Chapter 02- Fate

1897 Words
Chapter 02 Gunner's POV Nakabihis na ako nang bumaba ng dining area. Nakahanda na ang almusal para sa akin. May lalakarin ako, hindi ako mapakali sa nakita ko kagabi. Alam ko at sigurado akong si Chantal ang babaeng tinatawag nilang Anika. Tanging si Mom lang ang naabutan ko sa dining table. Napatingin ako sa sout kong wristwatch, it's past ten in the morning. Hindi ko alam kong anong oras natapos ang party kagabi. Maaga akong nahiga sa aking silid ngunit hindi ako makatulog sinakop ni Chantal ang kaisipan ko. Ang kagustuhan kong makita siya sa matagal na taong nagdaan ay napalitan ng pagtataka at kalituhan. Dahil sa pangyayari kagabi mas lalo pa akong naging determinado na maiuwi siya dito sa tahanan namin. " Morning, Mom." Hinagkan ko ito sa pisngi. "Where's Dad?" " Pumasok na sa kapitolyo. Tinanghali ka yata ng gising, Gunner. Where have you been last night? Bigla ka na lang nawala sa party, hinanap ka ng mga kaalyado ni Daddy mo." I smirk! Mabuti na rin pala at maaga akong nagtungo sa aking kwarto. Hinila ko ang isang upuan at naupo sa kanyang harapan. I looked at her straight, i was thinking kong napansin ni Mommy si Chantal kagabi. Naglagay ako ng butter sa toast nang muli kong tingnan ang akin ina. Abala ito sa harapan ng kanyang laptop.Ayaw ko sana siyang distorbohin. Ngunit hindi ako mapakali kapag hindi ko makuha ang kasagutan sa tanong ko. "Nakita ko si Chantal kagabi at sigurado ako na siya ang nakita ng dalawang mata ko," i declared boldly. Nahinto si Mommy sa ginagawa at tumingin sa akin. Amusement in her beautiful eyes. "Are you sure? Bakit hindi man lang siya lumapit sa atin kung andito siya kagabi? Hindi naman ako tumigil sa paghahanap sa kanila sadyang napakahirap lang nila hanapin." "Taga-saan ba ang catering services na kinuha niyo last night?" I asked her curiously. Gusto ko lang malaman para alam ko, kung saan ako mag-uumpisa sa paghahanap sa kanya. She shrugged her shoulder bago binalik muli ang paningin sa monitor ng laptop. Makikita sa mukha ni Mommy ang kalituhan at pagtataka. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Ask Carol about that, you know her, right?" Tumango ako! My Mom personal assistant. "Sigurado ka bang si Chantal ang nakita mo? Baka namalik-mata ka lang dahil sa sobrang pagkasabik mo sa kanya na makita siyang muli. Kahit hindi ka magsabi sa akin, Anak, nababasa ko ang mga mata mo.You still in love with her, do you?" May panunukso sa tinig ni Mommy. And i couldn't deny the fact that until now i'm inlove with her. Sinubukan kong patayin itong nararamdaman ko pero ayaw talaga mawala ni Chantal sa puso't-isipan ko. Napatingala ako sa chandelier at umiling kasabay ng pagpalatak. "Tinawag siyang Anika ng mga kasama niya kagabi?" pagkuwa'y na sabi ko. I don't know why i hated the thought for calling her Anika. Kung sa pagkakaalam ko Chantal ang pangalan niya. Ayoko isipin na ang babaeng nakita ko kagabi ay hindi si Chantal. "Anika? And?" "Bakit hindi mo silipin ang mga CCTV, apo, dahil pareho tayo ng mapansin kagabi." Sabay naming nilingon ni Mom ang pinanggalingan ng boses. Si mommyla, tumayo ako para salubungin ang matanda hinalikan ko ito sa pisngi at inalalayan na maupo sa tabi ko. "Thanks,apo." Nakangiting sabi nito. I gave my grandmother a tender smile. "Pati rin kayo, Mom , napansin niyo? Wala ba siyang maalala?" tila may pag-alala sa boses ni Mommy. She twisted her mouth drily. "Kamukha, pero maaring kahawig. Pwede magbago ang hitsura ng isang tao. Chantal only thirteen years old when she and Manang Lupe left this house." Patango-tango si Mommy. " Your Mommyla was right. Maaring kamukha dahil lahat naman tayo may kamukha. Kung doubt ka parin you can check all the CCTV," malumanay na wika ni Mommy. Napabuntong-hininga na lang ako. May point sila pero iba ang sinasabi nang isip ko. Malakas ang kutob ko si Chantal ang nakita ko. She might have been in an accident that caused her memory loss or something happened with her. May nangyari kayang masama sa kanya? May gumuhit na galit sa mga mata ko subalit sandali lang iyon. Nahalinhan iyon ng kalituhan at relief, na dagli ring nawala. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Naiiling akong ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kong kumain, naisipan kong pumunta sa kusina. Pumunta ako sa maliit na silid kung saan naroroon ang mga monitoring ng mga CCTV dito sa bahay. Sinuri kong mabuti ang bawat anggulo na abot ng CCTV. Nang matigilan akong matuunan nang pansin, ang tatlong babaeng nagseserve ng mga inumin sa mga bisita. Nasa tabi ko lang ang babaeng hinahanap ko. "Chantal!" bulalas ko. Nakatayo ako habang kausap si Mom saktong napadaan ito sa likod namin. Hindi ko lang napapansin dahil sa kasiyahan na muling makita ang pamilya ko. Napahilamos ako ng dalawang kamay ko sa aking mukha. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang babaeng nasa likod ko lang ay si Chantal bagaman medyo maiksi ang buhok nito kumpara noon. Hindi na kagaya noon na mahaba, si Mommy pa ang taga suklay niya at taga-ayos ng buhok niya. And she wasn't even smiling. What i could see in her face was boredom kaya siguro nag-yaya na itong umuwi kagabi. Mabilis akong umalis ng silid at nagtungo pabalik sa dining area, para ibalita kila Mom pero wala na sila. Kinuha ko ang phone ko, i dialed Calix's number. Naka-apat na ring nang sagutin ni Calix. "Calix..it's about Chantal i saw her—" "Oh," agap ni Calix sa akin na tila hindi makapaniwala ang tinig nito. "Saan?" "Last night..." "Gunner, moved on! Ang tagal ng wala si Chantal hindi nga natin alam kong saan na sila dinala nang diyos.." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Tawagan mo si, Carol, kung ayaw mong isumbong kita na ginagapang mo anak niya." Banta ko rito, natahimik ang sa kabilang maya-maya ay bigla itong tumawa. "Kasama ko anak niya..." halos pabulong na sagot niya sa akin. "Mapipikot ka sa ginagawa mo, gago ka talaga Calix , itanong mo diyan sa kasama mo. Kung taga saan ang catering services na kinuha ng nanay niya." "Wait lang," Ilang saglit ang hinintay ko naririnig ko mga kaloskos. " Taga Naguilan ang catering Services na kinuha ng mama niya." Lumalim ang kunot sa noo ko. " Naguilan?" "Yes. Taga doon at Anika ang pangalan ng may-ari nang catering Services at may-ari ng isang Resort." Hindi ako agad nakasagot. Anika? Anika, ang pangalan na narinig ko kagabi na tinawag sa kanya. Maaring ang Anika na tinawag kagabi ay maaring siya ang may-ari nang catering services at resort na tinutukoy ni Calix. "Anika ang pangalan ng babaeng kamukha ni Chantal, na nakita ko kagabi. Sa tingin mo iisang tao sila?" Something wasn't right, 'yon ang sabi ng utak ko. "Hey, are you still there?" si Calix. "Yeah! Punta tayo Naguilan.Kita tayo sa port isama mo si Jonax, wag niyo ako paghintayin dapat pagdating ko andoon na kayo," sabi ko sa ma.awtoridad na tono. Iyon lang at pinatay ko na ang tawag. Pumanhik ako sa silid ko, kumuha ng konting damit at nilagay sa backpack sinama ko ang camera ni Mom. Marami akong larawa ni Chantal dito, pwede ko itong gamitin upang ipaalala ko sa kanya. Kung sino siya sa buhay ko. Matapos magpaalam kay Mommy ng makasalubong ko ito sa hagdanan, humalik ako sa pisngi niya pagkatapos nagmadaling umalis. Nagpahatid ako sa driver namin sa pantalan. Nandoon ang yate ko na pwede namin gamitin papunta sa Naguilan Island. Ang Isla kung saan namatay si Tito Troy. Bigla akong nalungkot ng maalala si Tito Troy. Hindi ko maiwasan na mapaluha ng maalala ang isang taong naging mabuti sa akin. Mabuting tao ang pagkakilala ko sa kanya at manatili siyang mabuting tao sa puso ko. Napakurap ako para alisin ang luha sa mga mata ko. Alas-dose na nang makarating ako sa pantalan. Agad akong bumaba ng sasakyan at hinabilin ko sa driver na wag sabihin sa bahay kung saan ako pupunta. Nagpaalam ako kay mommy kanina pero iba ang dinahilan ko. Hindi ko alam kong ilang araw ako sa Isla. Isa lang ang goal ko ang maiuwi si Chantal. Naabutan ko na sina Jonax, Calix at ang taong magmamaneho sa yate. Binato ko kay Jonax ang bag ko at sinalo niya. Inisa-isa kong tanggalin ang tali para makapaglayag na kami. Itong yate regalo sa akin ni DaddyLo 'nung nakagraduate ako ng college. Pinangalanan ko itong "Chantal". Pagkatapos kong tanggalin ang mga tali, umakyat na ako sa taas, upang paganahin ang engine motor nitong yate. Hangang sa tuluyan na kaming makalayo sa pantalan. Malayo ang tingin ko, nakatayo ako ngayon dito sa dulo ng upper deck kung saan naroon ang dalawang puting lounging chair at isang mesa na yari sa fiber glass. "Look, Pare. Sigurado ka ba si Chantal ang nakita mo?" tanong ni Calix, sabay lapag ng isang boteng alak sa mesa. Naupo siya sa lounging chair. Naglagay ito ng alak sa kopita at inabot sa akin ang isa. Inubos ko ang laman ng kopita at tinanaw ang malawak na karagatan. Ilang sandali ang pinalipas ko bago ko sinagot ang tanong ni Calix. "Sigurado ako," may paniniyak sa boses ko. "Si Anika ba ang tinutukoy mo? Na kahawig ni Chantal?" sabad ni Jonax, tinapik ako sa balikat. Nagsalubong ang mga kilay ko. " What are you talking about?" "Listen, I know her pero hindi siya si Chantal.Siya si Anika Jarlego," dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa. May kung anong hinanap ito, maya-maya may pinakita siyang larawan mula sa gallery nang cellphone niya. "That's Chantal..." bulalas ko. " Sa mga mata palang at ang biloy niya." "Hindi, Pare. Siya si Anika Jarlego anak siya ni Congressman Ysmael Jarlego. Pare, anak siya ng kaaway ng Tito Gavin sa pulitika pero sa Naguilan siya nagstay dahil may resort siya at sa kanya ang Catering na kinuha ni Tita Carol. Hindi siya expose kasi nasa Isla lang naglalagi doon ko din siya nakilala. Akala ko noong una si Chantal pero hindi magkaiba sila, ibang-iba." Napaupo ako at napasandal sa upuan. Umiling na tila hindi parin makapaniwala sa sinabi ni Jonax. " Anika Jarlego?" wala sa sariling bigkas ko sa pangalan niya. Napahilot ako ng batok. Ang kilala naming Chantal ulilang lubos, ang tanging pamilya niya lang ay si Manang Lupe. Muling bumaba ang paningin ko sa kanyang larawan. Chantal na Chantal ang mukha nito. Ang singkitan na mga mata, ang matangos na ilong, ang biloy sa kaliwang pisngi. She was beautiful and very young. So look so vulnerable...so mysterious. Why? Ano ang nangyari? I intended to know. Nang bigla kong naalala si Manang Lupe magkasama sila. Kung makitang kasama niya si Manang panigurado siya si Chantal.Napatingin ako kay Jonax. "Si Manang Lupe napansin mo?" Nagkibit ng mga balikat si Jonax. It was too much of a coincidence. Hindi pwedeng nagkataon lang na magkamukha si Anika at Chantal. I can't be wrong. I know in my heart she is my Chantal. I don't believe in coincidence. Ngunit minsan ang kapalaran ay maaring maging mabuti at malupit. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Bakit parang ang lupit naman yata nitong tadhana para sa amin. Hindi ito ang ipinangako namin sa isa't- isa. Tumayo ako ulit, hinimas ang aking sentido at pinag-iisipang mabuti ang sitwasyon.I don't know. I can't explain. Alam ko may mali dito. To be Continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD