01

1278 Words
Chapter 01 3rd Person's POV "W-what?" ani ni Marcus na may gulat sa mukha. Ngumisi si Reniego. "I'll take the responsibility. Iyon naman ang rason kung bakit mo ako ginugulo ngayon diba?" ani ni Reniego habang nakatungkod ang dalawang braso sa pader na nasa gilid ng ulo ni Marcus. "What! Anong responsibility?" "I'll marry you," pokerface na sambit ni Reniego nagulantang si Marcus matapos marinig iyon. Nawalan ng kulay ang mukha niya kaya agad na umigkas ang kamao ni Marcus at sinuntok ang sikmura ni Reniego. Napamura si Reniego at napaluhod dahil doon. Pinagmumura siya ni Marcus at sinabing walang may gusto ng kasal. Umuusok ang ilong na umalis si Marcus at nagpapadyak. Nang mawala sa paningin ni Reniego si Marcus. Tumawa ang binata at balewalang tumayo. "Mukhang mas magiging interesante ang mga araw ko dito— malayo sa inaasahan ko," ani ni Reniego na nakangisi. Sinuklay nito ang sariling buhok at napatigil matapos may makita siyang grupuhan ng babae na patungo sa direksyon niya. Umalis si Reniego doon at nagtago sa maliit na espasyo— sa pagitan ng dalawang classroom. "Nasaan na ang gagong iyon? Hindi naman siguro nag-suicide ang multo na iyon dahil ni-reject ko." Nakita niya si Marcus na may hawak na tubig. Nagkakamot ito sa ulo habang tinitingnan ang paligid. "Karen, si Marcus oh." Pinagmasdan ni Reniego ang grupuhan ng mga babae na patungo ngayon kay Marcus. Tiningnan ito isa-isa ni Reniego. "Marcus, totoo ba? Wala ka ng girlfriend ngayon?" tanong ng isa sa mga babae. Sumama ang mukha ng isa sa mga babae matapos marinig iyon. Pagkatapos magkipag-ayos ni Marcus sa kapatid at tuluyan ng ipaubaya ang first love niya na si Samantha. Nagpasya na si Marcus na baguhin ang buhay niya at mag-focus sa course na tini-take niya ngayon. Kinausap niya din lahat ng girlfriend niya at makikipag-break na siya. Sa isip ni Marcus hindi naman siya mamatay ng walang girlfriend— isa pa kung ipagpapatuloy niya ang bad habit na iyon ay siguradong puputulan na siya ng leeg ng mga kapatid niya. Agad na napalibutan ng mga babae si Marcus. Hindi makapaniwala doon si Reniego. Napa-pokerface ang binata sa idea na hindi na siya nagtataka kung bakit maraming nagiging girlfriend si Marcus. Masyadong agressive ang mga babae at kulang na lang itapon ang sarili nila kapag nakakita ng gwapo. Napataas ng kamay si Marcus at alanganin na umatras. Sinabi nito na wala siyang balak makipag-hang out at sumama sa kahit na anong date. "Salvacion? Akin ba iyang tubig na hawak mo?" tanong ni Reniego na nakasandal sa pintuan ng isang classroom. "Gosh, kailan pa siya diyan? Transferee ba siya? Ang gwapo!" Tumayo ng ayos si Reniego. Walang ingay ang hakbang nito— napa-pokerface si Marcus. Hindi niya nararamdaman talaga si Reniego. Walang ingay ang hakbang nito at talagang hindi niya nararamdaman ang presensya nito. "Sino may sabing para sa iyo ito? Ano pang ginagawa mo dito?" ani ni Marcus. Pasimple itong lumayo sa mga babae at lumapit kay Reniego. "Nakalimutan mo na bang building namin ito at nasa harap ang classroom ko? Ikaw dapat ang tanungin ko. Anong ginagawa mo pa dito?" tanong ni Reniego. Pasimpleng tinulak ni Marcus si Reniego paalis doon. "Pasensya na pero aalis na kami. Marami pa kaming dapat asikasuhin," ani ni Marcus at ngumiti. Tila tumaas naman ang mga balahibo sa katawan ni Marcus matapos maramdaman muli ang pamilyar na tingin. Lumingon siya— nakatakikod na ang mga babae at mukhang patungo ang mga ito sa kabilang direksyon. "Hindi ko alam kung imagination ko lang pero pakiramdam ko parang lagi akong pinanonood," ani ni Marcus habang tinitingnan ang paligid. Lumapit si Marcus sa railings at tumingin sa ibaba. Nagtaka si Marcus matapos makitang nagkakagulo ang mga estudyante sa ibaba at may tinuturo sa itaas. "Anong nangyayari?" tanong ni Marcus. Lumapit si Reniego sa railing— hindi pa nakakailang hakbang si Reniego. Biglang may tumili sa itaas at may nakita silang estudyante. Nanlaki ang mata ni Marcus at mabilis na inabot ang braso ng babae. Napamura si Marcus matapos madulas ang isang kamay niya na nakahawak sa railing at madadala siya. Mabilis na tumalima si Reniego at hinawakan ang bewang ni Marcus at yumuko. Inabot ang isang kamay ng babae na nagpapalahaw ng iyak. Sabay na hinila ni Marcus at Reniego ang babae. Bumagsak ang babae sa sahig at naupuan ni Marcus si Reniego na nakahiga ngayon sa sahig. "This is insane," react ni Reniego. Nag-iiyak ang babae kaya parehong napatingin ang dalawang binata. "Little wife, mukhang nasisiyahan ka diyan sa ibabaw ko," ani ni Reniego. Napatayo si Marcus at sinipa si Reniego sa hita. Tumawa si Reniego at tiningnan ang estudyante. Dumating ang mga teacher at dinaluhan ang babae. Pamilyar kay Marcus ang babae na iyon kaya napakunot ang noo ni Marcus. — "Masyadong wierd ang mga nangyayari. Pinagdidiinan ng babaeng iyon na wala siyang balak mag-suicide. May tao lang na nanakot sa kaniya at tinulak siya," ani ni Marcus. Naghihikab na sumandal si Reniego sa poste. "Isa iyon sa mga babaeng naglalagay ng sulat sa locker mo. Nakita ko siya minsan," ani ni Reniego. Tumingin si Marcus at kumunot ang noo. "As far as i know— magkaiba ang locker roon ng deparment natin. Paano mo nalaman?" tanong ni Marcus na tila naghihinala kay Reniego. "Idiot, kinulong mo ako sa locker room niyo last monday? Kung hindi dumating ang babaeng iyon sa locker room niyo hindi ako makakalabas," malamig na sambit ni Reniego. Ngayon alam na ni Marcus kung saan niya nakita ang babaeng iyon. "Then isa na naman ito sa mga laro ng nagpakilalang ex girlfriend mo?" ani ni Reniego na kina-pokerface ni Marcus. "Will you shut up, hindi ko nga maalala mukha ng babaeng nagpakilalang ex girlfriend ko," sagot ni Marcus na ngayon ay masama ang tingin kay Reniego. "Sa dami ng mga naging ex girlfriend mo. Hindi na nakakapagtaka na wala kang kilala kahit isa sa kanila." Kasalukuyang nagsusukatan ng tingin sina Marcus at Reniego sa gitna ng hallway nang may marinig silang tumikhim. Parehong lumingon ang dalawa at nakita nila si Kenjie Ash Salvacion. Kasalukuyan itong isa sa mga professor sa university na iyon. Nagtaka si Kenjie matapos makitang magkasama na naman ang dalawa. "Marcus, binu-bully mo na naman si Kim?" tanong ni Kenjie. Hindi alam ni Marcus kung imagination niya lang pero may bahid na pag-aalala sa expression ng kapatid. Napa-pokerface si Marcus sa idea na lahat na lang ng tao masama ang tingin sa kaniya. Para bang lagi siyang gagawa ng gulo. "Alis na pala ako. Malapit na magsimula ang next class ko," ani ni Reniego at tumalikod. Nanlaki ang mata ni Kenjie matapos makitang may nakadikit sa likod ng binata. May nakadikit na papel sa uniform na Reniego at may nakasulat doon na I'm gay. Napatakip ng bibig si Marcus habang nagpipigil ng tawa. Tiningnan ni Kenjie si Marcus at napasapo sa noo. Ilang beses niya na sinabihan ang bunsong kapatid na layuan si Reniego ngunit hindi ito nakikinig. "Marcus, ilang beses ko na sinabi sa iyo na tigilan mo si Kim. Hindi siya iyong tipo na maari mong maka- get akong," ani ni Kenjie. Hindi normal na estudyante lang si Reniego at alam iyon ni Kenjie. "Ha? May sinasabi ka kuya?" tanong ni Marcus na nakatingin sa kapatid at nakangisi. "Marcus Alvis!" Tumakbo si Marcus habang tumatawa. Bumakas sa mukha ni Kenjie ang pag-aalala. Tumingin si Kenjie sa railing at sa ibaba ng building. Nakita niya si Reniego na hawak ngayon ang papel na dinikit ni Marcus sa likod niya. Sumama ang mukha ni Kenjie matapos makitang lumingon sa direksyon niya si Reniego. Nilagay nito ang mga daliri sa labi at parang sinasabi sa kaniya na manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD