Chapter 04-Dare

1631 Words
Chapter 04 Gunner's POV Pinilit niyang kumawala mula sa akin, ngunit pinigilan ko siya. Lalo kong hinigpitan ang yakap na ginagawa ko sa kanya. "Bitawan mo ako, ano ba? You are hurting me!" pagpumiglas niya mula sa akin. Itinulak niya ako ng buo niyang lakas. Napaatras ako sa ginawa niya. Nagsalubong ang mga mata ni Chantal na nakatitig sa akin. " I dont know you, sa ginawa mo pwede kita kasuhan ng s****l harassment. Did you know that?" she said, the chinky eyes turned chinkier. Napamaang ako sa mga narinig mula sa kanya. Seryoso ba siya? Na hindi talaga ako kilala? I cursed silently. Ayaw kong makita sa mga mata niya, that she doesn't know me. And cursed myself even more. f**k! "Chantal, i'm taking you home.." Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig mula sa akin. Hindi ito agad nakasagot sa akin ang babae. " You—you're taking me home? Home where? And i'm not, Chantal and i dont even know you." Her voice is full of sarcasm. I cleared my throat. Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero pipilitin kong unawain. " To my parents house...sa batis, Chantal , sa tahanan namin na naging bahagi ng buhay mo bago kayo umalis ni Manang Lupe...." "To your parents house and Manang Lupe?" pag-uulit niya. Pagkatapos ay idinagdag sa boses na may banayad na panunuya, " at batis?" I shook my head. Baka sakaling maunawaan niya ako pero isang tawa ang pinakawalan niya. "What made you think that i'd go with you?" paangil niyang sabi. "Mula pagkabata itong Isla na ang aking tahanan at isa pa hindi kita kilala-" she paused for a while, tila may may iniisip saglit. "Yeah,you are the son of our beloved Governor Shawn Ezekiel Villafuerte," she smiled sarcastically. "Damn it, Chantal!" sambit ko. Nagagalit ako sa nararamdaman ko at gustong ilabas sa kanya. " Hindi mo ba ako nakikilala?" malumanay na tanong ko sa kanya. "Sino ba naman ang hindi makakilala sayo, Mr. Villafuerte and—" She stopped in mid-sentence, napabuga ito ng malalim na paghinga. Inilahad niya ang isang kamay tinitigan ko ito nang mabuti. "Anika Jarlego, i'm the owner of this resort at kami ang nagcater sa anniversary ng parent's mo," aniya na nakangiti sa akin. She act normally na parang ibang tao siya. Kahit sa mga mata niya wala akong nakikitang pagkukunwari. Maaring, hindi talaga siya si Chantal? Bakit magkamukha sila? Napabuga ako ng malalim na paghinga bago ko abutin ang kanyang kamay. "Gunner Flynn Villafuerte," pakilala ko rin sa kanya. Agad niyang binawi ang kamay mula sa akin. She bit her lower lip to hid a smile. Then almost in a whispered said. "Nice meeting you, Gunner." Tuluyan akong napangiti kahit papano. Hindi ko napigil ang sarili na itaas ang isang kamay patungo sa mukha ni Anika. My knuckles softly brushed her jawlines. Ito ang laging ginagawa ko sa kanya noon sa tuwing nasa Garden kami ni Mom. Napansin ko ang bahagya niyang pagpikit na tila ba dinama niya.Ngunit agad napawi ng bigla siyang kumurap. Ilang pulgada lang ang layo ni Chantal sa akin. Her eyes focused on my broad chest. Napalunok ito, habang umaakyat nang marahan ang paningin niya mula sa dibdib ko paitaas hangang sa lalamunan ko at patungo sa labi ko. Her eyes lingered for a while before they went up slowly to meet my eyes. We are staring at each other for a long while. No one dared to move. Then the spell broken when someone called anika's name. Paano ko makakalimutan ang mukha ng hinayupak na lalaking ito. Ang tarantadong sumira nang sasakyan ko. Masama din itong tumitig sa akin at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Anika. My eyes surveyed this man discreetly. Hindi ko gusto ang datingan niya. "Kilala mo ito?" galit niyang tanong kay Anika na sinabayan pa ng duro niya sa akin at ang boses nito ay puno ng sarkasmo. "Bakit? Ikaw hindi mo kilala?" patuyang sagot ni Anika sa kanya. He chuckled! Nanlisik ang mga mata nitong nakatitig sa babae. Pinakiramdaman ko lang silang dalawa sa oras na may hindi magandang gawin ang lalaking ito, hindi ako magdadalawang isip na basagin ang kanyang pagmumukha. Mataman lang itong tinititigan ni Anika. "What are you doing here? Baka mamaya gulo na naman ang dala mo?" paasik na tanong ni Anika sa lalaki. Lumapit ito kay Anika at inakbayan ang babae. Hindi ko maintindihan ang bumangon na inis sa dibdib habang nakatitig ako sa braso ng lalaki na nakapatong sa balikat ni Anika. "Stop being a cynic, Niks!" anito na nakangisi. "Masama ba? Kung papasyalan ko ang kapatid ko na wala ng ginawa kundi ang manirahan dito sa Isla." Kumunot ang noo ko sa narinig, magkapatid sila? So, siya ang Armand na tinutukoy ni Kurt kanina? One corner of my mouth twisted upward in a sarcastic smile. Niks? Is her pet name? Pabalya na tinanggal ni Anika ang braso nito sa kanyang balikat. At tinapunan ng masamang tingin ang lalaki na may kasamang pagtaas ng mga kilay. "Get lost, Armand!" naiinis na wika ni Anika sa lalaki. Then, my instinct is right! He is Armand, his brother. Napapailing ako ng ulo at hindi ko maiwasan na matawa sa sarili. I waited years to see her, pero ganitong sitwasyon pa. Nakakasira ng ulo ang mag-isip kung bakit ganito ang nangyari sa aming dalawa. Humakbang si Anika papasok sa loob ng hotel, sinubukan ko itong sundan pero hinarangan ako ng mga kasama ni Armand. Lumapit sa akin si Armand tinulak-tulak niya ako sa dibdib, dahil sa ginagawa niya napapa-atras ako. Akala siguro ng lalaking ito na uurungan ko siya. Hilaw akong tumawa sa kanya at nakangisi naman siya sa akin. Wag niya ubusin ang pasensiya ko baka bigla na lang siyang bumulagta sa buhanginan. Matagal-tagal na rin walang ensayo ang mga kamao ko baka siya ang una kong mabinyagan. Huli kong ginamit sa mukha ang mga kamao ko, 'nung bago ako pumunta ng Switzerland despedida party na ginawa ni Calix sa isang bar sa makati. Imbes na despedida nauwi sa rambulan. "Wag kang makalapit-lapit sa kapatid ko, layuan mo siya baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo," pagbabanta niya sa akin. Nginisihan ko siya at nagkibit-balikat ako para namang may paki-alam ako sa sinabi niya. "Paano kong ayoko?" sagot ko mismo sa pagmumukha niya. Napatiim-bagang ito, kita sa mukha niya ang pagtitimpi. Na animo'y kinokontrol ang emosyon, emosyon na halos parehas kaming dalawa. Isang maling hakbang niya lang kahit may mga kasama pa siya wala akong pakialam. "Salta ka lang dito kaya wag ka umasta na akala mo, pag-aari mo ang Isla. Teritoryo ko ito, tandaan mo yan? Hindi pa ako tapos sayo...Natatandaan na kita, ikaw ang sumira ng sasakyan ko." Galit na galit na wika nito at tinapik-tapik ako sa balikat. Pumalahaw ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "Hindi ako ang nagumpisa ng gulo kundi ikaw tulad ngayon inu.umpisahan mo ako baka hindi kita matantiya bubulagta kana lang diyan," i warned him dangerously. Dahil hindi ako nagbibiro sa sinabi. " Dahil kay Anika kaya nakatayo ka pa, kaya paraanin mo ako." Matigas kong sabi sa kanya. Lumingon siya sa mga kasama niya at nagtawanan sila. Pati ako nakisabay sa tawanan nila at nagkatinginan kami. Ilang sandali nanaig ang katahimikan sabay taas ng kamao niya sa ere pero bago ito tumama sa mukha ko ay mabilis ko itong naiwasan. Nawalan siya ng balanse at nasubsob ito sa buhanginan. Aakmang lalapit ang mga kasama niya para sugurin ako nang pigilan niya ang mga ito. Tumayo ito na parang walang nangyari. Nag-umpisang lumapit ang mga tao sa amin. Nakita kong patakbo na lumapit sa amin si Anika. Matalas ang mga mata nitong nakatitig sa akin, her eyes were like daggers. And i don't like the way she stare's at me. "Don't dare, the two of you!" pagbabanta ni Anika na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Armand. Tumiim ang mga bagang ni Armand na nakatingin sa akin. "Gusto lang naman kitang kausapin pero itong kapatid mo, hinahamon ako," paliwanag ko sa mahinahon na boses. Sinubukan kong lapitan si Chantal pero umatras ito. "Wala tayong dapat na pag-usapan. You can leave, Mr.Villafuerte," matigas niyang wika at tinalikuran ako. "Dalawang araw at isang gabi lang, Chantal, gusto kitang makasama. Let make things clear kapag napatunayan kong hindi ikaw ang babaeng hinahanap ko, i let you go," sigaw ko sa kanya, sa kabila na labag ito sa kalooban ko. Kung ito lang ang paraan para mapatunayan kong hindi ako nagkakamali sa hinala ko sa kanya. I am willing to take risks to find the answer to my question. Huminto siya sa paghakbang, dahan-dahan na lumingon sa akin. Anika stared at me unbelievingly. Bahagyang ipinilig ang ulo na tila ba hindi maintindihan ang sinabi ko. May nakikita akong nakapaloob na damdamin sa kanyang mga mata. Humakbang ito palapit sa akin. "Are you telling me that..." Napaungol ito ng mabasa ang kasagutan sa mukha ko. "Yes!" She chuckled at bahagyang lumayo sa akin. "Sa ikakatahimik mo at para tigilan mo ako sa kakatawag mo sa akin ng Chantal. Bukas ng hapon sharp 3pm sa motor cross field. Kapag natalo ka isang milyon ang ipupusta mo and leave Naguilan. Kapag nanalo ka, you can get your prize at ako 'yon. Tutupad ako kung ano ang usapan natin, Mr. Villafuerte , marami ang nakarinig at marami ang saksi. See you there." Walang kaabog-abog na sabi niya at tinalikuran ako. "Anika..." galit na sigaw ni Armand sa kanya habang hinahabol siya. I groaned in anguish. Isang pustahan na walang kasiguraduhan kung mananalo ako or matatalo. Masakit ito sa dibdib ko pero kailangan. Masakit isipin na hindi niya ako matandaan ' yong pangako namin sa isa't-isa naglaho na parang bula. But i dont have any other choice but to deal with it. To be Continued........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD