Chapter 8

2090 Words
Nagising si Evelyn na natagpuan na tulog na tulog Raul sa kaniyang tabi. Umaalingasaw ang amoy ng alak sa katawan nito kaya halos mapa-ngiwi si Evelyn dahil sa baho ng amoy nito. Ni hindi nga lang naligo. "Kahit kailan talaga ang lalaking ito, wala na talagang pag-asa." inis na sabi niya bago tuluyan ng bumangon. Sinuot niya ang kaniyang roba at naligo na, pagkatapos non ay agad siyang nag-ayos at naglagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Sophistikadang babae si Evelyn, sinisiguro niya na maayos ang itsura niya na haharap sa mga tao sa bahay. Ayaw niya ng haharap sa hapag ng hindi pa nakakaligo at suot pa ang pangtulog na damit. Matapos niyang isuot ang kaniyang mga mamahaling alahas at ang kanyang mamahalin na takong na binili pa sa Paris ay lumabas na siya ng kanilang silid upang simulan ang kaniyang araw. Doon ay nakita niya ang mayordoma na nagsisimula na mag-handa ng mesa. "Salve, gisingin mo na kapatid ko para sumabay na sa agahan," utos niya sa mayordoma bago dinampot ang bottle spray na ginagamit niya para sa kaniyang mga halaman sa Terese, nakagawian niya na kasi na diligan muna ang mga halaman sa Terese habang hinihintay ang agahan. "Madam, maaga po umalis ang kapatid niyo. Umaga na rin nga po umuwi eh, kaso nagbihis lang pagkatapos ay umalis na rin po agad." Paliwanag ng mayordoma. Napailing si Evelyn. "Wala na talagang matino sa bahay na ito, nasasayang lang ang mga pagkain. Hay naku! mauuna na ako. Iyang Sir Raul niyo, hindi naman kakain 'yan at mukhang mamayang hapon pa ang gising. Alam mo ba kung anong oras na siya naka-uwi kagabi?" "Actually, Madam. Kakauwi niya lang po." sagot nito kaya napataas ang kilay ni Evelyn bago umiling. "Inumaga na naman sila sa meeting nila. Alam mo naman iyang Sir niyo." pagdadahilan nito para hindi mag-isip ang mga kasambahay nila. Pero kahit ano namang kasinungalingan ang sabihin niya para pag-takpan ang mga ginagawa ng asawa niya ay alam naman ng mga kasambahay nila ang totoo. Ibinalik ni Evelyn ang kanyang tingin sa mga pagkain na nakahain. "Ako lang ang kakain ngayon. Tapos pagkatapos ko itapon niyo lahat ng matitira, maliwanag ba?" Napatingin ang mayordoma sa pagkain na nasa mesa. Nakakapanghinayang pero wala naman silang magagawa. "Maliwanag po, Madam." "Good, oh ano pa hinihintay mo? umalis ka sa harapan ko, baka mawalan ako ng gana sa'yo." --- Bumaba si Fin sa sasakyan at bitbit ang ilan sa mga binili niyang pagkain. It's 2 in the afternoon at alam niyang gising na rin si Ruby. Dahil umaga na sila halos nakatulog ni Ruby dahil magkatawagan pa sila kaninang umaga, marahil ay hapon na talaga ito nagising. Pagkapasok niya sa loob ng bakuran ay nakita niya si Aling Pasing na nagwawalis. Napatingin din ito sa kaniya, kagaya ng kagabi ay tinignan siya nito ng maigi gamit ang salamin nito na may makapal na grado. "Magandang hapon, Aling Pasing." "Maganda pa ako sa hapon, per bawal--" "Bawal po ang Bisita." putol niya sa matanda at nginitian ito. "Yes po, bali dadalhan ko lang po ng almusal s***h pananghalian si Ruby. May binili rin akong gamot para sa kaniya." Kumunot ang noo nito. "Gamot? bakit may sakit siya?" Umiling si Fin. "Hindi po, pero namamaga kasi ang pisngi niya kagabi. Ay oo nga po pala may dala rin po akong pagkain para sa iyo. Ito po." iniabot niya ang isa pang binili na Ensaymada para kay Aling Pasing. "Naku, suhol. Oh siya, sige na pumasok ka na. Dadalhan lang ng pagkain ha? at ihahatid lang ha? walang gagawa ng kababalaghan sa kwarto." matinding bilin pa nito kay Fin kaya natawa ang binata. "Yes po, Aling Pasing." Pagkasabi niya non ay pumasok siya sa loob ng apartment house at hinanap ang pintuan ng silid ni Ruby. Kumatok siya at saglit at ilang sandali lang ay bumukas iyon. Bumungad sa kaniyang harapan si Ruby na naka-tapis at nagsisipilyo. Nagulat pa ito nang makita siya. Hindi lang ito makapagsalita dahil sa bula sa kaniyang bibig. Itinaas naman ni Fin ang plastic ng pagkain na dala bago siya pumasok sa loob. "I don't have work today, that's why I decided to buy you some breakfast. At kailangan din lagyan ng ointment 'yang pisngi mo. Masakit pa ba?" tanong nito bago kinuha ang ointment at nilapitan si Ruby na nasa lababo. Kakatapos lang ni Ruby na magsipilyo ng suriin niya ang pisngi nito. "Namumula pa rin, akin na lagyan ko." sambit nito pagkatapos ay kumuha ng kaunting ointment at nilagyan ang pisngi ni Ruby. Nang matapos niyang lagyan ng gamot ang pisngi nito ay napatingin siya kay Ruby na nakatitig pala sa kaniya kaya napahinto siya at ginantihan ang titig nito. "What? bakit ka ganyan makatingin?" Ngunit imbis na sumagot si Ruby, isang malapad na ngiti ang iginanti niya kay Fin at sunod na inatake ito ng halik. Ginantihan siya ng halik ni Fin at sandali na humiwalay ito. "Pero baka mapagalitan ka ni Aling Pasing." Natawa si Ruby, "Hindi naman niya malalaman, huwag ka na lang masyadong maingay ha?" Aniya at hindi na hinintay ang tugon mula kay Fin. Dali-dali siyang bumaba sa pagitan ng mga hita nito at binaklas ang butones ng pantalon nito. "Teka, hindi ka pa nananghalian. Paano yung mga pagkain na binili ko?" Tanong ni Fin habang nakababa ang tingin kay Ruby na nasa pagitan ng mga hita niya. Sinalubong ni Ruby ang tingin niya at mapang-akit na ngumiti. "Hindi iyon ang gusto kong kainin. Kundi ikaw." Pagkasabi non ni Ruby ay agad niyang inilabas ang kahandaan ni Fin. Itinaas-baba ang kanyang palad hanggang sa tuluyan na mabuhay at manigas iyon. Taas-baba na iginaya niya ang mainit na palad habang mapang-akit na pinagmamasdan si Fin na kamay pa lamang ang kaniyang gamit ay naka-nganga na ang bibig nito dahil sa sarap. "Fin, hinaan mo ang ungol mo ha?" aniya, hindi na rin nakasagot si Fin lalo pa ng bumaba ang kaniyang ulo at sinimulan ng bigyan ng ligaya ang parte nito gamit ang kaniyang bibig. Una niyang hinalikan ang namumulang tuktok ng ari nito hanggang sa dahan-dahan niyang pinaulanan ng halik papunta sa base non. Hinalikan ang dalawang bilog na sa ilalim. Ipinasok sa kaniyang bibi at sinipsip habang ang kaniyang palad ay patuloy na nagtaas baba sa kahabaan nito. "Hmm.." Naramdaman niya ang mahigpit na pag-kapit nito Fin sa kaniyang balikat habang ginagawa niya iyon. Ilang sandali lang ay binitawan ng kanyang bibig ang dalawang bilog ng kahandaan nito at ibinalik ang kaniyang bibig upang paligayahin ang kahabaan ni Fin. Muli niyang dinilaan ang tuktok hanggang sa hindi nagtagal ay ipinasok niya ng tuluyan ang ulo ng p*********i nito sa kaniyang bibig. Nakarinig siya ng mahinang halinghing mula kay Fin. Alam niyang libog na libog na ito ngunit pinipigilan lang ang sarili na umungol ng malakas dahil manipis lang ang pader na pagitan ng bawat silid. Napangiti si Ruby, bilib siya sa kaniyang sarili. Lalo pa at nagagawa niya ang bagay na ganito kay Fin. Para sa kanya ay iba ang pakiramdam lalo pa at ginagawa niya ang ganitong bagay sa kaniyang kasintahan. Sa taong mahal niya. Oo isa siyang bayarang babae, pero matalino si Ruby. Hindi siya yung klase ng babae na maiuuwi mo lang dahil marunong siyang magpa-ikot ng mga lalaki. Siguro ito ang katangian na nakuha niya sa kaniyang ama. Magaling magpa-ikot ng tao. Karaniwan sa mga naging customer niya noon, na-ta-take out nga siya ngunit hindi naman siya nagagalaw dahil hindi sila hinahayaan ni Ruby. Madalas akala nila ay nalalamangan nila si Ruby, ngunit dahil tuso si Ruby, halos lahat sila ay sumusuko na lamang dahil hindi nila ito makuha. Kung hindi sila lalasingin ni Ruby ng todo ay madalas ang pagiging Montemayor ang ginagamit ni Ruby upang hindi siya galawin ng mga ito. Sa makatuwid, si Fin lang ang hinayaan niya. Kay Fin niya unang naibigay lahat, lahat lahat ng kaya niyang ibigay sa binata ay ibinigay niya. Hindi lang bilang ganti dahil sa tanggap siya nito. Kundi dahil mahal na mahal niya si Fin. Kaya naman simula ng naging sila ni Fin ay sinabi niya sa sarili niya na tanging pagsasayaw na lamang ang kaniyang gagawin, papayag man siyang ma-iuwi ng costumer ay doon siya papatol sa mga matatanda dahil hindi s****l na interes ang nais ng mga iyon sa kanya. Ganoon pa man, kahit alam niyang tanggap ni Fin ang trabaho niya ay natatakot pa rin siya na baka balang-araw ay magsawa na ito sa kaniya. Sa kakaintindi kung bakit ayaw niyang iwan ang kanyang trabaho. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para mapasaya si Fin. Na maibigay lahat ng pangangailangan nito dahil sa totoo lang ay natatakot siya na mawala si Fin. Na hindi na muli makahanap ng wagas na pagibig kagaya ng mayroon sa kanila. "Ruby!" mahinang sigaw ni Fin lalo pa ng isagad niya ang kahabaan nito sa kaniyang lalamunan. Hindi na nga ito mapakali sa pagkakaupo dahil sa tindi na sarap na nararamdaman. Mas binilisan niya ang pagtaas-baba ng kaniyang bibig. Isinagad at sinipsip ang kahabaan nito. At halos mabulunan siya ng maabot ng dulo nito ang lalamunan niya. Mas ginalingan niya pa, hinihintay na labasan ito sa bibig niya ngunit agad siyang hinatak ni Fin paangat at pinatuwad sa may mesa. Mabilis na kinalas nito ang tuwalya na nakatapis sa katawan ni Ruby at agad na pinaghiwalay ang mga hita ni Ruby gamit ang kaniyang tuhod. Ilang saglit lang ay naramdaman ni Ruby ang kahandaan nitong mabilis na ipinasok ni Fin sa kaniya. "Oh.." hindi napigilan ni Ruby ang kaniyang mga ungol ng maramdaman ang mabilis at madiin na pag-angkin sa kaniya ni Fin. "Oh.. sige pa.. oh.." "Oh.. Ruby.." ungol nila ngunit pigil dahil sa baka marinig sila ng karapit kwarto at makarating kay Aling Pasing. Nakakanginig tuhod ang paraan ng pagbayo ni Fin sa kaniya habang nakatalikod. Pabilis ng pabilis at halos umurong na ang mesa. Naglilikha iyon ng ingay kaya naman ay hinatak ni Fin ang upuan at doon naupo bago hinatak si Ruby paupo sa kanya, pabalik hanggang sa masagad ng kanyang kahandaan ang loob nito. "Baby.. lalabasan na ako." Ungol ni Ruby habang ikinikiskis ang kaniyang ibaba kay Fin. Humawak si Fin sa kaniyang balakang at itinaas-baba iyon. Pabilis ng pabilis hanggang sa napahawak si Ruby sa kaniyang bibig para pigilan ang malakas niyang ungol ng tuluyan niyang marating ang kaniyang hangganan. Ramdam ni Fin ang paninikip sa pagkakabae nito. Sunod ang likido na pinakawalan ni Ruby na halos nagpadulas pa lalo sa kanilang mga parte. Ipinagpatuloy ni Fin ang pagtaas-baba sa baywang ni Ruby. Sumisikip at humihigpit ang kaniyang hawak sa pang-upo nito, patuloy na nagsasalubong ang kanilang mga parte kahit pa halos manginig si Ruby dahil sagad na sagad ang napakalaking kargada nito sa loob niya. Pabilis ng pabilis, nawawala na rin sa direksyon ang ulos nito, naka-awang ang bibig sa labis na sarap na kaniyang nararamdaman. Ilang sandali lang ay biglang kumawala ang malakas na ungol sa bibig ni Fin kasabay ng paglabas ng mainit na likido na pumuno sa sinapupunan ni Ruby. Napaawang din ang bibig ni Ruby sa labis na sarap ngunit ng maramdaman niya na kakawala pa ang matinding ungol sa bibig ni Fin ay agad niyang siniil ang labi nito. Sumabay sa kanilang halikan ang kanilang ungol na matinding pinipigilan. Hinapit ni Fin ang baywang niya at mas isinagad pa ang pagkakabaon ng p*********i nito at natamaan ang sensitibong parte sa kaniyang p********e kaya naman ay hindi napigilan ni Ruby na kagatin ang balikat ni Fin nang maramdaman niya ulit na labasan siya, na muling sinundan ng muling pagsabog ng katas ni Fin sa kaniyang loob. Mainit, nakakapaso at napakasarap sa pakiramdam ang pinakawalan nito sa loob niya. "Ohh.." "Hmm.." Sabay silang napaungol muli, habol hininga, pinapahupa ang labis na sarap na sumakop sa kanilang dalawa. Pagkatapos na humupa ang pagitan nila ay muling siniil ni Fin ng halik ang labi ni Ruby. Kapwa sila natawa dahil kahit anong pag-pipigil nila ay hindi pa rin nila naiwasan na mag-ingay. Hindi na sila magtataka kung narinig sila sa kabilang kwarto. Pero wala ng pakialam si Ruby, lalo pa at nasarapan silang dalawa ni Fin. "I need to take a bath again." sambit ni Ruby. Pinisil ni Fin ang pisngi ni Ruby. "I'll join you, then. Then after that kain ka na para maihatid na kita." "Okay, Baby." sagot ni Ruby pagkatapos ay dinampian ng halik ang labi ni Fin. "Then tonight, susunduin kita okay? I want to take you out for dinner. And may sasabihin din ako sa'yo na importante."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD