Dahil walang datong kaya hindi na ako pumasok sa paborito kong Milk Shop. Sana pala nanghiram muna ako ng pera kay Mary bago umalis.
"Moja moja. Tara na sa pamilihan Miss Ganda!"
At itinulak-tulak na naman ako ng dalawa. Pimilihan eh wala nga silang pera.
As usual, window shopping ulit. Nang magawi kami sa isang linya ng mga prutas na may katabing mga handmade bracelet ay napatigil ako. Ang cute kasi ng mga ito. Gawa ang mga ito sa sea shells. Iba't ibang uri at sukat. Gayundin ang mga kulay. Nakakaaliw itong busisihin isa-isa gamit lamang ang mga mata.
Kahit nakatuon ang paningin ko sa mga pulseras ay hindi nakalampas sa peripheral vision ko ang kaganapan sa tabi ko. Mabilis kong kinapitan ng mahigpit ang kamay ni Swindell na may hawak na mangga at akmang ipapasa na nito ng palihim kay Winslett na nasa ilalim niya upang itago.
Ano ba sa tingin ng mga batang ito ang ginagawa nila?
"Swindell ano iyan? Ibalik mo 'yan kun'di uupakan ulit kita!"
Pasimpleng gigil na bulong ko dito habang lumilinga-linga sa paligid at sinisigurong walang nakakakita sa kaganapang inuumpisahan ng dalawang bata.
"Huwag kang maingay Miss Ganda para hindi tayo mahuli. Moja moja."
Rinig kong mahinang sagot ni Winslett.
"Hindi! Itigil niyo 'yan bago pa may makapansin sainy-----"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng maulinagan na namin ang isang malakas na sigaw.
"Hoy ano 'yan! Mga magnanakaw kayo 'no?"
Anak ka naman ng manggang nakanganga! Damay pa yata ako rito!
Pero sandali, tagalog siya magsalita? Ibig sabihin, nasa Pilipinas pa rin ako?
Kinakabahang hinarap ko ang tindero ng prutasan.
"Ho? Wala ho. Ano kasi, ang totoo ho niyan. Aalis na ho talaga....kami."
Napalunok ako ng mariin habang nauutal ng makita kong naglabas na ito ng, dos por dos? Nakikita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang bulto ng mga taong unti-unti ng lumalapit sa'min at may mga hawak ding pamalo.
"Takbo!"
Sigaw ko bago kumaripas ng takbo. Mabilis na nagkalas mula sa disguise nila ang dalawa at nakitakbo.
"Moja moja! Patay na naman tayo kapag nahuli nila tayo!"
"Bilisan mo na lang Swindell kung ayaw mong maluto na naman ng buhay, moja moja!"
Na naman?
"Mga chupeste kayo! Aminin niyo nga, kaya ba kayo nagdi-disguise dahil mga kilalang tirador na kayo rito? Kapag nakabalik talaga tayo sa bahay kukutusan ko kayo pareho!"
Kahit nasa delikadong sitwasyon na, hindi ko maiwasang mag-ngitngit sa galit! Mukhang may ka-triplets yatang kalokohan ang kambal na sinamahan ko! Kapag minamalas ka nga naman! Hindi ko masisisi si Ate Janry kung bakit niya pinalayas ang dalawang ito!
Mukhang eksperto rin sila sa pagtakas. Nakikisabay kasi sila sa pagtakbo ng matulin, pag-akyat sa mabababang bakod na dinaraanan namin, paglukso sa mga nakaharang sa daan ultimo sa mga karitong nakalagak sa kalsada, paggulong sa lupa matapos ang pagtalon upang mabawasan ang impact ng pagbagsak, pagkapit sa mga sanga ng puno na animo'y isa lamang baras para mabilis na makapanhik sa unahang bahagi ng daang aming tinatahak at nagawa pa talaga nilang tumambling at mag-flip sa dingding ng mga kabahayan na akala mo'y nag-i-eksibisyon lamang!
Ang pinaka highlight pa sa ginagawa nila, nakukuha pa nilang tumawa na aakalain mong nasa playground lamang at mga naglalaro!
Lastisima de tsismosa! May sayad ba sila?
On the second thought, advantage din pala dahil ng lumingon ako sa likod ay wala na ang tindero at iba pang kasama nitong humahabol sa'min! Success!
"Moja moja! Astig! Natakasan natin sila!"
"Ang galing natin! Sobrang saya noon grabe! Moja moja!"
Muli kong iniharap ang mukha ko sa mga batang nasa unahan ko at dahilan kung bakit kailangan kong hingalin ng ganito.
Humahangos din ang mga ito habang hawak-hawak ang dibdib nila at nakatukod ang mga braso sa tuhod, pero nakapaskil sa bibig ang nakakaburyong mga ngiti!
I regained my posture and crossed my arms in front of them.
"Kayong dalawang sutil na bata kayo, wala bang nagturo sainyo na masamang magnakaw? At talagang ikinatutuwa niyo pa ang perwisyong ginawa niyo doon sa mga tao? Ano bang klaseng mga bata kayo!"
Pakiramdam ko umuusok na sa sobrang inis ang ilong at tainga ko ngayon. Aminado akong makukulit ang mga kapatid ko pero hindi ko akalain na may mas pipilyo pa pala sa kanila! May kaya palang humigit sa kasutilan ni Miggy at sa ginanda nga naman ng tadhana ay kasama ko pa ang mga ito sa tinitirhan ko ngayon! Wala na bang ibi-blessing pa si Lord sa sitwasyon kong ito?
Hindi na nakasagot pa ang dalawa ng biglang lumitaw sa likod nila si Mary mula sa kakahuyan at tig-isang hinawakan ang kani-kanilang tainga.
"Araw-araw ko hong pinapaalala sa kanila iyan Ms. Milky ngunit sadyang matigas pa sa nara ang sentido ng dalawang ito."
Gigil nitong sabi pero with poise pa rin habang mariing pinipingot ang tainga ng mga bata.
"Moja moja! Masakit binibining Maria!"
"Tama na po binibini! Mapipigtas na po ang tainga namin! Moja moja!"
Bakas sa mukha ng mga ito ang matinding sakit. Ganoon ba kalakas mamingot si Mary?
"Ahm, okay na siguro iyan Ms. Mary. Mukha namang naintindihan na nila."
Gusto ko man silang maparusahan sa mga kalokohan nila pero hindi ko maiwasang ma-guilty habang nakikita silang nasasaktan. Iyong kapatid ko kasing si Miggy palaging idinadaing sa'kin ang pananakit ng tainga niya satuwing mapipingot din siya ni Mama sa mga kabulastugan niyang pakulo.
"Huwag po kayong maawa sa mga ito Ms. Milky. Hindi niyo pa ho sila kilala. Kamag-anak ho ng dalawang batang ito si Satanas."
Ay grabe siya. Si Satanas talaga? Ganoon ba ka-severe ang Moja Brothers?
"Moja moja! Papangit po kami kapag nawalan kami ng tainga!"
"Mababawasan po ang members ng fan sites namin kapag nangyari iyon binibini! Moja moja!"
Apela pa ng dalawa ng sinimulan na silang kaladkarin ni Mary.
"Manahimik kayo. Wala akong pakialaman sa mga mukha niyo. Titiisin niyo iyang sakit hanggang sa makauwi tayo sa palasyo. Tapos ang diskusyon. Pasalamat kayo nakita namin kayo ni Mr. O at nagawa niyang pigilan ang taong bayan sa paghabol sa inyo. Kung hindi, baka isinabit na kayo ng mga taga-bayan sa tuktok ng kanilang higanteng Christmas tree at nagawa niyo pa talagang isama si Ms. Milky sa mga kabaliwan niyo. Humanda kayo sa ikalawang yugto ng parusa niyo mamaya. "
Seryoso ba si Mary? Ang lupit niya pala. Hindi ko akalain. Ano kayang ibig niyang sabihin sa part two punishment para sa Moja Brothers kalokohan? Pero before that, anong sabi niya, nakita nila kami ni Mr. O? At ito ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala ang mga humahabol sa'min? Eh nasaan si Gabu?
Hindi na inabot pa ng minuto at nasagot na ang tanong ko sa pagpulupot ng dalawang maskuladong braso sa katawan ko at paglapat ng baba nito sa ibabaw ng balikat ko mula sa likod.
"Don't do that again Darl. Muntik na akong mamatay sa kaba at takot ng umuwi akong wala ka."
His warm embrace increases my heartbeats again. Puwede bang dito na lang kami at buong araw niya na lang ako yakapin?
"Sorry. Na-excite lang ako masiyado ng yayain nila akong pumunta sa bayan. Bakit hindi mo man lang nasabi sa'kin ang tungkol doon?"
Nagtatampo ang tinig ko ng sabihin ko iyon.
"I just believe that there's a perfect timing for that. Gusto kong maging espesyal ang sandaling ipapakilala na kita sa mga taong itinuring ko ng ikatlong pamilya."
Nakonsensya naman daw ako sa sagot niya. Bakit kasi masyado kang mainipin Milky? Para namang hindi mo kilala si Gabu. Mahilig iyan sa surpresa. Pagdating sa mga bagay na makakapag-pasaya sayo, mas malawak pa sa bulsa ni Doraemon ang ideya niyan.
"Don't feel guilty about it. Hindi mo naman alam. Saka kasalanan ko rin dahil iniwasan kong banggitin sa'yo ang tungkol kina Winslett at Swindell. Akala ko kasi magtatagal sila kay Ate Janry. Hindi ko akalain na mas maiksi pa pala sa isang pulgada ang pasensya ni Ate pagdating sa kanila. Let's go home now. May kailangan pa kasi akong sabihin sayo. This couldn't wait any longer."
Nabigla ako ng kumalas siya sa yakap niya sa'kin at bahagyang umupo ng patalikod sa harap ko.
"Ano 'yan Gabu?"
Well, alam ko naman kung anong ginagawa niya. Naniniguro lang kasi baka nagpi-feeling lang pala ako. Mahirap na.
"I'm offering you a piggy-back ride. Mukhang napagod ka sa pagtakbo kaya let me carry you until we reach our horses."
Nahihiya man sa una pero pumasan na rin ako sa kaniya. Aba, libre sakay din ito ano! Bawas pagod. Buti na lang pala malaki at malakas si Gabu.