Chapter 9

2167 Words
"See you later," sambit ni Fin nang iparada niya ang sasakyan sa harap ng club na pinapasukan ni Ruby. "See you, Baby." sagot naman ni Ruby bago dinampian ng halik si Fin sa labi at bumaba na ng sasakyan. Pagkatapos niyang kunin ang gamit niya ay hinintay niya itong makaalis bago ibinalik ang tingin sa harap ng club. Nakita niya roon ang mga poster na ikinakabit ng mga bouncer sa club. At ang poster niya ang nasa gitna, katabi ng ilan sa mga dancer sa club Palace. Nagkaroon sila ng kasunduan ni Lulu, dahil sa pumayag ito na siya ang sumayaw sa private room ng kaniyang ama, ay kailangan niya na rin na sumayaw simula ngayong araw para sa exclusive show ng club. Pero nasa kanya pa rin kung tatanggap siya ng customer o hindi. May ilan ng kalalakihan na nakatingin sa mga poster sa labas. Nagbubulungan dahil sa bagong mukha ng club Palace. Sa itsura ng mga ito, malamang ay marami silang customer mamayang gabi. Tiyak na dadayuhin ang Palace, lalo na ng mga panatiko ni Ruby. "Goodmorning, Ruby." bati ni Mar na isa sa mga security ng club. Isa ito sa mga nauna niyang kasundo rito lalo pa at dati rin itong nagtatrabaho sa club ni Judith. "Kuya Mar, nandyan na ba si Mama Lulu?" tanong niya. "Wala po, Ruby. Balita ko nagpunta sila ngayon sa Maynila upang bumili ng ilang materyales para sa extension ng club." magalang na sagot ni Mar sa kaniya, bago kinuha ang isang poster at idinikit sa performance board sa labas. Napatango si Ruby. "Eh si Ginger? narito na ba sya?" Tumango si Mar. "Oo nandyan na siya sa loob. Nasa opisina ata ni Mam Lulu." Nagpasalamat siya kay Mar bago pumasok na sa loob. Nakita niya ang ilan sa mga babae sa club na nag-pa-paractice para sa kanilang performance mamaya. Abala halos lahat ng ito, ang iba naman ay nag-ku-kwentuhan habang naninigarilyo. Nginitian siya ng iba ng makita siya, samantalang ang iba ay inirapan naman siya. Simula ng lumipat siya rito, hindi niya pa rin kasundo ang iba. Para sa kanila ay isang malaking threat si Ruby, kaagaw sa mga customer nila. Kaya naman hindi na rin nagtataka si Ruby kung magkaroon siya ng kaaway sa mga susunod na araw lalo pa at magsisimula na siyang mag-tanghal mamayang gabi. Malamang maraming insecure sa kaniya ngayon pa lang, lalo pa at malapit na rin siya kay Lulu. Narating niya ang tapat ng opisina ni Mama Lulu, pero hindi siya agad pumasok ng marinig ang malakas na boses mula sa loob. Sumilip siya at nakita ang isang babae na mukhang galit na galit kay Ginger. Bakas ang inis sa mukha nito. "How come na hindi na ako ang mukha ng club na ito? at kailan pa nag-bago ang pangalan ng club na ito? hindi ako papayag na 'yong Ruby na iyon, na kakalipat lang ang magsilbing bagong mukha nitong club. Na siya ang maging bida! hindi! Nasaan si Mama Lulu, ha? kailangan ko siyang makausap. Masyado siyang nauto ng babaeng 'yon." nanlilisik ang mata na bulyaw nito kay Ginger. "Ano? sabihin mo kung anong oras siya pupunta rito para makausap ko siya at ngayon pa lang mapa-alis na niya ang babaeng iyon na tiyak ako gagamitin lang siya, pati na rin ang club na ito." Nanatili naman na kalmado si Ginger sa kabila nang pagwawala ng babae. Sumenyas pa siya na maupo ito. "Kumalma ka, Nathalie. Sinabi ko naman sa'yo na wala si Mama Judith. Sa Sabado pa ang uwi niya dahil tumungo siya sa Maynila. Saka hindi pwede iyang gusto mo na paalisin ko si Ruby. Si Mama Lulu ang nag-desisyon sa bagay na siya ang susunod na maging mukha ng Club. Saka Club naman ni Mama Lulu ito kaya wala akong magagawa." paliwanag ni Ginger at hindi iyon tinanggap ni Nathalie. "Anong wala kang magagawa? eh ikaw kanang kamay ni Mama Lulu rito sa club. Kalahati ng desisyon kaya mong ipilit sa kaniya. Kaya mo siyang kumbinsihin na hindi pumayag. Pero anong ginagawa mo? ayos lang sa'yo na biglang bida-bida ang babaeng 'yon dito. O baka naman kasi isa't kalahating tanga ka rin na naniwala at nagpapa-uto sa babaeng 'yon? Ano? purkit may pera siya at pinaayos ang club na ito? na dinadayo ngayon ang dahil narito siya? Pwes mga bobo kayo, dahil hindi magtatagal gagawin ng babaeng iyon ang ginawa niya sa club ni Judith." galit pang sabi ni Nathalie habang dinuduro si Judith na hindi na rin alam ang gagawin para mapakalma ito. Ito na nga ba ang sinasabi niya, mukhang ang babaeng ito ang buena mano na makaka-away niya sa club. Hindi niya kilala ito, ngunit parang nakita niya na ito noon. Maaring ito ang paborito ni Mama Lulu noon, kaya naman ay ganito ang pinaghihimutok nito. Pero hindi niya ito nakita nitong nakaraan, kaya nagtataka siya kung bakit narito ito ngayon at nagwawala rito. "Call Mama Lulu! hindi ako papayag na makasama ang pabidang babae na 'yon. Kapag hindi niya pina-alis ang babaeng 'yon, hindi na ako mag-pi-perform." demand niya pa kay Ginger. Tinaasan siya ng kilay ni Ginger. "Talaga lang? ikaw, bahala kung gusto o hindi sumayaw. At hintayin ang pagbabalik ni Mama Lulu. Ikaw din, sayang naman ang kikitain mo." sambit ni Ginger at hindi nakapagsalita si Nathalie. Ruby took that as an opportunity to knock on the door. "Excuse me," sabi ni Ruby bago pumasok sa loob ng office. Nginitian siya ni Ginger. Sumalit isang irap naman ang natanggap niya kay Nathalie. Saglit itong tumingin kay Ginger. "Tawagan mo si Mama Lulu or else, she'll regret her decision." banta pa nito bago nag-walkout palabas ng office. Binagsak pa nga nito ang pintuan at nag-dabog. Nilapitan ni Ruby si Ginger na nakatingin sa may pinto na nilabasan ni Nathalie. "Pasensya ka na, mukhang narinig mo ata ang pagwawala niya." paghingi ng paumanhin ni Ginger sa kaniya. Umupo si Ruby sa tapat na silya ng mesa kung nasaan si Ginger. Marami itong papeles na inaasikaso. "Sino ba 'yon? bakit ngayon ko lang siya nakita rito sa club?" nagtatakang tanong niya kay Ginger. "Si Nathalie 'yon, hayaan mo na, may saltik 'yan, gandang-ganda sa sarili. Pero anak-anakan ni Mama Lulu 'yan. Siya ang favorite niya sa lahat ng babae rito sa Club. Siya ang naging mukha nitong club na ito noon pa. Siya ang may pinakamalaking kinikita sa club dito dahil siya ang may pinakamaraming suki." sabi pa ni Ginger sa kaniya kaya natawa si Ruby. "Ah siya pala ang favorite at mukha nitong club, kaya naman naluma at hindi dinadayo." biro ni Ruby kaya natawa si Ginger. "Actually noong una, mabenta talaga siya. Galing sa Manila iyan si Nathalie, maputi dahil may lahing foreigner. Nanay niya ganyan din ang trabaho sa Manila, naka-tagpo ng kano at s'ya ang naging bunga. Kaso nagkaroon ng problema ang Nanay niya sa Manila dahil kumabit sa pulitiko, ayon hina-hunting nung asawa, kaya naman umuwi sila ng Probinsya. Syempre Tisay kaya naman maraming na-dagit na taga rito. Pero alam mo naman ang mga tao rito, sa umpisa lang din lalo pa at masyadong ma-demand 'yan si Nathalie, gusto malaki ang bayad, gusto kagaya ng rate niya sa Maynila. Kaya naman mayayaman na ang pinupuntirya dahil hindi naman gagastos sa kanya rito ang mga pobreng customer no." Pagkwento pa ni Ginger sa kanya. "Actually kaya nga wala 'yan ng ilang araw dahil isinama siya nung customer niya sa bakasyon. Kanina lang umuwi at ito ang nadatnan niya, hindi pala nasabi sa kaniya ni Mama Lulu ang mga kaganapan dito kaya naghihimutok sa galit. Lalo pa at nakita niya ang poster mo sa labas." Napataas ang sulok ng labi ni Ruby. "Narinig ko nga na gusto akong paalisin." "Naku, huwag mo na lang pansinin." Lumapit si Ginger at bumulong kay Ruby. "Pero mag-i-ingat ka sa kanya ha? sabi ko nga may saltik 'yan. Saka spoiled brat talaga. Kapag ayaw niya sa tao, gagawan niya talaga ng paraan para mapaalis o kusang umalis. Sa totoo lang siya ang dahilan kaya maraming lumilipat sa ibang club, kapag na-tripan ka niya, aagawin niya ang customer mo sa'yo." Nais matawa ni Ruby sa sinabi nito. Sa isip niya, iyon ay kung kaya niya na maagaw ang mga customer niya. "Ngayon na nandito ka na, mukhang tapos na rin ang maliligayang araw niyan ni Nathalie. Basta kapag may ginawa siyang something sa'yo, isumbong mo agad sa amin ni Mama Lulu." Natawa si Ruby sa banta ni Ginger . "As if naman na magagalaw niya ako. Baka siya pa ang kusang mapaalis ko." Pagkatapos nilang mag-usap ni Ginger ay lumabas siya at nagtungo na sa dressing room at dinala roon ang kaniyang mga gamit. Ngunit nasa mismong upuan niya si Nathalie. Nakalagay roon ang mga gamit nito at nakangiti sa kaniya na parang nangaasar. She's setting her territory, halata na hindi magpapatalo si Nathalie sa kaniya. Halatang gusto nitong sabihin na kanya ang The Palace. Ipinapa-mukha niya kay Ruby na siya ang masusunod sa The Palace, lalo pa at ilang araw na mawawala si Mama Lulu. Nais niya itong patulan lalo pa at kayang-kaya naman niya si Nathalie. Alam niyang madali niya lang mapapaiyak ito at baka ito pa ang mag-kusa na umalis sa club pag nagkataon. Pero bago pa man siya makalapit ay lumapit si Charlotte sa kaniya. "Ruby, doon ka na lang sa area ko." Aya nito na para ba na ayaw ng gulo. Isa si Charlotte sa mga nakilala niya rito. Isa sa mga babae noon na binihisan niya nung araw na nagtungo siya rito. Mahiyain ito at hindi niya nga inaasahan na kusa itong lalapit sa kaniya. Kapwa sila napatingin kay Nathalie na parang nang-aasar pa habang ginagamit ang salamin ni Ruby. Inaasahan niya ata na lalapitan siya ni Ruby at hahatakin siya paalis ng pwesto nito, pero hindi iyon gagawin ni Ruby. Tipid na ngumiti si Ruby kay Charlotte. "Sure, ayaw ko na rin sa area ko, madumi na kasi." aniya na tila pinapatamaan si Nathalie kaya napangisi si Charlotte at tinulungan siya sa kaniyang mga dala. Nakatanaw naman sa kanila si Nathalie na halatang inis na inis kay Ruby. Narinig pa nila ang pagdadabog nito, hinagis ang suklay bago tumayo sa upuan at nagtungo sa mga ibang babae na umirap sa kaniya nang makapasok siya sa Club. Nasa may gilid ang pwesto ni Charlotte, inalis nito ang kanyang bag at inilagay sa isang monoblock. "Pasensya ka na kung hinatak kita, Dito ka na lang mag-ayos. Pagpasensyahan mo na ang mga 'yon. Walang magawang matino, mabuti na umiwas na lang." Tipid na nginitian ni Ruby si Charlotte. "Wala 'yon, kayang-kaya ko naman 'yan sila. Mamaya ikaw pagdiskitahan nila eh." Umiling si Charlotte sa sinabi nito. "Hindi, kasi tapos na sila sa akin. Hindi mo kilala iyang grupo ni Nathalie, mga walang pakialam iyan sila sa maaring mangyari sa kahit na sino dito kapag nakursunadahan ka nila. Saka kaya rin kita hinatak kasi kanina nakita ko may inilagay sila sa makeup mo. Kaya huwag mo ng gamitin iyon okay? pwede mo gamitin ang mga makeup ko basta wag na iyong sa'yo." nakayukong sabi ni Charlotte bago inilabas ang kaniyang mga pang kolerete sa mukha at inilapag sa dresser na nasa harapan nila. Pinakatitigan siya ni Ruby, may tanong na namumuo sa kaniyang isipan dahil sa ikinikilos ni Charlotte, para siyang nakaramdam ng awa, may laman ang mga paalala nito sa kaniya. Now, she is wondering kung may ginawa ang grupo ni Nathalie sa dalaga. "Ilang months ka na rito?" tanong niya kay Charlotte. "Um.. ako? ano.. mga 7 months na din." sagot ni Charlotte sa kaniya. "Sabihin mo nga sa akin. Anong ginawa nila sa'yo?" tanong niya at agad na natahimik si Charlotte at napatingin sa gawi nila Nathalie na nakatingin din sa kanila. "Come on, you can tell me." Napabuntong-hininga si Charlotte. "Bago pa lang ako n'on, may customer kasi ako na gusto niyang makuha, but hindi siya yung na-table kundi ako. Tapos kinabukasan, may inilagay sila sa makeup ko, without knowing it. Hindi ko alam kung ano, pero the time na mag-perform ako sa stage bigla na lang namaga ang mukha ko, as in lumaki at parang kinagat ng bubuyog lalo na ang labi ko. Sinugod nga ako sa hospital at ilang araw na naka-confine. I can't stand up, I can't eat, ni hindi ko magalaw ang mukha ko. Because of that nabaon ako sa utang para lang bayaran yung mga nagastos ko sa hospital. Kaya kanina nang makita ko na ibinalik nila ang mga makeup mo doon sa table na nagtatawanan. Alam ko na may inilagay sila, naisip ko, baka same nung ginawa nila sa akin noon." malungkot na sabi ni Charlotte kaya hinawakan ni Ruby ang kamay niya. "Don't worry about me, I'll be fine. Hindi ko hahayaan na may gawin iyan sa akin. Saka wag ka na rin mag-alala. As long as I'm here, hindi ka niyang gagalawin. Ako ang bahala." panigurado ni Ruby sa kanya bago napatingin kay Nathalie na ngayon ay tinaasan ulit siya ng kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD