TWO

2018 Words
“Lapit-lapit, ako'y lalapit, layo-layo, ba’t ka lumalayo?” kanta ng janitor sa loob ng HR habang sumasayaw ng tsa-tsa. Napahagikhik si Mavi. “Eh kasi amoy putok…” salo niya kaya napatigil si Mang Teban sa pagkanta. Lalong lumakas ang tawa niya at halos mapuno pa noon ang buong lobby. “Ikaw talagang bata ka.” kakamot-kamot ito sa ulo. “Binubuska mo na naman ako.” Duro nito pero nakangiti naman. Hawak ni Mavi ang lunch box niya at papunta na sana siya sa canteen nang maabutan ang pinakamatandang janitor na walang ibang hawak kung hindi mop. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parati na lang itong kumukuskos ng sahig. Natural. Alangan naman na kuskusin nito ang mga mukha ng anim na gwardiya sa anim na sulok ng lobby? Oo, anim ang sulok ng lobby ng Cibrian Pillar. Doon siya nag-o-OJT, nagpa-partime, nagsa-sideline. She’s a college student, graduating student of Business Administration. Nagkataon na sponsor ng lahat ng scholars’ ng FEU ang may-ari ng Cibrian Pillar kaya napakaswerte nila na lahat sila ay doon nabigyan ng pagkakataon na makapag-training. Isandaan sila lahat doon. Kapag sinuwerte sila ay magbibigay ng crystal blue cards ang kumpanya. Isa iyong passes kumbaga. Kahit anong oras sila bumalik, matapos ang graduation, may trabahong naghihintay sa kanila. Kapag naman pinabayaan nila ang trabaho  sa oras na matanggap sila, wala na silang babalikan kahit kailan. It’s  a rare opportunity and if she’s  lucky enough to have one, she’ll  never waste it. Ang pinakamababang sweldo sa loob ng kumpanya ay twenty-seven thousand, that’s the basic salary, twenty thousand almost once deducted. Siya na nagpa-partime roon bilang janitress ay nakakatanggap ng sampung libo. Tatlong oras lang iyon na pagma-mop o paglilinis sa designated area na dapat niyang linisin. Maayos na iyon dahil pambili na niya iyon ng gatas ng baby niyang asul ang mga mata, tulad ng mala-kristal na salamin ng buong  building ng Cibrian Pillar. Si Edward Byron. Byron is her son. He’s four years old, turning five. Kinse lang siya nang mabuntis ni Vander, her very first and very last boyfriend. Masaklap man aminin pero iniwan siya ng lalaki matapos na may mangyari sa kanila. It was the most painful thing that happened to her but her father’s demise surpassed  the level of pain, same month she found out that she’s  pregnant. Tatlong buwan na iyon nang malaman niya dahil wala siyang alam sa pagbubuntis. Kung hindi pa lumaki  nang kaunti ang tiyan niya at hinimatay siya dahil masyado na siyang low blood, hindi pa madidiskubre ang katotohanan. Kamuntik  siyang matanggal sa Catholic school kung saan siya nag-aaral, mabuti ay napakiusapan ng Mama niya ang Principal na Madre kaya lang, natanggal siya sa pagiging scholar. That’s  the bitter consequence of falling in love too early. That’s  the consequence of falling in love with the wrong man. But Vander was her first love and she still loves him, but she’s no longer that fifteen  year-old Mavi, blind and fool, martyr. Kahit na babaero si Vander, isinuko pa rin niya ang sarili niya pero napahiya pa siya sa huli, at naiwan na luhaan. “Kain tayo, Mang Teban.” Alok niya sa matanda na tumango. “Susunod ako, Marianne. Mauna na kayo nina Emy. Kita tayo sa kantina.” Sumaludo ang dalaga saka tumalikod. She walked gracefully. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng blouse niyang suot at nag-scroll ng number ng Mama niya. Tatawag siya sa bahay dahil magtatampo si Bryron sa oras na hindi siya  makausap. Nakaugalian na ng bata na tuwing lunch break ay nakakausap siya. Ang Mama niya ang nag-aalaga sa anak niya. Manikurista ang ina niya at dumadayo lang kapag itini-text ng mga gustong magpabungkal ng mga kuko. Kasama no'n parati si Byron sa lakaran at naaawa nga siya minsan dahil tirik ang araw ay sumasama pa rin sa paglalakad. Mabuti na lang at medyo malakas ang resistensya ng bata at kahit maarawan ay hindi naman nagkakasakit, hindi  rin nangingitim, bagkus ay namumula lang ang balat. Namana siguro ni Byron kay Vander ang lahat. Maputi rin naman siya pero iba. Siya kapag naaarawan ay umiitim talaga at matagal bumalik sa dating kulay pero ang anak niya ay natural na maputi. Moreno si Vander pero lahing mexican at ayon sa kwento no'n, mana iyon sa ina dahil ang ama raw ay maputi at asul ang mga mata. Mana si Byron sa ama ni Vander at wala iyong duda. Sayang, ang pogi-pogi ng anak niya pero lumalaki na walang ama. Ni hindi man lang nagkakilala ang dalawa, at hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na mas piliin ng lalaking ‘yon ang yaman na naghihintay kaysa sa kanilang mag-ina. At ang masakit pa, pinagbintangan siya no'n na iba raw ang ama ng bata. He could tell all his pretty excuses. He should’ve just go. Sana umalis na lang iyon  nang tahimik at hindi na nag-iwan ng mga salitang makamatay ng pagkatao. But nevertheless, if it’s  not because of that man, there’s  no Byron. Salamat na rin sa semilya. “Mavi!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Mavi kaya agad niyang inilibot ang mga mata. Nasa may gawing dulo ang mga iyon, sa parati nilang pinupwestuhan. Uso kasi roon ang tumpok, parang mga naka-categorized na mga isda, may bilasa, may sariwa, may yayamanin, may pang pobre. Sila na mga medyo low class ay nasa may gawing dulo dahil okupado ng mga empleyadang sosyalin ang kabuuan ng lugar at nakiki-level naman ang mga  sosyalin din nilang kaklase. Siya, nasa grupo ng mga gigi na magaganda, hindi bilasa, hindi rin naman sariwa. Ang ibig niyang sabihin ay mga samahan ng hindi  na virgin. Siya, single mother. Si Emy naman ay dating pokpok sa Alabang pero naisipan na mag-aral ulit. Si Paz ay dalaga pero may sugar Daddy para makatawid sa pag-aaral, kabit kumbaga pero hindi siya  nanghuhusga dahil alam niya ang pakiramdam kung paano husgahan. She befriends with those ladies not because she’s  one of them, they’re kind. Sa totoo  lang, hindi plastik ang mga iyon, hindi tulad ng mga kaklase niyang lumilevel sa mga sekretarya at kanang kamay ng mga executives ng Cibrian Pillar. Naglakad siya papunta sa mga kaibigan niya. Alam na niya ang dahilan kapag naroon ang grupo sa may gawing dulo, taghirap. Nakatago ang dalawa dahil malamang hindi masarap ang baon na dala, wala pang pambili ng masasarap na pagkain sa loob ng canteen. “Anong ulam mo, bruha?” bulong ni Paz sa kanya. Hawak nito ang isang dilaw na tupperware. “Sinigang na baboy, luto ni Mama kanina.” “Sosyal.” Hagikhik ni Emy. “Ako, tinapa. Si Paz, ginataang langka.” “Ngi, paano paghahaluhin? Parang hindi magkaka-match?” naupo si Mavi sa silya at binuksan ang baunan niya. “Hayaan mo na, bruha, magiging  match din sila sa loob ng bituka.” Nagkatawanan sila pero mahinang-mahina lang. Ayaw nilang  makaagaw ng atensyon. “Kain na tayo, hindi pa ako nag-aalmusal. Lintik. Hindi ako pinakain ng costumer ko kagabi.” Reklamo ni Emy tapos ay kumamot sa ulo. Nilantakan kaagad nito ang sinigang na baboy kaya napalunok na lang siya. “Tatawagan ko lang si Byron. Kumain na kayo. Akin na lang ‘yang ginataang langka kasi sanay naman ako sa ganyan noong nasa probinsya pa kami.” Aniya sabay ngiti sa dalawa. “Hello Mama…!” Susmi! Nailayo ni Mavi ang cellphone sa tainga. Ano bang  lakas naman ng boses ng anak niya? Parati itong ganoon  kapag tumatawag siya, parang rating excited at hindi nawawalan ng pagmamahal. “Hina lang baby ko.” Hagikhik niya. “Nasaan si lola? Nasaan ang baby? Baka nasa init ka na naman.” “Nope." His accent. Kapag ganoon ay naaalala niya si Vander kay Byron. Ganoon  na ganoon ang accent  ng lalaki at kahit iyon  ay naturalesa na namana ng bata. Sanay din ang dila  nito sa pagsasalita ng Ingles kahit na hindi naman niya tinuruan. Nakita na lang niya si Byron  noong dalawang taon ito na nakikinood sa kapitbahay ng cartoons na English. May Cignal kasi ang kapitbahay nila na sina Tamara. Teacher  ang babae sa isang public school sa Maynila at nangungupahan sa apartment na tinitirhan din nila. Duplex type ang bahay kaya kahit utot ng kapitbahay ay rinig sa kabila. Naroon parati si Byron dahil nalilibang sa TV. May TV rin naman sila kaya lang walang cable. Saka ayaw ng bata ng cartoon na Tagalog, naiinip daw. At nitong mag-tatlong taon nga ang anak niya ay nadiskubre niya na nakakaintindi iyon ng Ingles at literal na namumulaklak minsan ang bibig ng salitang banyaga. Nose bleed naman ang Mama niya na hindi nakapagtapos ng college. Nakapagtapos naman ng high school  ang ina ni Mavi, kaya lang ay kulang yata sa neurons ang utak ng ina niya kaya medyo hindi matalino. “We’re here at Mrs. Chua's garden. Mama, ang laki ng house niya at may maganda ritong bata. Paglaki ko, I’ll  make her my wife." Diyos ko. Napatutop siya noo. Wala itong ipinagkaiba sa ama, babaero. Sa bawat bahay kasi na mapuntahan nito ay pangkindat ito nang pangkindat. Noong nakaraan ay pumunta ito sa bahay nina Mrs. Goo. May apo rin ang matanda na tatlong taunin na bata. Hinalikan ba naman ng anak niya sa labi. Mabuti na lang at hindi naman nagalit ang lola ng bata at tumawa lang nang tumawa. Kung susumahin niya, kulang sa daliri ng mga kamay niya at paa ang gustong asawahin ng anak niya. Lahat ng makita nitong maganda sa paningin ay aasawahin. Siya nga na ina, kung pwede  raw ba siyang  asawahin kasi ang ganda raw niya. Diyos mio. Mapapaaga ang pagkalanta ng matris niya kapag nagbinata si Byron. One man woman naman siya pero bakit ang anak niya ay ang daming kursunada? Does she even have to ask? It’s in his genes. Like father like son perhaps. Sana minana na nito lahat, huwag lang ang pagiging playboy dahil nakakasakit ng damdamin. “Anak, behave ka lang ha. Don’t  be a badass. That’s  bad. Huwag kang manghahalik. Baby ka pa. Maupo ka lang at makipaglaro. You should only be playing and not thinking  about having a wife…or wives.” Ngumiwi siya kaya natawa ang dalawa niyang kasama. “Yes Mama. I’ll behave. I’ll just kiss Van on her cheek. Is that okay?” Okay. Natahimik siya. Inareglo pa siya na sa pisngi lang daw manghahalik. Parehas  lang naman ‘yon. Ang bata bata pa nito para maisip ang mga  bagay na ‘yon. Siya, kahit naman nabuntis siya sa edad na kinse, hindi naman siya malandi. Saka hindi naman niya natatandaan na nagpapahalik na siya sa edad na limang taon. Naglalaro lang siya noon ng Barbie doll na napuputol ang ulo at iyong mga manika na ang ninipis ng pagkakagawa, nayuyupi ang dede at iilang hibla ang buhok. “Anak, just play with some toys. Nasaan si lola? Kakausapin ko.” “Lola! Mama wants to talk to you. She’s  on the phone  right now!” “Ah no. Tell her am busy, you know. You know, apo? Lola is making bungkal of…of Mrs. Chua's ingron nails…kuko.” Natawa siya sa ingles ng Mama niya. Luka luka rin talaga. “Heard her, mom?” tanong ni Byron na parang matanda. “Opo boss. Narinig ko. O sige na. Ba-bye na. Behave  ha, behave and drink water.” “Okay. I love you.” “Love you.” Matamis niyang sabi na may kasamang ngiti bago niya  narinig ang pagkaputol ng tawag. Huminga si Mavi at tiningnan ang ulam, at laking panghihilakbot niya na ubos na ang sinigang. “Daldal pa more.” Ani Paz sa kanya kaya napahagikhik na lang siya. Kasalanan ba na mas patay gutom pa kaysa sa kanya ang mga kaibigan niya?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD