Chapter 02
3rd Person's POV
"Ren? Kamusta school?" tanong ni Charm sa kapatid matapos ito batiin. Nahirapan kasi si Charm na hanapan ng school ang kapatid.
Wala pang isang linggo ito sa isang university gusto na nitong lumipat ng school. Sa taon na iyon lima o anim na beses itong na-kicked out at tatlong beses siya nag-file ng transfer out.
"Halatang hindi na siya nabo-bored sa bago niyang school. Kung may kama at unan lang sa university baka hindi na iyan umuwi," sabat ni Nathan na nakaupo sa sofa at may hawak na magazine.
"Ren, marami bang magandang babae sa university na pinapasukan mo ngayon?" ani ni Charm na humahagikhik. Inirapan siya ng kapatid na lalaki at binato ang bag sa sofa.
"Kung babae lang din naman ang habol ko sa isang university sana sa all girls school na ako nag-enroll," sagot ni Reniego at naglakad palapit sa sofa— umupo at sumandal.
Hindi pa nakaka-sink in sa isip ni Charm Giovilli ang sinabi ni Reniego nang mapaubo si Nathan. Nasamid ito sa sariling laway matapos narinig ang sinabi ng kapatid.
"All girls school? Lalaki ka hindi ka tatanggapin doon. Hmm, pero pwede natin kausapin si hubby. Pwede ko sabihin sa kaniya na gusto ni Ren pumasok sa isang all girls school!" ani ni Charm. Napatingin si Reniego at napa-pokerface.
"Hindi ako interesado sa babae, ate. Iyon ang point ko," sagot ni Reniego. Paano niya nakalimutang ang ate niya ang kausap niya na may zero common sense.
"Ow," ani ni Charm at nilagay ang daliri sa baba. Napakunot ang noo ni Reniego habang nakatingin sa nakakatandang kapatid.
"Ano pa lang ginagawa mo dito ate? Nag-divorce na ba kayo ni brother-in-law at binalik ka dito?" tanong ni Reniego na alam naman niya na imposible. Hindi lingid sa kaalaman nila kung gaano ka-head over heels ang mafia boss sa kapatid nila.
"Anong divorce! Hindi ako hihiwalayan ng hubby ko," ani ni Charm at nag-cross arm. Mabibigat ang paa nitong tumungo sa isang sofa at umupo doon.
"Iyon ang mangyayari ate kapag hindi ka pa umuwi. Paano kapag nakakita ng mas maganda at mas sexy si Mr.Giovilli habang wala ka?" tanong ni Nathan Kim. Sumama ang expression ng mukha ni Charm at umismid.
"Hindi pa din ako babalik. Ayaw niya ako pakainin ng ice cream! Pangatlong araw na ito— naiinis ako sa kaniya. Hindi ako mabubuhay ng walang ice cream," ani ni Charm at parang bata na nagpapadyak.
"Ayos lang ba na nandito si ate?" tanong ni Reniego kay Nathan. Masyadong magulo ngayon ang sitwasyon sa angkan ng mga Giovilli. Wala sa paligid ang asawa ng kapatid nila.
"Nah, nasa paligid lang ang mga tauhan ng mga Giovilli. Sigurado din ako maya-maya nandito na sina Turos," ani ni Nathan. Kinuha ni Reniego ang sariling bag at binuksan iyon.
"Ren, hindi ka na naman nagdadala ng deadly weapon sa university diba? Tinutupad mo pangako mo sa akin na hindi ka na gagawa ng gulo sa university?" out of the blue na tanong ni Charm. Napatigil ang kambal at tumingin sa kapatid.
"You don't need to worry ate. Hindi na ako nagdadala ng deadly weapon sa school," ani ni Reniego. Gusto ni Charm na maranasan ng dalawang kapatid ang buhay ng mga normal na tao. Walang pagpatay at mga sandata.
Iyon ang dahilan bakit niya gusto pumasok sa school ang dalawang nakakabatang kapatid. Naalala niya bigla 'nong sinabi niya sa dalawa na balak niyang ipasok si Reniego at Nathan sa school.
Agad na tumutol ang dalawa. Sinabi ng mga ito na hindi nila kailangan ng school at kaibigan. Ngunit pinilit ni Charm ang gusto— pilit niyang pinakuha ng exam ang kambal at doon nga— na-accelerate agad ang mga ito sa college.
Natuwa naman si Charm dahil hindi siya nagkamali sa desisyon na pag-aralin ang mga ito. Si Nathan ay nahilig sa mga books at unti-unti na itong nasiyahan sa pag-aaral.
Si Reniego medyo natagalan nag-adjust sa bago nitong lifestyle ngunit mukhang nahanap na nito ang tamang lugar niya at tumagal ito sa bago niyang university ng mahigit isang buwan.
Bago kumakagat ang dumilim. Dumating si Chronus ang kasalukuyang mafia boss ng mga Giovilli. Nagkaraoon pa ng konting dog fight matapos nga dumating si Chronus at pilitin si Charm na umuwi.
Napasapo sa noo si Chronus matapos tumakbo si Charm patungo sa hagdan at umakyat para pumasok sa kwarto. Hindi sinasadya ni Chronus na mataasan ng boses si Charm at alam ng mafia boss na mahabang suyuan na naman iyon.
Napatigil si Chronus at lumingon. Nakita niya ang kambal na Kim at napako ang tingin kay Reniego na ngayon ay hawak ang phone.
"Anong meron sa inyo ni Marcus?" out of the blue na tanong ni Chronus. Hindi na niya niya nahaharap ang kambal na Kim dahil sa trabaho at pinakiusap nga ni Charm na huwag ng isama ang kambal sa trabaho nina Chronus at ng iba pang kapatid ni Charm na related sa organization.
Gusto ni Charm pag-aralin ang mga nakakabatang kapatid kaya gusto putulin ni Charm ang koneksyon ng dalawa sa underground at sa organization para maka-focus ang mga ito sa pag-aaral.
Nagtaka si Chronus dahil may natatanggap siyang report na nakikipag-get a long si Reniego sa isa sa mga tagapagmana ng mga Salvacion.
"Marcus?" ulit ni Nathan at nilingon si Reniego. Bumuga ng hangin si Chronus at sinabihan si Reniego na iwasan si Marcus.
Hindi malayong mapasama ulit ito sa gulo kung pagpapatuloy nito ang pakikipag-get along sa isa sa mga Salvacion.
Walang problema sa angkan ng mga Giovilli kung magkakaroon ng koneksyon si Reniego sa mga Salvacion o makipagkaibigan ito ngunit hindi dapat sa mga panahon na iyon.
Hindi lingid sa kaalaman ni Chronus ang kasalukuyang gulo na kinasasangkutan ni Marcus at ayaw niya na masangkot pa doon si Reniego lalo na nangako ito kay Charm na iiwas sa gulo.
"Hindi ko pwede basta layuan si Alvis," sagot ni Reniego. Napatingin si Chronus at Nathan.
"Bakit naman hindi? Don't tell me gusto mo na naman magalit si ate at mabalian ng mga buto nina kuya," banat ni Nathan. Hindi umimik si Reniego.
—
Sa kwarto ni Reniego— nakaupo si Reniego sa gilid ng kama habang hawak ang katana nito na ilang taon niya na din na hindi nagagamit.
Bumuga ng hangin si Reniego at binaba ito sa study table. May kumatok sa pinto kaya napatingin si Reniego.
Bumukas iyon at punasok si Nathan. Napatingin ito sa paboritong katana ni Reniego na nasa study table.
"Kapag nalaman ni ate at nina kuya ang pakikipag-get a long mo sa mga Salvacion at nasangkot ka na naman sa gulo siguradong puputulan ka na nina kuya ng paa," pagbabanta ni Nathan. 7 years ago nangako sila kay Charm at sa mga kapatid nito na hindi na muna sila hahawak ng sandata habang hindi pa sila tapos mag-aral.
"Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan sina kuya. Bakit ba nila pinipilit na mabuhay tayo ng normal o kung anong gusto nilang matutunan natin. Boring ang school," reklamo ni Reniego. Kung hindi lang dahil sa isang tao hindi niya hahayaan ang sarili na magtagal sa university na iyon.