Chapter 03
3rd Person's POV
7 years ago nasangkot sa isang insidente sina Nathan at Reniego. Nakapatay ng mga inosenteng tao sina Reniego— nag-freak out si Charm dahil doon at muntikan pa mahulog ang dinadala nitong mga bata.
Sobrang na-dissapoint din ang magkakapatid na Kim dahil sa ginawa ng kambal na 'nong mga panahon na iyon ay nasa trese anyos pa lang.
Walang pagdadalawang isip ng mga ito pinatay ang isang babaeng buntis para mapatay ang target na pinoprotektahan ng buntis na babae.
"Naiintindihan kita pero sa ngayon kailangan muna natin sila sundin. Honestly, ayoko ng makitang umiyak ulit si ate Charm," ani ni Nathan. Nanahimik si Reniego.
—
"Anong nababalitaan namin na nagkakaroon ng p*****n sa university? Halos lahat ng report na natanggap ko about sa case na iyon kasama ang pangalan mo," ani ni Marc Lawrenz Salvacion na kasalukuyang mafia boss.
Nasa harap nito si Marcus na kasalukuyang nagkakamot sa ulo. Hindi niya akalain na makakarating iyon sa kapatid— bakit pa ba siya magtataka nandoon ang isa pa niyang kapatid na walang ginawa kung hindi i-report ang mga kabalustugan niya sa university. Nilingon siya si Kenjie at tiningnan ng masama. Hindi siya pinansin nito at nagpasipol-sipol lang.
"Wala naman siguro sa report na iyan na nagsasabi na ako ang may gawa diba?" ani ni Marcus. Napataas ng kilay si Marc.
"Pero lahat ng ito konektado sa iyo dahil kalahati yata ng populasyon ng babae sa loob ng university niyo naging girlfriend mo," ani ni Marc. Narinig ni Marcus na nagtawanan ang ilang mga kapatid sa bar counter.
Sinamaan sila ng tingin ni Marcus kaya nagkaniya-kaniyang tahimik ang mga ito at nagpigil ng tawa.
"Look— masyado kang overeacting, Marc. Wala akong kinalaman sa nangyayari na iyan at isa pa maaring nagkataon lang diba?" ani ni Marcus na kahit ang totoo ay hindi siya sigurado doon lalo na may natatanggap siyang mga letter na maaring ang sender at killer ay iisa.
"May list ako lahat ng pangalan ng babaeng na-link sa iyo. Pina-check ko na din lahat ng background nila at ang tanging namin na clue ay ang koneksyon nila sa iyo. Ex girlfriend mo silang lahat at mga flings."
"Pati iyong babaeng nahulog sa rooftop na nailigtas mo. Isa siya sa mga admirers mo— na ngayon ay patay na," ani ni Marc. Nagulat doon si Marcus.
"Ano bang nangyayari Marcus? May nakaaway ka ba?" tanong ni Marc. Iniisip ni Marc na maaring revenge ang motibo ng killer ngunit may mali doon. Kung revenge bakit ang pinapatay nito ay ang mga babaeng nali-link kay Marc?
"Last 3 days after ng anniversary niyo ni Samantha. Nag-decide akong putulin na ang koneksyon ko sa lahat ng ex and recent girlfriends ko. I mean nag-decide na ako magbago," ani ni Marcus. Napalingon doon ang mga nakakatandang kapatid ng kambal na si Marcus at Marc.
"Wala na akong nilalapitan na babae ngayon at dini-date," dagdag ni Marcus. Bumuga ng hangin si Marcus at sinabi ang about sa mga sulat na natanggap niya before ang announcement na iyon.
Binigay niya iyon sa kapatid na agad naman sinuri ni Marc. Pinakiusapan siya ni Marcus na kapag may nalaman sila ay agad siyang iimporma.
Pagkaalis ni Marcus sa opisina ni Marc. Nagsalita si Marc at tiningnan si Kenjie.
"Nasa university din na iyon ang isa sa mga Kim diba? May iba bang kinikilos ang taong iyon?" tanong ni Marc. Tinutukoy nito si Reniego Kim— hindi lingid sa kaalaman ni Marc ang tunay na pagkatao ng binata.
Naghihinala pa din ito sa biglaang pagpasok sa university na iyon ng isa sa mga magkakapatid na Kim at pakikipag- get along nito kay Marcus na walang kaalam-alam kung sino si Reniego Kim.
"Wala naman kahina-hinala maliban na lang sa pakikisakay nito sa katarantaduhan ni Marcus," sagot ni Kenjie. Ilang beses na kasi niya nakita si Marcus na tino-torminate si Reniego.
Halos atakihin siya sa puso matapos makita iyon ngunit hindi ito pinapatulan ni Reniego. Masyadong delikado si Reniego Kim at hindi doon aware si Marcus. Paano na lang kapag nalaman nito ang tunay na pagkatao ni Reniego.
Curious pa din si Kenjie bakit iyon ginagawa ni Reniego at anong pakay nito kay Marcus.
"Nakausap ko si Turos tungkol sa isa sa kambal. Hindi tumatanggap ng mission ang kambal at nandoon lang talaga ang isa sa nga Kim para mag-aral kaya imposibleng may kinalaman si Reniego Kim sa nangyayari sa university," ani ni Andrei Arc Salvacion. Ang panganay sa magkakapatid at nagbibigay ng suporta sa posisyon ni Marc bilang mafia boss.
"Masyado pa din delikado ang taong iyon isa pa nabalitaasn niyo naman yata ang nangyari 7 years ago diba?" ani ni Harold Jay Salvacion. Hindi umimik ang mafia boss at nanatili lang itong nakikinig sa discussion ng mga nakakatandang kapatid tungkol kay Marcus at isa sa mga Kim.
—
Napaupo si Marcus sa sahig matapos siya tamaan ng plastic bottle sa noo 'nong ibato iyon ni Reniego sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na hindi niya naiwasan iyon.
Binuhusan niya kasi ng tubig si Reniego mula sa ikatlong palapag ng building nito. Mukhang napikon ito kaya binato siya ng plastic bottle sa noo. Hindi naman gaanong masakit iyon bumagsak lang siya dahil nakasampa siya sa railing kanina.
Sumama ang mukha ni Marcus at mabilis na tumayo. Lumapit siya sa railing at tiningnan ng masama si Reniego na basang-basa. Napatigil si Marcus matapos makita ang wet look ni Reniego. Tinanggal nito ang suot na salamin at bagsak ang buhok nito.
Dahil walang coat ito na suot ngayon— bakat na bakat ang katawan nito sa suot na puting longs sleeve.
Napaisip si Marcus kung natural bang makita niyang sext at isang hot ang isang lalaki. Bumalik lang yata lahat ng senses ni Marcus matapos siya ngisian ni Reniego.
Dumilim ang mukha ni Marcus sa idea na mukhang nang-aasar si Reniego dahil alam ng binata ang iniisip niya.
Tinaas ni Marcus ang gitnang daliri at umuusok ang ilong na umalis doon. Bumuga ng hangin si Reniego at ginulo ang buhok niya. Pangatlong ligo na yata niya iyon sa umaga na iyon.
"Grr kung hindi ka lang talaga— haist nevermind. Kontakin ko na lang ngayon si Nathan para dalhan ako ng uniform," bulong ni Reniego. Ang alam niya ay walang klase ang kapatid sa mga oras na iyon.
Masyado pa naman maaga para sa first class niya. Nakapamulsahan na tinungo ni Reniego ang main gate matapos siya mag-iwan ng mensahe sa kakambal.
Ngunit patungo pa lang si Reniego sa main gate nang tawagin siya ng isa sa mga kaklase at sinabing pinatatawag sila ng adviser nila mula sa ikatlong palapag.
—
Nakaupo si Marcus sa isang bench. Nakasandal sa bato at nakapatong ang dalawang braso sa sandalan.
Nakatingala si Marcus at nakapikit. Kinakalma niya ang sarili dahil baka kapag nakita niya si Reniego ay tanggalin nito ang bibig sa gwapong mukha ng binata.
"Excuse me."
Napatigil si Marcus at napatingin sa harapan. May lalaking nakatayo sa harapan niya— mukhang galing ito sa ibang school base sa uniform nito.
Gwapo din ito, kasing build ng katawan ni Reniego at— gusto yata ni Marcus sampalin ang sarili dahil doon.
Kailan pa siya nagkainteres sa features ng katulad niyang lalaki. Kasalanan iyon lahat ni Reniego.
"Anong kailangan mo?" maangas na tanong ni Marcus. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino.
"Kilala mo ba si Reniego Kim? Kailangan ko ihatid sa kaniya itong mga pinakuha niya sa akin na uniform."
Gumusot ang mukha ni Marcus doon. Masyadong malayo ang mukha ni Reniego sa lalaking kaharap niya para maging kapatid ito.
Mas lalong nanggigil si Marcus dahil nagawang mag-propose sa kaniya ni Reniego kahit may kinakasama ito.
Hindi lingid sa kaalaman ni Marcus ang s****l orientation ni Reniego dahil pinatulan nga siya nito at may nangyari sa kanila.
"Kilala ko siya. Tamang-tama papunta ako doon," ani ni Marcus at tumayo. Ngumisi si Marcus bago inabot ang kamay kay Nathan Kim.
"Marcus Alvis Salvacion."