"Yes ayon po ang nangyari." paliwanag ni Ruby sa pulis na kausap nila para imbistigahan ang nangyari. Kasalukuyan silang nasa hospital ngayon at natapos na rin ang operasyon kay Fin upang tanggalin ang bala na tumama sa kaniyang tagiliran. At habang hinihintay ang balita mula sa doctor tungkol sa totoong lagay ni Fin ay kinuhaan muna sila ng statement ng pulisya. Kasalukuyan na nasa puder ngayon ng mga pulis si Evelyn dahil sa nangyari kanina. At dahil din sa nangyari ay maagang pinauwi ang mga bisita nila. "We will submit your statement. For now nasa custody ng pulis si Evelyn for investigation. Ang tanong dito ay nais mo ba siyang sampahan ng kaso tungkol sa pagtangka niyang pamamaril sa iyo?" tanong ng detective na nasa harapan nila. Napatingin si Ruby kay Pablo Ruiz at kay Evan