Chapter 1

1166 Words
Asper Reign Dahlia’s Pov Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kwarto ko. Kaya naman naisipan ko munang tumambay sa balkonahe nito at dito ininom ang itinimpla kong kape kanina matapos kong makapaligo. Isang taon. Ganoon na din katagal mula nang maisipan kong umalis at tumakas sa bahay namin para hindi matuloy ang plano ni Daddy na pagpapakasal sa akin sa prinsipe ng bansang ito. At sa loob ng isang taon ay unti-unti na ding nawawala ang atensyon sa akin ng palasyo at ng iba pang opisyal nito dahil tuluyan ko na ding tinigil ang pagpapakita sa publiko. Pero kahit naman hindi na ako nagpapakita sa mga tao ay tuloy pa din ang pagtulong ko sa kanila gamit ang mga foundation at ospital na naipatayo ko na. Iyon ang nag-iisang bagay na hinding-hindi ko makakayang itigil pero ang lahat ng transaksyon ko sa mga iyon ay nangyayari na lamang via email at ang kasalukuyang namamahala ng personal doon ay ang bunso kong kapatid na si Aasiyah. Well, iilan lang naman ang nakakaalam ng pag-alis ko sa bahay namin. Unang-una na dito si Kuya Jasper na hindi pa nga muna pumayag nang sabihin ko ito sa kanya dahil alam niya kung gaano kadelikado para sa akin ang umalis sa puder ng mga magulang ko. Kahit paano kasi ay napo-protektahan ako ng kanilang posisyon kaya hindi ako basta nagagalaw ng ibang nagtatangka sa buhay ko. At naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya pero ang pag-alis ko lang din kasing iyon ang nag-iisang paraan upang tuluyan nang matapos ang gulo, hindi lang sa pamilya namin, kundi maging sa gusot na dinala ko sa royal family. Matapos kong mapapayag si Kuya ay agad ko itong sinabi kay Mommy at Aasiyah na hindi nagdalawang-isip na sumang-ayon sa plano ko. Ang sabi ni Mommy, mas gugustuhin niyang umalis ako at magtago habang ginagawa ang mga bagay na gusto ko kaysa makulong sa palasyo kasama ang prinsipe na siguradong aalipinin lang at gagamitin ako. Doon na din nagprisinta si Aasiyah na siya na lamang ang magha-handle ng mga foundation at hospital na pinamumunuan ko upang hindi ito mapabayaan at maipagpatuloy ko pa din ang pagtulong ko kahit nasa malayo ako. Nagpaalam din ako sa dalawa ko pang kapatid na si Kezia, ang sumunod sa akin, at si Easter, ang pangalawa sa bunso sa aming magkakapatid. Noong una ay ayaw pa nilang pumayag ngunit matapos kong ipaliwanag ang lahat ay wala na din silang nagawa kundi ang bilinan na lang ako na mag-ingat at huwag pababayaan ang sarili ko. Gusto ko din sanang magpaalam kay Daddy ng personal pero alam ko na kahit ano pa ang gawin kong pagpapaliwanag sa kanya ay hindi niya tatanggapin dahil ang pagpapakasal ko lang sa isang prinsipe ang nakikita niyang paraan upang masiguro ang kaligtasan ko. Kahit pa hindi iyon ang gusto ko para sa sarili ko. Kaya hindi na ako nag-abala at nag-iwan na lang ng sulat para sa kanya. Dala ang ilang damit at sapat na halaga para makapamuhay ng maayos ay napadpad ako sa isang maliit na bayan sa dulo ng aming bansa. Ang Yain City. Hindi masyadong kilala ang bayan na ito at hindi hindi ganoon kadami ang mga taong dumadayo dito dahil karamihan sa mga nakatira dito ay high profile people na lumalayo sa gulo na mayroon ang mga syudad. Ang iba pang naninirahan dito ay mga foreigner na nakapangasawa ng taga-rito. Mga matatanda na nag-retire na sa kanilang mga trabaho at pinili na dito manatili at ang iba ay mga taong sanay sa tahimik na paligid at malayo sa maingay na syudad. And this is a perfect hiding place for someone like me who wanted to avoid the eyes of the public and the palace. Sa parte ng bayan na kinatitirikan ng bahay na ipinagawa ko ay hindi pa masyadong develop kaya naman iilan pa lamang ang mga kapitbahay ko. Which is very good for me dahil hindi ko kailangan na makihalubilo sa kanila. Well, maliban kay Miracle, ang nag-iisang kaibigan ko sa lugar na ito na nakilala ko noong dalawang buwan pa lang ako dito. Pero kahit ganoon ay hindi naman ito nagpapahuli sa mga tanawin at atraksyon kaya masagana pa din ang bayan na ito. Lalo na sa mga sikat na kainan. Ang buong Arya Region ang itinuturing na food capital of Hexoria dahil dito halos itinatayo ang mga iba’t-ibang klase ng restaurant na talaga namang dinarayo pa ng iba’t-ibang personalidad, hindi lamang dito sa bansa, kundi maging sa buong mundo. But Yain City is really not that famous kaya naman safe na safe ako dito at walang nakakakilala sa akin. But just to be sure, madalas lang akong nakakulong sa bahay ko habang si Miracle naman ang pinamamahala ko ng aking cafe na pinagkukunan ko ng panggastos sa araw-araw. Tinigilan ko kasi muna ang paggamit sa mga personal asset ko na ipinamana sa akin ni Lola mula nang lumipat ako dito. Sa ganoong paraan ay hindi ako basta-basta mate-trace ni Daddy o ng kung sino mang taga-palasyo. “Asper!” Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Miracle na kapapasok lang ng gate ng bahay ko. Nakasimangot siya habang nakatingala at nakatingin sa akin. “Ang aga-aga, nakasimangot ka agad diyan,” natatawa kong sabi tsaka tumayo na at bumaba para harapin siya. She is Miracle Ryedale, Mira for short. Matanda lang siya ng dalawang taon sa akin pero mas marami na ang experience niya sa pagha-handle ng business, especially a cafe. Kaya naman nang malaman ko iyon ay hindi ako nagdalawang-isip na hingin ang tulong niya para maging manager ng cafe ko. Sa paraang iyon ay hindi ko na kakailanganin pang lumabas at dito na lang ako sa loob ng bahay gagawa ng mga sweets na siyang binebenta sa Sweetheart Cafe ko. “Hindi ba’t sinabihan kita na maaga akong pupunta para kunin ang mga order ni Misis Santiago?” bungad niya sa akin nang magkita kami sa kusina ko. “Nagbilin ang client na iyon na maagang i-deliver sa kanya dahil maaga magaganap ang meeting nila ng mga amiga niya.” “Can you relax for a bit?” sabi ko sa kanya tsaka inabot ang isang tasa na may laman na tsaa. “Ayan, maupo ka muna at i-enjoy ang camomile tea na inihanda ko para sayo.” Ako pa ang humila sa kanya para makaupo. “Asper!” Bumuntong hininga ako. Well, kasalanan ko din naman kung bakit ganito si Miracle. Pinaubaya ko sa kanya ang lahat ng trabaho sa labas habang ako ay nagpapasarap dito sa bahay kaya hindi ko din siya masisisi kung bakit hindi niya magawa na mag-relax. “Fine,” sabi ko. “Ihahanda ko na ang order niya para matahimik ka na diyan. Pero habang ginagawa ko iyon ay maupo ka lang diyan at mag-relax, okay?” Wala naman siyang magawa kundi tumango na lamang. Iyon lang din kasi ang kanyang magagawa habang hinihintay ang order ng kliyente.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD