Chapter 1

1370 Words
Malakas ang tunog ng tugtugin patuloy niyang inindayog ng mabagal ang kaniyang katawan paikot sa pole na nasa gitna ng entablado. Suot ang dalawang manipis na tela na kulay pula na tanging takip sa maselan na parte ng kaniyang katawan. Sobrang nipis non ay tila naaninag na bagay na kaniyang itinatago sa tuwing matatapat sa kaniya ang ilaw. Sensual at mapusok ang takbo ng tugtugin na kaniyang sinasabayan, sumabay sa init ng kaniyang sayaw ang init ng paligid kaya naman ay nabibighani ang nasa paligid na nanunuod sa kaniya. Napakaganda ng kaniyang katawan, mala-porselana ang kaniyang kutis at mapang-akit ang kaniyang kagandahan, lalong-lalo na ang kaniyang tingin at mga ngiti kaya naman ay maraming nabibighani sa kaniya. Isang beses lang siya sumasayaw sa entablado buong gabi kaya naman ay lagi siyang inaabangan. Dinudumog ang dalagang nagngangalang Ruby hindi lang dahil sa kaniyang talento sa pagsayaw o alindog kundi dahil isa siya sa mga pantasya ng bayan ng dahil sa kaniyang katauhan. "Ruby! Ruby! sige! igiling mo pa!" sigaw ng isa sa mga manonood habang patuloy ang kaniyang pagsayaw. Ang ilan ay pumipito pa, na-se-sexyhan sa paraan ng pag-indayog ng kaniyang katawan. Ang ilan ay nababaliw na at halos maglaway. Hinahagisan siya ng pera sa stage at ang ilan ay nakikipag-usap na sa may-ari ng aliwan, upang i-uwi siya. Ang liwanag ng spotlight ay nakatuon lang sa entablado, madilim ang banda sa mga manonood. Ngunit na-master na ni Ruby kung paano niya sasalubungin ang liwanag sa kaniyang mga mata, upang maaninag niya kung sino ang mga nanonood sa kaniya. At nang makita niya ang pamilyar na mukha na kanina niya pa hinahanap ay mas lalo siyang ginanahan sa pagsasayaw. Mas inindayog niya ang kaniyang katawan sa poste, mas iginiling ang kaniyang katawan at hindi pa siya natapos ay binuksan niya ang salamin na nahaharang sa stage at manonood pagkatapos ay hinatak niya sa entablado ang isang customer at isiniyaw ito. Umindak siya ng mapusok, ikiniskis ang katawan sa katawan ng lalaking nakuha niya mula sa manonood. Tuwang-tuwa naman ito ng halos maka tyansing ito sa kaniya. Hinayaan niya itong hawakan ang kaniyang bewang pababa hanggang sa halos mahawakan na nito ang maselang parte ng katawan niya. Ngunit bago iyon ay muli niya itong pina-upo sa harap dahil nakita niya rin na umalis na sa silid ang kanina niya pa hinihintay. Tinapos niya ang sayaw ng may ngiti sa labi niya. Nag-palakpakan ang lahat, at bago siya bumalik sa likod ng entablado ay inabot niya ang isang shot ng alak at mabilis na ininom iyon. "Nice performance, Ruby." Bati ng isang kasamahan niya na dancer at ngayon ay paakyat na ng entablado. "Goodluck, Lily." Aniya at patuloy na nagpunta sa backstage. Pagkarating niya roon ay agad na bumungad sa kaniya si Lucy na siyang nag-aasikaso sa mga babae rito sa club. Ito ang madalas na mag-retouch sa kanila lalo na kapag sobrang busy at aligaga ng mga dancer, lalo na sa mga araw na ganito na matao. "Grabe! Nakita ko kanina na ang lapad ng ngiti ni Mama Judith nung sumasayaw ka. Maraming lumapit sa kaniya at mukhang maraming nakubra na naman sa mga lalaki na gustong mag-uwi sa iyo," sabi pa nito sa kaniya. "Talaga?" tanong niya sabay tingin sa salamin na nasa harapan. Nasa area niya na siya ngayon kung nasaan ang kanyang mga gamit at makeup. Naglagay siya muli ng pulang lipstick habang sinusuotan na siya ngayon ni Lucy ng roba. "Buti kung ganoon. Pero alam naman natin na isa lang ang mag-wa-wagi sa gabing ito." Napangisi siya at naalala ang ilang pamilyar na mukha na nakita niya sa paligid. "Nandyan si Mr.Davis and si Mayor Villaranda. Sino kaya ang mas malaki ang lagay?" tanong niya at sakto ay pumasok si Judith. "Kay Mr.Davis ka ngayong gabi. Nagbigay na siya ng advance. Pero nasa iyo pa rin kung ayaw mo." Wika nito at inabot sa kaniya ang kinse mil. Ano? Go ka?" Tanong nito at tumango siya. "No problem. Wala naman gagawin 'yon si Mr.Davis. Sisinghutin lang ako 'non, dahil wala ng tumatayo sa matandang iyon," natatawang sabi niya kaya natawa rin sila. "What else?" Napabuntong hininga si Judith pagkatapos ay itinuro ang labas. "Pinapatawag ka ng sekretarya ng Papa mo. Kakausapin ka daw." Wika nito kaya napangisi siya. "Nasaan siya?" Tanong niya pagkatapos ay inalis ang roba at nagsuot ng damit. Manipis pa rin iyon. Kitang-kita pa rin ang panloob niyang damit. "Nasa VIP 3, puntahan mo na." Hindi na sumagot si Ruby kay Judith pagkatapos ay dumeretso na sa VIP 3 kung saan naroon ang kaniyang Papa. Ngunit pagkabukas niya ng pinto imbis na ito ang makita ay talagang ang secretarya lang nito ang nakita niya. Agad na napasimangot si Ruby at isinara ang pinto. "Ma'am pinapabigay po ni Congressman," wika nito ng makalapit siya at umupo sa tapat nito. Kita niya ang cheque na nagkakahalaga ng limang milyong piso. Napairap siya, ganoon pa man ay nais niya ring matawa. Hindi pa rin talaga ito titigil sa pag-a-alok sa kaniya ng pera tigilan niya ang ginagawa niya rito. "Hindi pa rin siya napapagod na kumbinsihin ako sa gusto niya? Alam niya ang sagot ko. Nagsasayang ka lang ng oras mo." Aniya pa sa sekretarya nito. "Ano ang sabi niya ngayon?." "Magkaroon ka ng hiya at itigil ang pamamahiya na ginagawa mo sa kaniya. Magkaroon ka daw ng delikadesa at itigil ang pag-pu-puta mo." Nakayukong sabi nito na tila hindi rin gusto kung ano ang pinapasabi ng kaniyang ama kaya tuluyan na siyang natawa. Kumuha si Ruby ng sigarilyo at sinindihan iyon pagkatapos ay agad na hinithit. Pagkabuga niya ng usok ay muli siyang nagsalita. "Tell him to not waste his time para sabihin sa akin na tigilan ang trabaho ko. Dito ako nabubuhay, sa pag-pu-puta. Kung naging mabuti lang sana siyang ama edi sana wala ako rito at wala rin siyang kahihiyan." "Iyon na nga po Ma'am bakit hindi niyo na lang kunin ang pera ng Papa niyo at magsimula ng bagong buhay. Yung hindi ang ganito na nagbebenta ka ng laman." “Ah gusto mo lang ba na kunin ko ang pera, akin na.” kinuha niya ang cheque na hawak nito at ngumisi. “I can take din naman kung gusto niya, salamat kamo at dinagdagan niya ang ipon ko. I’m sure walang wala ito sa mga nakurakot niyang pera.” “Ibig sabihin ay titigil ka na rin ba sa trabaho mo?” tanong ng sekretarya. “Oh, Dear. You are just wasting your time.” “Pero kasi tinanggap mo–” Nginisian niya ang babae. "Nai-kama ka ba ni Papa?" Biglang tanong niya sa sekretarya ng ama niya kaya nagulat ito. "Po?" "Nai-kama ka na ba ni Papa?" tanong niya ulit at umiling ang babae. "Hindi, kasal na ako at may pamilya na." Sabi nito kaya mas lalong natawa si Ruby. "Kung totoo iyan, swerte ka. I know my father. Wala iyan sa kaniya. He will f**k you kapag gusto niya." Sabi niya muli bago napa-hithit sa sigarilyo. " Gusto mo ba malaman kung ilan ang babae sa club na ito ang nai-kama niya? I can give you names na pwede mong sabihin sa asawa niya para malaman niya kung gaano kagago ang ama ko." Alok niya at hindi sumagot ito. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Tanong niya muli na tumagal ng ilang segundo ang pag-tahimik nito. "Ma'am.. malapit na ang eleksyon nakikiusap siya na itigil mo na iyan dahil baka pati ang ginagawa mo ay kalkalin ng kalaban niya." "Oh dear!" Napahalakhak si Ruby. "Nakalkal na ako ng mga kalaban niya. And good to say na ang ilan sa kanila ay magaling talaga sa kama. Kaya kung iyan ang iniisip niya sorry s’ya naunahan na siya ng kalaban niya. At kung makaapekto man ako sa pag-takbo niya, wala na akong paki roon. Hindi ako aalis sa club na ito hanggat gusto ko. Kaya kahit nagpupunta pa siya rito ay hindi ako titigil." "Hindi na daw siya babalik rito." Wika nito kaya napahinto siya at pinakatitigan ito. "What do you mean?" "Hindi na daw siya babalik dahil masyadong ma-tao, isa pa ay nandito ka." Nailing na natawa si Ruby. "At saan naman siya lilipat na club kung ayaw na niya rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD