Chapter 6

2073 Words
Pumasok si Ruby sa loob ng Club ng The Palace. Dumadagundong ang malakas na tugtog sa loob, may mga sumasayaw, nagsasaya at nag-iinuman. Kita niya na abala ang lahat lalo pa at napakarami ng tao ngayon sa club, lalo pa at maraming VIP ngayon. At dahil narito ang VIP, pati ang mga tauhan ng mga ito ay narito upang mag-saya. Dinalian ni Ruby ang kanyang paglalakad, agad na hinahanap si Mama Lulu niya, pero dahil sa dami ng tao ay hindi niya ito makita. "Ruby!" rinig niyang sigaw ni Ginger sa pangalan niya. Napalingon siya at agad itong nakita na sumenyas sa kaniya. Nilapitan niya ito at nang makaharap niya si Ginger ay agad niyang inalam ang sadya niya kung bakit siya bumalik ngayong gabi. "Nasaan si Mama Lulu? nandito na ba ang walanghiyang Tatay ko?" "Ay grabe naman, Ruby." sambit ni Ginger pero agad itong ngumuso papunta sa VIP one na pinaka-malawak na VIP room sa buong The Palace. "Nandyan sila, kasama ang ilan sa mga congressman sa partido nila." Napangiti si Ruby pagkatapos ay naglakad papunta sa back door ng VIP 1, nakita niya roon si Mama Lulu na abala na mag-mando sa mga kasama niya sa club. Nakabihis ang mga ito ng maiikli at maninipis na damit na halos kita na ang mga kaluluwa nila. Agad naman siyang napansin ni Lulu at ikinagulat na narito siya ngayon lalo pa at nagpa-alam siya na hindi papasok ngayon. "Ruby! teka, bakit ka nandito?" "Mama Lulu, I'll cover for tonight's show, ako na ang bahala." aniya bago dumeretso sa kanyang locker kung nasaan ang kaniyang mga gamit. Agad na sumunod si Lulu sa kaniya at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. "Teka naman, Ruby. Sigurado ka ba sa gusto mo?" nagaalalang tanong nito. "Don't worry, gagalingan ko ang performance ko ngayong gabi para mas malaki ang kikitain ng club." Aniya at kumuha ng isang pares ng pulang underwear na kanyang gagamitin sa kaniyang performance mamaya. Kinuha naman ni Lulu ang kaniyang hawak kaya agad siyang nag-taka. "Teka saglit, Hindi naman sa kita iyan, ang iniisip ko ikaw. Sure ka ba talaga? Nandyan ang Tatay mo, sasayaw ka talaga sa harapan niya? Aba, Ruby ha! tutol ako sa mga pakikipag-relasyon sa ka-dugo kaya naku! tumigil ka kung may mga binabalak kang ganyan." Umasim ang mukha ni Ruby at napailing. "Yuck! never! kilabutan ka nga Mama Lulu!" aniya. Nagtataka siyang tiningnan ni Lulu. "Sure? eh kung walang ibang ibig-sabihin bakit mo pala iyan ginagawa sa Tatay mo? Eh kung tutuusin, kaunting blackmail lang dyan malamang magbibigay 'yan ng milyones. Makakaalis ka sa buhay na ganito." Napangiti si Ruby, "Been there, and he already done that. Hindi ko na kailangan i-black mail si Dad. Sabihin na lang natin na kulang pa. Titigil lang ako pag alam kong sapat na ang ga ginawa ko sa kanya, but now? believe me, malayong-malayo pa." Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Lulu. "Naku, Ruby ha? baka naman mapahamak ka sa mga pinag-gagawa mong iyan. Alam mo naman ang koneksyon na mayroon ang ama mo. Mamaya mapahamak ka sa mga ginagawa mo." "I know, hindi niya kaya. Hindi man ako lumaki kasama ang Dad ko, alam ko ang kakayanan niya. If he really wanted to get rid of me? matagal na niya iyon nagawa." Pagkasabi non ni Ruby ay wala na rin nagawa si Lulu. Dinampot niya ang kaniyang damit at nagbihis pagkatapos ay nagtungo na sa make up room upang mag-ayos na sa sarili. Hindi na makapag-hintay si Ruby na makita ang ekspresyon sa mukha nito, kapag nakita siya nito ngayong gabi. -- Sa loob ng VIP room ay nagsasaya ang lahat. "Pero Raul, sigurado ka ba na hindi tayo sasabit? I mean malakas daw ang hatak ng kalaban natin. Malamang matindi rin ang paghahanda nila para sa napapalapit na eleksyon. Kailangan hindi tayo magpatalo." sambit ng kausap ngayon ni Raul. Ang pinaka-mahal na VIP room ang inupahan nila dahil nais nilang maging exclusive ang gabing ito lalo pa at karamihan sa kanilang pag-uusapan ay tungkol sa negosyo at pulitika. Maingay man dahil sa tugtog, hindi iyon tulad sa labas kung saan dumadagundong talaga ang music sa speaker at sa buong silid. Napangiti si Raul at inakbayan ang kaniyang kausap. "Magpapatalo ba tayo? kaya nga tayo narito, kasama ang mga ilan sa mga tinitingala at iginagalang dito sa Barrio Doro, ay para sa ating plano para sa eleksyon. Tinapik niya pa ang likod ng kaniyang kausap dahil kampanteng-kampante siya na wala pa man ay panalo na sila. Malakas sila sa Barrio Doro, mahal sila ng mga tao rito. Lalo pa ang kaniyang pamilya kaya naman ay tama ang kaniyang desisyon na mas ipagpatuloy ang kanyang plano na abutin ang mas mataas pa sa kaniyang posisyon sa Gobyerno. "May plano na ako, yung lupa na nais kong bilhin at patayuan ng mga pabahay para sa mga mahihirap? itutuloy ko iyon. Ipapalipat ko sa pangalan ko ang buong titulo ng lupa." Napatingin ito sa paligid at baka may makarinig, bago bumulong. "Pero Government property iyon, hindi ka ba sasabit? " sambit pa nito na tila nagtataka at natawa si Raul. "Ano ka ba? ano pa at nasa posisyon ako? kaunting padulas lang ang kailangan dyan, maililipat ko ang lupa sa pangalan ko at iyon ang akin i-o-offer sa mga pulubi rito. Bibigyan ko sila ng trabaho. Syempre, kapag ginawa ko iyon, mas lalo tayong mamahalin ng tao. Mas lalo silang matutuwa sa atin at iboboto nila tayo. At kapag nahalal na ako, saka ko sila sisingilin ng upa. Aba, hindi libre iyon, paano tayo kikita?" Aniya bago natawa pa ulit. "Basta, hindi tayo mahihirapan dyan in the future ha?" tanong nito at agad umiling si Raul. "Hindi, ako pa. Marami pa akong plano, at sigurado ako lahat ng iyon magiging successful iyon." Sambit ni Raul at tinapik ang balikat ng kanyang kausap. "Alam mo? uminom na lang tayo." Nilagyan ng babaeng katabi nila ng alak ang kanilang baso pagkatapos ay masayang sumigaw si Raul. "Cheers! sagot ko ang lahat ng inumin ngayong gabi, kaya uminom lang kayo ng marami, hanggang sa gusto niyo!" masayang sabi ni Raul habang nakataas ang kaniyang baso at ipinagtama iyon sa baso ng ilan sa mga VIP na kasama niya ngayon. "Kumuha kayo ng mga babae, bayad ang lahat ng iyan. Kahit ilan pa." "I'm starting to like this place, Raul. Bagong-bago at mas okay kaysa roon sa dati." "I know you'll like this place, kaya nga narito tayo. Kaya sige lang, mag-enjoy tayong lahat!" Sabay-sabay nilang pinagtama ang kanilang mga baso hanggang sa natuon ang pansin nila sa maliit na stage sa gitna ng VIP room. Nag-dim ang ilaw sa paligid at tanging agaw pansin ang ilaw sa stage. Sumasabay ang isang sensual na musika sa pulang ilaw sa stage na ngayon ay binabalot ng puting usok hanggang sa lumabas ang isang babae na nakatalikod at sensual na iginigiling ang katawan. Mas lalong na-excite ang mga tao sa paligid. Lalo pa si Raul dahil halatang enjoy na enjoy ang mga kasama nito sa partido. Ngunit agad na nagbago nang humarap ang babae na nasa stage. Dahil hindi niya inaasahan na makita ang kaniyang bastardang anak, na ngayon ay malaswang sumasayaw sa harapan nila. Napatingin siya sa ilan sa mga kasama niya sa VIP ang ilan ay napatigil at napatingin rin sa kaniya. Alam ng mga ito kung sino si Ruby. Habang ang ilan ay walang kaalam-alam na anak niya ang nasa stage. Halata sa mukha ng mga ito ang pag-e-enjoy habang pinapanood ang bawat indayog ng katawan ni Ruby sa harapan. Sumama ang kaniyang tingin lalo pa ng magtama ang tingin nilang dalawa. Sinasadya ni Ruby na pumunta at sumayaw sa club na ito. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang ulo sa labis na inis at kahihiyan, dahil sa ginagawa nito. Kahit kailan, wala itong ginawa kundi pasakitin ang kaniyang ulo at ipahiya s'ya sa buong Barrio Doro. Napaiwas siya ng tingin kay Ruby at napatingin sa mga bisita na humihiyaw pa at halos hawakan na sa maselan na parte ng katawan nito ang anak, hanggang sa tanggalin ni Ruby ang kanyang pang-itaas na bra ay hindi na kinaya ni Raul at nag-walk out palabas ng VIP room dahil hindi na niya kinakaya ang pagpapahiya ni Ruby sa kaniya. --- Napabuga ng usok ng sigarilyo si Ruby habang nakaupo sa sofa ng VIP room na inupahan ng kaniyang ama, habang binibilang ang pera na nakuha niya sa pagsasayaw. Tapos na ang reservations nila at siya na lang ang naroon kasama si Ginger na ina-assist ang ilan sa mga dancer na nakasama niya. Ngunit habang nasa gitna siya ng pagbibilang ay biglang bumukas ang pinto ng VIP room at nakita niya ang ama na papasok at nilapitan siya. Masama ang tingin nito sa kaniya kaya naman ay sumenyas s'ya kay Ginger pati na rin sa ibang naroon na lumabas na muna. At nang sila na lang ang maiwan dalawa ay hindi na napigilan ng kaniyang ama ang matinding galit na naramdaman nito kanina. Isang malakas na sampal ang natamo niya mula kay Raul. Sa ilang taon na lumipas ay ngayon lang ito ginawa sa kaniya ng ama. Sa makatuwid ay ngayon lang siya hinarap ng kanyang ama ng ganito, dahil madalas ang sekretarya nito ang madalas na kumakausap sa kaniya. Pero hindi na siya nagtataka, ang ipinagtataka niya pa nga ay bakit ngayon lang siya nito nasampal sa dami ng pambu-bwisit niya rito. "Hindi ka talaga titigil babae ka?" nangigigil na tanong nito sa kaniya, pinipigilan ang kaniyang boses. Pagkatapos ay dinuro si Ruby na parang wala lang at hindi pinapahalata ang sakit sa kaniyang pisngi. "Sakit ka talaga sa ulo! pagkatapos mong kunin ang pera at nangako na titigil ka na, makikita kita ulit rito?" nang-gagalaiti pa na sabi nito sa kaniya. Napangiti si Ruby. "Lilinawin ko lang, hindi ako nangako. Oo tumigil ako sa club ni Judith, at nandito na ako, so what? saka para naman nakakabigla? in the first place alam mo ang trabaho ko." sagot ni Ruby sa kaniyang ama. Mas lalong bumakas ang galit sa mukha ni Raul dahil sa sinabi nito. "Alam ko ang trabaho mo, at ikinakahiya kita! wala kang ginawa kundi ang ipahiya ako! kailan ka ba titigil ha?!" Bumakas ang pang-asar na ngiti sa labi ni Ruby habang nakatingin sa kanyang ama. "Titigil? wala naman akong ginagawang masama. I'm just doing my work. Anong masama roon?" "Isa kang pokpok! maruming babae! grabe hindi ka na nahiya. Isa akong kilalang tao rito tapos hihilain mo ang pangalan ko dyan sa kapokpokan mo!" sumbat pa nito sa kaniya. Binitawan ni Ruby ang pera na hawak pagkatapos ay muling nag-sindi ng sigarilyo. Ibinuga niya pa nga ang usok non sa harap ng kaniyang ama. "I don't get you dad. You had a child sa isang pokpok, tapos ngayon, ano ba ang pinupuntahan, pinapunood at pinagkakagastusan niyo? eh diba, pok-pok? people like you ay nagbabayad sa mga babae na kagaya ko to get entertained tapos ngayon susumbatan mo ang pagiging pokpok ko?" "Utang na loob, Ruby! tumigil ka na! tama na ang pagpapahiya mo sa akin. Tatakbo ako sa susunod na eleksyon, kailan na tigilan mo iyang ginagawa mo! nakakahiya! napaka-rumi! kung kailangan mo ng pera sabihin mo sa akin. Kahit magkano pa iyan, basta tumigil ka lang sa pag-popokpok mo." Pakiusap pa nito bago inilabas ang check book niya. "Ano? kulang pa ba yung pera na tinanggap mo noong nakaraan? magkano ang kailangan mo ngayon? sabihin mo lang." Napahalakhak si Ruby sa sinabi ng kanyang ama. Napasapo pa siya sa kaniyang tyan sa labis na kakatawa. Hanggang sa tumigil siya at biglang nagseryoso. "You don't get it, Dad. Kahit magkano pa ang ibigay mo, hindi ako aalis sa ganitong trabaho." Parang nanrindi si Raul sa sinabi ni Ruby, halatang hindi siya natutuwa. "Ah ganon? so kung ipapasara ko itong club na ito hindi ka pa rin titigil? isipin mo ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo mo." "Hindi na ako bata, at hindi mo ako mamamanduhan, kung ipasara mo ang club na ito. I don't care, this is not mine. Pwede akong mag-hanap ng ibang club at ipagpatuloy ang pag-puputa ko, at hindi ko na kasalanan kung maiinis ka sa akin at magiging kahihiyan mo ako. Ito na ako, and you can't get rid of me. Dahil hindi mo kaya, kaya magtiis ka!" Sigaw ni Ruby sa kanyang ama kaya isang sampal ulit ang natamo niya mula rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD