Chapter 3

1154 Words
Asper Reign Dahlia’s Pov Sa buong maghapon, wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang pagpe-prepare ng lahat ng umo-order sa shop namin. Sa gabi ay inaasikaso ko ang mga papeles na ipinapadala ni Aasiyah. Maliban pa doon ay may sapat na oras pa din ako para sa pagre-relax, pag-e-exercise, maging ang paglilinis ng bahay ko. Kaya naman kahit hindi ako lumalabas ng bahay ay hindi ako naiinip dito kahit hindi naman talaga ako sanay nang lagi lang nasa loob. Aba’y noon ay lagi akong nasa labas at nakikihalubilo sa lahat ng makasalamuha ko pero sa nakalipas na isang taon kung saan iilang tao lang ang nakakaharap ko sa bawat araw ay unti-unti akong nasasanay. And being in solitude is actually addictive. Mas nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at kapag naman gusto ko ng kausap ay madali namang tawagan si Miracle. Muli akong sumilip sa bintana at nakitang nagsisimula na ang construction team sa ibaba na sukatin ang buong lote. Nakita ko na ipinapaskil na nila ang kanilang mga building permit kaya sinimulan ko nang isara ang mga bintana na nakatapat sa lote na iyon. Sigurado kasi na magiging maingay ang paggawa nilang iyon. At ayoko naman na maistorbo ng ingay na iyon ang tahimik kong buhay. Ngunit agad akong natigilan nang makita ang isang lalaki na naglalakad palapit sa gate ng bahay ko. At ilang sandali lang ay nag-ring na ang doorbell ko. Agad kong hinablot ang contact lens ko at isinuot iyon tsaka ginulo ang buhok ko upang bahagyang maitago ang aking mukha. At doon pa lamang ako bumaba at binuksan ang gate ko. "Hi," bati ko sa lalaking iyon. Bahagyang nakaharang ang bangs ko sa mga mata ko kaya hindi ko din masyadong matitigan itong lalaki sa harap ko. "Hello, Miss," balik niya sa akin. "I am Raj, isa sa titira sa gagawing bahay diyan sa katabing lote mo." Inilahad niya ang kamay na agad ko namang tinanggap. "H-hello." Bahagya pa akong yumuko. "Asper Reign." I am still using my own name here pero sa tuwing nagpapakilala ako ay inaakala ng mga pinagbibigyan ko ng pangalan ay Asper lang ang pangalan ko habang Reign naman ang apelyido ko. Hindi ko naman kasi basta maaaring banggitin ang mismong apelyido ko. Ayaw ko din namang magsinungaling at magbigay ng pekeng pangalan. "Anyway, it looks like you are busy." Binitiwan na niya ang kamay ko. "Nagpunta lang ako dito para magpakilala at para na din bigyan ka ng warning na magiging maingay ang pagpapagawa namin ng bahay." "Oh, don't worry about that," sabi ko. "Once I close my windows, I won't hear anything from inside." Ngumiti siya. "That would be great," sambit niya. "Anyway, nice meeting you, Miss Asper." Kumaway na lang ako sa kanya nang tuluyan siyang magpaalam at nang tumalikod siya ay agad na din akong pumasok ng bahay. Chineck kong muli ang mga bintana ko at nang masiguro na sarado na ang lahat ay hinablot ko ang cellphone ko tsaka tinawagan si Miracle na mabilis naman na sumagot. "Aba'y na-miss mo na agad ako?" Iyan ang bungad niya sa akin nang sagutin ang tawag ko. "Sira," ismid ko. "May pumunta na lalaki dito kanina. Isa daw sa titira sa bahay na ipinapatayo sa katabing lote." "Oh?" Bahagyang naging seryoso ang kanyang boses. "Did he give you his name?" "Just his first name," I said. "It's Raj." Actually, Miracle knew my whole identity. She knows that I am the second child of the Axia's duke and she knows that I am the famous Asper Reign Dahlia na nagbigay ng problema sa palasyo dahil higit pa akong minahal ng mga mamamayan ng Hexoria kaysa sa mismong royal family ng bansa. Galing din kasi siya sa syudad at ilang beses na niyang nakita ang mukha ko sa mga tv, dyaryo, magazine at internet. Kaya nang magkasalubong kami at wala akong suot na kahit anong disguise ay agad niya akong namukhaan. At ipinagpapasalamat ko na lang dahil nangako siya na hindi niya ipagkakalat kung nasaan ako. Hanggang sa nagkita kaming mula sa malapit na supermarket dito sa bahay ko. Muling nagkausap at naging magkaibigan. At ngayon nga ay siya na ang pinagkakatiwalaan ko sa pagpapatakbo ng business ko. Maliban doon, kapag may mga bagong tao na napapalipat malapit sa bahay o sa shop ay sa kanya ko ipinauubaya ang pag-alam sa identity ng mga iyon nang sa gayon ay malaman namin kung dapat ba akong mag-ingat. Sa tulong ni Miracle ay nagawa kong makapamuhay ng tahimik at ligtas kaya pareho naming ayaw mawala ang pinaghirapan namin kaya ginagawa namin ang lahat masiguro lang na walang makakakilala sa akin at walang sinuman ang makakaalam kung nasaan ako. "I will get it done before sun down," aniya. "Medyo kinakabahan ako diyan sa bago mong kapitbahay." "He actually looks harmless." Sumilip ako sa bintana upang silipin iyong lalaking nagpakilalang Rajiv. "Tall, slightly moreno and handsome. Though, he has some dangerous aura around him." "Then, lock all your doors and windows," she said. "And if someone from those people knock on your house again, pretend as if you are busy or sleeping." "Eh?" "Hindi naman sa nangja-judge tayo pero mabuti na iyong sigurado, okay?" sabi pa niya. "Mag-isa ka lang diyan kaya mas mabuti na iyong nag-iingat." Medyo may pagka-praning din kasi ang babaeng ito at madalas siyang mag-alala sa akin dahil masyado daw akong careless. "I already locked the windows because they already started making loud noises." Bumaba na akong muli sa first floor ng bahay ko para simulan namang i-lock ang mga pinto. "Now, nai-lock ko na ang mga pinto so pwede ka nang mag-relax." "Good," aniya. "Bukas ko na ipapa-deliver ang mga new stocks mo diyan para hindi ka na magbukas ng pinto." "Okay." Bumalik ako ng kusina at sinimulang ihanda ang dinner ko. Inilapag ko na muna sa counter ang cellphone ko at ni-loudspeaker ito dahil kausap ko pa din si Mira. "Anyway, natapos ko na ang mga order na ide-deliver bukas. Pumunta ka na lang ng maaga dito at isabay mo na sina Saki at Sari para madala na din dito ang mga stocks ko." "Sige, ako nang bahala," sagot niya. "Siguraduhin mo lang na gigising ka ng maaga, huh! Baka mamaya ay katulad na naman kanina na inabot pa ako ng isang oras sa labas ng bahay mo bago ka gumising." Bahagya akong natawa nang maalala ang itsura niya kanina. "Promise, gigising ako ng maaga." "You better be," ismid niya. Kung bakit ba naman kasi ayaw niyang tanggapin ang susi ng bahay ko na ibinibigay sa kanya. Eh 'di sana ay hindi na niya ako kailangan pang hintayin na magising para makapasok siya. With that, she can just get the orders even though I am still sleeping. "Sige na," sabi pa niya. "Iyong mga bilin ko, huh." Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad na niyang pinatay ang tawag kaya napailing na lang ako. At ipinagpatuloy na ang paghahanda ng dinner ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD