CHAPTER 20 - Solemn seclusion

1353 Words
Matapos ng mensaheng ginawa ko at ipinaabot ko kay Clyde kanina, maghapon na akong nagkulong at nagmukmok sa kuwarto. Kahit ilang beses ko kasing paniwalain ang sarili ko na ito lamang ang makabubuti sa'min, alam kong masasaktan at masasaktan ko siya. Maybe he's suffering right now the traumatizing pain I've caused him due to my video clip that was a message of goodbye. I can't help but feel the same ache he's into. After all, mahal ko rin naman si Clyde. Hindi nga lang kasing tibay at tatag kagaya ng nararamdaman ko para kay Gabu. I need to sacrifice one para lamang mapabigyan ang puso kong makasama ang isa at iyan ang pinaka masakit na katotohanan. "Darl. It's me. Tara, meryenda na tayo." It was Gabu outside the door. Alam kong nag-aalala na ito sapagkat simula rin kanina ay hindi na ako lumabas pa. Niyaya niya akong magtanghalian pero sanabihan ko lang siya na gusto ko munang mapag-isa. "Darl please, stop starving yoursel------" "Moja moja. Oo nga po Miss Ganda. Hindi pa din kasi kumakain si Mr. O gaya mo." "Hindi daw po siya kakain hanggat hindi ka rin kumakain sabi niya kay Binibining Maria kanina. Moja Moja." "What the f**k are you two doing here! Get back your assess on your playground! Now!" Mukhang inis na ang boses ni Gabu sa ginawa nitong pagtataboy sa Moja Brothers kaya napilitan na akong lumabas sa wakas. Ang nakakunot-noong mukha ng FIANCÉ ko ang sumalubong sa'kin sa pagbukas ko ng pintuan. Mabilis na nagbago ang timpla ng awra nito at ang kaninang pagkakabusangot ay agad napalitan ng maaliwalas na ngiti sa kaninyang mga labi. Inilahad nito ang isang palad sa harap ko bago nagsalita. "Come on. Let's eat together." I don't know but just seeing his smile, it trows away all the hazes I have few hours ago. Inabot ko ang kamay niyang iyon at tahimik na naglakad papunta sa dining area ng palasyo. Brown rice, Singaporean Naxa, Blue Marlin, Bumarabab Shrimp, Sweet Spicy Scallops with red velvet cake and butter cookies as a dessert, iyan ang mga nakahain sa malapad sa mesa. Pyesta ba? Parang dalawa lang naman kaming kakain ha? "I asked Mary to prepare all your favorite dishes and desserts." Pansin ko nga. Lahat ng nasa harap namin, ultimo uri ng kanin ay ang mga pagkaing paborito ko. Pero teka, si Mary ang naghanda nito? Eh diba mahilig iyon sa sunog? Paano? "How did you know about those? I mean, noong nagdalaga na ako saka lang naman nagbago ang mga paborito ko simula ng mga bata pa tayo." Kahit busy na sa pagsasalin ng mga pagkain sa pinggan ko, nagawa niya pa rin akong lingunin para sagutin ang tanong ko. "Darl, it's not impossible. Specially to your greatest stalker of all." Nga naman Milky. He's been watching you nga ever since from a far diba? Lahat na yata ng detalye sa pagkatao ko alam niya. "You have to eat plenty Darl. Kailangan mo ng maraming lakas para mamayang gabi." Para namang biglang lumabas sa katawan ko ang kaluluwa ko. "Mamayang gabi?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Lintik na anak ng longganisang hitik! Hindi na ba talaga kayang mag-antay ni Gabu? "Yes. I was actually planning about it since yesterday. Siguradong matutuwa ka. That scenery will make your eyes bulge for wonderment." Nakangiti pa nitong sagot. Make my eyes bulge for wonderment? Malamang naman! Eh sa buong buhay ko if ever, iyon pa lang ang unang beses na makakakita ako ng totoong longganisa! Eh panay replika lang ng man's organ ang napapasadahan ng mga mata ko noong nag-aaral pa lang ako sa medical school. So far naman, wala pa akong naooperahan sa mga pasyente ko na roon mismo. "Hindi ba puwedeng after na lang ng wedding natin Gabu?" Baka sakaling masugpo ko pa ang kung ano mang uri ng kaberdehang sumasapi sa kaniya. Try lang. "Darl, mas okay kung mamayang gabi na. Para hindi ka na rin manibago pa sa mismong araw ng kasal natin." Susme! Seryoso na nga talaga siya! "Pero Gabu, mas maganda kasi kung may basbas na tayo ng panginoon kapag ginawa na natin iyon. You know, the blessed sacrament of marriage is the most important before a couple engage to that kind of solemn seclusion of body and soul. Para mas panatag saka mas..masarap?" Saan galing Milky iyang masarap? Nag-iba ang timpla sa hilatsa ng mukha ni Gabu. Animo'y gulong-gulo ito sa kung ano mang sinabi ko. Bahagya ring namumula ang magkabilang tainga nito. Ano ba talagang meron? Sinasapian ba talaga siya? "I think..we're having misunderstanding here Darl. Magkaiba yata ang iniisip mo sa sinasabi ko. Very different to the point na napapaisip tuloy ako kung...ikaw ba talaga iyan." Nye! Ba't naman ako pa ang nagmukhang sinasaniban dito? "Ano bang sinasabi mo diyan Gabu? Pati tuloy ako naguguluhan na." Naglolokohan na yata kami rito eh. "I was just encouraging you to eat plenty since the torch and lantern parade on the town this evening will take a minimum of an hour. Plano ko sanang dalhin ka roon para makita ang taunang parada at para sana ipakilala ka na sa buong bayan bilang mapapangasawa ko. But it seems, you are thinking something. What's with the solemn seclusion of body and soul? Are you pertaining to our honeymoon already, Darl?" Pakiramdam ko binudburan ng libong pakete ng chilli powder ang buo kong pisnge. Nag-iinit ito ngayon dahil sa sobrang pagkapahiya! Ano na lang iisipin sa'yo ng mapapangasawa mo Milky? Na ganiyan ka ka-lecher? Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na magawa pang magsalita. Maski sagutin man lang ang tanong niya o kaya'y ipagtanggol ang sarili ko. Isang braso niya ang marahang pumupulupot sa likod ko. "Don't worry Darl, we only have to wait for a month and then after that, we can finally live as a happy married couple. Araw-araw kong ipadarama sa'yo kung gaano kita kamahal at gabi-gabi naman kitang paliligayahin gamit ang pagmamahal na iyon. Just be patient Darl, darating at darating din tayo diyan." Dapat ba kong ma-overwhelm sa sinabi niya? O lalong mapahiya? Matapos ng sinabi niya ay muli niya ng inasikaso ang pagkain ko. Ipinagsalin niya na rin ako ng tubig at juice. Siya na rin ang naglagay sa tasa ng slice of cake na dessert ko. Lahat na lang yata ng ulam inilalagay niya sa pinggan ko na tipong hindi na ito nababakante ng walang laman. Nahihiya naman akong hindi kainin dahil baka magtampo siya since asikasong-asikaso niya naman ako. Isa pa, ayokong sirain ang gana niya sa pagkain. Mas malakas pala kasi siyang kumain higit sa inaakala ko pero hindi naman halata sa nagsusumigaw niyang muscles at sa namumutok niyang eight pack abs. Again, Paano? "Uhm Gabu, baka naman tumaba na ko niyan. Ang dami mo na kayang nilalagay sa plato ko." Alma ko ng muli niya akong pinagsandok ng kanin at shrimp. "I will still love you completely and wholeheartedly even if you get some weight Darl. Kahit naman anong sukat at timbang mo ikaw pa rin iyan." Kulang na lang masama sa sinasandok niyang ulam ang puso ko na mabilis yatang umalpas mula sa dibdib ko dahil sa pambobola niya. Bakit ba satuwing bumabanat si Gabu lumuluwag ang garter ng panty ko? Sa pagkakaalala ko, branded naman ito. "See, I made you smile. That's my Darl." Chup At isang matunog na halik pa ang iginawad niya sa pisnge ko. "Gabu ano ba? Kumakain kaya tayo." Pagtatago ko sa kilig na nararamdaman. "So?" Napahalakhak na lang ako sa 'so' niya. Maya-maya pa ay inilapit niya ang hinlalaki niya sa gilid ng bibig ko para pahirin ang kumalat na sauce roon. "Ang cute mo talagang kumain." Nang-iinis pang sabi nito ng ngumuso ako. Napamaang ako nang isubo niya ang hinlalaking iyon at animo'y hinimod pa ang sauce na nakuha niya mula sa gilid ng labi ko. "Hmmm...sarap." Mistulang nasa commercial ng kung anong pagkain niyang sabi. Seryoso? Inaakit ba ako ni Gabu?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD