Chapter 1
Gunner's POV
Natulos sa kinatatayuan si Dahlia. Magkahalong emosyon ang nakikita kong sabay-sabay na umahon sa dibdib niya ng makita ako sa harapan niya. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat at saya, agad niya akong niyakap nang mahigpit.
" Sino 'yon?" galit na tanong ko sa kanya ng kumalas ito sa pagkayakap sa akin.
" Co-doctor's ko, binasted ko dahil hindi ko siya type. Ayoko naman maging bastos kaya pinapakisamahan ko lang. Bakit ngayon ka lang? Mommy, was so worried about you! Where have you been? Kahapon pa siya tawag ng tawag sayo."
" Umiiyak ba?"
" What do you expect? She's worried to death! You know, mom? Gagabihin nga lang ako nang uwi ng bahay, ilang bodyguards na ang inuutusan niya na sunduin ako sa ospital," tila naiiritang wika ni Dahlia at napabuga ito ng malalim na hininga.
Nagkatinginan kaming dalawa at hindi mapigilan ang magtawanan. Pareho na kaming nasa adult stage ni Dahlia, pero hangang ngayon napaka OA parin ng aming ina. We can't blamed her, ganun si Mommy Maddison kung magmahal sa kanyang mga anak. Medyo pasaway kami ng konti ni Dahlia not like Zach he always obey Mom may balak atang magpari.
" Puntahan muna si, Mom, tiyak matutuwa 'yon kapag nakita ka," pagtataboy niya sa akin.
" H'wag mong sabihin na andito ako," habilin ko kay Dahlia. Tango lang ang itinugon niya sa akin, alam niya ang nais kong ipahiwatig. Humakbang ako patungo sa likod ng stage. Balak kong kantahan ang mga magulang ko.
Mula dito sa kinatatayuan ko sa likod ng stage, nakikita ko si Mommy and Daddy. Mahigpit na nakahawak si Dad sa beywang ni Mom. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Lumipas man ang maraming taon pero ang pagmamahalan ng aking mga magulang ay nanatiling buhay na buhay.
Pag-ibig nila sa isa't-isa na sobrang hinahangaan ko. Kitang-kita kung paano pinapakita at pinapadama ni Dad ang pagmamahal niya kay Mom.
Pagmamahal na handa ko ring ipakita sa oras na magtagpo ang landas namin ni Chantal.
My heart belongs to her!
Sumenyas ako kay Jonax na ilagay ang mic stand sa gitna ng stage, kasabay ng pag-akyat ko. Nakatuon sa akin ang spotlight na halos nagpahinto sa lahat. Tinanggal ko ang sout ko na sumbrelo. Lahat nang atensiyon ng mga bisita ay nakatuon sa akin. Dahan-dahan na lumingon si Mom na abala sa pakikag-usap sa kanilang mga bisita.
Natutop ni Mommy ang kanyang bibig ng makita ako. Even Dad hindi makapaniwala na andito ako ngayon sa harapan nila.
I smiled to my parent's lovingly. " Happy anniversary to the both of you. I love you Mom and Dad," bati ko sa kanilang dalawa.
"I love you so much, Gunner," she murmured to the air. Ganun din si Daddy. Kahit sila DaddyLo at MommyLa ay nagulat din ng makita ako.TatayLo was also here, mga kapatid ni Mom and my cousin's. Yumakap ang Mommy kay Daddy, makikita sa kanilang mukha na hindi sila makapaniwala.
" Para sa inyo ito," aniko, kinuha ko ang gitara mula kay Calix at isinukbit sa balikat ko. Matamis na ngumiti ako kay Mom bago ko inumpisahan na kuskusin ang string ng gitara na nasa balikat ko.
" Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo
magbago. Kailanman, nasaan man,
Ito ang pangarap ko. Makuha pa kaya'y
ako'y hagkan at yakapin, mmmmmm...."
Napatitig ako sa mga magulang ko, napansin ko ang pamumuo ng mga luha ni Mom. Tumingala ito kay Dad, inabutan ng masuyong halik ni Daddy sa kanyang noo. Pagkatapos niyakap niya ng mahigpit, napapangiti ako sa mga nakikita ko sa kanila. Para lang silang mga teenager na inlove na inlove sa isa't-isa.
" Hangang sa pagtanda, natin?
Nagtatanong lang sayo
Ako pa kaya'y iibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?"
Mas lalong lumapad ang mga ngiti ko sa labi ng isayaw ni Dad si Mom na para bang sila lang ang tao sa paligid. Nagpalakpakan pa ang mga bisita ng halikan niya si Mommy sa labi. Sumunod din sumayaw sila Daddylo and Mommyla. Pati si Dahlia at Zach nakisali narin.
I'm so blessed to have a family like this. Completed and happy family.
May mga magulang akong humubog sa akin, kung ano ang tunay na kahulugan nang pagmamahal.
" Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay
puputi narin. Sabay tayong mangarap ng
nakaraan na'tin. Ang nakalipas ay ibabalik
natin mmmmmm....ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako na ang pag-ibig
Ko'y laging sa'yo kahit maputi
na ang buhok ko, oohhh...."
Tinanggal ko ang nakasukbit na gitara sa balikat ko at inabot kay Calix. Malakas na palakpakan mula sa mga bisita ang naririnig ko, kumaway ako sa kanilang lahat bago bumaba ng stage. Nakangiti akong tinungo ang kinaroroonan ng mga magulang ko.
" Hello, Mom."
" G-Gunner...?" My mom voice broke, habang nag-alinlangan siyang humakbang palapit sa akin. " It's really you?"
Isang tawa ang pinakawalan ko. " It's me, Mom at sobra po kitang na mi-miss." Niyakap ko ang naluluha kong ina. " Don't cry, Mom , masisira ang makeup mo. Ang ganda-ganda niyo pana man ngayon and happy anniversary ulit sa inyo ni Dad."
" Ngayon lang ba maganda ang, Mommy?" tila nagtatampo na saad nito at muli akong niyakap.
Muli akong tumawa. " As always, Mom!"
" This is a surprise, Gunner ," wika ni Mommy. "Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Alalang-alala ako sayo ilang araw kitang hindi makontak!" Nilingon niya si Daddy. "Alam mo bang uuwi ang anak mo, Mahal?"
Umiling ang Daddy. "Pareho lang tayo nagulat, Mahal."
Niyakap ako ni Daddylo at Mommyla. Halos lahat sila ay napakainit ang pagsalubong nila sa akin. Lumapit sa akin si Dad, tinapik-tapik ang balikat ko bago ako niyakap.
" Saan kaba nagdaan, Gunner Flynn?" Usig sa akin ni Dad. Pagkatapos niya akong yakapin. Tumawa lang ako sa tanong niya.
" Kuya," tawag sa akin ni Zach. Inakbayan ko ito at ginulo-gulo ang buhok niya. Na miss ko rin itong bunso namin, na miss ko makipagkwentuhan sa kanya bago kami matulog sa gabi at ang mga kulitan namin.
" Malayo pa lang kami ni Calix natanaw ko ang maraming sasakyan.Namangha ako sa kasayahang ngayon gabi, Dad.Minabuti kong umakyat sa pader na dumaan. And i'm glad i did." May pagmamalaki pa sa boses ko.
My father shook his head. "Kayo talaga ni Calix!" hindi makapaniwalang bulalas nito. "Alam mo ba ang pagdating ng kakambal mo, Dahlia?" Baling ni Dad kay Dahlia.
" A-ako ma'y nagulat din, Dad. Bigla niya lang ako hinila kanina.Welcome home twin brother," puno ng excitement ang tinig ni Dahlia.
Nasisiyahang ngumiti si Dad, lalo na si Mommy. Kitang-kita parin sa mukha niya na hindi ito makapaniwala. May ilang beses pa itong kumurap at pinisil ang ilong ko ng paulit-ulit, naalala ko noong bata ako lagi niyang pinipisil ang ilong ko sa tuwing pang-gigilan niya ako.
" You really surprise me, Gunner."
" Sadya kong hindi ipaalam sa inyong lahat ang pagdating ko, Mom."
" Umaasa akong hindi panandalian ang pananatili mo dito sa bahay, Son. Gusto ko muna magpahinga, you know what i mean..."
Hindi ako agad nakapagsalita sa narinig mula sa aking ama. Tumingin ako kay Mommy, kinapa niya ang kamay ko at pinisil ang palad ko. Mom, knows where my heart was.
Noong bata ako "Oo lang ako nang Oo" sa kanila kasi hindi ko naiintindihan ang lahat, pero 'nung nagkaisip ako doon ko lang naintindihan sa sarili ko.Kung ano talaga ang gusto kong gawin. Akala ko, 'nung una ang pagkanta pero hindi rin pala parang nakahiligan ko lang at nagkataon lang na minana ko ang boses ni Dad.
I wanted to be a photographer! Bagay na gustong-gusto kong gawin.
Pero alam kong malabo na mangyari ang gusto ko. Napabuntong-hininga na lang ako.
Pilit na ngiti ang itinugon ko sa aking ama. Nilapitan ako ni Dad at marahan na tinapik sa balikat. " Malapit na ang filing of candidacy at tamang-tama ang pagdating mo! Pag-uusapan natin ito bukas with your DaddyLo," deklara nito. Mas lalo akong nawalan ng ngiti sa labi, 'yong kasiyahan ko kanina lang napalitan ng konting pag-alangan.
" Pwede naman natin pag-usapan ngayon na," suhestiyon ni DaddyLo nang lumapit sa amin." What do you think, Apo?"
" Bukas na, Papa , hayaan muna natin ma enjoy ang gabi," nakangiting turan ni Dad. Ngunit hindi ko magawang ngumiti kahit kay DaddyLo parang ang bigat nito sa dibdib ko.
Meron pa akong bagay na hindi ko nagagawa, ang paghahanap kay Chantal. Isa sa mga reason kong bakit ako umuwi because of Chantal, gusto ko itong hanapin.
Sa kabila ng lahat sinubukan ko parin ngumiti sa kanilang dalawa. Ayoko silang madismaya sa akin lalo na si Daddy. Pana-naka'y sumusulyap sa akin si Mommy, patango-tango lang ang itinutugon niya sa akin. Ramdam kong nararamdaman ni Mommy ang nasa loob nang puso ko.
Gusto ko sana mag-enjoy ngayong gabi dahil matagal akong nawala pero biglang naglaho ang excitement ko. Hindi ko makuhang mag-saya tulad ng mga nakikita ko sa mga tao sa paligid.
Sinamantala ko ang kasiyahan sa paligid upang magtungo sa gilid ng batis.Pagkuwa'y naupo ako sa malaking bato. Minamasdan ko ang pag-agos ng tubig habang malalim na nag-iisip.
Panay hugot ko nang malalim na paghinga. Sinuklay ng mga daliri ko ang aking buhok patalikod.
"G-Gunner..." Narinig ko ang malamyos na boses ni Mom mula sa aking likuran. "Dahil ba ito sa sinabi ng Daddy mo?"
" Yeah," matabang kong sagot kay Mom.
"Ayaw mo, right?" nananantiyang tanong ni Mommy at tumabi sa akin. "Don't worry kakausapin ko si Daddy mo na ayaw mo."
Ipinatong ko ang aking ulo sa kandungan ni Mommy tulad ng ginagawa ko noong bata ako, sa tuwing nalulungkot ako. Para akong isang bata na banayad hinahaplos ni Mommy ang aking buhok.
" I know how much you love your Daddy, Gunner...we both do. Kung ayaw mo sa gusto niya, you can say no."
"Ayoko madismaya sa akin si Daddy at Daddylo, kung iyon ang magpapasaya sa kanila. Bakit nga ba hindi?"
"Are you sure? Kahit hindi mo magawa ang gusto mo? Ikaw ang pipili ng buhay na gusto mo, hindi ako or ang Daddy mo ang magdesisyon para sayo."
"Well, I couldn't be so sure about that too...."
Itinaas ko ulit ang aking ulo, tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. I smiled to her tenderly. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ang mga palad ko.
"Natutuwa ako't sa wakas umuwi kana, Gunner, wag kana umalis ulit anak...Nalulungkot ako kapag kulang ng isa ang mga anak ko.Kayong tatlo at ang Daddy niyo ang pinakamahalaga sa buhay ko."
"Me too...para magkaroon kayo ng maraming oras ni Daddy and for his peace of mind," aniko at sinamahan ng buntong-hininga. " Tatakbo ako bilang Gobernador sa susunod na eleksiyon."
" Kung yan ang gusto mo, i will support you all the way," malambing na wika ni Mom."Lets go back to the party baka kanina pa tayo hinahanap ng Daddy Gavin mo."
Tumayo ako at ikinawit ni Mom ang kamay niya sa braso ko. And we started to walk!
"What happened to your car?" makahulugan na tanong ni Mommy habang naglalakad kami.
Napahimas ako nang batok gamit ang isa kong kamay. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan sa kanya at paano niya nalaman.
I chuckled. "How did you know?"
"Papunta ka pa lang, Gunner , pabalik na kami ng Daddy mo. May tumawag sa kanya kanina at sinabi ang nangyari kaya hinanap kita."
"Hindi ka galit?" paniniyak ko sa kanya. Tinapik niya ang likod ng palad ko.
" Of course not, dahil kilala kita hindi mo magagawa 'yon kung hindi ka inunahan," paliwanag ni Mommy.
Napangiti ako sa narinig mula sa aking ina. Kahit papano walang mahabang paliwànagan ang magaganap sa aming mag-ina na mauuwi sa iyakan. Nahinto ako sa paglalakad ng maalala ko ang aking Camera sa loob ng sasakyan.
I want to take some pictures ngayong gabi.
"Why?" kunot-noong tanong ni Mommy.
" May kukunin lang ako sa sasakyan babalik din ako agad."
" Basta bumalik ka agad," aniya at nagpatiuna maglakad pabalik sa party.
Patakbo akong nagtungo sa sasakyan ko.Kinapa-kapa ko ang dalawang bulsa ko pero hindi ko makapa ang susi.
Shit! Natapal ko ang noo ko na kay Calix pala ang susi ng sasakyan, inabot ko pala sa kanya kanina bago ako umakyat sa pader.
Pabalik na ako sa loob ng bahay ng mahagip ng paningin ko ang isang truck. Parang sasakyan ito nang catering services na kinuha siguro ni Mommy dahil iyon ang nakalagay na pangalan sa harapan nang Truck.
Isang babae ang naka-agaw ng atensiyon ko abala ito sa pakikipag-usap sa isang bakla.
Hindi sila mukhang bisita dahil sa sout nilang uniforme. Madilim ang bahaging ito, tanging streetlight lang ang nagbibigay liwanag sa pagitan namin. Nagtago ako sa likod ng sasakyan ko pinagmamasdan ko silang mabuti lalo na ang babaeng nakatalikod.
She looks so familiar.
I shook my head a little with that thoughts! Hindi naman siguro siya.Muli akong napatingin ng may marinig akong tumawag sa pangalan niya. Na kasamahan yata nila na kakalabas lang galing sa loob ng malawak naming tahanan.
"Anika, sure ka ba talaga dito? Sayang naman kung mauna na tayong uuwi ang pogi ng anak ni Gob nakita niyo 'yon ang galing pang kumanta. Ang yummy sarap papakin," may panghihinayang sa boses nito at natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Hindi lang anak ahh pati si Gob.." segunda pa ng isa. Binatukan naman ito ng kasama niya.
"Sira ulo ka, kita mo naman kanina kung paano makakapit si Gob sa beywang ng asawa niya parang takot na takot mawala parang hindi mo naman alam ang kwento nilang dalawa 'yan."
"Pati 'yong bunso ni Gob ang popogi," kinikilig na sabi ng isang babae.
"Tumigil na nga kayo, iwan ko ba sa inyo kapag pogi ang bibilis niyo. Alam niyo ang lugar na ito parang pamilyar sa akin pero iwan ko ba parang...."
" Parang ano?" tinapik siya sa balikat. Saglit itong natahimik at dahan-dahan na humarap sa bahay.
I was paled of shock. Nang maging malinaw sa akin ang kanyang mukha parang nagdahan-dahan ang ikot ng oras para sa akin.
Paano ko makakalimutan ang mukha ng babaeng sumakop nang isipan ko sa nakalipas na maraming taon.
"Chantal.." bulalas ko.
Nagkibit-balikat ito."Pamilyar lang sa akin itong bahay parang nanggaling na ako dito dati," aniya bago umakyat sa likod ng Truck.
Agad akong lumabas mula sa kinatatayuan ko mabilis kong hinakbang ang mga paa ko. Ngunit may biglang humarang na sasakyan sa harapan ko.
Kung saan ako tutungo doon din ito pupunta. Hindi ko alam kung nanadya ba ito or tanga lang at hindi alam kung paano ipark ang sasakyan niya.Muntik pa niya akong mabangga dahil sa katangahan na ginagawa niya.Galit akong nilapitan ito ng makitang bumaba ito ng sasakyan niya.
Magsasalita pa sana ito ng bigla ko itong kiniwelyuhan.
"Gago kaba?" bulyaw ko rito.
"P-pasensiya na po boss napagutusan lang..." halata sa boses nito ang takot agad ko itong binitawan ng mapagtanto kong waiter ito dahil sa sout niyang uniform. Tumango ako sa kanya, bago pa kami nagkaintindihan na dalawa.
Naka-alis na ang Truck sinubukan kong habulin pero nakalayo na ito hangang sa tuluyang nawala sa paningin ko.
Napahilamos ako ng mukha sa inis at binunton ko ang galit sa isang sasakyan na nakita ko, pinagsisipa ko ang gulong nito.
"Damn! Chantal!" naiinis na bigkas ko.
My broad Shoulders drop! Dismayado akong bumalik sa loob. Napapaisip ako, bakit ganun ang inasal ni Chantal? How come hindi niya matandaan ang bahay na ito. Ako, kami, halos dito na siya lumaki, kasama ako, kasama ang buong pamilya ko.
What happened to you, Chantal?
To be Continued......