CHAPTER 3-HUWAG PO, UNCLE!

1509 Words
REBECCA'S POV "'LING naman... Akala ko ba manonood tayo ng sine bukas? Isang araw na nga lang ang day off mo tapos sasama ka pa sa outing n'yo. Hindi na nga tayo natuloy noong nakaraang Linggo dahil nag-uwi ka rin ng trabaho." Nagtatampo na boses ni Uncle Sam ang narinig ko nang pumasok ako sa tindahan. Sa likod ako dumaan kaya hindi niya ako nakita. Mukhang kausap niya sa cellphone si Auntie Suzette. Hindi ko mapigilan na maawa kay Uncle Sam. Palagi ko na lang siyang naririnig na nagmamakaawa ng atensiyon sa asawa niya. Totoo naman kasi na palaging busy ang tiyahin ko. Madalas na ngang mag-overtime, nag-uuwi pa ng trabaho kapag rest day. Palagi rin siyang galit at naiinis kapag nilalambing ni Uncle. At wala pang ka-sweet-sweet sa katawan. Hindi ko man lang siya nakitang niyayakap o nilalambing ang asawa niya. Ni hindi kinukumusta pagdating galing sa tindahan. Kaya ba wala pa silang anak dahil palaging walang oras kay uncle si Auntie Suzette? "Sige na. Payag na ako, huwag ka nang magalit. Basta bumawi ka sa'kin pagdating mo, ha? I love you." Nagkunwari ako na walang narinig at pumasok na sa loob nang matapos ang pakikipag-usap ni Uncle Sam sa auntie ko. Huminga ako nang malalim nang makita ko siyang nakaupo habang malungkot ang mukha. Ewan ko ba. Pero parang gusto kong haplusin ang mukha niya para mawala ang lungkot niya. Kung ako ang asawa ni Uncle Sam, hindi ko siya bibigyan ng dahilan para malungkot nang ganiyan. Kinurot ko ang sarili ko. Bakit ba kung ano-ano ang iniisip ko? Nahawa na yata ako kay Tinay. Tumikhim muna ako para kunin ang atensiyon niya. "Good morning po, Uncle." Parang nagulat na nilingon naman niya ako at nagtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti siya sa akin. "Good morning din, Rebecca. Nandiyan ka na pala." Alanganin na ngumiti rin ako at naglakad palapit sa kaniya. "Kadarating ko lang din ho. Sa likod na ako dumaan para hindi ho ako makaistorbo sa inyo." Mahina siyang natawa. "Wala naman akong ginagawa dahil wala pang customer. Kausap ko lang ang Auntie Suzette mo. Bukas ng gabi na raw ang uwi niya. May company outing daw sila sa Batangas. Kaya huwag ka nang umuwi nang maaga. Samahan mo na lang ako hanggang closing." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa ideyang hanggang gabi kaming magsasama rito ni Uncle Sam. Bukod sa akin, may dalawang delivery boy naman siya. Pero palaging umaalis ang mga iyon para mag-deliver. May dalawang empleyado din sa bodega pero hindi naman sila pumapasok dito. Tapos solo pa namin ang bahay mamayang gabi. "S-sige po, Uncle," magalang na sagot ko. "Magre-refill po muna ako ng stocks." "Mamaya na iyan. Kumain muna tayo ng agahan. Bumili ako ng pancit at Lumpiang Shaghai." "Salamat na lang po, uncle. Pero nag-almusal na ho ako bago umalis sa bahay." "Alam kong kape at tinapay lang ang kinain mo. Kailangan mong magpalakas ngayong araw dahil mapapalaban ka..." Ngumisi siya sa akin. "Baka maubos ang lakas mo sa gagawin natin." Napalunok ako. "Bakit naman po? Ano ba ang gagawin natin?" "Nakalimutan mo na ba na Sabado ngayon? Sahod ng mga empleyado diyan sa factory. Marami ang magbabayad ng utang at magpapadala ng pera. Sabay-sabay din ang mga delivery natin." Nakagat ko ang labi ko. Muntik na akong mag-isip ng kung ano. "Pasensiya na po, Uncle. Nawala sa isip ko." "Kaya kailangan nating magpalakas." Inayos niya ang maliit na lamesa. Tinulungan ko naman siya sa paghahanda ng mga pagkain. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinilig nang ipaghila pa niya ako ng upuan. "Ang dami naman po yata ng binili n'yo, Uncle," puna ko habang kumakain na kami. Ngumiti siya kaya lumabas na naman ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi niya. "Kailangan nga nating kumain nang marami. At uubusin natin ito. Huwag kang mahiya. Ako lang naman ang kasama mo." Baka iniisip ni Uncle Sam na hindi ako nakakakain nang maayos sa bahay kapag nando'n si Auntie Suzette dahil panay ang utos sa akin kahit kumakain pa ako. "Sige po, Uncle. Basta kumain din po kayo nang marami." Nakangiti na tumango siya. "Oo naman. Lalo na ngayon na ganado ako," aniya sabay sulyap sa mga labi ko. Naisip ko na baka nakita niya ang kalat sa gilid ng mga labi ko kaya agad ko namang pinahid. "Kayo lang po ang nagma-manage nitong tindahan n'yo simula umpisa, Uncle?" "Oo. Mahirap kasi ipagkatiwala sa iba kapag ganitong negosyo. At saka, wala naman akong gagawin. Ayaw naman ng Auntie mo na mag-abroad pa uli ako. Maiinip lang ako sa bahay kapag may pasok siya kaya naisipan kong magtayo na lang ng tindahan. Mahilig din naman akong mag-negosyo noong kabataan ko." "Nag-abroad po pala kayo dati?" Tumango siya. "Oo. Dati akong seaman bago kami nagkakilala ng auntie mo. Hindi na niya ako pinaalis nang ma-promote siya sa trabaho. Asikasuhin ko na lang daw siya. Dahil mahal ko ang auntie mo at ayaw ko rin namang magkalayo kami kaya pumayag ako. Pero ang hirap din pala kapag walang sariling income. Nahihiya akong manghingi sa kaniya kapag may gusto akong bilhin. Isang taon lang akong tumambay simula nang magsama kami. Ginamit ko ang ipon ko para puhunan dito. Dati, sari-sari store lang 'to. Lumago lang dahil bukod sa pera, ipinuhunan ko rin ang dugo at pawis ko. Dito na ako natutulog kapag hindi umuuwi ang auntie mo dahil sa trabaho o kaya kapag may team building sila." Lalo akong humanga kay Uncle dahil sa mga nalaman ko. "Ang galing n'yo naman po. At saka, mabait po kayo sa customer kaya kayo binabalik-balikan." "Hindi ba dahil pogi at yummy ako?" pabiro niyang saad, sabay kindat sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi kaya narinig niya ang usapan namin ni Tinay sa labas kanina? "Sige na, kumain ka pa nang marami. Para lalo ka pang maging malusog," untag sa akin ni Uncle Sam at saka sumulyap sa dibdib ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko gaanong narinig ang huling sinabi niya dahil may dumaan na maingay na tricycle. "Ano po, Uncle?" "Wala. Ang sabi ko, ubusin na natin 'to para hindi masayang." REBECCA'S POV "ANO po ito, Uncle?" Kumunot ang aking noo nang abutan niya ako ng puting sobre pagkasara namin ng tindahan. Inabot kami ng alas dose dahil nag-inventory pa kami ng stocks. "Nakalimutan mo na ba na sahuran ngayon? Dahil hindi mo tinanggap ang ibinigay ko noong nakaraang buwan kaya doble na iyan." "Ho?" Namilog ang mga mata ko. "Pero hindi naman ako nagpapasahod, Uncle. Masaya na akong makatulong dito sa tindahan n'yo." Kinuha ni Uncle Sam ang kamay ko at pilit inipit sa aking palad ang sobre. "Hindi na ako papayag na hindi mo iyan tanggapin, Rebecca. Huwag mo isipin na pamangkin kita kundi empleyado na dapat lang na sahuran ko. At kung iniisip mo naman ang Auntie Suzette mo, huwag kang mag-alala. Hindi niya ito malalaman." "Pero—" "Ang sabi ko nga, mahirap kapag walang sariling income o pera. Kaya ipunin mo 'yan. Itago mo kung ayaw mong gastusin. Para kapag may gusto kang bilhin o puntahan, may madudukot ka." Wala talaga akong balak na tanggapin ang perang ibinibigay ni Uncle Sam. Pero naisip ko na tama siya. Puwede kong magamit ang pera sa balak ko na pag-alis sa poder ni Auntie Suzette pagdating ng tamang panahon. "S-salamat po, Uncle." Nahihiya na tinanggap ko ang sobre. "Malakas nga po pala ang ulan sa labas," pag-iiba ko ng usapan. "Oo nga, eh. Kung kailan naman nasa shop ang kotse ko. Wala na rin tayong makukuhang tricycle." Sumilip siya sa labas. "Pero hindi naman pala gano'n kalakas. Okay lang ba sa'yo kung lakarin na lang natin?" "Siyempre naman po!" Mabilis akong tumango. "Noong nasa Davao pa ho ako, sanay akong maligo sa ulan." "Huwag na tayong umuwi at dito na lang matulog kung mababasa ka lang din naman at magkasakit..." Hinubad ni Uncle Sam ang maong jacket na suot niya. "A-ano po ang gagawin n'yo, Uncle?" kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot at dahan-dahan lang na lumapit sa akin. Titig na titig siya sa aking mga mata. Napalunok ako. Ano ang binabalak niya? "Uncle, huwag po..." Napaatras ako at na-corner ako sa estante bago niya tuluyang nahubad ang jacket niya. Sando na lang ang natira kaya tumambad sa akin ang namumutok na muscles sa braso niya. Napakalapit na ng katawan ni Uncle Sam sa katawan ko. Nanunuot na sa ilong ko ang nakakalasing niyang bango. Hindi ko mapigilan na titigan nang may paghanga ang matipunong katawan niya. "Rebecca, relax ka lang. Ako ang bahala," usal niya habang titig na titig pa rin sa aking mga mata. Para akong maamong tuta na nakasiksik sa tabi ng estante habang inilalapit ako ni Uncle Sam sa katawan niya. Halos magdikit na kaming dalawa. Ramdam ko ang init niya, at napakabango niya talaga. "U-uncle, ano po ang gagawin n'yo sa'kin?" mahinang tanong ko dahil hindi niya ako sinasagot. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko magawang tumanggi. "Huwag kang mag-alala, Rebecca. Mabilis lang 'to," sa wakas ay bulong niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD