Chapter 8

1091 Words
Asper Reign Dahlia’s Pov Hindi ko inaasahan na magiging close agad ako sa mga kapitbahay ko. At ang dahilan kaya mabilis akong naging close sa kanila? Well, ang dessert ko lang naman. Nagustuhan kasi nila ang cupcake na binigay ko sa kanila noong unang araw na nagpunta ako sa kanila at nang malaman nila Karyu na ako mismo ang gumagawa ng mga product namin sa SweetHeart Cafe ay nag-request sila na magdala araw-araw. Kumontra pa nga si Rajiv at sinabi na mahiya sa akin ngunit mabilis kong sinabi na okay lang naman iyon at hindi nakakaabala dahil pwede ko namang isabay sa mga order na ginagawa ko ang para sa kanila. Then, Schlain insisted that they will pay their order para kahit paano naman ay hindi ako malugi sa pagpapakain sa kanila. Ang delivery fee na lang daw ang ilibre ko sa kanila. Halos tatlong linggo ko na iyong ginagawa kaya naman nagiging komportable na talaga akong kasama ang tatlong iyon. At sa loob ng panahong iyon ay hindi ko pa nakikita si Jyn. Minsan ko na iyong natanong kay Rajiv at sinabi niya na hindi talaga mahilig makihalubilo ang lalaking iyon. Gusto na laging nakakulong sa kwarto kapag ganitong naka-leave at walang trabaho nga pinagkakaabalahan. At nang tanungin ko kung okay ba na lagi akong pumupunta sa bahay nila ay agad naman nitong sinabi na kilala na ako ni Jyn. Sadyang ayaw lang humarap sa akin dahil sa katamaran na bumaba. Sinabi din naman daw nito na walang problema ang pagpunta-punta ko sa bahay niya as long as hindi ako gumagawa ng gulo, which is imposible dahil hindi naman ako lapitin ng gulo. At ngayon nga ay muli na naman akong papunta sa bahay ni Jyn para ibigay ang order nila Rajiv. Nakasanayan na din kasi na tuwing ala-sais ng gabi ang delivery ng dessert nila para daw doon na din ako kumakain ng hapunan. “Raj, nandito na ako sa labas,” sabi ko sa intercom matapos kong pindutin ang doorbell. “Pumasok ka na, Asper,” sagot niya. “Tapos pakideretso na lang dito sa second floor. Iyong may puting pinto sa kanan.” “Okay.” Kusa ng bumukas ang gate kaya agad na akong pumasok sa loob. At tulad ng sinabi ni Rajiv ay nagtuloy-tuloy ang lakad ko hanggang makarating ako sa second floor. Pero agad akong natigilan nang makitang dalawa ang mayroong puting pinto na narito. At pareho din itong nasa kaliwa kaya hindi ko alam kung ano ba ang bubuksan ko. Bumuntong hininga ako. Kailangan ko nang ibigay ito sa kanila dahil hindi ako pwedeng magtagal dito ngayon. Dadating si Mira at nagsabi na gusto niyang maghapunan sa bahay kaya doon ako nagluto. Muli akong bumuntong hininga at nagdesisyon na buksan ang unang pinto na malapit sa akin. Kung wala naman sila sa loob ay pwede kong isara agad at lumipat sa isa. Pero imbes na sina Rajiv ang makita ko ay isa na namang lalaki na ngayon ay nagsusukat ng red brassiere. “Oh my god!” Napatakip ako ng bibig. “s**t!” Nanlaki din ang mga mata niya at akmang sisigawan ako ngunit mabilis ko nang isinara ang pinto. Damn! Well, hindi ko alam kung saan ba ako dapat mag-react. Sa katawan niya na super yummy dahil matipuno ito at bakat ang bawat muscle, isama na din ang kanyang six packs abs. O sa suot niyang bra na, ahm… bumagay sa kanya. Shit! Sayang naman ang lalaking iyon. Napatingin ako sa kabilang puting pinto nang bumukas iyon at nakita ko si Rajiv na napalingon din sa akin. “Oh, nandiyan ka na pala.” Nilakihan niya ang awang ng pinto. “Dito ka muna. Hindi pa tapos iyong niluluto ng chef.” “Nako, hindi ako magtatagal ngayon,” sabi ko sa kanya at tuluyang pumasok doon tsaka inabot ang tupperware na naglalaman ng ice cream cake na ginawa ko kina Schlain at Karyu. “Dadating ang kaibigan ko at gusto niyang maghapunan sa bahay kaya doon muna ako kakain. Bawi na lang ako bukas.” “Masarap ba ang ulam nyo?” tanong ni Karyu. “Baka pwedeng makahingi dahil nagsasawa na ako sa lasa ng luto ng chef namin.” “Hoy!” alma ni Rajiv. “Galing pa ng Paris ang chef na iyon tapos pagsasawaan mo lang ang luto niya?” “Totoo naman kasi,” segunda ni Schlain. “Iyong luto niya kasi ay pang-restaurant. Eh sa mga ganitong panahon na lagi lang tayo sa bahay, mas masarap kumain ng mga pagkaing pang bahay talaga.” “Sorry pero sakto lang sa aming dalawa ang niluto ko.” Agad na lumungkot ang kanilang mga mukha. Kung pagbabasehan ko ang personalidad ng tatlong lalaking ito ay nasisiguro ko na sanay sila na lumalabas at gumagala. Hindi sila sanay na lagi lang nakakulong sa bahay. Pero dahil sa insidente na kinasangkutan ng kung sino man sa tauhan ni Jyn noon ay wala silang magawa kundi ang manatili dito. Napakamot ako ng ulo at bumaling kay Rajiv pero mukhang kahit siya ay gusto na ding makatikim ng lutong-bahay at sawa na din sa lutong restaurant kaya napabuntong hininga ako. “Fine,” sabi ko na muli nilang ikinatingin sa akin. “Fire your chef and starting tomorrow, ako na ang magluluto ng pagkain nyo.” Nagliwanag ang kanilang mga mukha at hinawakan pa ni Karyu ang kamay ko. “Talaga?” Tumango ako. “Iyon lang naman ang magagawa ko para sa inyo but…” “But?” “You will be the one who will shoulder the expenses, okay?” sabi ko tsaka kinuha ang susi sa bahay ko at inabot iyon kay Rajiv. “Kayo na din ang mag-grocery at dalhin niyo sa loob ng bahay ko every morning.” Nag-aalangan si Rajiv na kunin ang susi na iyon. “Ah, sure ka ba na bibigyan mo kami ng access sa bahay mo?” Tumango ako. “Hindi ba’t binigyan nyo na din naman ako ng access dito sa bahay nyo?” “Pero iba ang sitwasyon mo,” sabi niya. “Babae ka at puro lalaki kami.” “You trusted me,” sabi ko. “So, it is my turn to trust you. And let us hope that both of us cherish that trust.” Tinapik ko ang kanyang balikat at binalingan sina Schlain at Karyu. “Oh, siya. Kita-kits tayo bukas.” Hindi ko na sila hinayaan pang makasagot at agad na akong bumalik sa bahay ko dahil malapit na ding dumating si Mira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD