CHAPTER 2—TINDERA

1824 Words
REBECCA'S POV "'LING, aalis na raw pala sa Sabado si Manang Juana. Manganganak na raw ang anak niya at walang mag-aasikaso." Naririnig ko lang na nag-uusap sa kusina sina Auntie Suzette at Uncle Sam habang kumakain ng agahan. Naglilinis naman ako ng banyo. Dalawang buwan na nga pala ako rito. Mahirap. Pero pilit kong kinakaya. Wala naman kasi akong mapupuntahan. Hindi rin ako binibigyan ng pera ni Auntie. Binibilhan lang niya ako ng personal needs na talagang kailangang kailangan ko. "Paano na ngayon 'yan? Wala ka ng katulong sa pagtitinda," naiinis na sagot ng tiyahin ko. "May pamangkin daw siya na puwedeng i-rekomenda." "Huwag na ka'mo. Baka malikot pa ang kamay no'n. Si Rebecca na lang para naman magkaroon ng silbi 'yan. Ang dami ko ng nagastos sa personal needs at pagkain niya simula nang dumating siya rito." Napahinto ako sandali sa pagkuskos sa inidoro. Pero dahil sanay na akong makarinig ng masasakit na salita kaya hindi ko na lang pinansin. "Huwag mo namang pagsalitaan nang gano'n ang bata, 'ling. Masipag si Rebecca. Malaking tulong siya dito sa bahay," pagtatanggol sa akin ni Uncle Sam na ikinangiti ko. Pakiramdam ko, nawala ang pagod ko. Ganito pala ang feeling kapag may nagtatanggol sa'yo. Simula nang mawala ang mga magulang ko, si Uncle Sam pa lang ang nagparamdam sa'kin nang ganito. Ipinagtanggol niya ako kapag pinapagalitan at sinasaktan ako ni Auntie Suzette. "Twenty years old na 'yan at hindi na bata, Samuel," iritadong sagot ng tiyahin ko. "At dapat lang na makatulong siya sa'tin dahil ang laki rin ng nagastos ko sa kaniya sa pagpunta pa lang dito." Hindi ko na narinig na sumagot si Uncle Sam. Masiyado siyang mabait para patulan ang katarayan ni Auntie Suzette sa lahat ng oras. Ayaw din niya ng nag-aaway sila. Siya nga ang unang nakikipagbati kapag nagkaroon sila ng pagtatalo. Sa loob ng dalawang buwan, nakita ko kung gaano niya kamahal ang tiyahin ko. Kahit maaga siyang umaalis para magbantay sa tindahan, inaasikaso pa niya si Auntie Suzette bago pumasok sa trabaho. IT Specialist nga pala ang trabaho ni auntie sa isang call center kaya araw-araw ang pasok, maliban sa Linggo na rest day niya. Nagmamadali na tinapos ko ang pagkuskos ng inidoro nang marinig ko na tapos nang kumain sina Auntie at Uncle. Liligpitin ko pa ang pinagkainan nila. Tapos nang maligo ang tiyahin ko. Magbibihis na lang siya. Si Uncle Sam na lang ang gagamit nitong banyo. Paglabas ko, nagulat ako nang makita ko si Uncle Sam na nagliligpit ng pinagkainan nila. "Uncle, ako na po diyan!" mabilis na inagaw ko sa kaniya ang mga pinggan na dadalhin sana niya sa lababo. Siguradong masasabon na naman ako ni Auntie Suzette kapag nakita niya na ang asawa niya ang gumagawa ng trabaho ko. "Ako na, Rebecca. Kaunti lang naman ito," sagot niya. Tiningnan ko siya at nakita ko na titig na titig din siya sa akin. Saka ko lang napansin na kamay niya pala ang nahawakan ko at hindi ang mga pinggan na hawak niya. Namumula na bumitaw ako. "A-ako na po, Uncle. Baka magalit ho si Auntie." "Nasa kuwarto na siya at nagbibihis. Kaya huwag kang mag-alala." Ngumisi siya. "Ituloy mo na lang ang ginagawa mo. Ako na ang bahala sa mga pinagkainan namin. Para makakain ka na rin." "Pero, Uncle—" "Huwag nang makulit, Rebecca. Gusto mo bang ako naman ang magalit sa'yo kapag nalipasan ka ng gutom at nagkasakit ka?" Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. Umiling-iling ako. "Ayaw ko pong magalit ka sa'kin, Uncle. Kayo lang ho ang taong kilala ko na mabait sa'kin." Lumapad ang pagkakangisi niya. "Kung gano'n, sundin mo na lang ang sinabi ko." Tumalikod na siya at dumiretso na sa lababo. Binalikan ko na lang ang paglilinis ng banyo kaysa ang magalit pa sa'kin si Uncle. Nag-iisa lang siya na may malasakit sa akin kaya iingatan ko ang tiwala niya. Huwag nang makulit, Rebecca. Gusto mo bang ako naman ang magalit sa'yo kapag nalipasan ka ng gutom at nagkasakit ka? Bumalik sa isip ko ang sinabi niya habang naglilinis ako. Huli ko na napansin na nakangiti pala ako. Kinapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Kung ibang tao lang si Uncle Sam at kaedad ko lang, iisipin ko na may crush ako sa kaniya. Umiling-iling na ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Baka lalong magalit sa akin si Auntie Suzette kapag nalaman niya ang iniisip ko tungkol sa asawa niya. Palayasin pa ako no'n nang wala sa oras. Ayaw kong ma-r*pe ng mga adik sa labas. Pero mas nakakahiya kay Uncle Sam kapag nalaman niya. Alam ko na tunay na pamangkin na ang turing niya sa akin kaya gano'n na lang siya kung magmalasakit. Baka sabihin pa niya na malisyosa ako. At saka, fifteen years kaya ang tanda niya sa'kin! "Tapos ka na ba, Rebecca?" Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang boses ni Uncle Sam mula sa likuran ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko nang mapalingon ako at nakita ko siya na pumasok dito sa loob. Hindi ko siya napansin dahil sa lalim ng iniisip ko. Na siya rin naman ang laman. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako naririnig." Nagpaliwanag siya nang makitang nagtaka ako. "Maliligo na sana ako kasi maaga akong magbubukas ng tindahan." "S-sorry po, Uncle. Kanina ko pa kasi inaabot ang mga bahay ng gagamba sa kisame pero hindi ko matanggal-tanggal." Tumingala ni Uncle Sam. "Gano'n ba? Sige, tulungan na kita." Naramdaman ko na lumapit siya sa akin. Nagulat pa ako nang hawakan niya ng dalawang kamay ang walis na hawak ko rin habang nakatayo siya sa likuran ko. Nakulong ako sa mga braso niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga ni Uncle Sam na tumatama sa batok ko. Hindi naman ako makaiwas at baka sabihin niyang malisyosa ako kahit gusto lang naman niyang tumulong. "'Ayan, natanggal na!" bulalas ni Uncle Sam nang sa wakas ay nalinis din namin ang kisame. Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas masaya pa siya kaysa sa'kin. "Salamat po, Uncle." Saka lang ako lumayo sa kaniya. Pero dahil pader na pala ang nasa likuran ko kaya napasandal ako. Lalo akong kinabahan nang titigan lang ako ng tiyuhin ko. Napansin ko na napasulyap siya sa dibdib ko. Basa ng pawis ang puting T-shirt na suot ko kaya medyo bakat ang bra ko. Inisang hakbang ni Uncle Sam ang pagitan namin. Bigla akong nanigas nang dumukwang siya at hinaplos ang buhok ko. "May dumi ka sa ulo." Narinig ko ang pagngisi niya. "'Buti hindi gagamba." "'Buti na lang po talaga. Dahil ang totoo niyan," Napakamot ako sa ulo," takot po talaga ako sa gagamba. Lalo na kapag maraming sapot." "Baka hindi ka lang sanay makakita o makahawak ng sapot?" "Ho?" Lumapad ang pagkakangisi ni Uncle Sam. "Napaka-inosente mo talaga, Rebecca. Kaya natutuwa ako sa'yo, eh." "Nakakatuwa din po kayo, Uncle. Dahil ang bait n'yo sa'kin." Tumitig siya sa akin at tumitig din ako sa kaniya. Lalo ko lang naramdaman ang paghurumentado ng puso ko. Wala pa sanang kumikisap sa amin ni Uncle Sam kung hindi lang namin narinig ang boses ni Auntie Suzette. REBECCA'S POV "NAUNA nang umalis ang Uncle Sam mo. Sumunod ka na lang," sabi sa akin ni Auntie Suzette bago siya pumasok sa trabaho. Apat na buwan na ako dito sa kanila. Ang tiyahin ko ang nasunod sa gusto niya na ako na lang ang pumalit sa umalis nilang tindera. Pagkatapos ng mga gawain ko dito sa bahay, saka naman ako pupunta sa tindahan nila para tulungan sa pagbabantay si Uncle Sam. Minsan, sumasabay na ako sa kaniya kapag maraming delivery. Umuuwi lang ako kapag hapon na para mag-asikaso naman ng hapunan. "Sige po, Auntie." "Bilisan mo na ang pagkilos. Sabado ngayon. Maraming customer kahit umaga pa lang. Maligo ka at magpabango. Baka sabihin pa ng mga suki namin na mabaho ang tindera namin." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Tita dahil hindi naman totoo. Kahit nga pagod sa maghapong trabaho, dalawang beses pa rin akong naliligo sa isang araw dahil nahihiya akong humarap kay Uncle Sam na nanlilimahid. Pagkaalis ni Auntie, nagmadali na rin ako sa pag-asikaso. Mabango at fresh na fresh na ako nang pumunta ako sa tindahan nila. Hindi naman gano'n kalayo kaya nilakad ko lang. Bulaklaking dress na pinaglumaan ni Auntie Suzette ang suot ko. Kailangan daw kasi na palaging maayos ang suot ko kapag nagbabantay sa tindahan para hindi nakakahiyang humarap sa mga customer. REBECCA' POV "ANG ganda-ganda mo naman, Rebecca! Akala ko kung sinong artista ang naglalakad," puri sa akin ni Tinay. Tindera din siya ng talipapa at katabi ng tindahan ni Uncle Sam. Kaedad ko lang siya at Bisaya din. Ngumiti lang ako. "Ikaw talaga, Tinay. Ang aga mong mambola." "Nagsasabi lang ako nang totoo, 'no? Kaya nga mas dumami pa ang mga customer ni Kuya Samuel. Dahil bukod sa guwapo na ang may-ari, maganda at s*xy pa ang bagong tindera. Ang hot kaya ng angkol mo. Hindi halatang trenta y singko na. Yummy pa rin! Kaya hindi na nakapagtataka kung pati ang mga kabataan na tulad ko, humahanga pa rin sa kaniya. Hindi lang niya pinapansin." "Dapat lang, 'no? Dahil may asawang tao si Uncle Sam. At mahal na mahal niya si Auntie Suzette. Hindi 'yon magpapadala sa tukso." "Pero kung ikaw ang magpapansin kay angkol mo, siguradong makakalimutan niya ang tiyahin mo." "Sira!" Namumula na kinurot ko sa tagiliran si Tinay. Medyo close na kami at madalas magbiruan. "Baka marinig ni Uncle. Nakakahiya. At baka ano pa ang isipin no'n. Mapalayas pa ako nang wala sa oras." Tinawanan lang ako ni Tinay. "'Buti hindi ka pinagseselosan ng Auntie Suzette mo?" Kumunot ang noo ko. "At bakit naman?" "Dahil palagi kayong magkasama ng asawa niya. At hindi hamak na mas bata at maganda ka kaysa kaniya. Mas bagay kayo ng angkol mo." "Tunay na pamangkin ang turing sa akin ni Uncle Sam at alam iyon ni Auntie," depensa ko. "Pero hindi naman kayo totoong mag-tiyo, ah. Kung sa mayayaman pa, not 'blood-related'," katuwiran naman ni Tinay. "Ikaw ba? Huwag mo sabihing hindi ka humahanga sa angkol mo? Nahuhuli kaya kita na tumitingin nang malagkit sa kaniya kapag hindi siya tumitingin." Namilog ang mga mata ko. "Hoy! Sira ka talaga!" Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig ni Uncle Sam ang mga pinagsasabi niya. Ilang hakbang lang mula rito ang layo ng tindahan niya. "Kahit hindi kami tunay na magkadugo, tunay na tiyo pa rin ang turing ko sa kaniya. At saka, ang tanda na niya para sa'tin." "Ano ka ba? Iyon na ang uso ngayon, 'no? Marami na ang kinikilig sa bawal na pag-ibig," dagdag pa ni Tinay, sabay bungisngis. "At saka mas matanda rin naman sa kaniya ang Auntie Suzette mo, 'di ba? Dahil uso na rin ngayon ang may malaking age gap." "Baliw ka talaga. Diyan ka na nga." Iiling-iling lang ako nang iwanan ko ang kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD