THREE

1649 Words
Program, study now pay later! Be a scholar, be a pilot! Get the easiest way to grab your own pilot licenses. Get your Crystal Blue passes and be a pilot of the top leading Airlines nowadays! Inquire and enroll now! Nganga si Mavi. Wow. Just wow. “Big time talaga ang Cibrian Pillar. Ang gandang opportunity nito sa mga gustong magpiloto. Though for sure mataas ang standards, mataas din malamang ang sahod.” “Gusto kong mag-apply.” Ani Mavi kaya halos maitulak siya ni Paz. Nakatulala siya sa malaking banner na iyon at hindi matuklap ang mga mata niya. Nasa loob sila ng FEU, naglalakad. Ikinakabit pa lang ang banner na iyon sa may quadrangle at nakuha kaagad ang atensyon nila. “Gaga ka talaga. Kung anu-ano na lang iniisip mo. Mag-asawa ka na lang ng piloto para makasakay ka sa eroplano.” Anaman ni Emy. Napatingin siya sa dalawang kaibigan. Naalala niya si Vander. Ang alam niya, BS Aircraft Maintenance and Technology ang kinuha no'n sa College nang umalis sa probinsya pero simula noon ay wala na siyang balita pa sa ama ng anak niya. Kinuha na lang iyon basta ng ilang kalalakihan na nakasakay sa helicopter. Usap-usapan iyon sa lugar nila, sa buong munisipalidad. Imagine, bilyonaryo pala ang lalaking ‘yon na nang-iwan sa kanya. Bilyonaryo ang ama ng anak niya pero wala siyang balak na humingi roon ng sustento. Pagod na siya sa pagmamakaawa. Nagawa na niya iyon noon at halos iluha niya ng dugo pero iniwan pa rin siya ng lalaki. Ngayon nga iniisip niya, may karapatan ba si Vander kay Byron kung sakali? Sa kagustuhan niyang mapalapit pa rin sa lalaking iyon noon, pinilit niya ang mga magulang niya na pumunta silang Maynila. Nagtrabaho roon ang Papa niya bilang isang taxi driver pero sa kasamaang palad ay na-hold up at pinatay pa. Mabuti na lang at hindi naman siya sinisisi ng Mama niya sa nangyari. Nakunsensya rin siya nang husto dahil kung hindi siya nagpakagaga at parang asong ulol na pilit humahabol, baka buhay pa ang Papa niya hanggang ngayon. Pero pinalaya na niya ang nakaraan. Masakit pa rin pero hindi na siya nagpapaapekto. “Hmn,” labi ni Mavi. “As if naman may magkakagusto sa aking piloto. Papa nga ni Byron na halos apat na taon lang ang tanda sa akin noon ay iniwan pa ako.” “Eh babaero naman ‘yon, sabi mo. Saka malay mo ba. Ako nga nangangarap ng matinong bf na maglalabas sa akin sa club tapos ay hindi na ako pakakawalan, ‘yong hindi ako iinsultuhin na Magdalena ako at sawing palad, kalapati na mababa ang lipad.” Ani Emy habang nakatingala sa langit. Para itong sinapian ng ligaw na kaluluwa habang nangangarap ng gising. Natawa na lang si Paz pati na rin siya. “Tara na nga. Ibibili ko pa si Byron ng pulang damit para sa Valentines Day.” Yaya niya sa dalawa. Dumiretso sila sa paglalakad papalabas ng gate at saglit na tumigil dahil may papasok na motorsiklo sa loob. Umaangat pa ang barikada at saglit na nagtaas ng salamin ng helmet ang motorista. May ipinakita ang lalaki na ID tapos ay parang biglang nataranta ang gwardiya nila. Nakamasid lang si Mavi, nakatunganga sa lalaking hindi niya makita ang mukha. The man is wearing black pants, black combat boots, black jacket and white shirt. Katerno ng suot nitong helmet ang motorsiklo na itim ang kulay at may accents na puti. Dahan-dahan iyon na umusad papasok at nagkatitigan pa sila. Kamuntik siyang mapanganga dahil asul ang mga mata ng lalaki at naniningkit pa. Is he smiling? Para itong nakangiti. Wala siyang ibang makita sa parte ng mukha niyon kung hindi ang magagandang mga mata na balot ng malalantik na pilik mata. She remembers only one person with those crystalline blue eyes, her son. Napasinghot silang tatlo nang sumama sa hangin ang mabangong amoy ng lalaki at siya ay nayakap ang sarili. The scent is unsual. Hindi iyon amoy ng pabango ng mga kaklase nilang lalaki na kung hindi, Bench ay Axe. Parang ang mahal ng amoy ng lalaki at nahihiya ang nostrils niya. “Ang bango…” hagikhik niya kaya nagkatawanan sila. Pare-parehas sila ng ekspresyon at alam niyang iisa ang iniisip nila. Pare-parehas silang na-curious sa hitsura ng lalaking iyon na ubod ng bango. “Diyos ko, sana ganoon kabango ang mga nagiging costumer ko, hindi ‘yong mga amoy St. Peter.” Ani Emy kaya lalong lumakas ang tawa niya habang habol ng tingin ang lalaki. He’s so tall. Tingin niya ay hindi normal na height ng Pilipino ang height ng lalaki. Baka foreigner iyon kasi asul nga ang mga mata. Bumaba iyon sa motor nang tumapat sa opisina ng Presidente ng FEU at parang gusto niya iyong takbuhin para alisin ang helmet. Kating-kati siya na makita ang pagmumukha ng lalaki. She’s dying to know if he has stubbles, has pink lips or reddish, cleft chin… “Aray naman!” natauhan siya nang hatakin siya sa buhok ni Paz. “Bruha ka, magpapabuntis ka na naman. Wala kang kadala-dalang babae ka.” Anito sa kanya at talagang hinatak na siya papalabas ng gate. “Tinitingnan ko lang naman. Ano namang masama? Mukhang ang pogi kasi.” Aniya at talagang kandahaba pa ang leeg na nakatanaw. “Ang pogi, nakakabuntis ‘yan kasi hindi ka magsasawa na maghubad parati. Tingnan mo ako, hindi nabubuntis kasi matanda na si Facundo, wala ng alam ‘yon kung hindi finger. Tamad akong maghubad.” Anito kaya si Emy na naman ang tawa nang tawa. May pumara ng jeep sa tapat nila pero hindi niya maipihit ang mukha. Hindi pa kasi pumapasok ang lalaking naka-helmet sa loob ng opisina at may dinudutdot pa. “Sakay na. Ayan na ang sundo mo, bruha ka.” Itinulak siya ni Paz papasok sa jeep at kamuntik siyang matisod sa apakan. “Ayoko pang umuwi. Titingnan ko pa ‘yong—aaay!” Napatili si Mavi nang biglang umandar ang jeep. “Manong naman!” singhal niya sa driver. Mabuti na lang at nakahawak siya sa stainless na hawakan, kung hindi para siya roong palaka na nakadapa kung nagkataon. “Bye!Bye! Wag mahilig sa pogi, baka mahulog panty mo, di ka pa naman nagso short!” sigaw ni Emy sa kanya kaya naitikom niya ang mga tuhod. Lintik na mga walang hiya. Ipinag-announce pa talaga na hindi siya nagso-short. Tahimik siyang naupo sa upuan dahil pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan. Ipinatong niya ang bag sa kandungan para hindi siya masilipan. Tanga yata talaga siya dahil hindi siya nagsusuot ng suson. Kaya siguro maaga at mabilis siyang nawalan ng virginity dahil hinawi lang malamang ang panty niya, hayahay na.     …   “Mama!” tumatakbong sumalubong si Bryon kay Mavi nang makita siya ng anak na naglalakad sa hallway ng Little Learners. Isa iyong semi-private preschool na hindi mahal ang tuition at parang public lang din, pero maganda ang turo. Matalino ang anak niya at nangunguna sa klase. Magaling kasi itong magsalita at walang hiya. Ganoon din di Vander noon. Governor nga iyon sa eskwelahan nila, sa college level. Ngumiti siya sa anak at kumaway pa, parang kumakaway sa kapatid niya. “Hello, bossing!” Aniya rito kaya agad itong napayakap sa tiyan niya. “Look. Teacher Nixon gave me twenty pesos because I returned his wallet. I found his wallet on the lavatory. He said I’m such a good boy. Are you proud?” nakabungisngis ito at wala itong kasing sarap na pagmasdan. “Sooooo proud.” Pisil niya sa pisngi ng anak sabay kiskis niya ng ilong sa ilong nito. “But you don’t have to expect something in return for the kindness that you do. Remember, not all people have the capability to repay your kindness. A simple ‘thank you’ is enough.” Paalaala niya rito at agad naman itong napapaypay sa hangin na animo ay matanda. “I know that, Mama. How many times did you exactly tell that?” nag-isip ito kaya tinakpan na niya ang bibig. “Okay fine. Sinabi ko na a thousand times.” Natatawa itong inalis ang kamay niya pero medyo napatigil siya nang makita na nakatingin pala sa kanila ang teacher ni Byron. “Hi, Miss del Valle.” Bati niyon saka tuluyang lumabas sa pintuan ng classroom. “Good afternoon po, teacher Nixon.” Magalang na bati naman niya. “Salamat po sa bente pesos na ibinigay niyo kay Byron.” Ngiwi niya dahil titig na titig na naman ito sa kanya. Medyo babaero kasi ang teacher ng anak niya at makailang ulit na niyang nakitang may ka-date, iba't ibang babae. Sorry, ayaw na niya sa babaero pero lahat naman yata ng gwapo babaero. Huh? Babaero kaagad? Porke ba gwapo babaero pero kapag pangit, friendly lang? “I’ll save it teacher. Tutulungan ko po kasi si Mama na mag-save for my books. She said, six thousand pa ang bayaran niya. How many twenty  pesos do I still need?” kukurap-kurap ito. Tinakpan niya ang bibig ng anak. Ang daldal talaga nito pero tumawa lang naman si Nixon. Tumingin sa kanya ang lalaki at naging pilyo ang titig. “If your mom agrees to go out on a date with me, you don’t  have to pay for the—.” Mukhang biro iyon pero alam niyang hindi biro kaya agad niyang sinalo. “Ay, may pupuntahan pa pala tayo bossing ko. Say bye-bye to teacher Nixon.” Matagal ng nagpaparinig sa kanya si Nixon pero hindi niya pinapansin. Malinaw naman sa kanya ang gusto ng lalaki. “Bye-bye teacher.” Inosenteng sagot naman ni Byron kaya agad na niya itong itinalikod. Nagmamadali siyang naglakad papaalis. Kung hindi lang teacher ang lalaking ‘yon, matagal na ‘yon nakatikim sa kanya—nakatikim ng nagbabagang bunganga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD