Chapter 06
Gunner's POV
Pagkagising kinabukasan naupo ako sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy na may sandalan na gawa rin sa kahoy. May maliit na mesa sa unahan nito, ipinatong ko rito ang dala-dalang isang tasang kape.
Yumuko ako at wala sa sariling nakatitig ang mga mata sa puting buhangin. Pinalipas ko ang ilang sandali bago ko tinaas ang paningin habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa mga alon na humahampas sa dalampasigan.
Kagabi pa ako ginugulo ng maraming bagay, gulong-gulo ang isip ko. Wala na akong ginawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang.
Mamayang alas-tres ang usapan namin ni Anika. Ngayon pa lang nakakaramdam ako nang kaba. Marami na akong karerang sinalihan pero ito 'yung karerang pakiramdam ko dinadaga ang dibdib ko.
"What are you thinking?" bose ni Jonax, naupo siya sa tabi ko. Nagbuga ako ng malalim na paghinga, ang mga mata'y nanatili lang sa mga hampas ng mga alon. Inabot ng isang kamay ko ang ipinatong na tasa, inubos ko ang nanlalamig ko nang kape.
"Hindi mo na ako sinasagot...."
"Look, Jonax. I'm interested what Mang Julio said last night."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "What are talking about?"
"Ang pasukin ang bahay ni Tito Troy," walang ka gatol-gatol na wika ko sa kanya. Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip ko, basta interesado ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit?
Napasandal ito sa upuan umiling na tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.
"That's interesting..." aniya, hinimas ang baba at pinagisipan ang sinabi ko. "Tresspassing ang gagawin natin sa oras na pinasok natin ang property na pag-aari ng mga Jarlego."
"I don't like it when i have this hunch, Pare. Please do me a favor, use your connection alamin mo ang kaliit-liitang detalye ang tungko kay Anika Jarlego. Para't saan pa at isa kang NBI officer."
He shook his head and chuckled.
"Talking about my job, huh? I hate it," halos pabulong niyang wika. Tipid akong ngumiti sa kanya. Pagkuwa'y tinitigan ako. "Why are you so interested in that girl?"
Umiwas ako ng tingin kay Jonax. "I don't know, hindi ko talaga alam dahil siguro sa kutob ko. Find anything about her. All! Everything!" Ma awtoridad kong utos sa kanya.
Kumunot ang noo ni Jonax. "You're unbelivable, Flynn. You're crazy!" He laughed loudly, saglitan lang pagkuwa'y tumigil at itinuon ang paningin sa dagat. Naririnig ko ang binitawang buntong-hininga ni Jonax.
Tumayo ito."For your peace of mind, i'll help you! Sa oras na wala tayong makuha na evidence, lets stop this, pare."
Tumayo narin ako. "Maasahan ka talaga, kahit na kailan," nakangiting wika ko kay Jonax.
"We can start now," aniya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng resthouse, nangunot ang noo ko ng maabutan si Calix at Sheena na masinsinan na nag-uusap. Baka nagpapadala sa bola ang babae.
Ngumiti sa akin si Sheena ng pagkatamis-tamis, tinanguan ko lang ito at mabilis na nagiwas ng tingin.
"Nag-almusal na po ba kayo, señyorito? Sabi ni Tatay pumunta ako dito para ipagluto kayo ng makakain ninyo."
"Don't bother, thank you. Katatapos ko lang magkape."
Yumuko si Sheena, napansin ko mga malisyosong mga tinginan nina Jonax at Calix. Hindi ako manhid para hindi ko maintindihan kung paano ako tingnan ni Sheena. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ang babaeng nagpapakita nang motibo sa akin.
Dumiretso ako sa kwartong inaakupa ko, narinig ko pa ang pagsigaw ni Calix.
"Mauna na kami, pare , kain ka na lang kapag nagutom ka."
Ngunit hindi ko na ito pinansin. Hinanap ko ang dala kong backpack kinuha ko sa loob ang dala kung camera.
This is my Mom camera. Ang tagal na nito pero nanatili parin itong bago. I turned on the on button of the cam. Inisa-isa kong tingnan ang mga picture's ni Chantal. From the very first day i saw her.
It seems my world stop when i saw her picking flowers in mom's garden. I remembered what Dad said, halikan ko ang unang babaeng magpatigil nang mundo ko. Kaya ginawa ko nga 'yon ngunit nagulat si Chantal kaya nahulog ang cellphone ko at nabasag.
Dahil sa kaba na naramdaman ko ng hapon na iyon para lang madivert ang attention ni Mommy sa iba. Pina-iyak ko si Chantal naitulak ko siya pero pinagsisihan ko 'yon. Sadyang nagmamatigas lang ako ng hapon na iyon para hindi ako mapahiya.
Biglang bumukas ang pinto, sumungaw si Jonax nakabihis na ito at pilyong nakangiti sa akin.
"She's beautiful, why don't you try to like her?"
Pinatay ko ang cam at binalik sa loob ng backpack. Kung wala lang nagmamay-ari nang puso ko. Bakit nga ba hindi? Hindi naman ako namimili ng babae pero hindi siya ang gusto ko.
"Hintayin mo ako sa labas, bihis lang ako."
Muli itong malisyosong ngumiti bago sinara ang pinto. Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Binilisan ko ang maligo para agad kaming makapunta sa tinutukoy ni Mang Julio.
Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako nang kwarto. Sa labas, naabutan ko sina Calix at Jonax habang hinihintay ako. Sakay sila sa isang habal-habal, ito ang mga transpo na ginagamit ng mga tao dito sa Isla. Sumakay narin ako para makaalis na kami.
Habang sakay ng habal-habal hindi ko maiwasan na humanga sa laki ng Isla. Ang mapuputing buhangin sa dalampasigan at naglalakihan na mga bato sa gilid ng daan. Kasama ng paglipas ng mga panahon, dumami rin ang taong nanirahan dito. Dahil sa pangyayari noon, nakilala ang Naguilan mula noon dami na ang mga dumadayo dito.
Makalipas ang ilang minuto na biyahe narating din namin ang resort ni Anika. Maraming tao sa labas palang ng resort mga babaeng walang atubiling ibabad ang katawan nila sa pagsusuot ng kapirasong tela. Bumaba kami sa habal-habal, dumukot ako ng pera sa bulsa at binigay sa driver.
Pumasok kami sa loob at hindi maiwasan nasa akin nakatingin ang bawat babaeng makasalubong namin. Inayos ko ang sout kong sumbrelo para medyo matakpan ang aking mukha.
"Hi, hello! Miss. beautiful!" bati ni Calix sa bawat babaeng makasalubong namin, may nalalaman pa itong pahalik-halik sa likod ng mga palad. Hindi maiwasan na magpakyut ang mga babaeng nilalapitan niya. Maipailing-iling ka na lang ng ulo habang pinagmamasdan siya. Sa inis ni Jonax, hinila niya damit nito. Ito ang nagpapabagal sa lakad namin. Tumingin ako sa wristwatch ko ang bilis ng oras alas-diyes na ng umaga.
Agad kong tinago ang mukha ko ng makita ang dalawang babae sa reception kagabi. Mabilis kong ikinubli ang sarili sa isang kubol, pinaglagpas ko mo na ang dalawang babae bago ako lumabas.
Nagtuloy lang kami maglakad, hinanap namin ang dulo nitong resort. Ngunit hindi namin mahanap ang dulo na tinutukoy ni Mang Julio.
"Sigurado ka ba talaga na dito ang tinutukoy ni Mang Julio?" May paniniyak sa boses ni Calix.
"Hindi kana man siguro bingi, dba?" panunuya ni Jonax sa kanya. Nagkamot ito ng ulo at parang namilipit ang mukha nito na iwan. Nakatayo kami ngayon sa ilalalim ng puno ng niyog. Habang ang dalawang kamay ko ay nasa aking bulsa.
"CR lang ako," paalam nito at tinalikuran lang kami. Tinawanan lang namin ni Jonax si Calix, alam na namin kung bakit mag magbabanyo ang mokong na iyon.
May napansin akong dalawang lalaki, may kanya-kanyang sila hila-hila na basurahan. Tinapik ko sa balikat si Jonax na sundan namin ang dalawang lalaki.
Malayo-layo din ang narating namin, tahimik na dito hindi na masyadong naririnig ang hampas ng alon sa dalampasigan. Mas marami ang puno ng mga niyog dito at puno ng mga talisay, ang daming damo na gumagapang.
"Tayo na, pare , mukhang wala dito ang hinahanap natin," tila hinihingal na saad ni Jonax. Namewang ako at tinanguan ko siya.
Humakbang kami pabalik sa dalampasigan, mabilis kaming nagkubli ni Jonax sa malaking puno ng talisay.
Nang makarinig kami ng mga boses. At may bumukas na kung ano. Sinundan namin ito ng tingin, sa tantiya ko isa itong gate. Napailing ako ng ulo sino ba naman ang makapagsasabi na bakod ito. Napuno ito ng mga gumagapang na damo. Sobrang kapal na ligaw na mga damo. Siguro, sinadya para hindi mahalata na may nakapalibot na bakod dito. Maari kaya na ito 'yong tinutukoy ni Mang Julio?
Pagkatapos mawala sa paningin namin ang dalawang lalaki, lumapit si Jonax sa mga ginapangan ng mga damo. Kinapa niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata.
"s**t! Pader ito,Flynn," hindi makapaniwalang bulalas niya. "Alam ko ang binabalak mong gawin? That's against the law," ani Jonax. "Nahasa ka talaga sa pag-akyat sa pader, now i know!"
Jonax was laughing when he turned to look at me. Nakitawa narin ako sa kanya.Nagpalinga-linga muna kami sa paligid bago sabay na inakyat ang pader hindi ito kataasan kaya madali lang para sa amin.
Mabuti at mababa lang ang sa kabila kaya mabilis lang kami nakababa. Mas masukal dito kumpara sa kabila mas marami ang puno maririnig ang kakaibang tunog ng mga ibon.
Mas malawak pa pala dito, saan-saan na kami nagsusuot hangang ngayon wala pa kaming makitang bahay.
Paano kaya nabili ng mga Jarlego ang property ni Tito Troy? Isa ito sa mga paiimbestigahan ko. Pagbalik na pagbalik ko sa Sta.Fe, isa ito sa mga aasikasuhin ko.
"Ang lawak pala nito, kanina pa tayo palakad-lakad hindi pa natin mahanap ang bahay na sinasabi," pailing-iling na wika ni Jonax.
"Damn!" Bulalas ko, halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang isang bahay. Not an ordinary house, the house made by wooden beams and trusses. It was two storey house, ang bahay na ito, it's rustic hinango sa disenyo sa ibang bansa. Maraming ganitong bahay akong nakikita sa ibang bansa. Sino ang mag-aakala na may bahay na ganito dito sa Isla, bahay na tinago sa gitna nang gubat.
Napahawak ako sa magkabilaang sentido at banayad na minasahe.
May malawak itong hardin. Kitang-kita kung gaano ito ka alaga. Bermuda grass ang nakatanim sa paligid. Puno ng mga namumulaklak ang buong kapaligiran tila nagmistula itong isang paraiso. Kagayang-kagaya ng hardin ni Mommy.
Yellow, crimson , and the dual-pink-and white, red , orange and pink bouganvillas were in bloom. Nakikipagsabayan sa iba't-ibang kulay ng mga rosas. Ang nakakuha ng atensiyon ko the different color of carnation's. Nakita ko din dito ang dark red at pink na kagayang-kagaya na nakita ko sa puntod ni Tito Troy. Marami pang bulaklak na nandito na mas lalong nagbigay ganda sa kapaligiran.
Iginala ko ang buong paningin sa paligid may mga palm tress and ferns. May nakita akong gazzebo.
"Baka pina-ayos ni Anika ang bahay, pare, kaya ganito kaganda," namamanghang wika ni Jonax, humakbang ito patungo sa pintuan ng bahay. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at nagbukas naman ang pinto.
Nauna itong pumasok at sumunod ako. Kung gaano ang ikinaganda sa labas ganun din dito sa loob. May malaking chandelier sa gitna ng kisame nagawa sa iron na may pinturang kulay itim sa tingin ko hindi ito basta kulay lang kundi isang antique, tumingala ako sa pangalawang palapag.
Hinatak ako ng mga paa ko paakyat sa hagdanan. Habang naglalakad ako sa bawat baitang ng hagdanan, napahinto ako sa pagpanhik nakuha ang atensiyon ko sa malaking portrait, kung hindi ako magkakamali si Tito Troy ito may kasama siyang babae at isang batang babae. Ang ganda ng ngiti nito, may biloy din siya kagaya ng kay Chantal.
Nasa edad dalawa ang bata, may bangs ito at hangang balikat ang buhok nasa gitna siya ni Tito Troy at babaeng hindi ko kilala.
Nagpatuloy ako hangang makarating sa landing, malawak at may sitting room na may salaming dingding na nakatanaw sa labas.
"Flynn, may tao?" halos pabulong na sigaw sa akin ni Jonax nakatayo ito sa ika-apat na palapag ng hagdanan.
Sumungaw ako mula sa barandilyang kahoy sa itaas.
"May tao paparating," mabilis itong nagtungo sa kinaroroonan ko. Palapit ng palapit ang mga boses. Mabilis kaming naghanap ng malalabasan, pababa na sana kami ng hagdana nang makita naming bumukas ang pintuan.
Umatras kami pabalik sa taas, pumasok kami sa nakabukas na kwarto. Napahinto ako saglit ng makita ang isang frame sa side table, larawan ng isang pamilyar na batang babae.
Bumalik sa akin si Jonax, hinila ako at hindi sinasadyang nabitawan ko ang frame bumagsak sa sahig at nabasag.
"s**t!" Naiinis na bulalas ko. Palapit ng palapit ang mga yapak sa kwartong tinungo namin. Mabilis kaming napakubli sa gilid ng veranda kapit tuko ang ginawa namin. Isang mali lang pwede kami mahulog parehas ni Jonax nakakapit lang ang dalawang kamay namin sa railings ng veranda. Matagal umalis ang babae mula sa pagsilip. Palinga-linga ito sa paligid na puno ng pagtataka at kalituhan ang kanyang magandang mukha.
Ang babaeng nasa portrait.
Nang mawala ang babae mabilis kaming tumalon at mabilis na tumakbo pabalik sa masukal na gubat. Huminto ako saglit, nagkubli sa isang malaking puno hinintay ko na muling sumilip ang babae.
Ilang saglit muli itong bumalik sa pagkakataong ito may kasama siyang lalaki. Nagpalinga-linga sa paligid marahil nagtataka ang mga ito. Hindi sila magdududa kung hindi ko nahulog ang picture frame.
Sino kaya ang mga ito?
Nagkatinginan kami ni Jonax at hindi maiwasan na magkatawanan na lang. Muntik na kaming dalawa. Napawi din agad ang ngiti ko sa labi ng maalala ang bata sa picture frame.
Natapal ko ang noo ng mapatingin ako sa sout kong relo, ganun kami katagal sa pagpunta sa bahay na iyon. Muntik na akong makalimot sapustahan, mag-alas dos.
Tumakbo na ako na walang pasabi kay Jonax. Umiling siya ng ulo at sumunod na lang sa akin.
Nakabalik na kami sa resort ng mapagtanto kong nawala ang sout-sout kong sumbrelo. Gusto ko sana itong balikan pero wala na akong oras.
Pinagdadasal kong hindi ito nahulog sa loob ng bakuran sa lupaing pag-aari ni Tito Troy.
To be Continued.......