Chapter 2

1130 Words
Asper Reign Dahlia’s Pov “So, ano ba ang pagbabago na mayroon ngayon sa cafe?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko na sa box ang mga cupcake na order sa amin ng isa sa suki ng cafe. Isang beses sa isang buwan lang kung bumisita ako doon at madalas ay naaabutan kong marami itong customer kaya hindi na ako nakikigulo pa sa loob at umuuwi na lang din. Hinihintay ko na lang na si Miracle ang magsabi sa akin ng nangyayari doon dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. “Nag-hire uli ako ng dagdag na server dahil dumadami na ang dumadayo sa cafe natin.” Inilapag niya sa gilid ng mesa ang ilang folder. “Nandyan ang resume nila at may note na diyan ang mga nakapasa sa interview. Aside from that, naghire na din ako ng dalawa pang bagong delivery driver dahil kahit ang mga order for delivery ay nadadagdagan na din.” “Ibig sabihin, sa loob ng limang buwan ng cafe, nagsisimula na itong makilala sa buong Yain City?” Tumango siya. “Maganda din kasi ang naging encounter nyo ni Saraya,” sabi niya. “Malaking tulong ang ginawa niyang pagpunta sa cafe natin.” Isang Internet Influencer si Saraya. Mahilig siyang mag-travel sa iba’t-ibang lugar para i-feature ang mga cafe tulad ng establishment ko. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay habang nagbi-video siya para sa bago niyang target cafe ay nabangga niya ako. Medyo malakas iyon kaya natumba ako at na-sprain kaya naman dinala pa niya ako sa pinakamalapit na clinic para agad akong magamot. At doon ay sobra-sobra ang paghingi niya ng sorry kahit na sinabi ko na ako din ang may kasalanan kasi hindi din ako tumitingin sa paligid ko. Pinagkamalan pa akong pulubi na naghihintay sa labas ng Sweetheart kaya nang magamot ako ay agad din niya akong dinala doon at nilibre. Tapos nagustuhan niya ang mga cakes at iba pang sweet product ng cafe ko kaya naman imbes na iyong kabilang cafe ang ipi-featured niya ay iyong akin na lang. Syempre, hindi ako pumayag na mapasama sa mga video niya kahit pa pinipilit niya ako dahil kung hindi daw kami nagkabangga ay hindi niya mapupuntahan ang cafe ko. Hindi din pumayag si Miracle na magpa-video kaya hinayaan na lang namin siya na i-tour ang buong shop at i-featured ang mga employee which is bring a good result. Bahagyang natawa ni Miracle ng maalala ang nangyaring iyon. “At hanggang sa makaalis siya ay hindi niya alam na ikaw pala ang may-ari ng SweetHeart.” “At hanggang huli ay isang pulubi pa din ang tingin niya sa akin.” At ako naman ang natawa. “Kung bakit ba naman kasi nakasilip ka lang sa labas ng cafe ng araw na iyon,” naiiling niyang sabi. “At talagang hindi ka man lang nag-abala na mag-ayos ng sarili mo.” “Nagmamadali kasi ako noon na bumisita dito dahil sinabi mo noon na walang masyadong customer,” sabi ko tsaka inilapag sa harap niya ang limang large box ng cupcakes. “Pero pagdating ko doon ay bigla naman silang dumami kaya hindi na ako nag-abala pang manggulo.” “And speaking of that woman.” Naubos na niya ang tsaa na ibinigay ko sa kanya kaya tumayo na siya at inayos ang mga dadalhin niya. “Tumawag siya sa akin kahapon at hinahanap ka sa akin. Baka daw nakita uli kita na tumatanaw sa loob ng shop.” “Bakit?” tanong ko. “Babalik siya dito?” Nagkibit balikat siya. “Wala pa naman siyang nababanggit,” aniya. “Sinabihan lang niya ako na kapag nakita ulit kita sa labas ng shop ay bigyan uli kita ng makakain.” Bahagya akong natawa. Talagang hindi nawala sa isip niya na isa akong pulubi ah. Ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niya na ako ang may-ari ng SweetHeart? “Talagang nakuha mo ang atensyon ng babaeng iyon, huh.” “Wala naman akong ginagawa noh.” Inihatid ko na siya hanggang sa labas ng gate namin at tinulungan ko siyang ilagay ang mga box sa loob ng kotse niya. “Kapag tumawag nga siya, sabihin mo na sa kanya ang totoo para naman hindi na siya nag-aabalang isipin ako.” “Ayoko nga,” aniya. “Natutuwa ako sa kanya eh. Tsaka ko na sasabihin sa kanya kapag bumalik na siya dito.” Napailing na lang ako. At talagang nakuha pang pagkatuwaan si Saraya. Bago siya makasakay sa loob ng kanyang kotse ay may isang malaking truck ang tumigil sa katabing lote ng bahay ko. Naglalaman iyon ng iba’t-ibang klase ng materyales ng construction. “Oh, may nakabili na pala ng lote na iyan,” ani Mira. “Ngayon ko lang din nalaman,” sabi ko. “Sino kaya ang nakabili?” Bumaling siya sa akin. “Gusto mo bang alamin ko?” Napaisip ako. Mas mabuti na din siguro iyong handa ako nang sa gayon ay alam ko kung dapat ko ba itong iwasan. Kung diyan siya titira sa katabing bahay ko ay hindi imposible na magkita kami at hindi ako basta maaaring makita ng sinuman. “Sige,” sabi ko. “Kahit basic information lang naman. Para lang alam ko kung dapat ba siyang iwasan o hindi.” Tumango siya. “Okay,” aniya. “Sasabihan kita agad kapag nalaman ko.” Tuluyan na siyang sumakay sa kanyang kotse at binuhay ang makina. “Oh siya, aalis na ako. Siguradong naghihintay na ni Misis Santiago.” “I-send mo na lang din agad sa akin ang mga bagong order para maiayos ko na, okay?” sabi ko. “At ise-send ko na din sayo ang list ng mga kailangan para sa stocks ko. Ipabili mo na agad kina Saki at Sari.” Ang dalawang iyon ang pinakaunang empleyado namin kaya sa kanila namin pinaubaya ang pamimili ng stocks na kailangan ko para sa pagbe-bake. “Okay.” Tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at tinanaw ko na lang ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. At doon na ako nagpasya na bumalik sa loob ng bahay ngunit agad akong natigilan dahil may isa pang sasakyan ang tumigil sa likod ng truck na dumating kanina sa tapat ng katabi kong lote. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng gate ko at hinihintay ang paglabas ng kung sino mang sakay ng kotse na iyon ngunit nainip na ako’t lahat ay hindi pa din ito bumaba kaya napabuntong hininga ako. Baka tauhan iyon ng nakabili ng lupa at tinitingnan lang kung nakarating na ba ang construction team na kanilang inupahan upang gawin ang kung ano man ang gagawin sa lote na iyon. Hihintayin ko na lang siguro ang malalaman ni Mira tungkol sa magiging kapitbahay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD