Lumabas ng pinto si Ruby, sa isipan niya, tutal naroon naman si Nathalie ay mas mabuti kung aalis na lang siya. "Mam?" boses ni Cecil na pumukaw sa kaniya. May dala itong bag na mukhang gamit ni Fin. "Mam saan ka po pupunta? ito na po ang mga gamit ni Sir Fin." pigil pa ni Cecil at tipid na lang niyang nginitian ito. Hindi naman siguro na narinig siya nito. "Sige ipasok mo na sa loob, naroon ang girlfriend ng Sir Fin mo. Siya na ang bahala kay Fin. Mas mabuti na umuwi muna ako. Dadaan muna ako sa presinto para sunduin si Tita Evelyn. Pasabi na lang kay Fin kung sakaling magising siya." aniya pagkatapos ay agad na tumalikod. "Ma'am pero--" hindi na natapos ni Cecil ang kaniyang sasabihin dahil tuluyan nang umalis si Ruby. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Ruby ang pagtulo ng ka