"Ala e bumili na kayo ng aking Isda masarap ere at sariwa pa mga Misis.!!" Sigaw ko sa mga mamimili. Kasalukuyan ako ngayun nasa palengke.
"Alae manang wag mong lapirot lapirutin ang aking isda at yay magiging bilasa. Pagkagayuy sasabihin niyong hindi na sariwa. Ala hindi naman ganyan ang pagtingin sa isda kung sariwa o hindi. Gusto niyo po ng tip kung papaano malalaman kung sariwa O hindi ang Isda"
Sabi ko dito. Tumingjn siya sa akin.
"Sige nga paano nga Inday?"
Tanong nito.
"Ala e bumili muna kayo ng Isda bago ko kayo turuan."
Sabi ko dito.
"Hala sige. Nuku kung hindi ka lang maganda Inday. Sige bigyan mo ako ng isang kilo ng Bangus mo."
Sabi nito sa akin.
"Ala e ayan ang gusto ko saiyo E. Mabait na at lalo pang bumabait eh"
Sabi ko dito at kiniluhan ng Bangus.
"Akala ko kung ano ang isusunod sa mabait e. Pero. Uy yung tip ko."
Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Alae hindi ako nagbibigay ng tip. Dere dahil wala naman akong pera eh." Sabi ko dito.
"Ay sira ulo ka talaga inday. Hindi kita hinihingian ng pera dahil alam ko na wala ka namang pera. Ang ibig kong sabihin kung papaano ko malalaman kung bilasa na ba ang Isda o hindi pa."
Sabi niya sa akin.
"Ah. Ay akala ko eh nanghihingi ka ng pera e, naku ala akong pera. He he"
Sabi ko na sinabayan pa ng tawa. Sabay kamot sa ulo. Saka sinabi na dito kung papaano malalamn kung sariwa ba o hindi ang isda. Kaya naka ngiti ito na umalis.
"Hoy Inday. Nakadale ka nanaman ng Cotumer ano"
Sabi ng katapat ko.
"Ala e nagsasabi lang ako ng totoo e."
Sabi ko dito.
"Ayan si Inday hindi lang dinadaan sa ganda ang mga Costumer niya dinadaan din sa talino."
Sabi naman ng isa. Tinawanan ko na lang sila.
"Inday pabili nga ako ng isang kilo ng Bangus at kalahati ng bisugo bigyan mo narin ako ng isang kilong tilapia."
Sabi ng bumibili na lumapit. Napa tanga ako dito.
"Ala e. Ganda hindi ko pinamimigay ang Tilapia ko e."
Sabi ko dito. Na tawa ito sa akin.
"Alae. O tingnan mo na tawa ka ano. Akala mo makakalibre ka akala mo tanga ako matalino kaya ito."
Bulong ko sa isip ko.
"Ikaw talaga Inday patawa ka talaga. Ang ibig kong sabihin bigyan mo din ako ng isang kilong Tilapia. Isama mo sa mga binili ko. Haay ang saya mo talagang kausap Inday." Sabi nito. Na tawa parin ng tawa. Ako naman kakamot kamot sa ulo habang tinitimbang ang isda.
"Ala e tama naman ang sinabi ko ah siya ang mali ang sinabi." Sabi ko sa isip ko.
"Magkano lahat Inday?"
Tanong nito na nangingiti parin.
"430.00 lahat."
Sagot ko habang pinakikita ko ang sinulat kong kwentada ng binili niya.
Pagdating ng gabi niligpit ko na ang mga natira na isda nilagyan ko ng yelo at Asin bago ko hinila sa pinagiiwanan namin ng paninda sa palengke. Saka ako pumunta sa malaking bahay para magbayad ng isda na itininda ko. Utang lang kasi yun sa gabi namin binabayaran pagkatapos naming magtinda.
"O inday nandito ka pala"
Sabi ni Dona Elizabeth ng makita niya ako palabas ng bahay nila.
"Ala e. Naghatid lang po ako ng bayad sa isda eh."
Sagot ko dito. Saka ngumiti dito. Sila Ang kinukuhanan namin ng isda. Sila din ang mayari ng palengke na tinitindahan namin sa kanila rin kami nagbabayad ng pwesto namin.
"Inday punta ka dito sa bahay sa lingo Birthday ko. Ipapakilala kita sa anak ko."
Sabi nito sa akin. Naalala ko sa tuwing magkikita kami nito nagkwekwento ito sa anak niya. Malapit Kasi silang magasawa sa akin. Lalo na si Doña Elizabeth. Natutuwa daw kasi siya sa akin at humahanga siya sa kasipagan ko.
"Ay sandali Inday may ibibigay ako sayo dalahin mo sa mga kapatid mo."
Sabi niya bago pa ako maka react pumasok na siya sa bahay. Maya maya may dala na siyang dalawang paper bag.
"Ala e. Ano po ba ere?"
Tanong ko dito.
"Ah. Yung isa ulam yan. Sobra na naman ang niluto ni Luming masasayang lang at yun isa may kaibigan akong galing sa ibang bansa. Naku binigyan ba naman ako ng mga chocolate ginawa akong bata. Ipapadal ko sana sa bahay niyo eh buti nakita kita." Sabi nito. Nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Ala e. Bakit po bata lang po ba ang dapat kumakain ng chokolate? Bawal po ba yan sa matanda? Nakakahiya naman po. Pero sige po Ibibigay ko po sa mga kapatid ko. Sabi po kasi ni nanay bawal po ang tumatanggi sa grasya dahil baka sa susunod ang grasya ang tumangi sayo. Ka salamat na lang po e." Sabi ko dito. Sabay tawa. Na tawa na lang din si Doña Elizabeth sa akin.
"Naku Ikaw talaga Inday. Hindi naman bata lang ang pwedeng kumain ng chocolate at hindi din naman ito bawal sa matanda. Madalas lang na mga bata ang mahilig kumain ng chocolate. Ikaw talagang bata ka ang sarap mong kausap." Sabi nito sa akin. Napatango na lang ako. Pero hindi ko parin maintindihan ang sinabi niya. Kaya tumawa na lang ako. Natawa na din siya sa akin. Ganito lagi sa tuwing nakikita niya ako. Kung ano ano ang binibigaya niya pero hindi nawawala ang ulam.
Tuwang tuwa ang kapatid ko ng makita ang dala ko.
"Ala e. Ate galing ka ba sa malaking bahay kaya ka may dala na pagkain?"
Tnong nito sa akin. Tumango ako nilagay ko sa lalagyan ang dala ko at binigay sa kanila ang isang paper bag. Kaya natuwaan sila ng makita ang laman nito. Ng naghain na ako ng pagkain namin.
"Ala e tayoy kumain na at akoy nakapag hain na e." Sabi ko saka kami nagsikain lahat. Sila ang pamilya ko.Tubong Batangas kami. Ulila na kami sa ama. May tatlo akong nakababatang kapatid, ako ang panganay. Lumpo ang aking ina At mahina ang puso. dahil ito sa pagkakadisgrasya nila noong papunta sila sa bilihan ng Gulay ni ama. Bumangga ang jeep na sinasakyan nila, na siyang ikinamatay ng ama ko at yun din ang dahilan kung bakit na lumpo si nanay. Nagkaroon ng butas Ang puso niya ng tumama ito sa matigas na bagay. Kaya na hinto ako sa pagaaral first year high school lang ang inabot ko dahil mula noon ako na ang tumayong padre dipamilya sa amin. Nauubos ang pera na naiwan ni ama sa pagpapagamot ko Kay nanay. Kaya naibenta ko ang pwesto namin pati bahay namin. At Dito kami napadpad sa skwater erea na to. Dati akong kargadora ng Isda sa palengke kaya ako nakilala na Inday Banyera. Ng makilala ko si Doña Elizabeth binigyan nila ako ng pwesto sa palengke at pinautang ng isda. Sa gabi ko na binabayaran ito. Naging malaking tulong ito sa akin. Dahil dito nakabalik sa school ang mga kapatid ko. Nabibili ko narin ng gamot ang nanay ko.
Kinabukasan nasa paleng na naman ako dala dala ang banyera ko.
"O ayan na si Inday Banyera daladala na naman ang banyera niya."
Sabi ni Mina na katulad ko ding tindera ng isda.
"Alae ano ba dapat ang dalahin ko sa palengke? E ang tinda ko isda alangan naman bayong e hindi naman ako mamamalengke. Ikaw talaga mina hindi nagiisip." Sabi ko sa kanya at pinila ang banyera na dala ko. Nagtawanan sila.
"Ayan si Inday Banyera. Hindi na wawalan ng sasabihin." Sabi ni aling Bebang sa kanila. Nagtawanan uli sila.
"Alae. Natural matalino kaya ako sa klase e. top nuch pa e." Sabi ko. Lalo silang Nagtawanan. Tumawa na lang din ako kahit hindi ko alam ang tinatawanan nila.
"Uy Inday may kasayahan kela Doña Elizabeth sa lingo ah imbitado lahat. Darating daw ang anak niya na mayaman sa palawan." Sabi ni Maria.
"Pupunta ka ba Inday?"
Tanong nito sa akin.
"Ala hindi ko alam e. Hindi ako nangangako."
Sabi ko sa mga to.
"Ay sus pumunta kana minsan lang.
Yun mangyari."
Sabi nito uli sa akin. Hindi parin ako umimik.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Doña Elizabeth. Simpleng T-shirt na navy blue at maong na kupa ang suot ko. Itinali ko pataas ang buhok ko.
"Ala e. Ate ipag uwi mo naman kami kahit yung tira tira laang. Pwede na iyun." Sabi ng bunso kong kapatid. Napangiti ako dito.
"Ala e. Syempre."
Sagot ko naman dito. Saka nagpaalam na sa kanila at umalis na.
Nasa labas na ako ng malaking bahay kinakabahan akong pumasok ng bumukas ang gate at may lumabas.
"O hayan na pala si Inday!"
Sabi ni Berto
"Naku ipapasundo sana kita dito kay Berto e " Sabi ni Maria. Pumasok kami sa loob. Naguumpisa na ang Party.
"Wag kang mahiya. Walang inimbitahan na sosyal sila Doña Elizabeth puro taga palengke lang at yung kapitan at Mayor."
Bulong nito sa akin. Ng kumukuha na ako ng pagkain.
"Alae Nasan si Doña Elizabet?"
Tanong ko dito.
"Nasa loob. Ang alam ko masama ang loob kasi hindi makakapunta ngayun dito ang anak niya. Kaya maagang nagpahinga, si Don Maurizio lang ang kausap nila kapitan sa loob ng bahay."
Sabi uli nito. Na wala ang pagkailang ko nagsayawan kami. Naginuman sila hindi ako na inom ng alak.
"Wow ate ang sasarap nito mayaman talaga ang amo mo ate no."
Sabi ng bunso kong kapatid. Habang kumakain ng lichong Manok kumuha ako kanina ng lahat ng handa. Habang nagkakasayahan silang lahat binalot ko sa dala kong plastik. Kaya tuwang tuwa ang mga kapatid ko ng dumating ako.
Mabilis na lumipas ang panahon.
Hindi ko namamalayan.Graduation na ng kambal kong kapatid sa grade six kaya naman todo kayod ako.
"Hoy Inday, lalaki na ang gastusin mo ngayun lalo nat parepareho ng high school ang mga kapatid mo."
Sabi ni aling Bebang.
"Ala e. Oo kaya nga todo todo ang pagsisikap ko sa pagtitinda. Kasi nagiipon ako para sa college ng isa kong kapatid sa susunod na taon."
Sabi ko sa kanya.
"Mabuti ka pa. Alam mo ang swerte ng kapatid mo at Ina mo sayo. Kung kagaya mo lang ang anak ko, aba siguro ako na ang pinaka ma swerteng magulang sa mundo."
Sabi nito. Na tawa ako sa sinabi niya at
napa isip ako sa sinabi niya.
"Swerte daw ang ina ko at kapatid ko sa akin bakit nanalo ba sila ng hweteng o kaya sa bingo baka naman sa lotto hindi lang nagsasabi sa akin kasi gusto akong sorpresahin. Pero bakit nasama ako. Baka sinwerte sila dahil sa akin." Bulong ko.
"Hoy! Ano ang iniisip mo at hindi kana umimik diyan."
Sabi ni aling Bebang.
"Alae. Iniisip ko kasi aling Bebang kung saan nanalo ang mga kapatid ko at ina ko kung sa hweteng ba sa bingo O baka sa lotto at hindi lang nila sinasabi sa akin. Ano sa palagay niyo aling Bebang?"
Tanong ko dito.
"Aba malay ko Inday hindi naman ako marunong niyan."
Sagot naman nito sa akin.
"Alae. Aling Bebang sabi niyo po kasi maswerte ang mga kapatid ko saka ang ina ko sa akin. Kaya iniisip ko kung saan sinwerte sila sa hweteng ba sa Bingo O baka naman sa lotto. Naku aling Bebang sabihin niyo na alam kong alam niyo po kung saan sila nanalo kasi nalaman niyo na sinwerte sila e." Sabi ko sa kanya at sinundot ko pa ang tagiliran niya. Na tigilan siya maya maya humagalpak ito ng tawa.
"Haay. Ikaw talaga Inday ang talino mo talaga kausap." Sabi nito ng matapos kakatawa.
"Ala alam ko na po yun matagal na. Top nuch kaya ito sa school. Pero sige wag niyo na lang sabihin aling Bebang baka sorpresa nila yun sa akin e" Sabi ko sa kanya. Lalo siyang tumawa. Naki tawa narin ako sa kanya.
**********
Maaga akong nagising para magluto ng almusal ng mga kapatid ko at nanay ko. Nag sangag ako ng kanin at nagprito ng itlog at tuyo saka nagtimpla ng kape.
"Ala e. Kumain na tayo at aalis pa tayo" Sabi ko sa kambal kong kapatid. Dahil hinahatid ko pa sila sa school bago ako pumupunta sa palengke at magtinda. Sa madaling araw ako pumipila para kumuha ng Isda Saka iiwan ko ito sa iwanan namin ng paninda. Uuwi muna ako para magasikaso sa kanila bago ako babalik sa palengke para magtinda.
.
.