“You can’t do that to her!”
I was about to enter the study room when I heard my mother screaming. Na para bang may pinagtatalunan sila ni Daddy kaya dahan-dahan ko na lamang binuksan ang pinto nito at sumilip lang sa kanila.
Minsan ko lang naman kasing marinig na nag-aaway ang mga magulang ko at ang madalas pa nilang pagtalunan ay mga bagay na may kinalaman sa amin ng mga kapatid ko kaya naisip ko muna na makinig.
Baka kasi ako pala ang pinag-uusapan nila. At baka may nagawa na naman ako na hindi nagustuhan ni Daddy.
“That is the only thing I can do to save her.” My father’s voice is calm. Pero ramdam ko din sa boses niya na pinal na ang desisyon niya dahil matindi ang kanyang paninindigan na tama ang kanyang gagawin.
Kaya lalo akong na-curious kung sino ba sa aming tatlong magkakapatid na babae ang tinutukoy nila.
“Marrying her off with that prince will only ruin her life forever,” giit ni Mommy. “You know how cruel that bastard is. They just wanted to use our daughter because the people of this country trusted her more over the royal family.”
“I know that,” ani Daddy. “I am aware of what they want. But what can we do? Kung hindi natin siya ipapakasal kay Prince Hector, patuloy lang na nanganganib ang buhay niya. Alam mo naman na wala na tayong kakayahan na protektahan siya.”
Ah, so they are talking about me.
Well, aware naman ako sa mga bagay na nangyayari sa pamilya ko kahit madalas akong nasa labas at nakikihalubilo sa mga karaniwang tao.
I am not a princess. I am just a simple daughter of a duke that has been actively doing what I want to help not only the people in our land but anyone who really needs help.
Iyon kasi ang itinuro sa akin ng aking namayapang lola.
Ang pagtulong sa kapwa ay isang bagay na hindi binabase sa kung ano ang titulong nakadikit sa pangalan namin.
Kaya sinusunod ko lang kung ano ang kanyang naumpisahan.
I help a lot of people around the country. Ilang foundation ang naipatayo ko at karamihan sa mga mayayaman kong kaibigan ay boluntaryong nagdo-donate doon. Kaya marami kaming natutulungan na mga estudyante upang makapag-aral sila ng libre.
May mga public school din ako na naipatayo na hanggang ngayon ay patuloy na nagagamit ng mga batang kapos sa pera upang makapag-aral.
Higit sa lahat, ilang pampublikong ospital din ang naipatayo ko gamit mismo ang mga perang ipinamana sa akin ni Lola.
Ang edukasyon at pangkalusugan kasi ang napili kong pagtuunan ng pansin dahil iyon ang higit na napapabayaan ng mga namumuno sa bansang ito.
At wala akong ibang gusto kundi ang makatulong lang.
Kaya hindi ko inaasahan na magiging malaking isyu ang mga ginagawa ko dahilan para manganib ang buhay ko.
Maraming beses na akong nakakatanggap ng death threat. At ang dati naming malapit na ugnayan sa royal family na siyang namumuno sa buong Hexoria ay unti-unti na ding lumamig dahil higit pa nga akong hinahanap ng mga mamamayan kaysa sa kanila.
At dahil sa mga iyon ay bahagya kong nilimitahan ang paglabas ko sa publiko ngunit hindi iyon ikinatuwa ng mga mamamayan dahil iniisip nila na pinipigilan ako ng mga nakatataas sa aming gobyerno na magpakita sa kanila bilang pagbibigay daan sa mga kabilang sa royal family.
Well, part of that is actually true.
Ilang ministro ng palasyo din ang nakipag-usap sa akin at pilit akong pinatitigil sa lahat ng aking ginagawa.
Pero hindi naman ako pumayag at sinabi ko sa kanila na ang tanging kumpormiso lang na aking maibibigay ay ang pagbabawas ng pagpapakita ko sa mga tao.
Kung noon ay halos araw-araw ako kung makihalubilo sa mga mamamayan ng bansa namin, ngayon naman ay ginagawa ko na lamang na dalawang beses sa isang buwan.
At sa bahay na lamang ako nagtatrabaho para sa pag-aasikaso ng mga papeles na kailangan ng mga foundation at hospital na ako mismo ang nagma-manage.
Naumpisahan ko na naman kasi ito. At ayokong madamay ang mga taong tinutulungan ko dahil natatapakan ko ang pride ng mga namumuno sa bansa namin.
And it is not like I am trying to show our country that our government is not doing anything for them.
Kung tutuusin ay higit pa din ang pag-aalaga na ginagawa ng mga Azaria sa buong bansa. Bawat aspeto ng pangangailangan ng bawat mamamayan dito ay ginagawan nila ng paraan para maayos na matugunan.
Sadyang hindi lang iyon masyadong napapansin dahil bihira lang din sila kung magpakita sa publiko kaya hindi nadadama ng mga tao ang kanilang presensya.
And now that my father is thinking things like this, I guess, the royal family is still not happy with what is going on.
Banta pa din sa kanilang pamumuno ang turing nila sa isang simpleng Asper Reign Dahlia. Isa pa din akong hadlang para sila ang tingnan ng mga tao at hindi ang mga tulad kong wala namang ibang hangad kundi ang makatulong lamang.
“No!” mariin pa ding pagtutol ni Mommy. “She was just trying to help other people. At hindi niya kasalanan kung mas naramdaman ng mga tao ang presensiya niya kaysa sa kanila.”
At nagpatuloy ang kanilang pagtatalo ni Daddy sa loob ng study room dahil pareho silang hindi pumapayag sa kagustuhan ng dalawa.
“So?”
Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ng kapatid ko mula sa aking likuran kaya agad akong bumaling sa kanya.
Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin at nakapamewang pa. “Higit na malaking problema na naman pala ang dinala mo dito.”
Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kanyang kamay pagkuwa’y hinila siya palayo sa study room.
Ayoko namang malaman ng parents namin na naririnig ko ang pagtatalo nila dahil siguradong pipilitin lang din ako ni Daddy na pumayag sa iniisip niyang solusyon para tuluyan nang mawala ang banta sa buhay ko.
Dinala ko siya sa garden at hindi pa nagbabago ang tingin niya sa akin. Bakas pa din ang pagtatanong at mukhang wala itong balak tigilan ako hangga’t hindi ako ang mismong nag-iisip ng paraan para matigil ang problemang kinakaharap namin ngayon.
“Look, sis,” aniya. “Ikaw lang ang makakatapos ng problemang ito.”
I know. Alam kong ako lang ang makakatapos sa problemang ito dahil ako lang din naman ang nagdala nito sa pamilya ko.
Kaya naman kahit ayoko ay mukhang kailangan kong gawin.
Para sa ikatatahimik ng lahat. Sa ikatatahimik ng palasyo. At sa higit na ikapapayapa ng buhay ng pamilya ko.