CHAPTER 16 - The good samaritan

1321 Words
Malapit na kami sa bayan at tanaw na tanaw ko na ang mga taong mistulang okupado sa kaniya-kaniya nitong ginagawa ng patigilin naman nina Winslett at Swindell ang sinasakyan nilang kabayo. May kuwadra pala malapit sa palasyo na hitik sa mga kabayong nagagandahan ang balahibo. Isang matandang lalaki ang nag-aalaga sa mga ito na kanina ko lang rin nakilala. "Bakit tayo huminto mga ka-moja?" Mas preferred kong tawagin silang ganiyan kaysa sa Nashville Twins. "Maglalakad na po tayo papasok. Moja moja." "Moja moja. Saka kailangan na rin po naming mag-disguise." Disguise? Bakit naman may ganoong effect pa? Tutal bumaba na sila sa kani-kanilang kabayo kaya bumaba na rin lang ako. Napanganga na lang ako ng bahagyang umupo sa lupa si Winslett at sumampa sa balikat nito si Swindell saka inayos ang costume nila kanina sa bahay. Animo'y nakaupo lang si Swindell sa mga balikat ni Winslett at ibinabalanse siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila niyang hita. Ngayon hindi mo na naman sila makikilala at aakalain mong isang madreng nakasuot ng itim habang pagala-gala. May suot din kasing mascot head si Swindell na natatakpan ng itim na belo kaya hindi halata. Bakit ba nila kailangang mag-costume pa ng ganiyan? Hinayaan ko na lang hanggang sa makarating na nga kami sa bayan. Grabe, ang layo pala nito sa palasyo. Hindi ko alam kung ilang oras yata ang inilakad ng mga kabayo namin. Tumawid pa nga kami ng limang ilog na mabuti at mabababaw lamang. Ilang kabundukan at kapatagan pa yata ang nilampasan namin marating lang ito ngunit mukhang sulit naman dahil sa bungad pa lang, mapapahanga ka na. Malaki ang pagkakapareho nito sa bayan namin sa Samar. Para kasing baryo sa isang nayon na may simple at payak na pamumuhay. Ang ibang mga paninda ay nakalatag lang sa isang maaayos na kariton sa gilid ng kalsada. Wala kang makikitang mga naglalakad na naka-headset at nagse-cellphone. Wala ring mga maliliit na twenty-four hours department store sa paligid. Or better to say na wala talagang mga uri ng gusali na karaniwang makikita sa siyudad. Walang malls, computer shops, laundry shops, payphones, coffee machines, remittance centers, fast food chains, at iba pang nakasanayan ko ng makita sa Maynila. May mga simpleng boutique sila ngunit hindi kasing garbo ng nasa kabihasnan. Ganoon din ng mapadpad na kami sa mismong pamilihan. May mga grocery store ngunit hindi kasing laki at karamihan ang mga paninda gawa sa natural na kalikasan gaya ng gugu bilang shampoo at aloe vera bilang sabon. Puro mga sariwang gulay, prutas, isda, at karne ang makikita rito. Nakakamangha pa ang iba dahil ito ang unang beses na nakakita ako noon. Mukhang dito lang yata iyon sa islang ito matatagpuan. Ganoon siguro kayaman ang taniman dito. Sa kabuuan, ang payapa ng buong lugar. Wala kang maririnig na ingay at maaamoy na usok ng mga sasakyan dahil lahat yata rito ay kung hindi kabayo, kalabaw ang ginagamit bilang transportasyon. Naglipana ang mga kalesa sa paligid na siyang sinasakyan ng mga namimiling maraming bitbit. Nakakatuwa rin ang mga bahay sapagkat karamihan dito ay yari sa literal na bato at hindi simento na gaya ng sa palasyo. Ang iba pa nga ay gawa sa pawid, nipa at kawayan. Puno ng mga halaman at bulaklak sa paligid kaya ganoon na lamang kabango at sariwa ang hangin. Nicest place I've ever seen in my entire life. Avid fan talaga ako ng mga ganitong klase ng lugar noon pa man. Hindi nakakasawang pasyalan at refreshing sa pakiramdam. Habang papasok pa kami sa pinaka pusod ng bayan ay isang puting-puting gusali ang nakaagaw sa atensyon ko. Pamilyar ang desinyo nito at katulad na katulad sa paborito kong milk shop na palagi kong pinupuntahan sa Maynila. Mabilis kong nilapitan ito at pagkamangha ang naramdaman ko nang basahin ko karatulang nakapaskil sa taas ng pinto nito. "MalTy Milk Shop? Bakit may ganito rito?" Alam kong sikat ang milk shop na ito pero seryoso? Hanggang dito talaga? "Moja moja. Hindi niyo po ba alam, si Mr. O po ang may-ari ng milk shop na iyan?" Weh? Seryoso? "Dito po mismo sa isla inaalagaan ang libong bilang ng mga bakang ginagamit nila para makapag-palabas ng sariwang gatas ng baka. Moja moja." "Moja moja. Sa isla rin pong ito nakatayo ang pagawaan ng mga pangunahing produkto ng MalTy Milk Corporation o MMC." "Lahat po ng mga produkto ng mother company o main branch ay dito po nanggagaling. Ang pagtatrabaho po sa legal at lihitimong pabrikang iyon sa unahang bahagi nitong bayan ang siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga rito maliban sa pagtatanim, pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop. Moja moja." "Moja moja. Malaki po magpasahod iyon si Mr. O. Libre pakain lagi, may mga bonus pa po at maraming regalo tuwing pasko. Kaya nga po excited ang lahat dahil ilang araw na lang at magpapasko na." "Si Mr. O din po ang nagpatayo ng lahat ng libreng paaralan at mga pagamutan dito. Siya rin po ang dahilan kung bakit may linya dito ng kuryente kaya may ilaw lahat ng kabahayan. Wala nga lang pong T.V, DVD, Cellphone at internet dito. Moja moja." "Moja moja. Gusto po kasing panatilihin ni Mr. O ang payak na pamumuhay ng mga tao rito. Bale siya na rin po ang nagpapasahod sa mga Doktor at guro dito sa isla. Ganoon din po sa nagpapastol ng kaniyang mga baka." "Para pong si Mr. O ang presidente dito kaya lubos siyang iginagalang ng lahat. Kapag nga po nagpupunta siya dito sa bayan, ipinaghahanda siya ng mga mamamayan. Para pong eksena sa isang heroes welcome. Moja moja." "Moja moja. Mabait po si Mr. O sa lahat ng tao dito kaya mahal na mahal siya ng lahat. Hindi po kasi nila alam na-----aray! Ba't ka ba nangungurot diyan Winslett? Gusto mo sipain kita!" "Manahimik ka Swindell! Sobra na iyang impormasyong ibinibigay mo! Moja moja." Ngayon napagtatagpi-tagpi ko na ang sitwasyon. Kung si Gabu ang may-ari ng MMC ibig sabihin, hindi lang suwerte ang pagkakapanalo nina lola Mercy at lolo Clemente dati, ng mga kinilala niyang magulang sa pa-raffle ng mismong kompanya niya. Sabi na nga ba! Saan ka naman kasi nakakita ng ruffle draw ng isang gatas na nagkakahalaga ng sampung milyon? Oh diba, imposible? Hindi lang din sila isang beses nanalo sa ganoong paraan. Sa dami nga hindi ko na matandaan. Maliban pa roon, may kung anu-anong mga gamit ang bigla na lang dumarating sa bahay nila na kesyo napanalunan daw nila dahil lang sa pagbili ng iba't ibang produkto ng nasabing kompanya. Una pa lang talaga duda na ako sa mga ganoong alibi pero dahil nakakatulong naman ng malaki sa pamilya nila kaya hindi ko na pinatulan. Iyon din kasi ang rason kaya nagawa nina Ninang at Ninong na makapag patayo ng sarili nilang ospital. Kaya ang dating nakakaangat lang na buhay nila, naging magarbo na ngayon. Nasustentuhan din noon ang pag-ahon sa muntikan na nilang ma-bankrupt na negosyong pamana pa ng lolo ni lolo Clemente. Para sa kanila isa yong biyaya. Blessing in disguise kumbaga. So that's Gabu's way of returning all the favor they did for him? Sa pag-aalaga, pagkupkop at pagmamahal sa kaniya sa loob ng labing-apat na taon ng pamilya Tanzanilla? Not bad. Kahit hindi siya nakikita ng mga ito at kahit hindi nila alam na buhay pa siya, ginawa niya lahat ng makakaya niya masiguro lang na magiging maayos pa rin sila. Lahat ito ay alam ko dahil madalas akong dumadalaw sa Samar. Sa lugar kung saan ano nanirahan ng pitong taon kasama si Mama noon. Nakakaiyak naman ang side na ito ng Gabu my loves ko. Ang suwerte ko naman, hindi lang guwapo kun'di awesomely good Samaritan pa ang lalaking nagmamahal sa'kin. Pag-uwi niya mamaya sa bahay, pupugpugin ko talaga siya ng halik! Okay, ceasefire na sa inis ko sa kaniya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD