CHAPTER 19 - I love you, goodbye

1387 Words
Clyde Walang lakas akong nakadapa at nakasubsob sa magulo kong kama ng marinig kong bumukas ang pinto kasunod ang papalapit na mga yabag. "Clyde! Bumangon ka nga diyan! Kanina pa tumatawag sa'kin ang Manager mong si Ms. Ena! Hindi ko na alam kong paano pa kita pagtatakpan sa kaniya! Alangan namang sabihin kong kaya ka hindi umattend sa press con. niyo ay dahil lasing ka! Magwawala na naman iyon sa inis at baka mamaya wala na naman sa oras na pumunta iyon dito para sermunan ka!" Bahagya ko lang siyang nilingon at tinitigan ng masama. "Bakit, hindi pa ba iyon ang ginagawa mo? Mga babae talaga pare-pareho. Mapasosyal man o hindi iisa lang ang sandata, bibig. Tangina." Walang gana kong tugon dito bago bumalik muli sa pagkakasubsob. "Paanong hindi, eh daig mo pa ang robot diyan na hindi ginawan ng tainga! Wala ka na maski sino mang pinakikinggan! Sina Ross, Sunny, Brook at Idel nga, mga kabanda mo pa mismo naumay na lang sa kakapaalala sa'yo. Napudpod na't lahat-lahat ang bibig nila at natuyuan na ng laway pero maski isang salita wala ka man lang inabsorb! Gusto ko lang malaman mo Clyde, kaunti na lang at magmimistula ng kandilang unti-unting nauupos iyang career mo! Mahigit isang buwan ka ng ganiyan! Wala ka ng inatupag kundi uminom, magpakalunod sa alak at magmukmok dito sa bahay mo buong maghapon! Kulang na lang tubuan ka na ng ugat diyan sa kama mo! May plano ka pa bang gawin sa buhay mo ha, Clyde?" Hindi ba siya napapagod dumakdak? "Punyeta! Puwede ba Mirrie, ang ingay mo!" Inis na sabi ko rito at nagtakip na lang ng unan sa magkabila kong tainga. Sana pala talaga ipinanganak na lang akong walang tainga. Kesa naman araw-araw kong maririnig ang paninermon niya. As in araw-araw. Wala siyang pinapalampas. Mirrie is my girl best friend since I entered college. Since then, naging mabuting magkaibigan kami. Open sa isa't-isa mapa ano mang aspeto ng bagay. She knew everything about me, including personal stuffs. Alam niya ang password ng bahay ko, ng cellphone, netbook at laptop ko, ng lahat ng social media accounts ko, mga paborito ko, mga mannerisms ko, kuwento ng buhay ko, ultimo brand ng mga produktong ginagamit ko sa katawan. Ganiyan kami ka-open sa isa't-isa kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganoon niya na lang ako pakialaman ngayon. Medyo naiinis lang talaga ako dahil paulit-ulit na lang siya, eh wala naman siyang napapala. "Kung plano mong tuluyan ng iwan ang showbiz at itapon lahat ng pinaghirapan mo puwede ba Clyde, mag-file ka na ng resignation sa Manager mo para hindi ka na nakakarinig ng pagbubunganga mula sa'kin! Tutal doon din naman ang punta niyang mga kadramahan mo sa buhay! Move on Clyde! Kahit mamuti iyang mga mata mo sa pag-aantay, hindi na kailanman babalik pa si Ms. Milky! Hindi mag-a-adjust ang mundo para lang sa'yo! Sana lang may babalikan ka pa kapag dumating ang araw na ayos ka na, na-realize mong mali ka at handa ka ng bumalik sa dating ikaw! Pero kapag hindi na, sorry ka na lang! Kapabayaan mo kung bakit mauulit na naman ang masalimuot na kuwento ng pagiging taong kalye mo!" Kahit ang unan ay hindi kayang harangin ang malakas at galit na boses ni Mirrie. Matapos ng sinabi nito ay narinig ko na ang padabog niyang pagsara sa pinto ng kuwarto at tuluyang pagtahimik ng paligid. Hindi ako nagpatinag sa pagkakahiga. Saka lang ako tumayo at lumabas ng silid matapos ang tatlong oras. Muntik pa akong madulas ng umapak na ako sa hagdanan. Sa hagdan at sahig na puwede ka ng manalamin dahil sa sobrang kintab. "Tsk! Ang babaeng 'yon! Maglilinis lang pala nagawa pang manermon. Ibang klase!" Gawain niya na yatang ibunton sa paglilinis nitong bahay ko hanggang sa kasuluk-sulukan ang galit niya sa'kin. Napansin ko rin ang mga damit kong nakahanger na sa terasa ng sala. Mukhang nilabhan na rin niya pati marurumi kong damit. Ano siya, instant katulong? Nakaramdam na ako ng gutom kaya naisipan ko ng magbukas ng refrigerator. As I expected, inihanda niya na rin ako ng makakain na iinitin ko na lang hanggang hapunan. For more than a month na araw-araw akong ganito, araw-araw niya ring ginagawa ito. Kung proklamasyon lang ngayon ng bagong santa, ino-nominate ko talaga siya. Nasa kasarapan ako ng pagkain since masarap naman talagang magluto si Mirrie ng umalingawngaw ang tunog na nagpatigil yata sa pagdaloy ng dugo ko sa buong katawan. "Hoy Clyde Mcbride De Jesus! Buksan mo si Prepper! My message ako!" Ang recorded message alert tone na iyon ng robot kong si Prepper. Ang boses na mahigit isang buwan kong hindi naririnig. Mabilis akong tumakbo patungo sa istante sa sala at agad na binuksan ang safety box kung saan ko inilagay si Prepper the robot. Nanginginig pa sa tuwa at pagkasabik ang mga kamay ko ng ipatong ko ito sa mesa sa sala at pindutin ang button upang muli itong buhayin. Hindi ko alam kong maiihi ba ako o kung ano pa man dahil sa nerbyos at antisipasyon sa posibleng mensahe niya habang naka upo ako sa harap nito. Mabilis na gumihit ang malapad na ngiti sa labi ko ng bumungad na ang recorded video message niya. "Hi Clyde!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa sobrang saya ng makita ko na ang mukha niya at ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko. The pretty face and soothing voice of the woman I'm in love with for more than three years already. Ang babaeng mahal na mahal ko. "Alam mo namang, I'm not good with words pagdating sa'yo di'ba? Kaya naisipan ko na lang na, idaan sa isang kanta lahat ng mensaheng gusto kong ipaabot." Mabilis na sumukol ang kaba sa dibdib ko. Bakit niya pa kailangang idaan sa kanta? "Wish, I could be the one The one who could give you love The kind of a love you really need Wish, I could say to you That I'll always stay with you But baby, that's not me" As her song started, doon ko na napagtanto ang lahat. This message, is a message of goodbye. "You need someone Willing to give their heart and soul to you Promise you forever But baby, that's something I can't do Oh, I could say that I'll be all you need But that would be a lie I know I'll only hurt you, I know I'll only make you cry I'm not the one you're needing, I love you goodbye" Muling nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko, pero sa pagkakataong ito hindi na dahil sa tuwa kun'di dahil sa sakit. "I hope someday you can Find some way to understand I'm only doing this for you I don't really wanna go But deep in my heart I know This is the kindest thing to do Can't find someone Who'll be the one that I could never be And give you something better Than the love you find with me Oh, I could say that I'll be all you need But that would be a lie I know I'll only hurt you, I know I'll only make you cry I'm not the one you're needing, I love you goodbye" Lahat ng pait, pagkasuklam, pagkamuhi at tila mga talim na bumaon sa dibdib ko noong araw mismo ng kasal namin kung saan hindi siya sumipot ay muling nagbalik sa alaala at pakiramdam ko. Naulit lang ito at ngayon, mas ramdam ko na ng maigi ang sakit na nanunuot sa bawat ugat ng pagkatao ko. "Leaving someone when you love someone It is the hardest thing to do When you love someone as much as I love you, Oh, I don't wanna leave you Baby, it tears me up inside but I'll never be the one you will need You're needing, I love you goodbye Baby, It's never gonna work out I love you goodbye" "I'm sorry Clyde. I'm so sorry pero pakiusap...kalimutan mo na ko. Her last words. Animo'y isang malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ko na siyang nagpagising sa'kin mula sa pagkakabulag sa katotohanan. Bakit Gatas. Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD