Chapter 08
Gunner's POV
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Kumurap-kurap bago tuluyang naipokus ang paningin ko. Nasa isang silid ako na hindi pamilyar sa akin. Bahagya akong umungol ng maramdaman ang pananakit ng kabilang balikat ko. Nagtangka akong kumilos subalit napangiwi lang ako.
"Bakit dito mo siya dinala, Anika?" Naririnig kong boses mula sa di kalayuan sa kinahihigaan ko. Mataas ang tono ng boses nito at mababahiran ang galit.
"Ano ang gusto mong gawin ko pabayaan siya? Its all your fault, Armand , dahil madumi kang maglaro," boses ni Anika.
"Ang daming pwede mo pagdalhan sa kanya, why here? Don't tell me...." malisyosong wika nito at palahaw na tumawa. "Interesado kaba sa Villafuerte na yan? Wag mong kakalimutan na isa kang Jarlego, Anika."
Narinig ko ang buntong-hininga na pinakawalan ni Anika. Tahimik lang akong nakikinig sa pagtatalo nilang magkapatid.
"Bahala ka sa gusto mong isipin. Kung hindi ka marumi maglaro di sana wala dito ang Villafuerte na 'yan. Klarong-klaro ang pandadaya na ginagawa mo, Armand," tila niinis na turan nito sa lalaki.
"Ano ang gusto mong mangyari? Pati ba naman sa karera ng motor tatalunin parin tayo ng isang Villafuerte?"
Isang pagak na tawa ang naririnig kong pinakawalan ni Anika.
"Kaya dinadaan mo sa marumi na laban? Remember, our first encounter with him? Muntik pa akong madamay sa katarantaduhan mo, ikaw ang nilampaso niya," pangungutya sa kanya ng babae.
"SHUT UP," bulyaw niya sa babae pero tinawanan lang siya nito.
Nagtagis ang mga bagang ko sa mga narinig mula sa kanilang dalawa. Talagang plano ni Armand na dayain ako pero di sila nagtagumpay sa nais nila pataubin ako.
Ang hindi ko lang malubos maisip na si Anika ang nakalaban ko sa karera. At kasama rin siya ni Armand noong araw na nagkasagupa kami sa kalsada. She was there all the time pero wala siyang ginawa para awatin ang tarantado niyang kapatid. Pinilit ko ang kumilos, iniangat ang ulo ko. Kailangan ko makabalik sa resthouse. I can't stay longer here.
"Huwag mong piliting kumilos, Villafuerte , kung hindi mo kaya. It is be expected that you will feel pain. Siguro naalala mo ang nangyari sayo?"
"Yes. I remember everything," mariin akong napapikit nang maalala ko ang dahilan ng aking aksidente. Hindi dahil sa pandadaya nila sa akin kundi sa nakita ko, inagaw nito ang atensiyon ko.
"Its okay, Villafuerte. Magpasalamat ka at buhay ka," tipid na ngumiti sa akin si Anika.
Banayad na tumango ako at tinitigan si Anika. Pagkatapos nagkasalubong ang mga kilay ko. Ang boses ni Anika at ang boses ng babae na tumawag sa akin bago ako nawalan ng malay ay magkatulad.
Maari kayang si Anika ang babaeng iyon? Ibang-iba siya kapag kaharap ako. She's turned into a cold stone. Ang mga mata'y malamig pa sa yelo kung makatitig.
Inalis ko ang paningin ko sa kanya. At pinilit ko muling tumayo sa kabila na nararamdaman ko.
Enough for this stupidity.
Muntik na akong mapahamak ang buhay ko sa isang bagay na pilit ko pinaglalaban na wala namang kasiguraduhan. Chantal and Anika, they have different personalities.
Lumapit sa akin si Anika, sinubukan akong pigilan pero iwinaksi ko ang kamay niya. Hindi ko kailangan ang simpatya mula sa kanya. Lalo na ang concern niya, kung concern nga ba talaga?
Hinugot ko ang lahat ng lakas ko para itayo ang sarili at nagtagumpay ako, tiniis ko ang lahat nang sakit sa buong katawan ko. Sinulyapan ko ang mukha ni Anika. Nakita ko ang pagbabago ng expression ng kanyang magandang mukha. Gulat? Pagkabigla? Panghinayang? Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pagbabago na 'yan.
"Ang usapan sa pustahan tutu—"
"Yeah," agap ko sa matabang na pagsang-ayon."Wala kang dapat alalahanin, Miss.Jarlego , tutupad ako sa usapan. Bago ako aalis ng Naguilan ibibigay ko sayo buong-buo ang isang milyon pati ang bayad sa motor na nahulog sa bangin." I said with determination.
Her eyes widened. Hindi ko alam kung saan siya nagulat? Sa pagtawag ko ba sa buong apelyido niya? Or sa sinabi ko? Tila naguguluhan ang kanyang mukha. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "My brother Armand was dirty player, i know, and was a fool to endanger your life. But you won the race Mr.Villafuerte. You made it to the finish line, your just got distructed kaya nabangga mo ang railings," she added softly! May konting kislap sa mga mata niya.
Hindi ko alam kong dapat ba ako matuwa sa narinig mula sa kanya. Sa ngayon kasi nawalan ako ng interest na kilalanin pa siya. Ayoko magsayang ng oras sa isang tao na hindi rin interesado na kilalanin ako.
Banayad kong kinalma ang sarili sa pamamagitan ng paghugot ng malalim na paghinga bago ako nagsalita. "I'm not interested in getting to know you anymore, Miss. Jarlego, that stupid race almost took mylife. Marami akong dapat pag-laanan ng oras kaysa pag-aksayahan kang kilalanin pa." I said with regrets and bitterness to my voice and frustration all over my face.
'Yong excitement ko na makilala siya bigla na lang naglaho. Napabuntong-hininga ulit ako at tumitig sa mga mata ni Anika. Lungkot, dismay ang dami kong emosyon na nakikita sa mga mata niya. Bigla siyang tumalikod sa akin humakbang siya ng tatlong pulgada at muling humarap sa akin. Nakikita ko na pinipilit niyang pasiglahin ang kanyang mukha.
Isang mahaba-habang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Pinilit niyang ngumiti sa akin na parang okay lang sa kanya ang lahat.
"K-Kung yan ang desisyon mo, so be it..." medyo shaky ang kanyang boses. "I can understand what you feel, Mr. Villafuerte ," may simpatayang wika ni Anika. "Nice meeting, you, then..." patuloy niya at pilit ulit na ngumiti saka ako tinalikuran. "Your friends will be there in a minute," aniya ng saglit huminto ngunit hindi na siya lumingon.
"Thank you," sagot ko sa kanya.
She shrugged her shoulder! Saka tuluyan akong tinalikuran lumabas siya nang silid.Napapabuga ako ng sunod-sunod na hangin. Hindi ko alam kong tamang desisyon itong ginawa ko pero ito lang ang nakikita kong tama para sa aming dalawa.
Pagtutuuan ko ng pansin ang nalalapit na eleksiyon, nakapagbitiw na ako nang salita na tatakbo ako at sisiguraduhin kong ako ang susunod na gobernador sa bayan na ito.
Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa palabas sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Anika. Dito ko lang napagtanto nasa hotel pala niya ako dinala.
Napapikit akong napasandal sa likuran nang pintuan. I'm in pain! Hindi lang ang balikat ko kundi pati ang puso ko. Hindi ko malaman kung bakit parang ako ang nasaktan sa mga sinabi ko sa kanya.
Hawak-hawak ng isang kamay ko ang balikat kong nanakit! Muli akong humakbang patungo sa hagdanan nang makasalubong ko ang mga hinihingal at nag-alalang mukha nina Jonax at Calix.
Agad nila akong nilapitan at inalalayan na maglakad pababa nang hagdanan.
"Alam mo na?" Panimula ni Jonax sabay iling ng kanyang ulo na tila hindi siya makapaniwala. "I told you malalim ang pagkatao ng Anika na yan. Sino ang magaakala na siya ang makakalaban mo sa karera."
"Yeah," aniko sa matabang na tono. Nang makarating kami sa baba halos lahat nagkatinginan sa amin. Naging malakas ang bulong-bulungan ngunit hindi ko sila pinapansin. Naririnig ko ang pakikisimpatya nila sa akin pero wala akong paki-alam sa mga opinyon nila.
Tiyak nakarating na ito sa mga magulang ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makalabas kami sa hotel ni Anika. Isang sulyap ang ginawa ko bago naming tuluyang lisanin ang hotel na pag-aari ng isang Anika Jarlego.
Nang makarating kami sa resthouse mas pinili ko munang manatili sa inaakupa kong silid. Habang isa-isa kong tinitigan ang bawat larawan ni Chantal sa camera na hawak ko.
Maya-maya lilisanin ko na ang Naguilan. Tumingala ako sa kisame at hinagod ang batok kasabay ng malalim napaghinga. Kasama sa pag-alis ko sa Isla ang kasamang ibaon sa limot ang nararamdam ko kay Chantal.
Tuturuan ko ang sarili na tanggapin ang katotohanan nasi Anika at Chantal ay magkaibang tao. Kung nasaan man ang totoong Chantal. Sana dumating ang araw na muling magtagpo ang aming landas. Hindi man ngayon sana sa tamang panahon.
Pipindutin ko na sana ang delete button. Nilinga ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa side table. Inabot ko ang CP, napahilamos ako ng dalawang palad sa mukha. It's Mom!
I cleared my throat before i answered her call.
"Hello..."
"Mom..."
"Gunner?" Naririnig ko ang pag-alala sa boses ni Mommy Maddison. For sure, alam na niya ang nangyari sa akin.
"Uuwi na ako, Mom," aniko sa mababang tinig.
"What happened...? Nanginginig ang boses ni Mommy. "I- I heard you crashed, is that true?" hindi mawala ang matinding pag-alala sa kanyang tinig.
"A little bit injury, mom , nothing to worry! Your son still alive and kicking," pagak akong tumawa. Para lang mawala ang alalahanin ng aking ina. Ayoko siya mag-isip ng sobra-sobra i know my mother so well.
"Are you sure?" may paniniyak sa kanyang tinig, narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya at ang boses ni Daddy sa pakiramdam ko nakikinig lang sa usapan namin ni Mommy. "Come home, Son." narinig kong sabi ni Daddy Gavin.
"I will, Dad , just tell Manang Estel ipagluto ako ng paborito ko. I will be home before seven pm."
"Promised?" boses ni Mommy.
"Yes, mom."
Pinatay ko na ang tawag, muli kong pinatong ang cp sa side table. Nang bumukas ang pinto at sumungaw si Jonax.
"Are you sure about this?" wika ni Jonax na itinaas ang mga kamay na may hawak na bote ng alak at dalawang kopita.
" I nearly lost my life at sobra kong pinag-alala ang Mommy. I'm fighting for nothing at tama si Calix maraming babae ang ginawa ng diyos tapos ito ako i'm wasted my time sa taong hindi ko alam kong naalala ba ako or ayaw lang ako alalahanin," wika ko kasabay ng pagtagis ng mga bagang ko.
Ngumisi si Jonax sa akin at binuksan ang bote ng mamahaling alak at nagsalin sa tig-iisang shot sa kopitang crystals. Inabot sa akin ang isa na agad kong tinanggap.
"Good decision, para sa paglimot. And one shot for a smooth life..."
"Right," wala sa sariling pagsang-ayon ko. "I guess needed this," at nilagok ang laman. "That bastard, Armand , may oras din siya sa akin babalikan ko siya sa oras na gumaling ang balikat ko," galit kong dinugtong matapos ilapag ang kopita sa tabing mesa. " I will make him pay for what he did!"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jonax. "Count me in, malaki din ang atraso sa akin ng gagong yan. Marami silang pasugalan at illegal na gawain na pinatigil ni Tito Gavin kaya galit sila sa erpat mo. Kaya tinapatan nila si Tito noong nakaraang eleksiyon ang tumakbo ang kapatid ni Ismael natalo parin sila pero nakuha ni Ismael Jarlego ang pagkacongressman. Anika's Father pero 'yong mother ni Anika—" pinilig-pilig ni Jonax ang ulo.
Bahagyang huminto sa sabihin. Ilang segundo ang katahimikan na namagitan sa amin. Nilagok ni Jonax ang alak sa kopita.
"Wala pang nakakita sa Asawa ni Congressman Jarlego, kahit noong kasagsagan ng eleksiyon. That woman was so mysterious parang si Anika."
"Really?" patuyang wika ko. " What would you do if you were in my place?" hamon ko kay Jonax at muli kong dinampot ang kopita at sinalinan ng alak.
"To tell you frankly, hmmmmm...tumakbo ka," tinitigan niya ako ng diretso.
Nilagok ko muna ang alak bago ako sumagot.
" Kaya nga tayo babalik na ng Sta.Fe... Dahil handa na akong palitan si Dad sa posisyon niya."
To be Continued.......