FOUR

2403 Words
  Dumiretso silang mag-ina sa SM para bumili ng t-shirt ni Byron. May event kasi ang anak niya sa Valentines Day kaya lang ay Mama niya ang sasama dahil may pasok siya at may schedule siyang linis sa Cibrian Pillar. Hindi papasok ang isang Janitress kaya siya ang magkukuskos. Ganoon ang side line niya. Isa siya sa tagasalo ng mga trabaho kapag may lakad ang gagawa no'n. Magla-log-in lang siya tapos magla-log-out, bibilangin ang oras niya sa loob ng isang buwan, suswelduhan. “Mom, what do women and men do who go out on a d-date?” biglang tanong ng bata kay Mavi habang pumipili siya kamiseta. Napatingin siya  rito at hindi niya alam kung paano sasagutin dahil hindi pa naman siya nakakapag-date. Hindi nga niya alam kung paano siya nabuntis ni Vander sa lagay na ‘yon. “A-Ahm, kumakain yata, bossing, nagkukwentuhan, gano'n.” “Bakit ka niyayaya ni Teacher Nix na lumabas? Crush ka ba niya? Crush mo ba siya? Paano na ang Papa ko?” Diyos ko pong mahabagin. Nandito na naman ang topic. Possessive kasi si Byron at ayaw na may lalapit-lapit sa kanyang lalaki. Hihintayin daw nito ang Papa nito na dumating para magkaroon na ng baby sister.  Ang galing lang. Nakaplano na ito samantalang siya ay tulog naman sa pansitan. Wala na nga siyang alam kung saang lupalop naroon si Vander. Sa totoo naman kasi, hindi pa rin niya nasasabi kay Byron ang totoo. Natatakot siya na masyado itong masaktan dahil umaasa ito na mahal ng ama nito. Sabi lang niya, nasa Iraq ang Papa nito at nagpapaputok ng kanyon. Siguro ay ibang kanyon na ang pinapuputok ng letsugas na iyon; kanyon na nakatago sa pantalon at briefs. “Hindi ko siya crush, okay. Huwag ka ng mag-alala dahil hindi naman ako sasama sa kanya. Pero huwag mong babastusin si teacher Nixon. He’s  still your teacher.” Paalala niya rito na agad naman nitong tinanguan. “At least it’s clear, Mama. You only crush my Papa.” Yeah. Ka-crush-in talaga niya si Vander kapag nagkita sila. Pero mali, dapat hindi niya ipakita na bitter siya. Masaya na siya sa buhay niya kahit na sila lang dalawa na mag-ina at ang nanay niya. Hindi niya kailangan ng lalaki. Aw. Naramdaman ni Mavi na tumapal siya sa kung anong malapad na bagay kaya agad siyang napatingala. Humahagikhik ang anak niya dahil nabangga niya ang isang taong karton. Pastilyas naman o! Bakit ba humahara-hara sa daan ang isang lalaking karton? Litrato iyon ng isang lalaking nakatalikod, nakaposing at nagmo-model yata ng kung ano. She scanned it from head to toe and never expected that she’ll drool like a freak. Matangkad ang taong karton, parang abot lang siya sa kili-kili. May hawak itong helmet tapos ay nakasando, nakasabit ang isang leather jacket sa balikat, nakaposing ang pwet, suot ang isang racing pants, with matching boots. Parang ganito iyong nakita niyang lalaki kanina pero sa dami naman ng mga motorista na ganoon ang hitsura, sino ba ang sino talaga? Sinilip niya ang kabila ng display, umaasa na may mukha ang model pero wala. Nganga. Tanga talaga siya. Syempre ay stand and nakakabit sa likod ng taong karton. “Excuse me, Ma'am. Pasensya na po kayo at nakaharang dito.” Anang isa sa dalawang lalaki na lumapit. Binitbit ng mga iyon papaalis ang bagay na ‘yon kaya nanganga pa siyang napasunod ng tingin. Sayang. She’s  hoping to see the man’s face. She bets that the model is gorgeous, too. Mahilig talaga  siya sa gwapo pero hanggang doon na lang ‘yon. “Is he dishy, mama though you’re facing his back?” there goes Byron's accent again. Hindi niya alam kung napupulot nito iyon sa Peppa Pig kasi hindi naman mukhang exaggerated ang anak niya. Her son speaks like a native British kid. “D-Dishy?” lukot ang mukha niya. “Good looking?” humahagikhik ang bata kaya napalunok siya sabay habol ng tingin sa papalabas ng taong gawa sa karton. “Yeah, good looking ang likod.” Natawa rin si Mavi sa sarili niya. Napaghahalataan ang taong wala ng dilig, kahit na lalaking nakatalikod at gawa pa sa papel ay pinagnanasaan. “Halika bossing, magbayad na tayo. Anong gusto mong kainin kaya kang take out na lang ha.” Aniya rito sabay hila niya sa kamay ni Byron. Napansin niya na sa labas ito nakatingin, sa katapat na bilihan ng mga laruan. It’s Toy Palace. Alam na niya ang tinititigan ng anak niya sa malayo. Kapag pumupunta sila roon, parati itong nakatitig sa chargeable na kotse-kotsehan. The car is actually from the movie, Cars. Dilaw ang parati nitong hinahaplos at pinagmamasdan. Parati rin niyang nakikita itong dumu-drawing ng ganoon tapos may nakalagay na someday when Papa comes, I’ll buy you. Nakakaramdam siya ng awa para sa anak pero kahit paano ay maganda naman ang epekto na nakikita nito ang mga hindi niya kayang gawin. At early age, Byron knows how to limit himself and his needs. Alam na nito ang mga priorities niya. Nabibilhan naman niya ito ng laruan na halagang five hundred pesos pero hindi ang toy car na  ‘yon na thirty-five thousand ang halaga. Pinakamababa roon ay fourteen thousand at kahit alin sa mga ‘yon ay hindi niya mabibili. She could if she would risk some of the things on her list but Byron wants the yellow car and not the others. “Bossing,” untag niya sa bata para maagaw na ang atensyon nito. Tumingala ito sa kanya at kita niya sa mga mata nito ang pag-aasam. Mabuti na lang at kahit paano, may kontrol ito sa sarili. Hindi ito ang tipo ng bata na nagmamaktol kapag hindi nakuha ang gusto. At this early age, her son knows his needs and not the ones he just wants. Naimulat na niya ang anak niya sa ganoon, na hindi lahat ng maibigan nito ay maibibigay niya dahil mahirap lang sila at kailangan niyang mag-ipon para sa pag-aaral nito. It’s hard to understand but Byron tries his best to understand her. Ngumiti ito sa kanya. “Just lookin’.” He said and she just nodded. Alam kaya nito kung gaano kasakit para sa isang magulang ang hindi maibigay ang magustuhan nito? Kung pwede lang niyang ibigay lahat, gagawin niya. Mabait itong bata at pwede naman premyohan pero hindi ang premyo na nagkakahalaga ng thirty-five thousand. Baka hindi lang siya lagnatin, mautas pa siya sa sobrang mahal no'n. “Let’s  pay na, okay. Bibili tayo ng food para iuwi.” Aniya rito. Sumang-ayon naman ito kaagad kaya mabilis na siyang lumapit sa counter. Paglabas nila ay hinanap kaagad niya ang paboritong fast food ng anak niya. It’s  a bee with a big butt and small pair of wings. Nakakatawa lang na ang pakpak ay hindi proportion sa katawan ng bubuyog pero happiness talaga yata ng mga bata ang Jollibee, happiness din ng nanay niya na mas nauuna pang mag-bilin kaysa kay Byron. Her son loves kiddie meal and collected some of the toys. Nakita niya ang limang magkakahilera ng ‘Posh Dosh'. It’s more than a fine dining fast food. Ginto ang halaga sa kainan na ‘yon na pag-aari rin ng Cibrian Pillar. May sariling hotel and restaurant ang Posh Dosh at mayroon din sa mga Malls sa Maynila. Papasok na sila sa pintuan ng Jollibee ng bigla siyang makaramdam na parang may nakatingin sa kanya. Agad na luminga si Mavi sa paligid pero sa dami ng tao, hindi niya alam kung sino ang nakatingin—o nakatitig. It’s  weird but she felt something. “Mama, let’s go. Baka maubusan ako ng kiddie meal. There are so many kids inside the fast food.” Inaalog ni Byron ang braso niya pero nakaawang ang labi niya sa kawalan. Hinahanap niya ang nakatingin sa kanya. “M-Mav's?” A voice echoed or was it just at the back of her head? No. Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon ng lalaki. And that ‘Mav's’ thing. Wala sa kanyang tumatawag na Mavs kung hindi si Vander lang. Mabilis na iginala ni Mavi ang mga mata pero wala naman siyang nakikita. He fixated her eyes at the entrance of Posh Dosh 2 and saw a man, grabbed by the wrist of a woman. Nakatalikod ang dalawa at sumara na ang pintuan ng kainan. “Mama, did somebody just call your name?” ani Byron kaya dito naman siya tumingin. Nakanganga lang siya kasi narinig din pala ng anak niya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. It’s  been six years. Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya. If she’s right, she saw a man with close to blonde hair like of her ex. Kung si Vander ang lalaki, may kasama iyong babae. Hindi na dapat silang magkita sa ngayon. Anong sasabihin niya sa anak niya? “Mom, you’re crying.” Inabot ni Byron ang pisngi niya at noon lang niya na-realize na basta na lang tumulo ang luha niya. “Let's go, b-bossing. Nakita ako…n-no'ng umaaway sa akin. We have to go, anak ko.” Kamuntik siyang mapahikbi. Naaawa siya sa anak niya pero kailangan niyang mas protektahan ang damdamin nito sa ngayon. “If Papa's here, he’ll beat that person. Don’t  worry. I’ll kick your enemy's ass if he gets closer to you.” Anito pero nagmamadali silang sumakay sa escalator na halos ikahulog pa niya. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa handrail. “Thank you but you don’t have to do that. Hindi mo kailangan na manakit. Umiwas ka na lang as possible as you can, like what we’re doing right now.” “You must because you’re a girl but I’m a boy and a boy must be brave and ready to fight.” Susko. Wala siya sa mood na makipagtalo. Natataranta siya dahil hindi siya handa. Hindi niya kailanman napaghandaan kung babalik si Vander. Masaya na siya at tiwala siya sa sarili niya kaya lang, if first love really never dies, how? Hindi siya pwedeng pakagaga sa ikawalang pagkakataon dahil baka mabuntis na naman siya pero layasan na naman siya ulit. Hindi pwedeng sushunga-shunga, Mavi. Grow up, huwag kang bonsai!   …   Hay. Sa kabilang kamay na naman pumangalumbaba si Mavi habang nakaupo sa balkon. Nakatingala siya sa langit na walang makita ni isang bituin. Ano bang tinitingala niya, polluted na ulap?   “Buntis ako…” napahikbi siya habang kaharap si Vander. Ang bigat bigat ng loob niya dahil noong isang araw lang, namatay ang Papa niya. Pinilit niyang makita ito sa labas ng isang mataas na unibersidad sa Maynila. Tumaas ang mga kilay nito sa kanya na para bang nakakatawa ang sinasabi niya. “What?” tumingin ito sa tiyan niyang hindi pa naman kalakihan pero halata na. And because she’s  wearing a black cotton shirt and a black leggings, the bump is not visible. Pinagmamasdan niya ito. Iba ito kaysa noong huli niyang makita sa probinsya. He was rugged that time and now he’s a bit casual, more formal. Medyo nailang siya at palihim na nasuri ang sarili niya sa salaming dingding ng kainan. Nasa labas lang siya at inabangan ito. Pasalamat siya sa Diyos na natyempuhan niya itong makita noong kumukuha siya ng Death Certificate ng Papa niya. Ang layo nila ni Vander sa isa't isa. “S-Sabi ko buntis ako.” He chuckled and she stared at him. Naluluha siyang tumingin lang dito habang katawa-tawa siya sa paningin ng lalaki. “Paano ka nakasiguro na ako ang ama? Lasengga ka di ba? You never bled, Marianne. I wasn’t  the first man in your life and sorry dahil hindi ko alam kung pang-ilan ako so, my answer is no. I’m  not the father. If ever I am, wala na akong magagawa. I have a flight tonight. I’ll  stay out of the country for good. Future ko ang nakasalalay dito. Hindi ko sasayangin ang lahat para sa isang bagay na wala namang kasiguruhan. Keep it for yourself or find the real father in the million men around the globe.” Tiningnan nito ang tiyan niya at kasabay ng pagyuko niya ay ang pagkahulog ng mga luha niya. Papahirin sana niya ang mga pisngi pero nabitin sa ere ang tangka niyang gagawin nang may lumabas na babae sa kainan at agad na umabresiete sa braso ni Vander. “Oops, am I interrupting something? Yaya mo?” anang babae sa kanya kaya lalong sumakit ang loob niya. Nagtitigan ang dalawa na parang maghahalikan pa sa harap niya at ganoon na nga ang nangyari. Pumikit siya at humikbi talaga. Kung palaaway lang siya, malamang nag-eskandalo na siya. Pero iyakin siya kahit na madaldal. Hindi niya kayang makipag-away. “Let’s go, babe.” Ani Vander sa kasama at tuluyan siyang nilagpasan. Ni paghabol ng tingin ay hindi niya kayang gawin dahil walang kasing sakit ang talikuran nito. He’s so disappointed to her. He said she never bled. Iyon ba ang basehan nito sa pagiging virgin ng isang babae? Pero sigurado naman siyang ito ang nakauna sa kanya. Wala pa naman siyang sinisipingan na lalaki kahit na sino.   Pinahid ni Mavi ang luha na tumulo sa pisngi at agad siyang napatuwid ng upo nang mapansin niyang nakasilip sa mukha niya ang Mama niya. “Mama naman.” Aniya rito. “Ano na naman ‘yan?” “Ma, paano kung bumalik…s-si Vander?” “Hahampasin ko siya ng tambo.” Mabilis nitong sagot saka tumalikod. “Huwag kang pabubuntis ulit sa pesteng lalaking ‘yon at baka gusto mo na naman na maiwan na luhaan. Nakakaawa lang ang mga bata na lumalaking walang ama pero mas nakakaawa ang lola na hindi alam kung paano ipaliliwanag sa apo niya kung bakit wala siyang Papa.” Tuluyan na pumasok si Rebecca sa loob kaya naiwan siya sa labas. Hindi naman siya magpapabuntis doon saka natuto na siya. Mahirap magtiwala sa lalaki. Hindi niya alam kung anong pagkakamali ang nagawa niya para umani siya ng mga ganoong salita sa first boyfriend niya pero hindi niya deserve iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD