CHAPTER 12 - I miss you like crazy

1543 Words
"Huwag ka ng masiyadong malungkot. Papangit ka niyan." Nasa dalampasigan kami ngayon at pinagmamasdan ang mga mumunting alon sa karagatan habang magkatabing nakaupo sa malambot at pinong buhangin ng isla. Papalubog na ang araw kaya kulay kahel na ang buong paligid ngunit kitang-kita pa rin sa mukha ko ang pagkabahala. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko kung tama ba talaga ang ginawa kong desisyon kanina. "Ito kasing nilalakad ng isip ko, malayo sa itinatakbo ng puso ko." Natawa ito sa sinabi ko saka ako inihilig sa bato-bato niyang dibdib bago nagsalita. "Bugtong ba iyan Darl?" Marahan ko itong hinampas sa dibdib at sinimangutan. Ang tigas. "Kasi naman eh, todo effort itong konsensya ko sa pagbagabag sa'kin. Nagi-guilty ako sa naging pasya ko pero ito namang puso ko, tila panatag naman. Ni hindi man lang nakakaramdam ng kahit anong pag-aalala." Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi mag-travel, mag-stay sa malalayong lugar at maghanap ng adventure sa buhay. Para bang laging kating-kati itong mga paa ko na pumunta sa kung saan. Kahit nasa bahay ako, maya't mayang may nag-uudyok sa'kin na lumisan. Para bang may kung ano akong hinahanap. Para bang palaging may kulang. Sa loob ng dalawampu't-tatlong taon, paulit-ulit ko iyong nararamdaman. Pero simula ng makita ko si Gabu kahapon, parang may bigla na lang nag-iba sa pakiramdam kong iyon. Ngayon tila naman ayoko ng umalis sa tabi niya. Daig ko pa ang nauupos na kandila satuwing hindi siya mahahagip ng mga mata ko. Kung puwede nga lang na ikadena ko na lang siya sa katawan ko baka ginawa ko na. A very different and unusual feeling na ngayon ko lang yata naramdaman. Hindi naman kasi talaga ako clingy na uri ng babae noon pa man. Does this mean that all the time, si Gabu ang hinahanap kong kulang sa'kin? "You know what Darl, one thing I've learned throughout my struggles in life within thirty years was that always treasure my moments together with you. Spend it to the fullest because nothing is consistent. Puwedeng kasama kita ngayon pero bukas makalawa magkakahiwalay ulit tayo. Kahit gaano natin piliting hindi malayo sa isa't-isa, there are still inevitable challenges that would come and will prevent us from keeping each other. Kaya sana habang magkasama tayo, huwag muna natin isipin ang mundo. Ang isipin lang natin iyong tayo. Kung paano natin susulitin ang bawat araw para maging masaya tayo pareho. Puwede ba iyon, Darling ko?" Spend our moments to the fullest? Kung mayroon man akong pinagsisisihan sa buhay ko ngayon, iyan na siguro iyon. Marami akong pagkakataon noon para enjoyin ang mga araw kasama siya, pero pinalampas ko dahil palagi kong iniisip na bata pa naman kami at marami pang oras. Tama si Gabu, hindi namin kayang tukuyin ang panahon. Ngayon desidido na ako, tama ang pasiya ko. Mananatili ako rito sa isla, susulitin ang bawat araw kasama ng lalaking isinisigaw ng puso ko noon pa man. I intensely look straight to his eyes and let my heart speaks the answer. "I will, I always will. Para sa lalaking mahal ko. Para sa'yo Gabu." ------------------------------ Kung kaya ko lang lumubog papunta sa ilalim nitong kamang hinihigaan ko ngayon baka ginawa ko na. Si Gabu kasi, bigla-bigla na lang namamasok ng kuwarto. Take note, ng walang pang-itaas. Anak ka naman ng tokwa't baboy oh! Gusto niya ba akong maglaway ng wala sa oras? His well defined biceps and triceps. Broader shoulder. Firmer chest. That eight popular muscles in his stomach and his V torso. Juicemiyo! Unlimited rice of Mang Inasal where are you? Papalapit ang troso! At walang sabi-sabing nahiga sa tabi ko? Anong pauso nito? "Anong ginagawa mo dito Gabu?" Don't tell me, dito niya planong matulog? "I'm going to sleep here again." Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Nalintikan na! "What? Anong dito ka matutulo-----teka, saka anong again!" Tila kinutuban ako bigla. "Remember last night, ikaw pa mismo nagyaya sa'kin na tabihan ka? Ayoko lang na magmakaawa ka ulit kaya kusa na kitang pinuntahan dito." Sinasabi ko na nga ba! Ibig sabihin hindi lang pala ako nananaginip kagabi? Nakakahiya ka Milky! Dapat sayo itinatali sa poste ng kuryente! Speaking of kuryente. Thousands of voltage yata ang biglang dumaloy sa katawan ko ngayon. Ito kasing si Gabu, yakapin daw ba ako ng mahigpit. Nakasiksik lang naman ako sa matigas niyang dibdib habang nakapulupot ang magkabila niyang braso sa'kin. Isa sa ilalim ng ulo ko at ang isa naman sa katawan ko. Plano niya ba akong i-suffocate sa kasiya-siya at ubod ng bangong amoy niya? "Hmm. I really love your delightful, soothing and luscious scent Darl. Ang sarap mo." Ano to, talk dirty to me? "Ang sarap mong amoy-amuyin." Ahhh. Amuyin naman pala. Ito kasing utak ko bumiberde. Pero wait a minute. Nakikiliti ako si pinaggagagawa ni Gabu. Pilit nitong isinisiksik ang mukha sa leeg ko. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? "Gabu, tigilan mo nga iyan! Uupakan kita! Isa!" Agad naman siyang tumigil ng magsimula na akong magbanta. Tatawa-tawa ito habang pinagmamasdan ang reaksyon kong napipikon. "So ikaw pa rin pala talaga ang dominante sa'ting dalawa? Kawawa naman ako niyan Darl. Baka habang buhay na akong hindi makaiskor." Nagpapaawa pa nitong sabi. "Anong makaiskor? Ano ka si Michael Jordan? Hindi ka basketball player kaya manahimik ka Gabu! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka!" No choice, kailangan galit-galitan effect kun'di maagang mawawarak ang balon ng kaperlasan. Sumiksik na ulit ako sa dibdib niya at nagkunwaring tulog na kuno. Dahil nga nagpapanggap ako kaya hindi ko na pinansin pa ng ilapat niya sa likod ko ang isa niyang palad. Humahaplos-haplos ito roon na animo'y nagpapatahan ng bata. Maya-maya pa ay may narinig akong mahinang paglagitik. At doon ko na naramdaman ang pagluwag sa aking bandang dibdib! Mabilis akong lumayo sa kaniya at nataranta. "Ano bang ginagawa mo Gabu!" So hindi niya pala talaga ako hinahaplos? Kinakapa niya kanina kung nasaan ang hook ng suot kong bra! "Relax. I'm not gonna do something naughty Darl. Di'ba sanay kayong mga babae na natutulog ng walang bra? Gusto ko lang na matulog ka ng kumportable." He has a point. Sanay naman talaga akong matulog ng walang brassiere, kaso..ng may katabing lalaki? Seryoso? Ikaw naman kasi Milky! In the first place, bakit mo siya hinayaang matulog sa tabimo? Malandi ka rin eh! Ikaw ba naman tabihan ng isang adones kung magagawa mo pang mag-inarte! "Promise, I won't mind." He won't mind naman daw eh. Tumalikod ako at maingat na tinanggal ang brassiere ko. Isiniksik ko ito sa drawer sa tabi ng kama at muling bumalik sa pagkakahiga. Nailang tuloy ako bigla ng yakapin niya ulit ako. Huwag naman sana niyang gatungan pa ang sitwasyon kun'di, sa sahig talaga ako matutulog. Alam ko naman kasing ramdam niya sa bandang tiyan niya ang pagkakalapat ng dibdib ko. "Throw all your worries Darl. Sleep well and just dream of me." Agad napawi lahat ng isipin ko dahil sa sinabi niya. Kaso, hindi na yata ako sanay matulog ng hindi kinakantahan. Si Clyde kasi eh, masiyado akong sinanay. I used to call you my girl I used to call you my friend I used to call you the love The love that I never had When I think of you I don't know what to do When will I see you again After few minutes, bigla akong may naulinagang kanta. Kasabay nito ang pag-vibrate ng katawang kayakap ko. Kumakanta si Gabu? Iba sa boses na palagi kong naririnig ngunit katulad ng kanta ni Clyde, malamig ang himig at masarap sa pandinig. I miss you like crazy Even more than words can say I miss you like crazy Every minute of every day Girl I'm so down when your love's not around I miss you, miss you, miss you I miss you like crazy You are all that I want You are all that I need (you are all that I need) Can't you see how I feel Can't you see that my pain's so real When I think of you I don't know what to do When will I see you again I miss you like crazy Even more than words can say I miss you like crazy Every minute of every day Girl I'm so down when your love's not around I miss you, miss you, miss you I miss you like crazy I miss you like crazy Even more than words can say I miss you like crazy Every minute of every day Girl I'm so down when your love's not around I miss you, miss you, miss you I miss you like crazy I miss you like crazy I miss you like crazy I miss you like crazy I miss you like crazy Bago ako tuluyang maglakbay sa dreamland, naramdaman ko pa ang paghalik nito sa ulo ko at mga huling salitang kaniyang binitawan. "Goodnight Darl. I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD