Chapter 03-Longing

2056 Words
Chapter 03 Gunner's POV Pagkarating namin sa Isla dumiretso ako sa puntod ni Tito Troy. Malapit sa lighthouse ang naging libingan ni Tito Troy at ni Manang Carmela. Ginawa itong private property ang tanging nakakalabas-masok lang dito ay ang pamilya ni Mang Julio na ginawang caretaker ni Dad. Malayo palang ako natatanaw ko na ang sanctuary. I Took a deep breath! I was few meters away from the last step sa landing ng hagdanan paakyat. Nang matanaw ko ang isang babae nakatayo sa harapan ng puntod ni Tito Troy nilipad-lipad ng hangin ang hangang kili-kili nitong buhok habang nakatalikod. I furrowed my forehead! Palapit na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako para dukutin ito mula sa bulsa ko. Yumuko ako saglit. Kung gaano kabilis ang pag-angat ng ulo ko ganun din kabilis naglaho sa paningin ko ang babae bago pa ako makapag-isip kung sino ang babaing iyon. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na ito nakita. Napadako ang paningin ko sa ibabaw ng marmol may mga preskong dark red and pink Carnation. Winaglit ko sa isipan ang babae baka residente lang ito sa Isla at may tinatanaw lang ng utang na loob kay Tito Troy. Naupo ako sa ibabaw ng marmol. Inalala ko lang ang panahon, 'nung bata ako kung gaano kabuti sa akin si Tito Troy. He like a father to me. Ginampanan niya ang papel noon ni Dad Gavin sa panahong hindi ko pa ito nakikilala. Mapait akong ngumiti, sayang lang maagang nawala si Tito Troy. Kung bakit siya naging masama, hindi na mahalaga sa akin ang bagay na iyon. Dahil mas tiningnan ko, kung paano siya naging mabuti sa amin ni Mommy Maddison. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago humakbang papalayo sa puntod ni Tito Troy. Kailangan ko na makabalik sa resthouse, may resthouse kami dito na pinagawa ni Dad. Bago ako tuluyang bumaba ng hagdanan ay malungkot na tinapunan ng tanaw ang kinahimlayan ni Tito Troy. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kanang bahagi ng himlayan. Nakita ko ang babaeng nakatayo kanina, kita ko ang pagmamadali niyang maglakad. "Miss!" sigaw ko sa babae. Ngunit tumakbo ang babae palayo. " Miss, saglit lang," muli kong sigaw sa kanya pero mabilis itong tumakbo at nawala sa paningin ko. Huminto ako at nagpalinga-linga sa paligid, wala na ang babae. Bumalik ako sa hagdanan, muli kong nakita ang babae nasa baba na ito at nagmadaling sumakay sa isang dirty bike at pinaharurot paalis sa lighthouse. Napasuklay na lang ako ng buhok gamit ang mga daliri ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae. Nang muling tumunog ang cellphone ko, napatingin ako sa screen. Si Calix! Hindi ko na sinagot ang tawag niya, pinatay ko ang cellphone ko. Naglakad ako patungo sa reathouse nang hindi sinasadyang may nadaanan akong may maiingay na tunog ng mga motor. May nakasalubong akong isang batang lalaki, sa tingin ko nagtitinda ito dahil sa mga bitbit niyang mga pagkain. "Ano ang meron doon?" curious kong tanong sa bata. "Karera po ng mga motor, Sir! Dayo po kayo dito? Ngayon lang kasi kita nakita." " Sino ang nagkakarerahan?" "Mga dayo din po, lalo na ngayon biyernes. Bukas meron din, sabado at linggo daming pumupunta dito para makipagkarera, minsan mga barkada ni Sir Armand. Pero ayoko sa kanila ang yayabang," may inis sa boses nito at nagpailing-iling ng ulo. Tumango-tango ako at palakad-lakad habang nakapamulsa. "Sino si Armand?" " Anak po ni Congressman." Kumunot ang noo ko sa narinig sa bata. Anak ni Congressman? So, kapatid 'nung Anika Jarlego? Dumukot ako ng pera sa bulsa ko, buti na lang at may isang libo ako. "Ito para sayo, umuwi kana magdidilim na baka hinahanap kana ng Nanay mo," nakangiting wika ko sa kanya sabay abot sa kanya nang pera. Wala akong barya saka maliit na halaga lang ang isang libo. Namilog ang mga mata nito tila hindi makapaniwala. "Ang laki po nito, Sir?" "Okay lang 'yan kaysa magtagal kapa dito." Hinimas ng bata ang kanyang baba parang may pinag-iisipan na sasabihin. " Ano po ang pangalan niyo? Ang bait niyo po. Isa lang ang kilala kung mabait si Miss. Ganda," aniya na nangingislap ang mga mata. Kita sa mukha ng bata na parang kinikilig ito ng banggitin ang huling salita. "Sino si Miss Ganda baka pwede mo akong ipakilala?" pagkuwa'y na tanong ko. I teased the kid. Biglang sumimangot ang mukha nito at nagcross arms. Sumenyas itong yumuko ako at itinapat ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Ayoko, baka maging karibal pa kita kay Miss.Ganda! Akin lang siya, kaya araw-araw kong binabantayan 'yon." Napahalakhak ako sa sinabi niya at napatitig ako sa bata. Naging interesado tuloy ako sa sinasabi niyang si Miss.Ganda. Parang gusto ko na tuloy itong makilala. Dumukot muli ako ng pera sa aking bulsa. Ang totoo may mga pera ako sa bulsa nga aking pantalon, mahilig akong magdala ng cash for emergency purposes lang. Pinakita ko sa kanya ulit ang isang libo. Napasinghap ang bata at lalong nanlaki ang mga mata, kitang-kita ang katuwaan sa kanyang mukha. "Akin po ulit yan..?" hindi makapaniwalang bulalas nito. Ilang saglit ang pinalipas ko bago nagsalita. Tumango-tango ako sa kanya mas lalong nanlaki ang dalawang mata nito. "Ibibigay ko ito sayo basta ipakilala mo ako kay Miss.Ganda," nakangiting wika ko sabay kindat sa bata. "Sige, punta tayo maya sa Resort ni Miss.Ganda," puno ng excitement ang boses nito at hinila na ako paalis sa lugar. "Resort?" ulit ko. "Opo, Ano po ang pangalan niyo?" "Gunner, Gunner Flynn Villafuerte." Nahinto kami sa paghakbang at tumingin siya sa akin. Para itong matanda kung tingnan ako mula ulo hangang paa. Umiikot-ikot pa ito sa akin. "A-anak po kayo ni Gob?" nauutal niyang tanong sabay turo sa malaking poster ni Daddy sa gilid ng kalsada. Kasama ni Dad sa poster si Mommy. I shook my head! Naglahad ito ng kamay niya, napailing ako bago ko ito abutin. Natatawa ako sa inaasal ng bata. Kahit bata talagang kilala nila si Dad, dahil kay Dad at sa apelyido niya kaya ako nakikilala. I am in the shadow of my father and his surname. "Kurt po ako, Sir! Welcome po dito sa Isla ng Naguilan. A place where you can relax and enjoy." Nakangiting wika nito. "Kuya na lang ang itawag mo sa akin at ngayon kurt dalhin muna ako kay Miss.Ganda dahil ako'y nanabik na makilala siya." "Uwi po muna tayo ng bahay at ako'y maliligo lang din para mabango ako mamaya pagpunta natin sa resort ni Miss Ganda." Nagpatiuna itong maglakad. I grinned, this little boy amused me. Mas lalo pa akong naging interesado na makilala si Miss Ganda. Ang kutob ko sana maging tama! Sinundan ko ang paglalakad ng bata hangang marating namin ang bahay nila. Parang nasa sentro kami ng Isla. Dikit-dikit ang mga bahay na dito, magulo, maingay dahil sa mga motor na ginagamit. Dinala niya ako sa maliit na bahay, kung titingnang mabuti mas malaki pa ang banyo ng aking kwarto. Hindi naman ganito dati ang Naguilan, parang naging polluted na dumadami ang tao sa Isla. Natakot akong umapak sa sahig nilang gawa sa kawayan, malaki akong tao may tangkad akong 6'4 at may timbang na aabot din ng 205 above lbs. Sa ilalim ng kawayang sahig ay tubig dagat kaya hindi na ako pumasok nakontento na lang akong nakatayo sa labas. Isang skwater ang lugar nila dito sa Isla. Marami ang nagsilabasan sa mga bahay-bahay nila ng makita ako. May mga dalagitang nagpapakyut hindi ko maiwasan na matawa na lang sa loob-loob ko. May bulong-bulungan akong naririnig ang iba ay hindi sigurado at ang iba pinipilit na ako ang anak ng Gobernador nila. May matandang babaeng lumapit sa akin. Titig na titig na nakatayo sa harapan ko, sinuyod ako ng tingin mula ulo hangang paa. "Kamukha mo siya?" bulalas nito. Matipid na ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Hindi ko siya sinagot, hinayaan ko siyang mag-isip. "Anak ka ni Gob, tama ba ako?" may paniniyak sa tono ng boses nito. "Kamukha ko lang po," i teased the old woman. Kung ano ang magiging reaksiyon niya. Kaya minahal ng mga tao si Dad dahil sa charm nito sa mga tao magaling si Dad sa mga flowering words na tinutupad naman niya. Kapag nagbitiw ito ng salita, agad niyang tinutupad. But im not him, gusto ko makilala ako bilang ako. Hindi, dahil anak ako ni Shawn Ezekiel Villafuerte. Magsasalita pa sana ang matanda ng bigla akong hilain ni Kurt palayo. Dumaan kami sa kawayan na tulay na hindi namin dinaanan kanina. Madilim na ang paligid, tiyak hanap na ng hanap ang dalawa sa akin. Ilang oras na ang nakalipas hindi pa ako nakabalik sa resthouse tulad ng usapan namin. Makalipas ang ilang minutong lakaran narating din namin ang resort. Napangiti ako sa pangalan ng resort " Godess Druga". Simple lang ang resort, may mga kubo-kubo ka lang makikita at mga floating cottages at may hotel siya na may dalawang palapag lang. Simple pero maganda ang design. Marami akong nakikitang tao sa dalampasigan, kulay polbo ang buhangin. May napapansin akong parang may beach party. Hinila ulit ni kurt ang kamay ko patungo sa loob mismo ng hotel. Halos sabay-sabay na napalingon sa amin ang mga tao sa loob. Napako ang paningin ko sa information desk ito 'yong mga babaing nakita kong kasama 'nung Anika. Napansin ko ang pagkalabit nito sa kasama niya, gulat ang reaksiyon ng mukh nila. "Siya 'yon,dba?" "Siy 'yong anak ni Gob?" "Ano ang ginagawa niya dito?" Mga salitang naririnig ko, ngumiti sila sa akin ng pagkatamis-tamis. Pahakbang kaming dalawa ni Kurt palapit sa reception. " Kilala mo siya, kurt?" tanong ng isang babae sa bata. "Asan si Miss Ganda?" Parang matandang tanong nito sa babae. Nagkamot ito ng ulo pero ang paningin ay nasa akin. "At bakit?" pataray niyang sagot sa bata at padabog na nilagay ang hawak na chart. "May gusto akong ipakilala sa kanya at hindi ko ipakilala sa inyo kay Miss.Ganda lang," anito na may tigas sa boses, lumingon sa akin at nakipag high five. Nginuso ako ng isang babae. "Siya?" Nagkamot ng ulo ang bata. "Hay, naku! Kung pogi talaga, ate Yen ,ang bilis mo." Sumimangot ang babae. "Nasa labas si Miss.Ganda may inaayos, puntahan mo na lang," pagtataboy nito sa bata bago kami tumalikod ay kumaway pa ito sa akin pati kasama niya. Sinabayan ko ang trip nila. I winked to them na mas lalo kinakilig nila pareho.Nag-inarte pa ang dalawa na parang hihimatayin. Nilingon ito ni kurt at tinaas ng bata ang isang kamay at kinuyom ang kamao nito. Gumanti din ng kuyom ng kamao ang dalawang babae. Lumabas kami ni Kurt sa hotel pareho kaming palinga-linga sa paligid. Parehong may hinahanap ang mga mata namin. Bumitiw si Kurt sa pagkahawak sa kamay ko, tumakabo patungo sa isang babaeng nakatalikod habang may kausap. Yumakap si Kurt sa likuran ng babae. Dahan-dahan itong humarap sa bata kasabay ng paglipad ng hangin sa kanyang maiksing buhok. Ang mga mata niya'y napakagandang titigan habang matamis itong nakangiti sa bata lalong nagdagdag ng kanyang ganda ang biloy niya sa kaliwang pisngi. Biglang tumigil panandalian ang ikot ng mundo ko. Nang makitang malapitan ang babae, hindi ako pwedeng magkamali siya si Chantal at sigurado ang puso ko sa pagkakilala sa kanya. Hindi mapuknat ang mga ngiti sa labi ko habang nakatingin ako sa babaing matagal ko ng gustong makita. May binulong si Kurt sa kanya, tinuro ako at dahan-dahan itong tumingin sa kinaroroonan ko. Nangislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngunit panandalian lamang. Napalitan na hindi ko maintindihan kung anong klaseng damdamin na biglang nabuhay sa kanyang mga mata. Her cold eyes staring at me and i couldn't explain. Why? But it doesn't matter at all.Dahil ang mahalaga si Chantal ang nasa harapan ko.Kung ano man ang nangyari sa kanya, hindi ako titigil hanga't hindi ko malaman. Hinila ni Kurt ang kamay nito palapit sa akin pero hindi ko mahintay na makalapit siya sa akin. Humakbang ako para sulubungin siya at wala sa sariling bigla na lang siyang kabigin patungo sa malapad kong dibdib at ikulong sa aking mga bisig. Niyakap ko siya ng sobrang higpit kahit hangin hindi ko pinayagan na mamagitan sa aming dalawa. Hindi ko maintindihan ang matinding pananabik ko sa kanya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na muli siyang mayakap, maramdam si Chantal sa piling ko. To be Continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD