CHAPTER 10 - Revelations

1347 Words
Hindi siya ang lalaking mahal ko? Eh kung dukutin ko kaya palabas itong puso ko, biyakin at pagkatapos ibuyangyang sa mukha niya kung sino ba ang higit na itinitibok nito? Tang ina niya para magmarunong at pangunahan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko! Now that I am seeng him again in person, alam ko na ang rason kung bakit hindi ako sigurado sa pagpapakasal ko kay Clyde. "Sa loob ng mahabang panahon, wala akong ginawa kun'di tignan ka mula sa malayo. Panuorin lahat ng ginagawa mo, lahat ng tagumpay na nakakamit mo at bawat pagngiti ng mga mapupula mong mga labi. Letting this heart of mine fly into a rage and beats countless times. I tried to reach you by sending you gifts during those special occasions and even just a regular days. Dahil sa tingin ko, sa ganoong paraan lang ako makakabawi sa mga panahong wala ako sa tabi mo." So he's really the one who sent me those things? Siya pala ang matagal ko ng anonymous admirer? "Kabaliwan na kung kabaliwan, pero dahil sa takot ko na mapunta ka sa kung sino lang kaya maski pagtataboy sa mga manliligaw mo ginawa ko. I threatened most of them and bribed the others just to desist you and stop their nonsense courtship." At siya rin ang nambabarako sa mga manliligaw ko? Kaya naman pala bigla na lang silang tumitigil sa panliligaw ng walang dahilan. Iyong iba pa nga kung iwasan ako daig ko pa ang may nakahahawang leprosy samantalang noong nakaraang araw lang nagtapat ng pag-ibig sa'kin. Lahat tuloy ng luha ko dahil sa pinagsasasabi niya umurong na lang na parang ulo ng pawikan. Animo'y metabolism na bumabagal sa pag-digest ang utak ko sa dami ng pagsisiwalat na nagaganap. "Until that Clyde Mcbride penetrated the picture. I thought he was just the same of your former suitors but he wasn't, because as the days goes by, he continuously made you smile. Satuwing napapangiti ka niya, katumbas noon ang tatlong beses na sakit na dumadarag sa dibdib ko. Mga bagay na hindi ko kayang gawin dahil sa pananatili ko sa malayo. Watching you getting closer to him after you came back from your medical mission in Paris, I have no choice but to accept the fact. The only truth that you already fall for him. 'Yes, I already fall for him pero mas nauna ng nahulog itong puso ko sayo na nagkalasug-lasog na lang dahil hindi mo naman sinambot!' Gusto kong sabihin sa kaniya iyan, pero nawawalan na naman ako ng lakas para sumabad. "And then my biggest nightmare smacked me when the news of you getting married to that guy exploded. Doon mas naging malinaw na sa'kin ang lahat. Na posible ngang mahal mo na siya at wala na akong pag-asa. I've seen how you exerted effort during your wedding preparations. Shedding everything just to make that day perfect and successful. Those actions sent me the message to stop my lunacies already. Accept the most painful reality, endure the aches and adversities of letting you go. Handa na sana akong tanggapin lahat at hayaan ka na lang na maging masaya, kaso nangialam naman si Ate Janry. I know this would only bring you headaches pero, gusto ko pa rin malaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Kahit hindi mo suklian, kahit hindi mo sagutin, basta gusto ko lang marinig mo mismo mula sa bibig ko." Saglit muna itong natigilan bago yumuko. "Mahal kita Darl, mahal na mahal. Higit pa sa kaibigan at higit pa sa anumang iniisip mo." Mahina ngunit sapat lamang para marinig ko. Imbes na saya, sakit ang naramdaman ko ng makita ko ang dahan-dahang pag-alog ng mga balikat niya. My prediction was confirmed when after few minutes, he already raised his head. Showing his eyes that's full of tears. Pumipiyok at nanghihina niyang sinabi ang mga sumunod na salita na tila humimay naman sa buo kong kalamnan. "Sobra kitang mahal Darl, kaya ayokong pilitin ka para mahalin ako pabalik pero sana...sana lang, dumating din ang araw na matututunan mo akong mahalin." Mabilis siyang tumalikod sa direksyon ko matapos noon. Akala ko dati, masakit na sa kalooban ng minsang makita ko ang likod ni Clyde na unti-unting lumiliit sa paningin ko pero mas masakit palang makita ang likod ni Gabu sa parehong sitwasyon. Dahil sa pinaghalong kirot, inis at pagkayamot, hindi ko na napigilan pa ang mga kamay ko na hubarin mula sa paa ko ang isang sapatos at deretsyong ihagis ito sa mismong ulo ni Gabu. Dinig na dinig ko pa ang lakas ng tunog na ginawa nito ng tumama ang suwelas sa likod ng kaniyang ulo. Gulat namang muling humarap si Gabu baon ang magkasalubong na kilay at nagtatakang mukha. "What the f**k is that Darl?" Mababakas ang disgusto sa tinig nito ngunit hindi ito sapat para mapigilan pa niya itong bibig ko na ibuga ang mga katagang kanina ko pa sana gustong sabihin. "f**k you too!" Halos sumayad sa lupa ang panga niya ng sabihin ko iyon. "f**k you but I love you! Narinig mo! Oo, mahal din kita Gabu! Mahal na mahal! s**t lang kasi hindi ko agad naamin sa sarili ko dati pero ngayong nandito ko na, malinaw na sa akin lahat. Mahal kita, matagal na!" Sa sobrang lakas yata ng pagkakasigaw ko, pati mga isda sa dagat nayanig at nagambala. Pareho kaming nabato sa kinatatayuan namin matapos ng pag-amin ko. Tanging mga huni lamang ng ibon ang maririnig sa buong paligid. Hindi rin nagbibitiw ang tingin namin sa isa't-isa at mistulang nagpapakiramdaman lang kung sino ang unang gagalaw. Hanggang sa tunguhin na ni Gabu ang puwesto ko ng may malalaking hakbang. Blangko lang ang reaksyon nito at walang sabi-sabi niyang kinabig ang batok ko para pagdikitin ang aming mga labi. Imahinasyon ko lang ba, o totoong may nagaganap na fireworks display sa paligid? Pakiramdam ko ay bolta-boltaheng kuryente ngayon ang naglalakbay mula sa mukha ko patungo sa kasuluk-sulukan ng katawan ko. Para akong lumulutang habang nag-aalboroto ang milyong bilang ng paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ganito pala ang pakiramdam. Kakaiba, banyaga ngunit masarap. Totoo pala ang kasabihang 'napakatamis ng unang halik.' Sa tindi ng sidhing bumabalot sa akin ngayon, kusa ng sumara ang pareho kong mga mata para namnamin ang bawat sandali ng aming paglalapit. Mahinay ko ring pinaglakbay ang mga kamay ko patungo sa kaniyang leeg at doon kumapit para humingi ng suporta. Marahan, banayad at punong-puno ng pag-iingat. Ganiyan ko mailalarawan ang halik ni Gabu. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi at init ng hininga. Gayundin ang temperatura ng kaniyang magkabilang palad na nakakapit sa katawan kong damang-dama ang nakakadarang na init ng kaniyang katawan. Bagay na tuluyang nagpapawala sa lakas ko at nagpapahina sa magkabila kong tuhod. Sa halik na iyon inilabas namin ni Gabu lahat ng nagtatagong pagmamahal sa aming mga puso. We explore our feelings and let it regime the situation. Hindi ko kailangan ng experience para ibalik ang naturang intensidad ng kaniyang mga halik. Sapat na ang nararamdaman ko para kusa ako nitong tangayin sa tamang ritmo. Sa loob ng ilang minuto, nanuot sa puso ko kung gaano nga ba ako kamahal ni Gabu. Parehong sumilay sa aming bibig ang isang nahihiya ngunit wagas na ngiti ng maghiwalay ang aming mga labi. Kung hindi lang siya nakatingin at nakikinig, baka tumambling na ako rito't nagtitili dahil sa overwhelming na kilig. Grabe, iba pala talaga ang pakiramdam ng hinahalikan. Masaya ako dahil si Gabu ang unang nagparamdam sa'kin nito at sisiguruhin ko rin na siya ang magiging huli. "Can I hear that again?" Pagbasag nito sa naglalakbay kong isip. Muling nagkagulo lahat ng ugat at arteries sa palibot ng puso ko bago ako nakasagot. "Ang sabi ko, I love you. I love you so much Gabu." And for the second time, he conquered my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD