie ang naiiwan para magasikaso kay nanay at magiigib ng tubig. Siya ang sumunod sa akin. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Tatlong taon naman ang tanda niya sa Kambal.
Pagdating ko ng tanghali magluluto ako ng tanghalian namin dahil papasok naman siya at uuwi na ang kambal. Ang kambal naman ang magaasikaso sa nanay namin dahil Wala pa itong wheelchair. Hinawakan ko lang ito ng kahoy na may gulong ba bearing para sasakyan niya pag pupunta sa banyo at pag papaliguan namin. Pagkatapos kong magluto ng tanghalian namin maglilinis ako ng bahay saka babalik ng hapon sa palengke para magtinda
Nasa pwesto ako nagbibilang ng nakalista ko na ipon ko. Tinatabi ko ito araw araw sa may damitan namin.
Malaki laki narin ito. Kakasya na para sa pag koleheyo ng kapatid ko.
Medyo malakas ngayun ang bentahan kasi magpapasko na. Kaya medyo makakaipon pa ako ng pambili ng damit ng mga kapatid ko.
"Ala e. Ate ang ganda naman ng binili nating damit ko e. Bagay na bagay sa akn."
Tuwang tuwa sabi ng bunso kong kapatid.
Samantalang isang pantalon at Tshirt lang naman ang na bili ko sa kanya.
At sa kambal niyang si Elaija simpleng bistida lang ang na bili ko.
"Ako nga din. Ang ganda din."
Sabi naman ng kabal niya. Natutuwa ako dahil kahit pasko ko lang sila na bibilihan ng damit masaya na sila.
"Ikaw Alie ayos na ba sayo ang damit mo?"
"Oo ate salamat. Ayos na sana sa akin kahit sapatos lang."
Sabi nito. Ngumiti ako dito.
"Ala e. Ayos lang yan sa akin e. Tutal malaki naman ang benta ni ate nitong lingong to kaya ayos laang. Sa totoo laang may pang kain pa nga tayo ngayun e."
Sabi ko sa kanila. Kaya mas lalo pang sumaya ang kambal. Kumain kami sa isang fast food. Omorder ako ng kanin na may kasamang fried chicken at fries may kasama narin itong drinks sinamahan ko na lang ng ice cream.
Tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Masaya na ako makita ko lang silang ganito ka saya. Nag pabalot na lang ako para sa nanay ko. Iniwan muna namin sa kapit bahay namin.
********
"Hoy Inday hindi ka pa ba uuwi?"
Tanong ni Maria sa akin.
"Ala e. Pauwi narin ipapaubos ko lang ere konti na lang naman e."
Sagot ko dito.
"Kung ganun mauna na ako at magluluto pa ako para mamayang noche buena sabi nito. Napatingin ako sa kanya.
"Alae. Bakit may paligsahan ba dito sa palengke na hindi ko alam?"
Tanong ko sa kanya. Napatingin din siya sa akin.
"Abay hindi ko alam. Bakit mo naman nasabi na may paligsahan dito?"
Balik tanong nito sa akin. Mas lalo akong nagtaka sa kanya.
"Alae. Hindi bat ikaw ang nagsabi na mauuna kana sa akin. Ala bat hindi niyo naman sinabi sa akin na may paligsahan sa pagtitinda. Malaki ba ang premyo sa mauuna maubos.?"
Tanong ko uli. Napaisip ito. May maya bumunghalit ng tawa ito. Tumawa na lang din ako .
"Ewan ko sayo Inday ang talino mo talaga."
Sabi nito na iiling iiling na umalis.
"Alae. Hoy! Bat Hindi niyo sinabi na may paligsahan ditoe." Sigaw ko dito. Pero tumawa lang ito.
"Alae. Alam ko naman na matalino ako matagal na e." Bulong ko. Saka kakamot kamot sa ulo.
"Abay Inday bat hindi kapa na uwi iha?"
Tanong ng isang suki ko ng makita na nasa palengke pa ako. Nagliligpitan na ang iba.
"Alae. Ipapaubos ko pa ito. Sayang nman e tutal nakapamili na naman ako ng iluluto ko sa bahay e" Sabi ko dito. Tiningnan niya ang tinda ko.
"Kung ganun. Bibilhin ko na lang yan ng makauwi kanang bata ka."
Sabi nito na ikinatuwa ko.
"Ala e. Salamat po e"
Sabi ko saka binalot na ang isda. Ng makaalis ito nagligpit na ako. Saka dumaan sa malaking bahay para ibigay ang bayad ng isda.
"Inday pinabibigay ni Doña Elizabeth pag dumaan ka daw ngayun. Merry Christmas daw. Wala sila dito umalis kaninang umaga. sa Palawan sila magpapasko sa anak niya."
Sabi ni mang Banong ang guard ng malaking bahay. Saka inabot sa akin ang isang basket na nakabalot ng makulay na plastik. Saka isang paper bag na malamig ang laman.
"Ala e. Paki sabi na salamat at merry Christmas din"
Sabi ko. Saka nagpaalam na.
Puro masasarap na delata ang laman may pang salad at pang spaghetti Ang laman ng basket. Ang laman naman ng paper bag ay ham. Kaya tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Hindi ko muna niluto ang spaghetti at salad sa New year na lang.Saka nakapamili na ako ng lulutuin ko para sa Noche Buena mamaya. Nag luto ako ng pansit sotanghon na paborito naming lahat, saka nag maha ako at niluto ang ham, nagihaw din kami ng malaking isda saka nagsimba ng magkakasama. Sinapan ko si nanay para makasama sa amin at bago umuwi bumili muna kami ng bibingka. Masaya ako na makita na ganito ka saya ang pamilya ko. Para sa akin sulit ang hirap ko.
*******
Wala sila Doña Elizabeth sa bahay na malaki tanging mga tauhan lang ang nakakausap ko.
"Naku pag katapos pa ng New year sila babalik." Sabi ng katulong napa tango ako dito
Ang daming tao sa palengke. Palibhasa bagong taon. Hindi magkasya ang mga tao sa palengke. Katulong ko ang kapatid kong si Alie sa pagtitinda. Kasi dinagdagan ko ang tinda ko. Kumuha narin ako ng gulay.
Na tuwa ako kasi maaga pa kaming natapos at nakapag ligpit.
"Ala e. Mauna na kami sa inyo e"
Sabi ko sa kanila.
"Aba. Iba talaga pag may kasama kang gwapo. Kita mo maagang nauubusan."
Sabi ni Maria.
"Ganun ba? Abay sa susunod madala ko nga rin ang anak ko."
Sabi naman ni aling Bebang. Nagtawanan sila. Nakitawa na lang rin ako. Kahit nalilito sa sinabi ni Maria. Magtatanong pa sana ako kaso niyaya na ako ng kapatid ko. Kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Na mili ako ng torotot at lusis ng kambal. Bumili ako mga panghalo sa spaghetti at salad. Bumili narin ako ng manok priprituhin ko saka umuwi na kami.
Pagdating ko sa bahay tuwang tuwa na naman ang kambal nagluto ako ng spaghetti at gumawa ako ng salad na nilagay ko sa kaserola. Binabad namin ito sa banyera na maraming yelo at tinakpan ito. Nag prito ako ng manok at nag ihaw ng isda at katulad nung pasko nagsimba kami ng sama sama.