Chapter 4

2249 Words
Simula ng pumasok at inayos ni Ruby ang club ni Mama Lulu ay halos tauhin at pilahan ito ng mga customer sa kanilang barrio. Wala na nga halos paglagyan ng saya si Mama Lulu, lalo pa at ang laki ng kinikita ng club ngayon kung ikukumpara noon. The new paradise in Barrio Doro, ika nga. At mas lalong babansagan itong bagong paraiso lalo pa kung naging official nang ipakilala nila si Ruby bilang bagong babae ng kanilang club. Hindi lang si Mama Lulu ang tiba-tiba kundi maski na rin ang mga babae sa club ay nawili sa pag-kayod dahil sa dami ng customer sa club. Pero sa ilang araw na pamamalagi niya sa club, hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang sadya kaya siya lumipat sa club na ito. Inaabangan niya talaga ang kaniyang ama dahil nais niyang makita ang itsura nito kung sakali na makita siya, excited na siyang makita ang reaction nito lalo pa at kinuha niya ang pera na ibinibigay nito, ganoon pa man ay hindi niya sinunod ang nais nito na tumigil na sa pagiging pokpok sa barrio dahil makakasira iyon sa pangalan ng kaniyang ama. Hindi siya concerned kay Ruby, ang tanging iniisip niya lang ay ang sarili, lalo pa ang kaniyang pangalan na dadalhin sa politika. "Mamaya, maaga tayo mag-bukas." nakangiting sabi ni Lulu habang binibilang niya ang pera na kanyang hawak. Mayroon pang mga naka-kalat sa mesa. Hindi kalaunan ay napatingin siya kay Ruby na ngayon ay kumuha ng sigarilyo upang sindihan iyon. "Alam mo, Ruby? salamat talaga ha? grabe ginawa mo rito sa club ko. Sa sobrang sosyal, ay parang hindi na bagay ang pangalan. Parang gusto kong palitan? Naisip ko ang pangalang The Palace, lalo pa at hindi magtatagal, mag-bu-buhay reyna na ako." masayang sabi nito, tila na-i-imagine na ang mas lalong pag-dami ng tao sa club sa mga susunod pang araw, dahil sa matinding pagbabago na ginawa ni Ruby sa lugar. "It's up to you, this is your club anyway." sagot niya bago humithit ng sigarilyo. Medyo may kalakihan nga ang nagastos niya sa pagpapa-renovate sa club ni Lulu. Gumastos siya ng halos 500,000 pesos para sa renovation at mga bagong gamit sa club. Tapos gumastos siya ng halos 600,000 naman sa mga damit at pagpapaayos rin ng dressing room nila. Ayaw niya ng magulo at dugyot na dressing room. Pinalagyan niya rin ng aircon ang club at pinayos ang mga VIP room. Kaya rin kinailangan na isara halos kalahati ng club dahil marami ang inaayos. Mabuti na lang din at sa umaga halos lahat ng renovation para makapag-trabaho sila sa gabi. Marami pa siyang nais gawin sa club ni Lulu para ang club na ito ang talagang dayuhin ng mga customer sa buong lugar nila. At lahat ng pera na ginastos niya ay galing sa pera na ibinigay ng secretary ng kaniyang ama. Marami pang sobra, at marami pa rin siyang ipon kaya naman kahit hindi siya sumayaw o kumuha ng customer ay may pera siya. Lalo pa at ang tanging dahilan lang naman niya kaya rin siya pumasok sa lugar na ito ay dahil sa kaniyang ama. Nais niyang gawing miserable ang buhay nito, at sa paraang ito alam niya na mababawian niya ang kaniyang ama. "Basta ang usapan ha? Ruby. Hindi mo ako sisingilin? hindi utang ang mga pinapagawa mo ngayon dito sa club? ikaw ang may gusto nito, so wala akong utang sayo." naka-ngisi pang sabi ni Lulu kay Ruby at tumango ito. "Yeah, sure! isa pa, ayoko rin naman mag-trabaho sa club na bulok, kaya kailangan kong ipa-renovate." sarkastiko niyang sabi kaya biglang umasim ang mukha ni Lulu. "Ikaw talaga, aminado naman akong bulok before, but, iba na ngayon! hahaha! don't worry, bilang ganti sa iyong pag-tulong sa akin at sa mga babae rito sa club. Lahat ng kita mo sa'yo na, hindi na ako makikihati." sambit ni Lulu bago binilang ulit ang mga pera sa kaniyang mesa. "Thanks," sagot ni Ruby bago muling humithit sa sigarilyo. "Magpapa-labas ka ba mamaya? para ma-ipaskil ko na ang sayaw mo mamaya, nagpagawa kaya ako ng mga poster." tanong ni Lulu. Umiling si Ruby. "Hindi muna, may hinihintay ako eh." sagot niya. Hindi pwede na malaman ng ama niya na nandito na siya, baka mas lalong hindi iyon mag-punta rito. "Ah, okay. Sige yung mga poster muna ng ibang girls ang ilalagay ko." sambit ni Lulu bago akmang tatayo ng biglang bumukas ang pinto. "Mother Lulu! may problema tayo!" hingal na sabi ni Ginger, nang makapasok ito sa silid. Parang nag-papanic ang boses nito at hindi mapakali. "Anong nangyari sa'yo ha?" tanong agad ni Lulu sa kaniya. "Alam mo Ginger? ang bata mo pa pero daig mo pa mga mamasang mag-panic kapag hindi na-inom ang maintenance nila. Ano ba ang problema na naman? kaunti na lang talaga bubusalan na kita ng limang t**i sa bibig kapag hindi nag-bago na lagi mo na lang ako pinapa-nerbyos!" Natawa si Ruby at napakamot lang si Ginger sa kaniyang ulo dahil sa sinabi ni Lulu. "Mother, paano ba naman kasi na hindi ako mag-pa-panic? eh nasa labas si Judith at sinisira ang mga poster doon." Napatingin siya kay Ruby, "Hinahanap ka niya, Ate Ruby. Kapag hindi ka daw lumabas, babasagin niya daw yung mga salamin sa labas." "Aba, putangina!" sigaw na sabi ni Lulu bago sila napatayo at naglakad palabas ng office. Nagmamadali ito, habang nakabuntot sila ni Ginger sa mamasang. Hindi na nagtaka si Ruby, alam niyang posible na mangyari ito lalo pa at hindi maayos at pabor kay Judith ang pag-alis niya sa club nito. Ang totoo, galit na galit ito at ayaw siyang payagan, ganoon pa man, wala siyang paki-alam lalo pa at buo na ang plano niya. Hindi pa man sila nakakalabas ay naririnig na nila ang boses ni Judith na nagwawala sa labas. At nang makalabas sila ay bumungad si Judith na pinupunit ang mga poster na pinagawa ni Lulu na halatang hindi nagustuhan ang kanyang nakikita. Excited pa naman ito sa mga poster na ikakabit ngayon tapos ngayon madadatnan nila na sira-sira na ang mga iyon. "Hoy! babaeng tuyo! kulubot at mukhang mapangheng bruha! ang kapal ng pagmumukha mo! bakit mo sinira ang mga 'yan?!" sigaw nito kay Judith na ngayon ay agad siyang dinuro. "Ikaw! sisirain ko ang lahat ng gusto ko dahil deserve mo ang mga 'yan sa pang-aagaw kay Ruby!" sigaw ni Judith kay Lulu. Mas lalong pinanlakihan siya ng mata ni Lulu at mas dinuro pa ng malapitan. "Hoy! hindi ko kasalanan kung I'm in and you're out! hindi ko kasalanan na nandito si Ruby, hindi ko siya inagaw, siya ang kusang lumapit sa akin para lumipat to my beautiful palace. Hindi ba, Ruby?" Napabuntong-hininga si Ruby at pumagitna sa kanilang dalawa. "Mama Judith, pasensya na talaga, alam ko na galit ka sa akin. Alam ko na labas sa gusto mo ang pag-alis ko, pero I need to do this, in the first place sinabi ko naman sa'yo na baka dumating ang araw na aalis ako. Dapat naiintindihan mo ako." sambit ni Ruby kay Judith. Lumapit si Judith sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Ruby, please. Bumalik ka na.. parang awa mo na oh, I need you! saka sa club ko na ikaw halos lumaki! kinupkop ko ang Nanay mo, maski na ikaw din. Utang na loob mo sa akin kung nasaan ka ngayon." Tila hindi nagustuhan ni Ruby ang mga sinabi nito. Pilit niyang ikinakalma ang sarili dahil iginagalang niya ito. Nakapag-usap na sila ni Judith, hindi man naging maganda ang outcome n'on, hindi niya pa rin inaasahan na magagawa ni Judith ang ganitong bagay." "Kung may utang na loob ako, hindi sa iyo kundi ang Nanay ko. Saka kung mayroon ka talagang pake sa Nanay ko, sana inilayo mo siya sa ganitong buhay. You know what? tama lang ang ginawa ko na umalis sa puder mo, kung bababa ka sa level na ganito. Nakakahiya ka!" aniya. Agad na namugto ang mga mata ni Judith. "Walang hiya kang bata ka! bastos ka! wala kang utang na loob! isa ka lang ding puta at habang buhay kang magiging puta! kahit anong bihis gawin sa'yo, kahit umalis ka sa lugar na ito, kahit maging ano ka man, puta ka pa rin! itatak mo iyan sa kukote mo!" sumbat ni Judith. Tinignan niya pa si Ruby simula ulo hanggang paa. "Pala-isipan sa akin kung kanino ka nag-mana. Ngayon alam ko na kung kanino." Natawa ito. "Tama nga ang mga kwento niya sa akin kapag katabi ko siya sa maiinit na gabi na pinagsasaluhan namin. Sinabi niya sa akin na uto-uto ang Nanay mo. At ngayon, nagpapa-uto ka sa Lulu na ito." "Hoy! babaeng alamang!" sumbat ni Lulu at dinuro ulit si Judith. "Umalis ka na ngang makati ka rito! hindi mo lang talaga matanggap na ayaw na sa iyo ni Ruby!" sabi nito at hinawakan si Ruby upang ilayo na. Baka kung ano pa ang magawa ni Judith at magasgasan pa si Ruby. Sumenyas ito sa mga bouncer at itinuro si Judith. "Ilabas niyo na nga itong mapanghe na 'to! umaalingasaw ang panghe dito sa palasyo." Hinawakan ito ng mga bouncer pero agad din silang hinawi ni Judith. "Don't touch me, don't worry. Hindi ko rin naman kaya na tumagal sa bulok na club na ito." Umalis si Judith, at naiwan na tahimik ang buong club. Si Ruby ay nanatili na tahimik, kaya niyang tanggapin ang mga masamang salita patungkol sa kaniya. Pero hindi niya kaya na makarinig na sabihan ng mga kung ano-anong bagay na masama ang kaniyang ina. Hindi lang 'yon, hindi niya kayang tanggapin ang huling sinabi ni Judith. Na ang babaeng itinuring niyang pangalawang ina ay naging kalaguyo rin ng kaniyang ama, samantalang alam nito kung gaano kamahal ng kaniyang Nanay ang gago niyang ama. "Ayos ka lang?" tanong ni Lulu nang makabalik sila sa office nito. Hindi niya na nga napansin na nakabalik sila dahil sa iniisip niya. Galit siya, sa tipong iniisip niya kung gaano kahalang ang bituka ni Judith na makipag-relasyon din sa kaniyang ama. Ngayon, naisip niya, mukhang ginamit rin siya ni Judith. Mukhang ito ang tulay ng kaniyang ama upang malaman ang mga bagay-bagay sa kaniya. Kung ganoon ay mas mabuti na lang talaga na umalis siya sa puder nito. "I'm fine. It's nothing, but I realized na tama lang at lumipat ako. Napatunayan ko ngayon na matagal na siyang lason sa buhay ko." aniya bago tinanggap ang tubig na inabot ni Ginger. "Hindi ko ini-expect na bababa siya sa level na ganon," sabi naman ni Ginger. Kilala kasi si Judith na sopistikada, tahimik lang ito, at hindi gumagawa ng bagay kagaya ng ginawa nito kanina. Siguro ay may kinalaman ang kanyang ama, marahil natatakot ito na mawalan ng sustento mula sa kaniyang ama. "Sa susunod na bumalik 'yan si Judith, Ginger. Huwag ka na magdalawang isip at hagisan 'yan ng paputok sa mukha ha? pa-dampot mo agad sa mga bouncer at ipatapon sa ilog para makita niya mga kamag-anak niyang hito." inis na sabi ni Mother Lulu nila. Napangiti si Ruby dahil sa sinabi nito. Kahit paano ay gumaan ang loob niya. Narinig niya pa ang ilang pangungutya ni Lulu kay Judith, nang marinig niya na mag-ring ang kaniyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nang makita ang pangalan na lumitaw sa kaniyang phone ay agad siyang napangiti. Agad siyang lumayo at pumunta sa lugar na alam niyang walang makakarinig sa kaniya. Sinagot niya ang tawag. "Hey, baby." rinig niya ang baritonong boses nito mula sa kabilang linya. Napaka-gwapo ng boses nito kahit pa man sa telepono. Pakiramdam niya ay nawala ang bigat na nararamdaman niya. "Hi, Fin. Nakabalik ka na?" tanong niya. Si Fin, dati niya lang isang customer, ngayon kasintahan na niya. Wala eh, iba ang alindog niya at may na-inlove sa kaniya kahit pa ganito ang trabaho niya. Napaka-gwapo ni Fin, halos kasing edad niya lang din. Mabait, gwapo, may kaya at higit sa lahat, magaling sa kama. Ilang beses niyang pinigilan ang sarili na huwag makipag-relasyon kay Fin, ngunit hindi niya talaga kaya na hindi ma-akit sa kakaibang s*x appeal ni Fin at lalong lalo na ang kabaitan at pagka-maalaga nito. Pero bukod pa roon, ang pinaka-gusto niya sa katangian nito ay naiintindihan siya nito at ni minsan hindi naka-rinig ng pangungutya tungkol sa trabaho niya. "Yes, I went to visit you, but sabi wala ka na daw doon sa tinutuluyan mo? where are you?" tanong nito at agad siyang napakagat sa labi niya. "Lumipat na ako. Pasensya na, hindi kita nasabihan, biglaan eh." mahinang sabi ni Ruby kay Fin. Hindi niya nga mapigilan na mapangiti. Na-miss niya ang boses ni Fin lalo pa at matagal din niya ito hindi nakausap. Sinabi nito nung umalis siya na magiging busy siya sa sadya niya sa New York. Kapag tumawag naman ito ay madalas busy siya at hindi nasasagot ang tawag. Kaya ngayon na marami siyang iniisip dahil sa pag-sugod ni Judith, isang malaking ginhawa na marinig niya ang boses ni Fin. "I miss you, Ruby." Malambing na sabi pa nito kaya napakagat si Ruby sa kaniyang ibabang labi. Halos mamula pa ang pisngi ni Ruby dahil sa kaniyang nararamdamang kilig. "I miss you too, Fin." "Sunduin kita. Nasaan ka ba?" "Wag na, pupuntahan na lang kita." Napatingin si Ruby sa kaniyang paligid. "Nasaan ka ba?" "Nasa hotel ako ngayon." Sagot ni Fin. "Sige puntahan kita dyan ngayon. Magbibihis lang ako." Sambit ni Ruby bago ibinaba ang tawag at agad na naligo at nagbihis para puntahan si Fin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD