Chapter 07-Defeated

1740 Words
Chapter 07 Gunner's POV Nakakabinging ingay sa paligid ang sumalubong sa amin ni Jonax. Maraming tao ang naghihiyawan ng makita kaming bumaba sa sinakyan namin na habal-habal dito kami hinatid sa isang kalsada. Nasa tuktok ng Isla mula dito sa kinatatatyuan ko natatanaw ko ang malawak na karagatan sa buong Isla ng Naguilan. Sinadyang ipagawa ito para maging over looking sa kabuuan nang Isla. Hindi ito ang sinabi ni Anika, ang sabi niya sa motor cross field. Bakit napunta kami dito? I smell something bad is going to happen. Pero pinagkibit-balikat ko lang. Drag race ang magaganap ngayong hapon. Napapansin kong marami nga ang mga dayo, may nakikita akong nangongolekta ng mga pusta sa bawat manonood. Iba't-ibang klase ng mga motor ang nakahilera, mukhang pinaghandaan ang pagdating namin. Maraming bulong-bulungan akong naririnig mula sa mga manonood, marami ang nakakilala sa akin. "Anak ni Gob!" Rinig kong sabi ng isang babae sa katabi niya. "Nakauwi na pala," segunda naman ng isa. "Ang gwapo din, noh? Kamukha ni Gob," sabi pa ng isa. Malanding kumaway ang mga ito sa akin, seksi at maganda rin naman. Halatang mga dayo ang mga ito. Marami pa ang tumawag ng pansin ko pero hindi ko na pinagtuunan pa ng atensiyon. "Asan kaya si Calix?" Pabulong na tanong sa akin ni Jonax. Umiling ako, alam naman niya kung saan kami hahanapin. May sumalubong sa amin na tatlong lalaki namumukhaan ko ang mga ito. Ang mga kasama ni Armand kagabi, kanyang mga alipores. Dinala nila kami sa isang tent kung nasaan ang lalaki. Promenenteng nakapandekwatro ang upo sa isang kulay puting lounging chair ang lalaki. "Akala ko hindi kana darating. Baka magbago pa isip mo, pwede ka pa umatras," his mocking, patuyang ngumiti sa akin. Inabot ng isang kamay niya ang helmet na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa harapan niya at binato sa akin, na agad ko naman nasalo. "Wish your luck," sabay turo sa akin sa pangatlong dirt bike . Isang yamaha KTM 450SX-F. "Para patas ang laban bibigyan kita ng magandang motor baka isipin mong dadayain ka sa oras na matalo ka," nakangising wika nito. Matalim ko itong tinitigan, ang mga nakakalokong ngiti sa mukha ni Armand ay hindi mawala-wala. Ang mga ngiting iyon ay duda na ako. "You looked like hell..." aniko, tapos tumawa ako sa kanya na tila inaasar siya. Nagsalubong ang mga kilay nito at nakikita ko sa mukha niya ang inis. Napatayo ito sa kinauupuan, lumakad palapit sa akin. At gusto ko itong suntukin at siguraduhin na mawawalan siya ng malay. "Relax," awat sa akin ni Jonax, nginuso niya ang mga kasama ni Armand ang iba dito ay may mga baril na nakasukbit sa kanilang bewang. "Wag masyadong matapang gusto ko lang ulit ipaalala sayo...." huminto ito sa pagsasalita, tinapik ang balikat ko at tumingin siya sa mga taong nakapalibot sa amin sa tent. Tinapat ang bibig sa aking tenga. "Akin ang Islang ito. Dapat alam mo kung saan ang lugar mo." His grinning ng ilayo ang mukha sa tenga ko. Tawa lang ang itinugon ko sa kanya. I purposely raised a brow and smiled. Pagkuwa'y sumeryoso. Nagpalinga-linga ako sa paligid hinahanap ng mga mata ko si Anika ngunit hindi ko makita ang dalaga. "Where's Anika?" I asked him with my firm voice. "Talunin mo muna ang mga kalaban mo bago makuha ang kapatid ko, kung matatalo mo nga?" sagot din niya sa akin sa matigas na tono na may nais ipakahulugan. Sumulyap sa mga kasama niya, lahat sila nagtawanan. Mga tawang nakakainsulto sa p*********i mo. Dinaan ko sa tawa ang galit ko sa kaharap. Ang totoo malapit na akong mawalan ng pasensiya. Konting-konti na lang ang natitirang tinatawag na pagtitimpi sa katawan ko. Sabay kaming napalingon ng may bagong dating na isa din kalahok sa karera. Magkaparehas kami ng modelo ng motor. Nangunot ang noo ko, dumiretso ang motor nito sa starting line. Patienly waiting, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil hindi ito nagtanggal ng sout niyang helmet. May lumapit sa kanyang lalaki at may binulong. Tinapik ni Jonax ang balikat ko. "Sigurado ka ba talaga dito? Iba ang pakiramdam ko, pare , mukhang may hindi magandang gawin ang grupo nitong Armand," aniya na sobrang nababahala ang boses. Napabuga ako ng malalim na paghinga pareho kami ng instinct ni Jonax. Kahit sa loob-loob ko duda din ako pero andito na ako. Handa akong ibigay sa kanila ang isang laban. Kung marumi sila maglaro, pwes lalaban din ako sa marumi na paraan. Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa bagong dating bago ko nilagay ang helmet sa ulo ko at humakbang patungo sa dirt bike, sumulyap ako sa kararating lang kanina bago ako tuluyan sumampa sa motor na gagamitin ko. Napagitna kaming dalawa, tag-dalawa ang nasa tagiliran namin. Bali anim kaming maglalaban. Hindi pa naman nag-umpisa ang karera napuno na ng hiyawan ang kapaligiran at nagkakagulo sa pagkuha ng mga pusta. May sumugal para sa akin pero mas maraming sumugal sa bagong dating. Sa tantiya ko kilala nila ang bagong dumating. Manipis ang katawan nito, animo'y katawan nang isang babae. Nakahilera na kami sa starting point. Lahat kami naghihintay sa hudyat upang patakbuhin ang nagre-rebolusyong naming mga motor. May isang babae na tumayo sa gitna ng kalsada may hawak na flag. Nang ibaba niya ang isang triangle flag bilang hudyat ng simula na ang karera sabay-sabay naming pinatakbo ang mga motor na dala namin. Nilunod ng sigawan ang kapaligiran maraming taong nakahilera sa gilid nang kalsada. Nag-uunahan kami, bawat isa nagmamadali. Lahat gustong maunang umabot sa finish line. Ngunit ang bagong dating hindi ito nagpapatalo. Mabilis at aaminin ko magaling ang driver na may hawak sa motor. Hindi ito nagpapahuli sa aming lima lagi itong nangunguna. Magkasunod lang kami. Malapit ko na maabutan sa isang sharp curved. At ang nasa likuran ko ginigitgit ako ganun din ang ginagawa pa ng isa. Napailing ako ng ulo, sinasadya nila para maunahan nila ako. Ngunit hindi ako nagpapatalo tinodo ko ang pagpihit ng selinyador ng motor ko para malampasan ang nasa una pagdating sa curve. Sa tuwing binabalak ko na magovertake humaharang sa akin ang isa. Hangang sa pareho kaming magtapat sa isa't-isa. Lumingon ang driver ng isa pang motor na biglang sumulpot sa tagiliran ko at nakita ko ang isang mala-demonyong ngiti nito ng itaas ang salamin ng kanyang helmet. Malapit na kami sa sharp curve nang gumilid ang nasa unahan at halos tumabi sa akin. Ang sadya ay patumbahin ako, impatiently sinikap ko na itodo ang takbo upang lampasan ito. I was cursing under my breath. Alam ko gusto niya akong patumbahin.Sa mismong sandali iyon kinabig niya ang manibela pakanan upang hulihin ako upang masagi at sumasadsad sa railings ng kalsada. Ngunit hindi siya nagtagumpay bago pa niya magawa iyon inunahan ko na siya. Nawalan ito ng balanse. Masyadong mabilis ang takbo niya para makontrol ang manibela ng motor niya. Tumalsik siya palayo sa kanyang motor. Ang mabilis kong pagkabig upang iiwas ang motor ko sa kanya para hindi ako tamaan sa pagtalsik nito sa railings. Pagak akong napangisi, one down four more to go. Ang mahigpit kong kalaban ang huling dumating kanina. Iba ang galing nito halatadong magaling at bihasa sa pakikipagkarera. Muli akong ginitgit ng isa pa pero hindi rin nagtagumpay, mabilis kong nakabig ang manibela ko para maiwasan ito. Sumadsad at natumba umikot ng tatlong beses sa kalsada ang motor nito. Apat na lang kaming naiwan. Naghihiyawan ang mga tao nakikita ko malapit na sa finish line ang huling dumating kanina. Subalit hindi ako papayag muli kong tinodo ang selinyador, halos palipad na ang takbo na ginawa ko para lang mahabol ko ito. Muling naghiyawan ang mga tao ng makita nila ang gitgitan naming dalawa. Nang may biglang sumulupot ang isang motor sa tagiliran ko hindi ko napansin dahil masyadong nakatuon ang atensiyon ko sa nauna sa akin. Pinaharurot ko ang motor ko ngunit bigla niya akong hinarangan para banggain ako. Mabilis kong kinabig ang manibela pakanan ngunit desidido silang dalawa na pataubin ako. Nawawalan na ako ng pasensiya sa dalawang ito, kanina pa sila at sobra na akong namumuro sa kanilang dalawa. Tinaas ko ang isang paa, binigay ko ang buong lakas ko upang tadyakan ito. Nawalan ito ng balanse, kasama siyang nagpagulong-gulong sa kanyang motor. Ganun din ang ginawa ko sa kabila malakas na tadyak ang ginawa ko, nagpaikot-ikot ang motor nito sa kalsada kasama siya. Tinodo ko ang selinyador ng motor ko para habulin ang nauna sa akin. Dalawa na lang kaming maglalaban konti na lang at maabutan ko na ito nasa sharp curve na ako konti na lang finish line na. Humarurot pa ako hangang sa magpantay ka, ngunit hindi ito pumayag tinodo rin niya ang pagharurot ng kanyang motor. I cursed again silently. Kita ng dalawang mata ko na ayaw nitong magpatalo tulad ng ginawa niya, ganun din ang ginawa ko. Napangisi ako ng malagpasan ko siya, abot kamay ko na ang panalo ko. Subalit may umagaw ng atensiyon ko ang isang munomento sa gilid ng kalsada. Sigurado ako sa nakasulat " In memorandum of Troy" hangang sa malagpasan ko ito at tuluyang nawala sa paningin ko. Muli kong binalik ang atensiyon sa kalsada. Ngunit huli na sinubukan kong kabigin ang manibela ng motor ko. Pero hindi ko na makontrol sumalpok ako sa railings, sa lakas ng impact halos nasira ko ito. Nagtuloy-tuloy ang takbo ng motor ko hangang patungo sa pangpang. Bago pa ako sumabay sa pagkahulog ng motor sa bangin nakatalon agad ako. Gumulong-gulong ako na hindi ko mabilang kong ilang beses bago bumagsak ang katawan ko sa lupa. Napaungol ako sa sakit pakiramdam ko nabali ang balikat at ang binti ko. Sa pagkakataon ito para akong maubusan ng hangin nahirapan huminga ang dibdib ko. Naalala ko bigla noong baby pa ako nagkaroon ako ng sakit sa puso. Hirap akong makahinga agaran kong tinanggal ang sout helmet. Napasinghap ako at pinuno ko ng hangin ang aking dibdib nang maalis ang helmet sa ulo ko. "Damn! f**k!" Malakas na mura ko. Nang dahil sa babae, i look so stupid and helpless. "f**k! f**k! Walang tigil ang pagmumura ko at pinaghahampas ang helmet sa lupa. Halos pagapang akong lumayo sa pangpang, medyo hirap parin ang dibdib ko sa paghinga. Sinubukan kong tumayo ngunit unti-unting nagdilim ang paningin ko. Malabo pero isang babae ang tumakbo palapit sa akin. Narinig ko ang nag-alala niyang boses at pagtawag sa pangalan ko bago ako tuluyang bumagsak sa lupa kasabay ng pagkawala ng malay ko. To be Continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD