CHAPTER 11 - Clash of Clans

1463 Words
Alam ko namang hindi ko matatawagan si Mama sa pamamagitan lang ng pagtitig dito sa cellphone ni Gabu na nasa harap ko eh, pero hindi ko pa kasi talaga napa-finalize sa isip ko kung anong sasabihin ko. One hour of constructing my script is not enough specially kung ang nanay mo ay ang nanay ko. "Hingang malalim Milky, you can do this! You have to do this kung ayaw mong umaparisyon dito sa islang ito ang Sanbuenaventura Task Force International." Panghihikayat ko pa sa sarili ko. Well, that's the least na pinaka ayokong mangyari. Buong tapang ko ng inangat mula sa lamesa ang cellphone at tahasang pinindot ang call button sa numerong kanina ko pa nai-type sa speed dial. You're the light, you're the night You're the color of my blood You're the cure, you're the pain You're the only thing I wanna touch Never knew that it could mean so much, so much You're the fear, I don't care 'Cause I've never been so high Follow me through the dark Let me take you past our satellites You can see the world you brought to life, to life So love me like you do, Lo-lo-love me like you do Love me like you do, Lo-lo-love me like you do Touch me like you do, To-to-touch me like you do What are you waiting for? Fifty shades of gray? In fairness, pareho nilang paborito iyan ni Papa. Bakit kaya? "Sinabi ng hindi! Mangulit ka pa ng isa Miggy at ibabalik na talaga kita dito sa sinapupunan ko! Bakit na ang sutil-sutil mong bata ka!" Miggy? Mukhang hina-high blood na naman ng kapatid kong iyon si Mama. "Hindi po ito si Miggy M---" "Milky? Susme! Milky anak, ikaw ba iyan? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Nasaan ka bang bata ka? Anong nangyari sa'yo at maski kaluluwa mo ay hindi man lang nagpasilay sa kasal mo? Sinong kasama mo ha, si Lucifer ba o si san pedro? Nasa purgatoryo ka na ba? Lilitisin ka na ba? Anong hatol? Sumagot ka naman Milky! Kanina pa kita tinatanong!" Puwede bang mag-request sa author na palitan na lang ang nanay ko sa kuwentong 'to? "Baka gusto niyo po munang huminga at bigyan ako ng espasyo para makapagsalita naman po ako Ma? Seryoso? Saan po kayo nakakita ng purgatoryong may cellphone? Kahit po sa w*****d wala noon." "Pasensya naman ha! Nakakahiya naman kasi doon sa isa diyan na matapos ang mahigit isang buwan eh ngayon lang naisipang magparamdam! Buti pa iyong lola mong yumao gabi-gabing dumadalaw at nagpapalamig dito! Wala pa raw kasing aircon noong kapanahunan niya! Oh ano, magpaliwanag ka ngayon!" Paano ko ba ito uumpisahan? "Kamusta na po si Clyde, Mama?" Parang hindi naman iyan 'yong ni-rehearse ko. "Yown! Mabuti naman naalala mo pang may iniwan kang mapapangasawa sana. Ayon, daig pa iyong cast ng train to busan, the flu at derange sa sobrang hagardo versosa! Kung hindi lang iyon guwapo baka napagkamalan na iyong zombie sa part two ng tubusan! Alam mo bang hindi noon sinipot iyong concert nila sa Taiwan? Pati ilang mga mall shows at guesting dito sa Pinas eh missing in action din siya! Ano ba kasing eksena mo anak ha? Nauntog ba iyang ulo mo sa septic tank kaya nagkandalabo-labo? Aba! Baka gusto mo ng umuwi at ayusin itong gusot na iniwan mo dito! Maawa ka naman kay Clyde anak! Mamaya magbigti na lang bigla iyong batang 'yon!" Parang isa lang naman iyong tanong ko? Bakit para yatang nanganak ng isang dosena ang sagot ni Mama? Pero si Clyde, hindi umattend ng concert nila sa ibang bansa? Para tuloy akong tinurukan dito ng isang bag ng guiltiness. "Exactly Mama, mas maraming kailangang unahin si Clyde. Hindi po ba masiyado pang maaga para isabit natin siya diyan sa kasal na gusto niyo?" Wala naman talaga akong pake sa mga dapat munang unahin ni Clyde sa buhay niya. Wala lang kasi talaga akong maisip na rason na puwedeng ipantapal sa sitwasyon ko ngayon. "Hindi ba parang umislowmo ka sa part na iyan? Ba't hindi mo iyan naisip idahilan ng kausapin ka ng Papa mo? Tantanan mo ko Milky! Alam kong humahanap ka lang ng lusot! Umamin ka nga, bakit ka ba talaga umalis ha?" Daig niya pa si Boy Abunda kung maka-hot sit. Kung may most paranoid award sa mga nanay, baka si Mama na lahat ang humakot. "Mama, hindi ko pa po puwedeng sabihin ngayon. I'm so sorry po. Paki sabi na rin po yan kay Clyde. Sana po mapatawad niyo ako sa desisyon kong ito. Baka po matagalan bago ako makabalik diyan. Sana po maintindihan niyo ko. Mahal na mahal ko po kayo, kayo nina Papa." Agad ko ng ibinaba ang tawag matapos ng huli kong minsahe. Tinanggal ko na rin ang sim card at walang pasintabi itong pinutol bago pa man ulit ako ratratin ni Mama ng sambakol na tanong. Alam kong mali na itong ginagawa ko. I'm being selfish for the third time. Una, hindi ko pinakinggan sina Mama. Pangalawa, isinawalang-bahala ko na lang ng basta-basta si Clyde at pangatlo, itinapon ko lahat ng bagay at lahat ng taong may pakialam sa'kin. Makasama lang si Gabu. Iba na ang sitwasyon ngayon kumpara sa kami labing-anim na taon na ang nakakalipas. He wasn't the same JG na kilala ng lahat. Hindi na siya si Jince Gabriel Tanzanilla, siya na ngayon si October Heartfeelia. Mula sa angkan ng masasamang vigilante na naging dahilan ng minsang pagkakabuwag ng emperyo ng Octagon. Ang emperyong pinamumunuan ng aking angkan. Gabu already explained me everything a while ago. Dahilan kung bakit ako humantong sa pamimili sa pagitan niya at sa pamilya ko. Hindi ko puwedeng ipilit pareho dahil posible lang itong magbunsad ng panibagong sigalot at sagupaan sa pamilya ko at pamilya niya. Kaya pala pamilyar noong umpisa pa lang ang bago at totoong apelyido niya dahil minsan na pala itong nabanggit sa akin ni Papa noong inusisa ko ang kuwentas niya. Hindi nga lang buo at detalyado. Ang kuwentas na iyon na hugis hiringgilya kung saan nakaukit ang pangalan ni Papa ay nagmula mismo sa lola ko, ina ni Papa. Ito ang dating simbolo ng orihinal na emperyo ng Octagon. Lahat ng angkan na nasa Octagon Empire ay mayroon noon, kabilang na ang mga Heartfeelia. The recent Octagon Business Empire, the Sanbuenaventura, Al Capone, Maximum, Nyhan, Villafuerte, Davis, Hernandez and Ideo, wasn't the original. Sa orihinal na balangkas ay hindi nabibilang ang angkan ng mga Ideo sa nasabing emperyo. It was the Heartfeelia Clan who completed the list BEFORE. Sa sinaunang Emperyo, walang kinikilalang pinuno o pinaka malakas. Pantay-pantay lamang noon ang kapangyarihan at karapatan ng bawat angkan. Tahimik, payapa at walang kahit na anong iringan. Hanggang sa napagdesisyunan ng lahat na magluklok ng angkang mamumuno dahil sa pagkakaroon ng gulo sa hilagang parte ng mundo kung saan kalat din ang kanilang negosyo. Ito ay upang mapatibay pa ng husto ang samahan at magkaroon ng iisang batas na sasang-ayunan ng lahat. Dito na mag-umpisa ang gusot. Ginawa ng Heartfeelia lahat ultimo pandaraya para lamang mahikayat ang pitong angkan sa Emperyo na sila ang iboto, ngunit sa huli nagkasundo ang lahat na ibigay ang kanilang panig sa Sanbuenaventura. Heartfeelia was eaten by anger, disappointment and hatred which lead them to conduct a strike that started the war throughout the whole Empire. Isang madugo, marahas at kahindik-hindik na digmaan ang naganap sa pagitan ng pitong angkan at mga Heartfeelia. Dahil di hamak na mas marami ang alyansa ng nagkakaisang Emperyo kaya sa huli ay natalo ang mga Heartfeelia at tuluyan itong itiniwalag at itinakwil ng Octagon Empire. Simula noon, kumilos na ng mag-isa ang mga Heartfeelia. Natuto silang pasukin ng palihim ang mga ilegal na gawain para lamang mapanatili ang kanilang yaman at lakas. They assembled the 'Syringe Society' which is a hidden organization that protects all the illegal activities we have inside and outside the country. Dalawa lang ang requirements nila upang makapasok ka sa samahan. Una, may pera kang pambayad ng butaw na nagkakahalaga ng bilyones at pangalawa, kaya mong magbigay ng karagdagang proteksyon. Karamihan sa mga nagbibigay ng butaw ay mga negosyanteng sangkot sa kalakalan ng ilegal na gamot at mga sindikato habang ang nagbibigay naman ng karagdagang proteksyon ay mga taong nasa katungkulan gaya ng mga opisyal ng gobyerno kasama na ang nasa kapulisan at sundalo. Kilala ang mga Heartfeelia sa mga marurumi nitong gawain, kabaliktaran sa malinis na reputasyong pinangangalagaan ng aking pinagmulang angkan. Mga bagay na kung pagtatagpi-tagpiin mo, literal na masasabi mong LANGIT at IMPYERNO ang pagitan ng pagmamahalan namin ni Gabu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD