Chapter 7

1142 Words
Asper Reign Dahlia’s Pov Natapos ang buong mansyon sa katabing bahay sa loob lang ng labing limang araw. Mula sa haligi hanggang sa mga pader, sahig at bubong. Mayroon na din itong kuryente at tubig. Kumpleto na din ang mga gamit mula sa labas hanggang loob kaya pwedeng-pwede nang tirhan. At tanaw mula sa bintana ng kwarto ko na mahigpit ang security ng bahay na iyon kahit iilan lang ang mga guard na nagro-rounds sa bakuran nito. May mga cctv camera din kasi sa paligid at may kataasan ang pader kaya wala talagang magtatangka na pasukin iyon. Nakita ko na may limang kotse na din na naka-park sa garahe nila kaya mukhang nandyan na ang mga talagang titira doon kaya agad na akong bumaba. Sinuot ko ang contact lens ko at hinablot ang box na pinaglagyan ko ng mga cupcake na ginawa ko kaninang umaga. Ibibigay ko kasi ito sa kapitbahay ko dahil sabi nga ni Mira, mas mabuti na din iyong maayos ang ugnayan namin ng mga iyon dahil kung sakali nga namang may mangyari ay kami-kami lang din ang magtutulungan. Though, I actually doubt kung may maitutulong nga ba ako sa kanila. Tumingin muna ako sa salamin para ayusin ang itsura ko at magmukha naman akong presentable. At nang matapos ay agad na akong lumabas ng bahay. I don't know why but I am actually excited to meet my neighbor. Well, may kaba pero mas nangingibabaw ang excitement ko. Siguro ay dahil alam kong tulad ko ay naninirahan din sila dito para magkaroon ng tahimik na buhay. At medyo curious din ako sa isang Caspian Jyn dahil talagang matunog ang kanyang pangalan sa business world. Nang makarating ako sa harap ng kanilang gate ay agad kong pinindot ang doorbell. "Sino ka? Anong kailangan mo?" Napalingon ako sa intercom na nasa bandang gilid ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Bahagya ko itong nilapitan at ngumiti nang makitang may camera din doon. "Hi." Kumaway pa ako dito. "Ako iyong nakatira diyan sa katabing bahay." Itinuro ko ang bahay ko pagkuwa'y ipinakita ko ang dala kong box. "Ako din ang may-ari ng SweetHeart Cafe sa bayan," sabi ko pa. "Nagdala lang ako ng konting welcome gift." Matapos kong sabihin iyon ay naghintay lang ako sandali ng magiging response nito ngunit wala na itong sumunod na sinabi. Bagkus ay biglang bumukas ang gate ang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rajiv. "Raj…" Medyo nagulat ako nang makita siya. Noong una kasi ay nakasuot pa siya ng suit at seryosong-seryoso ang kanyang mukha nang makaharap ko kaya nasabi ko kay Miracle noon na may pagkadelikado ang kanyang aura. Pero iba ngayon. Mas refreshing ang itsura niya dahil nakasuot lang siya ng simpleng white v-cut t-shirt at loose shorts na hanggang tuhod niya. Nawala ang pagiging delikado niya at lalong lumabas ang pagiging gwapo niya. "Hi, Asper," bati niya sa akin tsaka nilakihan ang pagkakabukas ng gate. "Pasok ka muna. Ipapakilala na din kita sa mga kasama namin dito sa bahay. Lalo na kay Jyn." "Oh, thank you." Bahagya akong nag-bow at tuluyan nang pumasok sa loob ng gate. At namangha ako nang tuluyang bumungad sa akin ang kabuuan ng mansyon na labing araw lang na itinayo. Hindi ko inaasahan na ganito ito kaganda. Dalawang palapag lang naman ito ngunit mayroon rooftop. Maaliwalas ang paligid dahil may ilang puno dito na hindi naman nila pinutol at mukhang aalagaan pa nila. "Let's go," ani Rajiv at nauna nang naglakad sa akin papasok. Agad naman akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa loob ng mansion. Hindi naman ganoon ka-grande ang loob. Simple lang ang design nito at ang mga furniture ay mukha namang kumportable upuan. "Ah…" Agad kong inabot kay Rajiv ang dala ko. "Here's my present. Cupcakes." Bumakas ang kasiyahan sa mukha ni Rajiv nang tanggapin ang box. "Tamang-tama, kanina pa ako nagugutom." "Eh?" "Hindi pa kasi dumadating ang chef na ni-hire ni Jyn kaya naman nagtitiis kami sa mga take out," aniya. "Eh may katagalan din ang delivery service dito sa Yain kaya ito muna ang kakainin namin habang hinihintay ang talagang pagkain namin." Inilapag niya sa center table ang box tsaka tumingin sa akin. "Maupo ka muna," sabi pa niya. "Tatawagin ko lang sila." Hindi na ako nakasagot pa dahil agad na siyang tumakbo paakyat sa second floor kaya mauupo na sana ako ngunit nagulat ako nang makarinig ng malalakas na yabag na para bang tumatakbo. Bumaling ako sa hagdanan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong lalaki na nag-uunahan pa pababa doon. "Damn it, Raj!" sigaw ng isa na hinihila pa ang kwelyo ng t-shirt ni Rajiv. "Nauna ako sayo!" "Gago, hindi ako nakikipag-unahan sa inyo!" balik naman ni Rajiv na pilit inaalis ang kamay ng lalaking iyon. "Umalis kayo sa dadaanan ko!" sigaw ng isa pang lalaki na pilit dumadaan sa gitna ni Rajiv at nang lalaking nakahawak sa kanya. "Nagugutom na ako!" "Ahm…" Tumikhim ako na agad nilang ikinatigil. Agad silang tumingin sa akin at mabilis na bumitaw sa isa't-isa. "Asper, this is my friends," pakilala ni Rajiv habang itinuturo ang mga ito. "Dito din sila titira. Schlain and Karyu." Ngumiti ako sa dalawa at kumaway. "Nice to meet you, I am Asper Reign." "Asper Reign?" Kumunot ang noo nila at nagkatinginan pa. Sa ginawa nilang iyon ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Why? Did the know me? Alam ba nila na isa akong Dahlia? Nakita ba nila ako sa news or magazine? Ngunit ako naman ang napakunot ang noo dahil bigla silang tumawa. "Your name sounds like aspirin," sabi ni Karyu. "Asper Reign and aspirin." Pinalobo ko ang pisngi ko nang sabihin nila iyon. Naalala ko kasi na iyon ang madalas ipang-asar sa akin ng mga kapatid ko. At kapag nagagalit sila sa akin or napipikon, imbes na Asper Reign ang itatawag nila sa akin ay nagiging aspirin. "Hey," saway ni Rajiv sa dalawa. "Don't joke about her name." Huminga ako ng malalim at ngumiti. "No, it's okay," sabi ko. "Iyon din ang tawag sa akin ng mga kapatid ko so it is not something that can offend me." "Iyon naman pala eh." Tuluyan nang bumaba ng hagdan si Karyu at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Nice to meet you, milady." Medyo nailang ako sa ginawa niyang iyon pero mukhang tradisyon sa kanila ang paghalik sa kamay bilang pagbati kaya hindi na ako nag-react. Nang bumaling naman ako kay Schlain ay bahagya itong yumuko habang nakalagay ang kanyang kamay sa dibdib. "We will be neighbors starting today so please take care of us." Akala ko ay magiging awkward ang pagbisita ko dito. At ang plano ko lang naman ay batiin sila at ibigay ang regalo ko. Pero mukha namang mababait ang mga ito so I am looking forward for a good relationships with my neighbors.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD