Chapter 3

1440 Words
Isang terno na pulang loose pants at backless ang kanyang suot. Hindi naman siya gaano mahilig sa alahas kaya tanging suot niya lang ay ang simple diamond dangling earrings na nabili niya. Naka-kulot ang kaniyang buhok at gamit din ang signature red lipstick na kanyang madalas gamitin. Kilala siya bilang si Ruby na laging pula ang damit at labi. Kinuha na niya ang kaniyang bag at ilang paper bags ng damit na pinamili, pagkatapos ay sumakay ng taxi papunta sa club ni Lulu. Mag 6pm pa lang ng gabi kaya hindi pa ganoon kadilim, ngunit abala na ang ilan sa mga babae sa club para sa isang mahabang gabi para kumita. Ngayon ang unang gabi niya sa Club ni Lulu. Pero hindi muna siya sasayaw, iyon ang napagkasunduan nila ni Lulu dahil marami pa siyang kailangan ayusin sa lugar na ito. Sa labas pa lang ay nakatingin na ang ilang babae sa kaniya. Ang ilan ay kilala na siya, samantalang ang iba ay hindi pa, kaya halos mamangha ang mga iyon sa ayos at ganda ni Ruby. Kung hindi kasi siya nakasuot ng kaniyang damit na pangsayaw ay mapagkakamalan siyang isang sopistikada na anak ng mayaman. Well, anak naman siya ng mayaman. Sa labas nga lang. Napabuntong hininga si Ruby habang nakatingin sa mga glass windows sa labas ng bar. Doon nakapwesto ang ilan sa mga babae. Nakabalandra na tila isang paninda. Bukod sa pulang ilaw sa loob ng mga bintana ay may mga ilaw sa labas. Mga ilaw na pag-pasko, christmas lights ang tawag. Kumikinang-kinang iyon kagaya ng pag-kinang  ng mga Christmas lights sa Christmas tree. Hindi lang iyon dahil maliwanag din ang labas. "What is this? Is this a joke?" Tanong niya pagkatapos ay walang sabi na hinatak ang mga christmas lights na nakasabit sa labas. Pinaghihila niya ang mga iyon upang bumaklas sa pagkakadikit sa bawat salamin. Agad naman na nanlaki ang mga mata ng mga babae sa loob ng salamin. "Teka, Ruby! Bakit mo tinatanggal ang mga iyan?" Tanong ng isa sa mga babae. Hindi siya sumagot at hinila pa ang ilan sa mga pa-ilaw. Nagkaroon ng komusyon sa labas dahil sa ginawa niya. "Ruby! Ano ba ang ginagawa mo? Naku! Sinira mo! Magagalit niyan si Mama Lulu!" Sabi ni Gretchen na agad siyang pinigilan pero hinatak pa rin ni Ruby ang mga cable. "Anong nangyayari dito?!" Sigaw ni Lulu bago dali-daling lumapit sa kaniya. Nang dahil sa nangyayaring komusyon ay may nagsumbong rito. At nang makita ni Lulu ang mga wasak-wasak na pailaw ay agad siyang napasapo sa kaniyang noo. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa ginawa nito. "Diyos ko po! anong ginawa mo sa mga pailaw? Bakit nasira?" tanong nito kay Ruby. "Kasi ang pangit! Sino ba nakaisip na mag-lagay ng mga iyan?" Sagot ni Ruby. "Ako ang nagpalagay niyan?! Teka! Bakit mo sinira?! Alam mo ba ang halaga ng mga iyan?" Na-ha-highblood na sabi nito pero hindi pa rin tumigil si Ruby. Inalis niya ang isa sa kaniyang sapatos. At sa pamamagitan ng kanyang takong ay binasag niya ang stop light na nakatutok sa bawat salamin. Ngayon ay dumilim sa labas, tanging nagbibigay ilaw na lang sa mga salamin kung saan nakikita ang mga babaeng halos hubad ay ang pulang ilaw mula sa loob. At ang karatula ng club na gawa sa neon na ilaw. "Iyan! Much better!" Aniya bago pinagpag ang kaniyang kamay habang may ngiti sa mga labi niya. "I fixed it." Halos mabuwag sa kinatatayuan si Lulu nang makita ang mga basag-basag na ilaw. "Susko! Mamamatay yata ako ng maaga?! Bakit mo ginawa iyan?!" Lumapad ang kanyang ngiti. "Eh kaya kayo hindi tinatao eh, imbis na akalain nilang club, nagmumukhang perya ang club mo." Aniya kaya muling nanlaki ang mata ni Lulu. "Ano?!" "Seriously? Christmas lights? Pasko ba sa club mo? Kulang na lang lumabas si santa sa pinto. Pag tumitingin ako sa bintana, hindi sexy at mabentang babae ang nakikita ko kundi parang isang freak show. This is a club, not a circus!" Aniya pa kaya sumama ang mukha ng ilang mga babae. "Walang papasok sa club na maliwanag. Walang titingin sa mga bintanang iyan kung sa malayuan pa lang ay kita na ang mga mukha ng mga lalaki na interasado kayong i-uwi." Aniya kaya natahimik sila. "Dapat may sense of mystery, huwag niyong ipakita ng buo ang mga mukha niyo. Huwag niyong ibilad agad ang mga katawan niyo. Papaano pa ma-e-excite ang mga lalaking titingin sa inyo kung lahat ipinakita niyo na?. Cover half of your face, or dim the light a little. Totoo na gumaganda lalo ang mga babae kapag madilim. At believe me? Lahat ng babae ay maganda sa dilim lalo na sa lalaking lasing." Sabi pa ni Ruby. Napatahimik naman na napatango si Lulu na tila nakikinig din sa kaniyang sinasabi. "Come on, you are not going to stay on that window, wearing that?!" Aniya pa sa mga suot ng mga naroon pagkatapos ay inabot niya ang mga paper bag na kaniyang dala. "Wear these." Binuksan ng mga babae roon ang bag at nagulat sila ng makita ang magagandang damit. Halos pag-agawan nga nila iyon. Alam niyang kakailaganin ng club na ito ang tulong niya. Kaya naman ginastos niya ang konti sa pera na nakuha niya sa tatay niya. Para maging kaaya-aya ang club na ito ay kailangan na ayusin niya sa labas pa lang. Kapag napaganda niya ang club na ito ay malamang isa ito sa magiging paborito ng kaniyang ama o ng mga ilan sa mga kalaban nito sa pulitika. At kapag nangyari iyon ay saka siya lalabas para malaman nila na siya ang bagong babae sa club na ito. "Kayong mga nasa harapan, magbihis na kayo pagkatapos bumalik rito." Utos niya kaya naman ay malapad ang mga ngiti ng mga babae na lumabas sa mga bintana at nagbihis na. Nagkatinginan sila ni Lulu ng ilang sandali lang ay nagsibalikan ang mga ito at bumalik sa kanilang pwesto sa loob ng salamin. Puro kulay itim ang mga suot nilang lingerie. Na bumagay talaga sa kulay pulang ilaw sa loob. Ang ilan sa mga suot ng mga babae ay revealing habang ang ilan naman ay may ka-partner na roba. Hindi masyadong kita ang mga mukha nito dahil sa dim lang ang ilaw. Kailangan mo talagang lumapit para makita ang kanilang kagandahan. Napaawang ang bibig ni Lulu. Napaka-hot tignan ng mga babae sa ganong ayos ng bintana at kanilang mga kasuotan. Ngayon niya lang nakita na ganito kaganda ang labas ng kaniyang club. "What, do you think? They look hotter right?" Aniya pa kaya tumango si Lulu. "Amazing!" Sigaw ni Lulu pagkatapos ay lumapit. "Kingina! Ang kakapal ng b*lbol niyo! Ang gara-gara niyo oh! Oh pak!" Masayang sabi niya, naririnig iyon sa loob ng mga salamin kaya natawa rin ang mga babae roon. "P*kingina itong mga ito mukha na kayong milyon dollars p*kpek. I-push up niyo pa mga d*de niyo.   Ayan ganyan!" Utos nito at napatingin naman sa janitor ng bar. "Oh ano pa hinihintay mo? Linisin mo na itong mga basag na ilaw. Simula sa araw na ito ganito na lang ang mga bintana. Oh, siya! Back to work!" Pumasok si Ruby sa loob. Alam niyang masayang masaya ang mga kasamahan niya sa mga damit na dala niya. She have to built their trust para makakuha ng kaalyado sa bar na ito na maari niyang maging tainga at mga mata sa lugar na ito. "Ruby!" Napalingon siya nang tawagin siya ni Lulu. Agad na nakipag-beso ito sa kaniya. "Thank you ha?! Ang ganda pala pag simple lang ang labas. Pero teka.. yung mga bigay mong damit, libre lang ba iyon? Baka singilin mo ako? Wala akong ibabayad sa iyo kasi 'di naman kita inutusan na bumili non." Wika pa ni Lulu. "Don't worry, libre lang iyon. Regalo ko na tutal ako ang bago sa club na ito." "Ang bait mo talaga! At napaka-swerte ko at naisipan mong lumipat." Napatingin siya paligid, marami siyang kailangan baguhin. "Wait, you don't mind naman kung may babaguhin rin ako rito sa loob?" Lumapad ang ngiti ni Lulu. "Naku! No problem, basta ikaw. Malayang malaya ka na pakialaman ang club na ito. Bahala ka na, tratuhin mo bilang sarili mong bahay. Ganoon naman hindi ba? Para dapat tayong isang pamilya." Naputol ang pag-uusap nila ng mapatingin sa may entrance ng club. Dahil sunod-sunod ang pag-pasok ng mga customer. Nanlaki rin ang mata ni Lulu ng makita ang mga lalaki na nakapila at may hawak na numero. Ibig sabihin ay maraming mga lalaki na gustong makilala ang mga babaeng nakahilera sa salamin. "Oh my god! Let's talk later! Mukhang ma-so-sold out tayo ngayong gabi, and that is because of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD