Chapter 05
Gunner's POV
"My God! Iba ka talaga, men , nababaliw kana. Ang daming babaeng ginawa ang diyos. 'Yang si Chantal pa ang kinababaliwan mo este, Anika , pala," nakangising kantiyaw sa akin ni Calix ng ikwento ko sa kanila ang pustahan namin ni Anika.
Tawang-tawa naman si Jonax habang nagkakape. Halos hindi nito mainom-inom ang kape dahil walang tigil sa kakatawa. Andito kami ngayon sa Veranda ng resthouse, nakaharap ito sa malawak na karagatan.
"Nakita mo na 'yong nuknukan na mayabang na kapatid niya?" tanong sa akin ni Jonax sabay higa sa duyan.
"Yeah!" Tugon ko sa matabang na tono.
"Party tayo, i feel bored! Dami ba chicks, doon?" pilyong tanong ni Calix sa akin. Sa aming tatlo ito ang pinakababaero sa lahat. Ngunit hindi ko siya sinagot wala ako sa mood para magaliw-aliw.
Tumayo ako mula sa pagkaupo hinawak ko ang dalawang kamay sa balustre na gawa sa kahoy. Tinatanaw ang malawak at madilim na karagatan. Sa dako roon ay tila alitaptap ang mga ilaw mula sa mga bangka ng mga mangingisda.
"Tama ka, Jonax! Hindi niya ako kilala kahit anong tingin ko sa kanyang mga mata wala akong makita na nagsi—"
"I told you, hindi siya si Chantal. Ang laki ng pagkakaiba nila dahil ang totoong, Chantal , to vulnerable and soft pero si Anika..." agap niya sa sasabihin ko at pailing-iling ang kanyang ulo. "Hindi siya kagaya ng mga babae na nakikilala natin, ang lalim niya alam mo 'yon na meron malalim sa pagkatao niya..." halos hindi niya makuha ang nais sabihin pero naiintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig.
"Hawig na hawig na sila, alam mo 'yong pakiramdam ko ibang-iba," aniko sa tono na may pait sa boses ko. "Kaya ako sumugal dahil gusto kong patunayan na si Anika at Chantal ay iisang tao lang."
"Well,goodluck! Support ka namin sa part na 'yan pero kung hindi mo mapatunayan. Move on, men! Daming babae diyan, magpukos kana lang sa gusto ni Tito Gavin para sa'yo." Suhestiyon ni Calix.
Bumangon mula sa duyan si Jonax lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Walang masama sa sumugal basta alam mo sa sarili mo na mananalo ka. Paano kung matalo ka? Hindi ito gaya ng dati nakikipagpustahan tayo dahil sa trip lang natin, ibang usapin to...Kasama ang puso mo sa pustahan na ito, Flynn!" sabay turo sa dibdib ko, particularly sa puso ko.
Napatitig ako kay Jonax. Hindi ko alam kong anong tamang sagot sa sinabi niya. Nagbuga ako ng malalim na hininga at muling itinuon ang paningin sa madilim na karagatan.
"Oh," i moaned helplessly. Confusion was all over my face, and a certain fear, too. Hindi ko mapigil ang pag-ahon ng kaba sa aking dibdib. Paano nga kong matalo ako? Hindi ko alam, how to handle the complicated situation.
Ilang sandali ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Sabay kaming nagkatinginan na tatlo dahil wala kaming inaasahan na bisita. Humakbang papalapit si Calix sa pintuan, upang pagbuksan ang kung sino ang tao sa labas.
Bumungad ang isang nakangiting babae sa pintuan, may bitibit itong food basket Matamis itong ngumiti sa amin. Maganda ang babae, she was young. I was mentally computing her age. She must be Chantal's age.
Namilog ang mga mata ni Calix nang makitang malapitan ang babae. Umiral na naman ang pagiging makati nito sa babae. Maganda ang babae, kung makatitig sa akin ay may kahulugan.
"Hi," nakangiting bati nito. Mula sa kanyang likuran sumungaw ang isang matandang lalaki. Napangiti ako nang makilala ito, si Mang Julio. Humakbang papasok ito at sinalubong ko. Yumakap sa akin ang matanda sabay tapik sa likuran ko.
"Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka para nasalubong ka sana namin," tila may tampo ang tinig ng matanda ng kumalas mula sa akin.
Iginiya ko si Mang Julio paupo sa sopa. Pinakuha ko kay Calix ang bitbit nang babae at naupo ito sa tabi ni Mang Julio. Pinadala ko na rin kay Calix sa kusina ang nakalagay sa food basket. Tamang-tama wala pa kaming hapunan, wala pang
nag-abala na magluto.
"Kumusta po kayo?" Magalang na tanong ko sa kanya.
"Ito tumatanda na, apo ko pala, Señyorito..." pakilala niya sa akin sa babae. Ngumiti ito sa akin, ngumiti din ako pabalik.
"Sheena po, Señyorito," sabay lahad ng kaliwang kamay niya.
"Wag niyo na po ako tawagin na señyorito, tawagin niyo na lang po ako sa pangalan ko," nakangiting wika ko sabay abot ng kanyang kamay. Agad ko din itong binitawan.
"Nagtaka kami, bakit biglang nakasindi ang mga ilaw dito. Buti na lang nakita ng kapatid ko ang yate mo sa daungan kaya agad niyang binalita sa akin na andito ka."
Tipid akong ngumiti kay Mang Julio. Tinitigan kong mabuti ang matanda may nais akong itanong sa kanya. Baka sakaling may alam ito sa pagkatao ni Anika Jarlego.
"Hmmmm...." i cleared my throat. Hinilot-hilot ko muna ang aking sentido bago nagsalita. " Kilala niyo po ba si Anika Jarlego at matagal naba siyang nanirahan dito sa Isla?"
Hindi agad ito sumagot sa akin. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata at ang pagkalito. Subalit iglap lang iyon, pagkuwa'y ngumiti sa akin.
"Ang bunsong anak ni Congressman Jarlego ba ang tinutukoy mo?"
Tumango ako! Hinintay ko ang kasunod niyang sabihin, tumayo ito at naglakad patungo sa veranda. "Wala akong masyadong alam, ang alam ko lang dating pag-aari ni Troy ang kinatatayuan ng kanyang resort ang sabi-sabi binili ni congressman para eregalo sa kanyang nag-iisang anak na babae 'yan nga si Anika. Kung pupunta ka sa pinakadulo ng resort, may makikita kang bahay pag-aari ni Troy hindi ko lang alam kong inaalagaan parin magpahangang ngayon ang bahay. Maraming taon na ang nakalipas, Gunner." Mahabang alintaya nito na may bakas nalungkot sa kanyang boses.
I took a deep breath. Malabo ang lahat, ang hirap tagpiin ang sitwasyon. Sumandal ako sa balustre ng veranda. Ang dami kong tanong pero alam kung hindi masasagot. Nang biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakita ko sa puntod ni Tito Troy.
"May nakita akong babae kanina sa puntod ni Tito Troy, sinubukan kong habulin pero d ko naabutan," pahapyaw na paliwanag ko sa kanya. Teasing the old man!
"May dalang carnation na kulay pink at dark red?" Nakakunot-noong tanong ni Mang Julio.
Napatuwid ako ng tayo sa sinagot sa akin ni Mang Julio. Napahugot ako ng paghinga tila may bumangon na konting pagasam sa dibdib ko, hindi ko alam kung anong klaseng pagasam. Maybe, Hope? I don't know!
"Kilala niyo?"
Umiling siya, nawala bigla ang pagasam sa dibdib ko nanlambot ang dalawang balikat ko at muli akong napasandal sa balustre.
"Laging nagdadala ng bulaklak na carnation ang babaeng 'yon pero hindi namin makita-kita ang kanyang mukha. Kung hindi nakatakip ang kanyang mukha na tanging mata lang ang nakikita mabilis itong nakakapuslit. Kahit kami ay nagtataka narin. Tuwing biyernes ng hapon nandoon siya at nagiiwan lagi ng mga bulaklak," tinapik niya ako sa balikat. He smiled wryly.
"Biyernes?" paguulit ko. As far i remember Tito Troy died friday afternoon when his brother Quinn shot him on the chest. 'Yon ang kwento ni Mommy at ang napanood ko din sa mga balita sa National TV.
Halos isang buwan ding pinagpiyestahan ng mga media ang pangyayaring iyon sa buhay nang aking mga magulang.
Marami ang bumilib sa wagas na pag-iibigan ng mga magulang ko. Kung paano ipinaglaban ni Daddy ang pagmamahal niya kay Mommy? Pag-iibigan na hinangaan nang nakakarami.
Love conquers all! Which i admired too.
"Oo, tuwing biyernes lang nando—" sagot ni Mang Julio.
"Naalala mo noong bata tayo, dba si Chantal mahilig sa bulaklak na carnation?" Jonax snapped. Napatingin ako sa kanya at nagkibit-balikat lang ito makikita sa mukha niya na hindi niya intensiyon na banggitin ang bagay na 'yun. Doon ko lang naalala favorite flower ni Chantal ang Carnation.
I shrugged my shoulder! Lagi ko siyang nakikita na pinipitas 'yon, hindi ko alam kay Chantal. Kung ano ang meron sa bulaklak na carnation, ginagamit sa mga funerals ang mga bulaklak na 'yan lalo na ang kulay puti.
Biglang kong naalala ang lagi niyang sinasabi sa akin noon. Na ang bawat kulay ay may kahulugan.
Flashback............
"Ano ba ang meron sa bulaklak na yan at gustong-gusto mo?" Nahihiwagaan kong tanong kay Chantal. Andito kami ngayon sa Garden ni Mom, namimitas kami ng mga bulaklak. Sabay abot sa kanya ng napitas kong green rose, matamis siyang ngumiti sa akin ng abutin mula sa kamay ko ang bulaklak.
"Thank you!" Nakangiting usal niya, isang mabilisang halik sa pisngi ko ang ginawad niya sa akin at mabilis na tumalikod. Kinilig naman ako sa ginawa niya at napahawak ang isang kamay ko sa pisngi ko na dinapuan ng kanyang malambot na labi. Pakiramdam ko nasa heaven ako sa ginawa ni Chantal, iba ang nararamdaman ko. Tagos hangang buto ko ang ginawa niya.
Bigla siyang humarap sa akin, hawak-hawak ang Dark red na Carnation."Ang kahulugan ng dark red carnation ay, conveys feelings of deep love and affection," aniya sabay ngiti sa akin. Kinuha ko ito mula sa kamay niya at inipit ko sa likod ng tenga niya. Bahagya siyang yumuko at sumilay ang magandang ngiti nito sa labi.
Yumukod ako at pinitas ko ang kulay pink na carnation."Ano naman ibig sabihin ng kulay na ito." at inipit ko sa kabilang tenga niya.Pagkuwa'y inayos ko ang gahibla na buhok na tumakip sa pisngi niya.Medyo mahangin sa kinatatayuan namin kaya nililipad ang mahaba niyang buhok.
Nilagay niya ang hinlalaki sa ilalim ng baba at tila nag-iisip. Namilog ang kanyang mga chinita na mata ng may maalala siguro.
"Ang sabi ng lalaki sa panaginip ko, its symbolize gratitude and never forgetting someone," may pagmamalaki na mahihimigan sa kanyang boses." At ang yellow carnation symbolize disappointment or rejection pero ayoko nito." she added and smile.Ngunit nakatuon ang pandinig ko sa sinabi niyang lalaki.
Tumaas ang dalawang kilay ko. "Lalaki sa dream mo? Sino?" Pagkuwa'y na tanong ko, kinuha ko ang kamay niya and we twined our hands.
Tumitig siya sa mga mata ko, she pouted her lip. She shrugged her shoulder as if she didn't care, about sa lalaking nasa panaginip niya.
"Hindi ko alam, basta nag aapear lang siya sa dream ko pati face niya malabo.Meron pa sa dream ko parang may hampas ng tubig."
End of Flashback...........
Napatulala na lang ako ng maalala ang araw na iyon na masaya lang kami. Nagkikita kami tuwing hapon sa garden ni Mommy. Ngunit nagbago ang lahat nang umalis sa tahanan namin. I blinked my threatening tears away when i remember those days.
Muli akong humarap sa malawak at madilim na karagatan. Naramdaman ko ang mga pahilot-hilot ni Calix sa mga balikat ko.
To be Continued.........