CHAPTER 15 - Moja brothers

1281 Words
Ang aga-aga nambubwisit si Gabu! Umalis daw ba ng wala man lang pasabi! Humanda siya pagbalik niya! Hahampasin ko talaga siya ng medyas! "Sayang naman ang paggising ko ng maaga." Ungot ko pa habang binabaybay ang hagdan pababa. Mag-aalasais pa lang ng umaga kaya tahimik pa rin ang buong paligid. Ay mali, parang tahimik naman araw-araw dito. Eh tatatlo lang naman kaming nakatira sa palasyong ito. Minsan tuloy nagtataka na ako kung paano nakakapaglinis si Mary sa ganito kalaking bahay ng siya lang mag-isa. Baka may super powers siya? Hindi kaya kalahi siya ni Mateo Do? O kaya si Kim Bung Du? I am freely stretching my arms and neck when someone downstairs caught my attention. Si Valak ba iyon? Nakatalikod ito sa direksyon ko at tanging ang suot nitong purong itim na mistulang damit ng madre sa isang horror movie at abot hanggang sakong niya ang nakikita ko. May kung anong kinukutingting ito sa sofa. Hindi kaya, isa siyang magnanakaw? Pasensya na lang sa kaniya dahil mali siya ng napiling pagnakawan! It's time to awaken my mischievous side again! Go Lil Tiger! Rawr! Maingat at patingkayad akong naglakad patungo sa puwesto nito. Making sure not to produce any kind of noise that can cause him or her to notice my presence. Nang masiguro ko ng nasa tamang posisyon at anggulo na ako, isang bigay-tudo, mabilis at malakas na flying kick ang binitawan ko sa mismong ulo nito. Bagsak ang magnanaka---holy mother of cheesecake caramel! Isa siyang manananggal! Kitang-kita ng dalawang magaganda at abuhin kong mga mata kung paano humiwalay ang itaas na parte ng katawan niya sa bandang ibabang bahagi ng sipain ko ito! Animo'y eksena sa pelikula ang pagkakabagsak nito sa sahig na gumawa pa ng isang malakas na kalabog! "Ahh, moja moja. Ang sakit! Sinong lapastangan iyon?" Nagsalita ang ulo! Agad namang naglakad palapit dito ang paa! Iyong totoo? Gising na ba talaga ako? "Swindell buhay ka pa ba? Moja moja." Ano bang meron sa moja moja na iyan? Sa pagkakatanda ko, iyong cartoon character lang na si Mojaco ang mahilig mag-gaganiyan! "Moja moja. Malamang naman Winslett! Natatawag pa nga kita! Tulungan mo kaya akong tumayo!" Teka, Swindell? Winslett? Dahil sa hinala ko ay lakas loob na akong lumapit sa mga ito at walang pasabing tinanggal ang itim na telang nakatakip sa kanila. Tsk! Sinasabi ko na nga ba! "Moja moja. Sino ka ba? Saka bakit ka ba naninipa?" "Oo nga! Hindi ka naman inaano ah! Moja moja." Dalawang batang MAY PAREHONG MUKHA ang bumungad sa'kin! So nakasampa lang pala sa isa iyong isa kanina kaya sila nagmukhang malaki at iisang tao! Ayos din ang trip sa buhay ng dalawang batang ito ha! Ano sila, sina Tranks at Goten? "Moja moja your face two kiddos! Sino kayo at paano kayo nakapasok dito?" Nagtinginan ang mga ito bago sumagot. "Moja moja. Ikaw ang sino?" "Dito kami nakatira kaya ikaw ang dapat magpaliwanag moja moja!" Huh? Ano raw? "Pagmamay-ari lang naman ng boyfriend kong si Gabu ang palasyong 'to! Eh kayo, kaano-ano niyo siya ha?" Pakiramdam ko ang kapatid kong si Miggy ang kausap ko kaya lalong nag-iinit ang ulo ko! Katulad kasi ng sutil kong kapatid na iyon, pilosopo rin ang dalawang batang ito! "Moja moja. Wala kaming kilalang Gabu pero malinaw samin na si Mr. O ang totoo at legal na may-ari ng bahay na ito!" "Tama! At kaming dalawa ay mga side kick niya kaya sinungaling ka! moja moja!" Kilala nila si Gabu? Side kick? Tell me nagbibiro lang sila, di'ba? Bumuntong hininga ako bago nagpaliwanag. "Okay, iyang sinasabi niyong Mr O na iyan o October Heartfeelia, siya rin ang tinutukoy kong Gabu at ako, as in ako ang Girlfriend niya, syota, kasintahan, sinisinta, iniirog o ano pa mang tawag niyo doon. Noong isang araw niya lang ako dinala rito at sa loob ng maikling panahong iyon ay ni isang beses hindi ko kayo nakita." Totoo naman eh. Kung totoo man na dito sila nakatira, well ngayon ko lang nalamang may mga bata pala silang kasama rito. Wow, para silang one big happy family ni Mary kung ganoon. Hindi ako nagseselos! "Kaya pala ang ganda niya Swindell, syota niya pala kasi si Mr. O. Moja moja" "Moja moja, pero tinadyakan niya pa rin ako Winslett kaya hindi pa tayo ceasefire." Matampuhin din sila ano? Tinulungan kong makatayo iyong nasipa ko kanina at iniupo sa sofa. I also check his head which I hit a while ago and luckily, hindi naman namaga. Mabuti't may suot siyang costume sa ulo. Talagang kinarir nilang mag-ala Valak eh. "Ano pong pangalan mo Miss Ganda? Moja moja." Tanong noong isa na nakaupo naman sa malapit na sofa. "Milky. Milky Sanbuenaventura. Kayo, anong pangalan niyong magkakambal?" Nakangiti na ako habang kinakausap siya. Well, mukhang ayos naman yata sila. "Ako po si Winslett. Siya naman po si Swindell. Kami po ang Nashville Twins. Moja moja." Grabe, magkamukhang magkamukha sila. Pareho ng kulay asul na mga mata, kapal ng kilay, matangos na ilong, mapulang mga labi, kulay ng balat at pati gupit ng buhok. Pareho silang guwapo at pustahan, iba rin ang lahi ng mga ito. Blue eyes eh, saka matangkad kahit na mga bata pa. "Nashville Twins? Cool. Pero paano ko malalaman kung sino si Swindell at sino naman si Winslett sa inyo? Eh para kayong hinating mangga." Natawa itong batang katabi ko. "Moja moja. Kung sa unahan niyo po iyon maririnig ako po iyon, si Swindell. Kung sa hulihan naman, si Winlett po iyon." Ahhh, may purpose naman pala iyang moja moja na iyan. Hindi kaya sila ang salarin doon sa maskarang ginamit ni Gabu sa subastahan? Bet nila ng husto si Mojaco eh. Pati nga itong bag nila na nandito sa sofa at siya sigurong kinukutingting nila kanina, desinyong Mojaco rin. "Swindell and Winslett, ilang taon na kayo?" Nagbilang pa muna sila pareho sa daliri bago nakasagot. "Moja moja. Twelve!" "Twelve! Moja moja." Labing-dalawa naman pala moja moj----Aist! Ano ba! Pati ako nahahawa na sa moja moja craze na iyan! Puwede bang pica pica na lang sa'kin? Mas type ko si Picachu eh. "Nawala lang po kami ng dalawang araw dahil inutusan kami ni Mr. O na magbakasyon muna sa bahay ni Ms. Janry. Moja moja." "Moja moja. Kaso pinalayas niya po kami kagabi kaya umuwi na po kami rito." Napakunot naman ang noo ko dahil sa pahayag niya. Bakit naman sila palalayasin ni Ms. Janry? Voodoo doll style of manika pala siya kapag nakaharap sa ibang tao. Sayang naman ang kakyutan niya. "Nakapunta ka na po ba sa bayan Ms. Ganda? Moja moja." Bayan? "M-May bayan ba dito?" Mamey! Hindi iyan nabanggit sa'kin ni Gabu! "Moja moja. Matatagpuan po iyon sa pusod nitong MilGab Paradise. Gusto niyo po punta tayo ngayon?" Sa wakas, makakasagap na rin ako ng ibang tanawin! Ano kayang itsura ng bayan dito? Ngayon palang excited na ko! "Sure na sure to the level of seashore!---kaya lang, magpaalam muna tayo kay Mary para alam niyang mawawala tayo." Natigilan naman ang mga ito sa sinabi ko at tila..namutla? "Ahhm, hindi na po. Nakapag-paalam na po kami kanina! Moja moja." "Moja moja. Pumayag na po siya. Saka busy na po siya ngayon kaya tara na po! Alis na tayo agad!" Okay. Sabi nila eh. Natawa ako ng sabay na nila akong hinila palabas. Mabuti na lang pala nakapag hilamos at toothbrush na ako paggising ko kanina. Maayos na rin naman itong suot ko at wala naman akong kailangan dalhin. Wala naman akong cellphone, at wala naman akong planong mamili roon. Magtitingin-tingin lang talaga. Wait for me bayan. Here I come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD