Chapter 7

2156 Words
"Sige na, mauna ka na. Maghihintay na lang ako ng tricycle rito." sambit ni Ruby kala Ginger pagkalabas nila sa club. Alas tres na ng madaling araw. Ganoon naman mag-sara ang mga club sa probinsya. "Huy! sure ka ba na mauna na kami?" tanong ni Ginger sa kaniya habang bitbit ang ilan sa mga gamit nito. Tumango si Ruby bilang sagot. "Para makapag-pahinga na kayo. Mamaya may dadaan rin na tricycle rito." aniya. Napahikab si Ginger. "Sure ka ha?" muli na tumango si Ruby. "O sige, mag-ingat ka ha? saka gamutin mo iyang pisngi mo. Naku baka mamaga 'yan." Nakangiti niyang tinanguan niya si Ginger pagkatapos ay napa-haplos sa kaniyang pisngi kung saan siya sinampal ng kanyang ama. "Sige na, ingat!" "Ikaw rin, mag-iingat ka. Call me when you get home." Medyo malayo ang apartment ni Ruby dito sa club ni Lulu dahil hindi pa rin siya nakakaalis sa dati niyang apartment na malapit sa club ni Judith. Mayroon kasi siyang naiwan pa na tatlong buwan na kontrata bago s'ya makalipat. Sayang rin ang na-advance niyang bayad sa apartment, pwede niya iyon i-pang advance sa lilipatan niyang apartment. Naghintay siya sa hindi kalayuan ng club. Wala pa dumadaan na tricycle kaya naman ay nagsindi muna siya ng sigarilyo bago hinithit iyon. Sanay na siya na umuuwi ng ganitong oras kaya hindi na siya natatakot. Isa pa, nasa Barrio Doro lang s'ya, maliit lang ang crime rate sa lugar na ito. Minsan halos wala pa. May naaninag siya sa hindi kalayuan. Isang lalaki na nakatingin sa kaniyang gawi, ngunit imbis matakot ay agad sumilay ang ngiti sa labi ni Ruby dahil kilala niya kung sino ang lalaki na nakatanaw sa kaniya. "Fin!" sigaw niya bago pinatay ang sigarilyo na kanyang hawak. Lumabas ang lalaki mula sa dilim at nakangiting nilapitan siya. Gwapong-gwapo pa rin ito sa kaniyang paningin. Nakasuot ito ng itim na pants at polo na puti, nakatanggal lang ang una at pangalawang butones nito kaya napaka-sexy tingnan. Mukhang kakagaling lang nito sa kanyang trabaho sa kumpanya at dumeretso rito. Hindi na siya magtataka kung kanina pa ito naghihintay. Lalo pa at nakagawian na in Fin na sunduin siya lalo pa at kapag narito lang ito sa Barrio Doro at wala sa Maynila. Hinapit ni Fin ang baywang ni Ruby bago ngumiti, "Akala ko matatakot ka, kilala mo talaga ako, maski ang tindig ko." sambit pa ni Fin bago siniil ng halik ang labi ni Ruby. Nakangiting ginantihan ng halik ni Ruby si Fin bago gigil pa na pinaulanan ng halik ang mukha nito. "Oo naman, ikaw pa ba? alam na alam ko na ang hubog ng katawan mo. Simula ulo hanggang pangalawang ulo." Biro niya kaya natawa sila pareho. "Teka? oo nga pala, why are you here? paano mo nalaman na dito na ako nag-tatrabaho?" "Hindi na importante kung paano ko nalaman." Sambit ni Fin bago kinuha ang mga gamit ni Ruby at sinuklib iyon sa kanyang balikat habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kamay ni Ruby, habang palapit sila sa sasakyan nito na naka-park sa hindi kalayuan. "Pero hindi ba ang sabi ko sa'yo, kapag ganito na wala ka agad na masakyan, sabihan mo ako agad? ayoko na nag-hihintay ka ng mag-isa. Mamaya ano pa ang mangyari sa iyo." Pinagbuksan pa nito ng pinto ng sasakyan si Ruby. "Ako? naku! sila ang mag-iingat sa akin, ano! aba, sila ang sasamaan sa akin kapag nagkataon." Natatawang sabi niya kay Fin, sa sandaling ito ay nakapasok na rin ng sasakyan si Fin at nasa drivers seat. "Saka walang mga kawatan dito sa Barrio Doro, sa hirap ng buhay rito sa tingin mo ba ay gagawa pa ng mga kalokohan ang mga tao rito para mas mapasama ang buhay nila? Wala! ang marami rito mga corrupt na buwaya sa lipunan na lagi na lang sinasamantala ang mga mamamayan dito. Kagaya na lang ng Gagong Tatay ko." aniya bago napasandig sa upuan. Nang buksan niya ang ilaw sa sasakyan ay nakita ni Fin ang namumula niyang pisngi. "Wait, what's that? what happened?" tanong ni Fin bago hinaplos ang namumulang pisngi ni Ruby. Napaiwas pa ito dahil sa sakit. "Wala 'to. Nainis lang si Dad sa ginawa ko." dahilan niya bago hinawakan ang pisngi. "Did he slapped you? Ruby naman.." naiiling na sabi ni Fin habang nakatitig kay Ruby. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kasintahan. "Yup, pero I don't care. Haha actually I'm so happy. Kung nakita mo lang ang mukha niya kanina? kung gaano siya napahiya sa harap ng mga kaibigan niyang nakakaalam kung sino ako, at sa mga bisita niya na ni wala man lang alam na anak ng isang Montemayor ang pinapalakpakan nila at minamanyak nila. Well, I don't care kung ano pa ang nararamdaman niya. He deserved it, and ibibigay ko pa sa kanya ng mas matindi ang kahihiyan na deserved niya pa." paliwanag ni Ruby kay Fin na muling napabuntong hininga sa sagot niya. Hinawakan ni Fin ang kamay niya at pinisil iyon. "Look, babe. I know you don't care what he had done to you, it is wrong, yes. And your father deserves all your hatred, disrespect, pati na rin ang kahihiyan na nararanasan niya. But, you don't deserve this. You don't need to use yourself para gantihan siya. Nag-aalala ako sa'yo Ruby. I'm really are, hindi mo maalis 'yon sa akin lalo pa at kasintahan kita. Ayoko na mapahamak ka balang-araw dahil sa mga ginagawa mo sa Daddy mo." "Sus! I'll be fine! ano ka ba? so saan tayo? Let's eat? or you want sexy time?" napatingin si Ruby sa kanyang relo pambisig. "It's early pa naman, pwede ka pa maka-ilang round." Napailing si Fin at pinisil ang ilong ni Ruby. "Silly! ihahatid na kita sa apartment mo, at gagamutin natin 'yan." sambit nito bago binuhay na ang makina. Napangiti si Ruby sa sinabi nito, na-touch siya sa pag-aalala ni Fin sa kaniya. He never fail to amazed her all the time. Dahil ang lalaking minahal niya noong customer niya pa lang ito ay ang Fin pa rin na kasintahan na niya ngayon. Maalahanin at maalaga. Kahit kailan ay hindi sya nito pinabayaan. Pagkarating nila sa apartment niya ay nakita niya sa labas ang kanyang Landlady na si Pasing. Agad na napatingin ito sa kaniyang likuran at nakita si Fin. "Goodmorning, Aling Pasing gising ka pa po pala." bati ni Ruby sa matanda na nagbabalot ng mga kakanin sa labas ng terese. Pinakatitigan siya ni Pasing hawak pa ang salamin nitong makapal na ang lense. Tinignan nito si Fin simula ulo hanggang paa bago bumalik ang tingin sa kaniya. "Si gwapo pala itong kasama mo." Sambit nito patungkol kay Fin. "Ruby, alam ko naman na maayos kang mag-bayad at maayos rin sa apartment mo, pero alam mo naman ang mga rules ko rito hindi ba? bawal mag-uwi ng customer sa apartment, kung gusto niyo mag-short time doon kayo sa motel." Natawa si Ruby. "Aling Pasing, hindi ko na lang s'ya customer, boyfriend ko na po siya. Saka hindi kami makakapag-shortime rito. Hindi soundprooft, malakas pa naman kami umungol baka magising ang mga nasa kapit-kwarto ko." Napaiwas na lang si Fin na parang nahiya dahil sa sinabi ni Ruby. Napailing naman ang matanda at sumenyas. "Hay naku mga kabataan talaga ngayon. O siya sige, basta ha? walang mambubulabog. Kung ihahatid, ihahatid lang." "Yes po." Si Fin ang sumagot at binitbit ang mga gamit ni Ruby papasok para mauna na. Bago makapasok si Ruby ay hinatak siya ni Aling Pasing bago bumulong. "Ayos nakuha mong jowa, mukha naman matino, gwapo pa. Galingan mo para hindi ka iwan." Natawa si Ruby, "You mean is, galingan niya para hindi ko siya iwan." Kapwa sila natawa ng matanda bago sumenyas ito na pumasok na siya sa loob. Medyo stricto si Aling Pasing sa mga Tenant sa apartment pati na rin sa mga bisita ng mga tenant dito, mabuti na lang talaga ay nakuha niya ang loob nito. Parehas kasi silang masungit ni Aling Pasing kaya naging magka-vibes sila nito. Pagkapasok sa kanyang silid ay agad na inilapag ni Fin ang mga gamit ni Ruby sa may mesa bago tumungo sa refrigerator nito upang maghanap ng yelo. "Lagyan natin ng ice ang pisngi mo." sambit nito bago kinuha ang lalagyanan ng ice cube. "Mamaya na, maliligo muna ako. Gusto ko na rin mag-tanggal ng makeup eh." aniya, tumango si Fin samantalang siya ay kinuha muna ang tuwalya upang maligo. Habang si Ruby ay naliligo, itinabi ni Fin ang mga gamit ni Ruby. Inilagay ang mga maruming damit nito sa may laundry at inayos ang tutulugan nito. Ganoon kaalaga si Fin kay Ruby kaya naman ng matapos maligo si Ruby at nadatnan niya na pati ang kanyang pantulog ay nakahanda na ay hindi niya naitago ang kanyang mga ngiti dahil lagi na lang talaga siya nito pinapakilig. "Magbihis ka na para magamot ko 'yang pisngi mo." Nagbihis siya at nauspo sa may kama, pagkatapos ay nilapitan siya ni Fin na may dalang bimpo at ice. Nakabalot pa ang kaniyang basang buhok ng tumabi si Fin at idinampi ang malamig na ice sa kaniyang pisngi. Napangiwi si Ruby dahil sa kirot. "Kailangan mo maglagay ng ice, mamaya mamaga itong pisngi mo, lagnatin ka pa." sambit ni Fin sa kaniya. Habang ginagawa iyon ni Fin ay hindi niya naiwasan na pagmasdan ang gwapo nitong mukha, nangingiwi rin na akala mo ay pati siya nasasaktan. "Mukhang kailangan kong pumunta ng botika, parang hindi madadaan ito sa ice eh. Mamaya mamaga talaga." sambit pa ni Fin at akmang tatayo na pero pinigilan siya ni Ruby. Hinatak niya ito pagkatapos ay kinubabawan ng upo. "Hindi na, hindi naman malala. Ikaw talaga, ginagawa mo talaga akong baby." "Eh baby naman kita." sagot ni Fin sa kaniya. Lumapad ang ngiti ni Fin at mas pinakatitigan si Ruby. "At lagi akong mag-aalala sa iyo." Napabungisngis si Ruby bago ay hinapit si Fin upang halikan ang labi nito. "Thank you.. you know Fin, ang swerte-swerte ko sa'yo. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na mamahalin mo ang tulad ko." Pinisil ni Fin ang pisngi niya, "I told you already, tanggap kita. At mahal kita, Ruby. Kung ako lang ang papipiliin gusto kitang laging kasama." "Me too, Fin. Kung pwede lang sana." sambit ni Ruby kay Fin bago hinalikan ng mas madiin ang labi ni Fin. Bumaba ang kaniyang kamay sa butones ng pantalon nito ngunit pinigilan siya ni Fin at muling ibinalik ang pagka-seryoso ng mukha nito. "Pwede, Ruby. We can be together." Diretsong sabi ni Fin sa kaniya na ikina-seryoso rin ni Ruby. "Ruby, kung gugustuin natin, pwede naman. Kung ikaw ang tatanungin ko pwede ba? Kung hihilingin ko ba na makasama ka habambuhay, papayag ka?" Napangiti si Ruby, "Of course, kaya nga naging tayo hindi ba?" sagot ni Ruby at muling iginala ang kaniyang kamay sa katawan ni Fin. Mapang-akit ang mga haplos nito sa binata. Lumapad ang ngiti ni Fin at halos mangintab ang mga mata. "Kung ganoon? Ruby, will you--" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil bigla silang nakarinig ng katok mula sa pinto. "Psst.. hatid lang di'ba? bakit 30 minutes na? Mga batang ito, matulog na, at umuwi na ang u-uwi." sambit ni Aling Pasing kaya napabuntong hininga si Ruby. "Hay, naku si Aling Pasing, istorbo ka po!" reklamo niya bago umalis sa ibabaw ni Fin at nagsuot ng shorts. "Sabi ko nga sa inyo, kung gusto niyong mag-iyotan, doon kayo sa motel hindi rito. Pinayagan ko na nga yan si Pogi na pumasok sa kwarto mo, hindi ako papayag na gibain niyo iyang silid. Kaya sige na, umuwi na ang u-uwi diyan." Napakamot si Fin sa kaniyang ulo bago napatingin kay Ruby. "Sige na Fin, umuwi ka na. Baka ma-ban ka pa ni Aling Pasing. Saka anong oras na rin oh. Bukas na lang babawi ako sa 'yo bukas." sambit ni Ruby at tumango si Fin. Hinatid niya ito sa may pinto kung saan nakita pa nila si Aling Pasing na lumabas sa Hallway. "Bukas na lang ha? tatawagan kita kapag maaga akong makaalis sa trabaho, okay?" Tumango si Fin at ngumiti. "Okay, I'll call you tomorrow. Don't forget na lagyan rin ng yelo iyang pisngi mo bukas, okay?" "Okay.. don't worry to much, I can handle myself." "Sige, matulog ka na rin, wag mo na akong ihatid sa labas." "Okay, Baby. Mag-iingat ka pala sa pag-da-drive ha?" sambit pa ni Ruby habang yakap-yakap si Fin. "I will, I love you, Ruby." "I love you too, Fin." Isang halik ang iginawad nila sa isa't isa bago naglakad si Fin palabas ng apartment. Nang makarating siya sa kanyang sasakyan ay napa-buntong hininga na lamang siya dahil hindi niya nagawa ang kaniyang pinaplano na sabihin kay Ruby. Dumukot siya sa kaniyang bulsa at kinuha ang maliit na red velvet box na ilang araw na rin niyang bitbit sa kaniya. Binuksan niya iyon at pinagmasdan ang engagement ring na binili niya para kay Ruby. "Bawi na lang sa susunod."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD