Chapter 2

1294 Words
Dumadagundong ang tunog ng takong niya sa sahig habang naglalakad siya sa magahabang hallway. Lahat ng kanyang madaanan ay napapatingin sa kaniya. Napapatayo pa ang iba at hindi makapaniwala na narito siya. At nang makita nga siya ng isa sa mga babae ay agad na nanlaki ang mga mata nito at kumaripas ng takbo upang ibalita sa Mamasang na narito siya. Bumukas ang malaking pinto, naglikha iyon ng malakas na ingay ng tumama ang mga buksanan ng pintuan sa may dingding dahilan upang ikasigaw iyon ni Mama Lulu. "Ano ba?! Ang ingay! Nag-e-ensayo rito eh!" sigaw ni Mama Lulu. Siya ang Mamasang na may-ari ng club na ito. May edad na ito, halata sa kulubot at lumalabas na puting buhok nito ganoon pa man, kagaya ng ibang mga babae rito ay naka-suot rin ito ng maiksi. Ang mukha ay puno ng kolorete at halos namumutok ang labi sa sobrang pula. Kasalukuyan nitong pinapanood ang sayaw na ini-ensayo ng ilang mga babae sa club na ito nang biglang pumasok si Ginger. "Ano ang sinabi ko? Hindi ba ay ayokong in-istorbo ako kapag–" "Nandito siya.. Nandito si Ruby," hinihingal na sabi ni Ginger habang nakasapo pa sa kanyang dibdib ng dahil sa hingal. Ngunit bago pa man makapagsalita si Lulu ay muling bumukas ang pinto at nakita nila si Ruby. Ibang-iba ang suot ni Ruby kung ikukumpara ito sa mga babae rito sa club. Revealing man ang kanyang suot na pulang damit at parang nakakamatay sa taas at tulis ng takong niya ay napaka-sopistikada niyang tignan. Hindi rin makapal ang kanyang makeup hindi katulad ng iba. Napahinto rin ang ibang babae nang makita siya. Pero kung may masaya at gulat ngayon ng nakita siya ay wala iyong iba kundi si Lulu. "Ruby! Welcome!" bati nito at lumapit kay Ruby upang bumeso. Saglit itong napatingin sa mga babae na nasa silid. "Iwanan niyo muna kami. Sabihin niyo sa iba na hindi muna ako pwedeng istorbohin hanggat hindi pa ako tapos makipag-usap kay Ruby." Nang lumabas ang mga babae ay agad na naupo si Lulu sa kanyang upuan at nagsalin ng alak at ininom iyon habang pinapakatitigan si Ruby na nasa harap niya. "So? Ano ang ginagawa ng isang Ruby Montemayor sa club ko? Alam ba ni Judith na narito ka? Hmm huwag mong sabihin na pinapunta ka ni Judith upang mag-espiya." sunod-sunod na tanong nito. Napangiti si Ruby, "Ano naman ang gagawin kong pag-e-espiya sa bulok na club na ito?" Nanlaki ang mata ni Lulu. Hindi makapaniwala sa sinabi ng "Anong sinabi mo?" Kung tutuusin ay totoo naman ang sinabi ni Ruby. Bukod sa luma na ang club ni Lulu ay hindi na iyon ganoon puntahan ng mga customer. Karaniwan na rin ng mga club sa barrio ay nagsasara dahil karamihan sa mga babae ay lumilipat sa club ni Judith. Kaya malamang ay isang palaisipan ngayon kay Lulu kung bakit narito si Ruby. "Kung narito ka para kumbinsihin ang mga babae rito sa club na lumipat sa pangangalaga ni Judith, ay aba! Maawa ka naman! Kusa na silang lumilipat. Ilan na lang ang mga babae na nandito kaya huwag ka ng mag-aksaya ng panahon." "Nagkakamali ka," lumapit si Ruby at kinuha ang baso ng wine na hawak ni Lulu at uminom. "Nandito ako dahil gusto kong lumipat sa club mo," aniya. Saglit na napatahimik si Lulu, tila isinasa-isip kung tama nga ba ang narinig niya. Ngunit hindi nagtagal ay tuluyan na nga siyang napahalakhak ng mapagtanto na totoo ang lumabas ang mga salitang binitawan nito sa kaniyang bibig. "Ikaw? Lilipat? Hahahaha!" napa-sapo si Lulu sa kanyang tiyan sa kakatawa. "Hindi mo na kailangan na Insultuhin ang club na ito dahil malinaw naman ng talk of the town ang mga girls ni Judith. Ayos na kami sa mga tira-tira, sa mga barya-barya ng mga kalalakihan na wala namang pera. Hindi mo na kailangan na mah-biro ng ganyan." "I'm serious, lilipat ako dito. Bakit ayaw mo ba?" Putol ni Ruby kay Lulu kaya muling nanlaki ang mata nito at halos mahulog sa silya. "Gaga! Seryoso ka ba? Bakit mo naman naisipan na lumipat rito? Alam ba ni Judith ‘yan? Well I don't care naman kung alam niya o hindi. Pero totoo ba? Bakit? Ano ang nasa isip ng isang Ruby Montemayor para lumipat dito?" Sinalinan ni Ruby ang baso at ibinalik kay Lulu. "Simple lang, because you need me, this club needs me," sagot ni Ruby kaya lumapad ang ngiti ni Lulu at uminom ulit ng alak. "Isa pa, kagaya nga ng sabi mo. Ang dami ng nagsilipatan roon. Sobrang dami na nga ng mga babae at ayoko ng masyadong masikip. Ayoko ng masyadong maraming babaeng ka-plastikan at higit sa lahat ay kaagaw sa mga customer ko." Napailing si Lulu. "Hindi ako boba, alam natin na walang maglalakas ng loob na gumalaw sa isang Montemayor. Sino ang ka-kama sa isang kagaya mo na kinatatakutan ng lahat?" Dahil sa sinabi ni Lulu ay napangiti ulit si Ruby. "Naisip mo ba na bakit malakas ang bentahan sa club ni Judith? Naisip mo ba kung bakit kahit isang Montemayor ako ay marami ang gusto sa akin na mag-uwi? Hindi para galawin kundi para maging palamuti? At ginagawa nila iyon para makaganti sa ama ko. Pero kung maganda na ang bigay, gwapo at magaling sa kama bakit hindi? May pera na ako, nasarapan pa ako. And I don't care even if I sleep with them, kung magiging kahihiyan iyon kay Papa ay wala na akong pakialam." Muli siyang pinakatitigan ni Lulu simula ulo hanggang paa. Tila pinag-i-isipan kung tatanggapin siya. "I can give you protection, I can give this club protection para hindi magsara. Lalo pa at rinig ko kay Judith na i-re-report niya ang club na ito para mawalan ng operasyon. At madaling magagawa iyon ni Judith lalo pa at siya ang bagong babae ngayon ng hepe sa barrio. Kung hindi ako nagkakamali ay kilala mo ang bagong kinalolokohan ngayon ni Judith. Ano sa tingin mo?" aniya kaya mas lalong nanggalaiti sa galit si Lulu. "Ang Bruhang iyon talaga! Aba! Ang kapal niya! Kaya naman pala nakipaghiwalay ang gagong iyon sa akin kasi dahil sa Bruhang iyon! Ang sabi niya ay ayaw na niyang lokohin ang asawa niya, iyon pala ay naghanap lang ng bagong kabit?!" galit na sabi ni Lulu bago muling nagsalit ng alak sa kaniyang baso at mabilis na ininom iyon at napatingin sa kaniya. "Okay, Sige. Payag na ako tatanggapin kita sa club na ito. You can start tomorrow." Lumapad ang ngiti ni Ruby at napatuwid ng tayo. "Bakit bukas pa? Pwede namang mamaya hindi ba?" pagkasabi niya iyon ay walang sabi-sabi na tumalikod siya at naglakad palayo sa opisina ni Lulu. — "Taksil ka! Akala ko pa naman ay magiging tapat ka dito sa club, tapos ngayon lilipat ka sa bulok na club ni Lulu? Aba hindi ako makakapayag Ruby! Hindi kita hahayaan na umalis sa club ko! wala kang utang na loob!" bulway ni Judith kay Ruby pagkatapos ay hinarangan ang pagdadaanan nito. Bumalik ngayon si Ruby sa dating club na kanyang pinata-trabahuhan upang kunin ang mga gamit niya at nang malaman ni Judith ang dahilan, ay nagalit ito at agad siyang pinuntahan upang pigilan siya sa pag-alis. Ngunit buo na ang desisyon ni Ruby at hindi niya maisasakatuparan ang kanyang mga plano kung mananatili siya sa Club ni Judith. "Sorry, Judith. Pero tapos na ang oras ko rito sa club mo. Nagtrabaho ako rito at naging sikat ang club mo, wala akong utang na loob sa iyo dahil ako ang may dahilan kung bakit tina-tao ang club mo---" "Exactly! ano na ang gagawin ko ngayon kapag nawala ka rito?" putol na tanong nito sa kaniya kaya napa-ngisi si Ruby. "Not my problem anymore." sagot niya pagkatapos ay nag-walkout sa harap ni Judith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD