CHAPTER 18 - Salty

1806 Words
Hndi ko na nakita pa ang kambal at si Mary nang makauwi kami. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at dumiretso sa kuwarto ko para magpalit ng damit since pinagpawisan ako sa pagtakbo kanina. Kasalukuyan akong nagbibihis at tanging panloob na lamang ang suot ko ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito si..... "G-Gabu? Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Takpan ang sarili ng tuwalya, o sipain palabas si Gabu? "I-Im just going to ask if you want me to eat yo---I mean, if you want to eat me firs---aist! If you want to eat already? Ayon, iyon talaga ang gusto kong itanong." Seriously? Itinuloy niya pa talaga ang tanong niya ha? Hindi niya ba nakikitang nagkukulay kamatis na ang mukha ko sa pagkailang? "Magbibihis lang muna ko. B-Baka puwedeng lumabas ka muna?" Hindi ito umimik at patuloy na hinagod ng tingin ang katawan kong tanging kaperasong tela lamang ang nakabalot. "Hoy Gabu!" Hindi ko na napigilang sawayin siya. "Ha? Ah, oo. Sige. Labas muna ko." Saka lamang ito natauhan at parang robot na lumabas. I change my mind. Mukhang kailangan ko na rin itong iligo. Buong katawan ko kasi ang uminit sa ginawa niyang pagtitig dito. "O mahabaging poon ng sanlibutan, ilayo mo po kami ni Gabu sa maimpluwensyang tukso. Gabayan niyo po sana ang maganda niyang katawan para piliin ang nararapat na puwest----este! nararapat at makabubuti para sa'ming dalawa." ------------------------------ Matapos kong maligo ay nagtungo na ako sa kusina. Naroon na si Gabu at ang kambal na pawang mga nakaupo na at nakaharap sa mesa. Pinaghila naman ako ni Gabu ng upuan sa tabi niya saka ako naupo. I was drinking a glass of water ng magsalita si Gabu. "Swindell, Winslett, tulungan niyo muna si Mary sa paghahanda sa cooking station." Utos nito sa kambal na kaharap namin. Naibuga ko ang tubig na iniinom ko ng tumayo na ang dalawa at malantad sa paningin ko ang itsura nila. "Bakit sila naka-diaper Gabu?" Anong pakulo ito? "Don't mind them Darl. Parusa iyan ni Mary dahil sa ginawa nila kanina. Just focus on me now your attention because I'm about to tell you something important." Hindi na kami pinansin pa ng dalawa at nagtuloy na ito sa iniutos sa kanila ni Gabu. I curiously faced Gabu and vividly listened to his speech. He inhaled first deeply before he proceeded. "Since you already decided to live with me here, maybe it's about time for us to.....GET MARRIED." Straight to the point nitong sabi na hindi man lang muna bumusina kaya muntik na akong mahulog mula sa pagkakaupo ko. Mabuti't mabilis niya akong nakapitan. "Seryoso ka ba Gabu? Hindi kaya gutom lang iyan? Para kasing ang bilis mo naman magdesisyon samantalang noong isang araw lang ng muli tayong magkita." Sabihin mong nagbibiro ka lang Gabu bago ko tuluyang maihampas sa mukha mo itong mga plato at baso sa harap natin. "Mabilis? Darl we already wasted sixteen long years being separated. Hindi ba masiyado na iyong mahaba para patagalin pa natin na tuluyang pag-isahin ang isa't-isa? You said you love me and I love you too until eternity. Hindi pa ba sapat na rason iyon para makasal tayo? Maging asawa kita at maging ina ng mga magiging supling natin? This is the only way I see to get our relationship even stronger and tougher. Kasi ayoko na ulit malayo sa'yo. Kasi ikaw na talaga ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huling oxygen na gagamitin ko. Hindi ka pa ba sigurado sa'kin? Si Clyde pa rin ba ang gusto mong mapangasawa?" Napanganga ako sa huling tanong niya. It's as if my temper raised to the highest level it could get. "Of course not! I wouldn't decide to live here with you kung si Clyde pa rin ang gusto kong mapangasawa! Ikaw ang mas mahal ko Gabu at alam kong darating ang araw na magagawa mo ring makuha ang puso ko ng buong-buo! Sigurado ako sayo, sa lahat ng sinasabi ko at sa nararamdaman ko! Mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin iyan sa'yo ng paulit-ulit. Nabigla lang ako sa proposal mo. Ang indecent naman kasi. Ano ka, si Lander Montenegro ng His indecent proposal ni Jamille Fumah? Wala man lang bonggang preparasyon na masasabi kong seryoso ka nga at hindi lang nanti-trip. Ni wala ka ngang singsing na mai-offer diyan." Nakasimangot kong parinig sa kaniya. "So if I ask you that question with those things you suggested, are you going to say yes?" Seryoso nitong tanong. Kung kailan sinabi ko saka niya lang naisipan? Nasaan na iyong dating Gabu na kasing dami yata ng populasyon ng mundo ang dami ng alam na surprises? Kasabay na rin bang nagbago kasama ng pangalan niya? "Hindi na. Nakakahiya namang gagawin mo lang iyon dahil sinabi ko. Oo naman talaga ang sagot ko mapa-decent o indecent proposal pa iyan. Pakakasalan kita Gabu kahit anong oras mo gusto. Kahit nga ngayon na mismo eh-----" His kisses cut my words. A gentle, passionate and full of love kind of kisses. Ang halik na simula ng matikman ko ay oras-oras na yatang hinahanap ng sistema ko. "Moja moja! Huli!" "Super Parental Guidance is needed! Moja moja!" Mabilis na naitulak ko si Gabu nang marinig ang boses ng dalawang bata kaya naman deretso dausdos ito sa sahig! Buti na lang talaga likod ang nauna ditong bumagsak at hindi ang ulo. "Sorry! Sorry!" Agad ko siyang tinulungang makatayo ng ma-realize ko na ang katangahang ginawa ko. Anak ka naman ng latang nataranta Milky oh! "Moja moja! Aray!" "Aray! Moja moja!" "Mga pasaway talaga kayo. Balik sa cooking station. Kayo magpatuloy ng ginagawa ko roon." Sabi ni Mary sa mga ito habang hawak-hawak ang isang sandok. "Ayos lang ho ba kayo Mr. O? Gusto niyo po bang kunin ko ang first aid kit?" Nag-aalalang tanong pa nito kay Gabu. "No. I'm fine. Balikan mo na ang dalawang iyon at baka kung ano na naman ang nilalagay nila sa kakainin natin." Sinunod naman siya ni Mary. Ano namang puwede nilang ilagay sa pagkain? Too much asin? Paminta? O baka naman chilli powder? Ganoon kasi iyong mga napapanood ko sa pelikula kapag pilyo ang mga bata. "Tss! They already ruined our momentum. By the way Darl, have you seen already the thing I put on your bed?" Thing? Baka ayon na iyong singsing? Malay niyo, hinuli niya lang talaga para may effect. Asa ka pa talaga Milky? "Hindi pa actually. Dumiretso kasi agad ako rito pagkatapos ko sa banyo. Puwede bang tignan ko muna?" Nagniningning ang mga matang tanong ko rito. Still hoping for the ring. "Sure." Simpleng sagot nito kaya pumanhik na agad ako sa kuwarto. Shock is evident in my face after seeing what he's pertaining downstairs. Not because of happiness, but because of a glimpse of sorrow. "I just think that, you should put a closure on your misunderstanding before you settled yourself in a peaceful kind of living we wanted. To let go all the things which bothers you, and putting that kind of sadness every time you remember him." Rinig kong sabi ni Gabu mula sa likod ko bago nito nilisan ang silid ko at isinarado ang pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at maingat na hinawakan si Salty. Ang tanging bagay na nag-uugnay sa amin ni Clyde. I made myself this robot. Kapares ni Prepper na nasa pangangalaga naman ni Clyde. Dati ang rason ko lang kaya ko ginawa ang mga ito ay dahil gusto kong makita kung sinusunod ba ni Clyde lahat ng bilin ko kahit magkalayo kami dahil sa mga medical missions ko, until nakasanayan na naming gamitin ito para sa matibay naming komunikasyon. This kind of robot is humanoid. May kamay at paa kasi ito na gaya sa tao. Kasing taas lang ito ng tuhod. Isang buong screen ang ulo nito. Kasing laki iyon ng isang netbook. Parang itong T.V. na ang palabas ay ang kausap mo lamang sa kabila na gumagamit kay Prepper. Sa pamamagitan noon ay nakikita ko ang lahat ng kilos niya dahil para rin iyong CCTV. Nakikita ko rin siya at nakakausap. Para lang kaming nag-vi-video call. Ang kaibahan lang, hindi namin kailangang hawakan ang gadget dahil kusa itong sumusunod sa'min. I installed that kind of ability para hindi na namin pa kailangang kontrolin ito. I have an intellectual condition called 'above borderline intelligence'. Hindi ito sakit ngunit makokonsidara itong irregularities sa forebrain ng utak. Forebrain or procencephalon is the anterior of the three (forebrain, hindbrain, midbrain) primary divisions of the developing brain or the corresponding part of the adult brain that includes cerebral hemispheres, the thalamus, and that specially in higher vertebrates is the main control center for sensory and associate information processing, visceral functions, and voluntary motor functions. Ito ang dahilan kung bakit may intellectual endowment ako. I can think double or triple of my age. Rason kung bakit madalas, para akong matanda kung magsalita. I can easily process information dahil mas mabilis sa normal na natatransmit ang mga bagay-bagay sa utak ko. My sensory coordinates well with my neurons kaya kahit saglit ko lang makita ang isang bagay, kaya ko na itong ilarawan o iguhit ng detalyado. After I finished being a grade one student at the age of four, I took an acceleration program from CHED. Isa itong programa kung saan pakukuhain nila ng exam ang batang may kakaibang antas ng pag-iisip at base sa magiging resulta ng pagsusulit kung saang baitang sya itatalon. Sa kaso ko, nagdesisyon ang CHED na iakyat ako sa grade six after grade one. Higit pa raw doon ang kaya kong italon pero nabahala sila na kapag itinalon pa ako sa mas mataas ay mahirapan na akong makisama sa mga taong higit na mas matanda sa'kin. I am a consecutive honor student during my school days. I graduated as Valedictorian and Summa c*m laude. Right after I finished my doctorate, I took and passed the exam to become a qualified and legitimate doctor. These explain why I can create easily my own robot. Panahon na nga siguro para tapusin ang lahat. Mas makabubuti na rin ito pareho sa'min. Kapag nagawa ko ng tuldukan lahat, magagawa na naming palayain ang mga sarili naman. Makakapagsimula na kami ng bago. And this will help Clyde to move on as fast as he could do. I started to operate Salty and there, I recorded everything. Lahat ng gusto kong sabihin. After I send my video to Prepper, muli ko na itong pinatay at itinago sa isang lugar. "Sana dumating ang panahon na magagamit ulit kita, at sana sa panahong iyon wala na lahat ng lungkot at sakit na gaya ng nararamdaman ko ngayon. Paalam Clyde. Paalam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD