"Matapang ka na ngayon, Santi?! talaga?!" sigaw ni Raul kay Santi nang hindi rin nito ibaba ang baril na hawak niya. Umiling si Santi at mabilis na sinagot si Raul. "Lahat Tiyo, ginawa ko. At nagkasundo tayo na kapalit n'on hindi mo na gagambalain ang Nanay ko. Itong iniuutos mo sa akin. Taliwas ito sa napagkasunduan natin, Tito." aniya pa. "P'wes! binabago ko ang napagkasunduan natin. Dahil sa ginawa ng Nanay mo na pagpapahiya sa akin, kailangan niyang magbayad." sigaw ni Raul habang nakatutok pa rin ang baril kay Santi. "Huwag mong gagalawin ang Nanay ko, kundi magkakamatayan tayo." pagbabanta pa ni Santi na ikinatawa ni Raul. Hindi naman makapaniwala si Raul, lalo pa at hindi niya akalain na magagawa siyang sagot-sagutin ni Santi ng ganito. At higit sa lahat ay ang tutukan rin si