CHAPTER 13 - Calendar siblings

1302 Words
October Everyone was stoop whenever I passed them as a sign of respect. Masakit man sa loob kong pansamantalang iwan ang babaeng mahal ko, ngunit kinakailangan kong dumalo ngayon sa biglaang pagpupulong na ipinatawag ni Ama. We are now gathered to the center hall found on the secret hideout of Syringe Society. Sa una aakalain mong isang abandonadong gusali ang sasalubong sayo pero sa oras na pumasok ka at tahakin ang elevator pababa ay saka mo mapapansin na nasa underground ka na ng isang malaki, malawak at marangyang gusali na mabusising itinayo sa mismong ilalim ng lupa. This hideout has been establish more than an eight decades already and was first headed by my great grandfather. Sa panahon noon ng grandfather ni Ama nagsimula ang nabanggit kong digmaan kay Darl sa pagitan ng mga Heartfeelia at Octagon Empire. As the recent set of Heartfeelia Clan, the Calendar Siblings marked our history. Labing-dalawang magkakapatid na pawang mga bayarang mamamatay-tao. Tinuruan, sinanay at hinubog upang maging magaling, malakas at walang kinatatakutan simula ng magkaisip hanggang sa tumanda. Our services are worth millions. Milyones ang kailangan mong iluwa para iligpit namin ang basurang nais mong mawala at maabo sa dump site. Usually of our clients are politicians and business personalities. Walang mintis, walang duda at wala maski gatuldok na ebidensya, ganiyan kami magtrabaho kaya sulit ultimo sentimo ng ibinayad mo. Kalahati sa kinikita naming magkakapatid ang siyang bumubuhay sa organisasyon, habang ang kalahati naman ay pakonsuwelo de bobo na sa'min mismo. Bahala na kami kung anong gagawin namin sa kinikita namin. This was also the reason why other well known beings in the society and syndicates are left with no choice but to join our secret organization. May batas kasi kami na hindi maaaring galawin kapag miyembro ito ng aming samahan. For their security purpose, another income entered us. Ito ang dahilan kung bakit hindi kami nalulugi at kumikita ng nakalululang laki ng halaga. Nakasanayan ko na ang ganitong estilo ng pamumuhay simula ng mapadpad ako sa poder ng aking ama. Sa mundong ginagalawan ko ngayon, hindi puwedeng mangibabaw ang pagdadalawang-isip at awa. Matira matibay kumbaga. Karangyaan ang hatol sa mga malalakas, habang kamatayan naman para sa mahihina. I already have this kind of sinful hands. Makasalanang kamay na kumitil na ng hindi mabilang na buhay. Isang bagay na kahit anong gawin ko, hindi ko na maitatanggi pa. I was left with no option considering my situation when my father found me sixteen years ago. I had to bare the dark and live with hell to be able to fulfill my promise to the woman I love the most and more than my life. Alam kong maaari niya akong isumpa at kamuhian sa oras na malaman niya ang totoo kong trabaho. Pero hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ngayon ang totoo. Hindi ko pa kayang malayo siya sa'kin at tuluyan akong itaboy papalayo. Malinaw sa'kin na ikababaliw ko iyon, dahil buong buhay ko...wala akong inisip at minahal maliban sa kaniya. Siya lang ang importante para sa'kin. Siya lang ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Siya lang ang kailangan ko. Siya lang. "What's the reason of this unexpected assembly?" My attention was back to reality when Ate February ask a question. Magkakatabi lang kaming magkakapatid sa iisang mesa kaya naririnig ko ang bawat sinasabi nila. "I don't know either Ate Feb. Sa pagkakaalala ko matagal na akong retirada kaya bakit pa ko nasali sa ganitong uri ng pagpupulong?" Iritadong sagot ni Ate March. Sa aming lahat, si Ate March ang may pinaka maiksing pasensiya kaya natural lang ang naiinis na mukha sa kaniya. Kabaliktaran siya ni Ate Feb na reserve at palaging nakangiti. "Baka may Christmas Bonus. Yay! Datong na naman itech!" Si Ate April naman ang pinaka kalog at kengkoy. "Upakan kaya kita diyan Ate April! Anong Christmas Bonus eh matagal ka ng resigned! Nakakuha ka na nga ng back at separation p*****t! Gusto mo ihampas ko iyang mukha mo sa haligi nitong pasilyo!" Well, as you can see...si Ate June ang pinaka barako. Boyish kung kumilos at sisiga-siga pero babae pa rin naman. "You're so mainit ang ulo June...that can make you pangit. Sige ka, your asawa will gonna leave you na. Look at me, I still look in mid twenties rather than thirty-five. Im so relax kasi. What do you think July?" Si Ate May naman ang pinaka maarte at vain sa lahat. "Yeah." One liner word? Si Ate July iyan. Masuwerte ng marinig mo siyang nakatapos ng isang sentence sa loob ng isang araw. She preferred listening instead of sharing her thoughts. "I believe that this one deals with something important. Hindi tayo ipapatawag ni Ama if it doesn't concern us. My first idea is that he's about to announce his withdrawal from the position due to his age and my second guess is, he's about to choose his successor already." Considered as the most knowledgeable among the Calendar Siblings, it's Ate August. Siya ang ulo sa likod ng mga makabagong chemical na hinahalo sa droga ngayon na ayon sa talaan ay siyang pinaka mahal na uri ng mga ilegal na bato. "Withdrawal? Eh wala namang Bangko dito Ate August. Saka, parang wala namang ATM si Ama. Panay cash iyon eh." Sorry for my words, pero si Ate September ang pinaka tanga sa'min. Slow siya kung mag-isip at padalos-dalos. Pag sinabing patayin, papatayin. Iniisip ko nga, hindi kaya nakakatsamba lang siya sa mga tinatarget niya? "Shut up na lang Ate Sep. Nakaka-excite naman. Ngayon na mismo pipili si Ama ng papalit sa trono niya." Si December naman ang pinaka masayahin sa lahat. Hindi siya kasing komplikado mag-isip ni Ate August at kasing babaw naman ni Ate Sep. Tama lang, siguro dahil siya rin ang pinaka bata. "Maglatag nga kayo ng red carpet sa harap. Nandiyan na ang prinsesa ng mga palaka. Puma-frog entrance." As usual, si Ate Janry ang pinaka isip-bata sa kabila ng katotohanang siya rin ang pinaka matanda. Mabuti na lang walang tumulad ng kasaltikan sa kaniya. Nakaingos na naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Decem ang kadarating lang na si November. Inirapan kami nito saka itinuon ang paningin sa harap. Sa aming labing-dalawa, si Novem ang pinaka masungit, mataray at mailap. Tanging si Decem lang ang nakakasundo nito. Maybe because silang dalawa lang ang buong magkapatid sa aming lahat. Meaning, labing-isang babae ang naanakan ng aming Ama, at wala maski isa doon ang nanatili hanggang ngayon. Simula rin kay Ate Janry hanggang kay Novem, isang taon lang ang mga pagitan namin. Si Ate Janry ang pinaka matanda sa edad na tatlumpu't-siyam. Exactly thirty years old ako, twenty-nine si Novem at twenty-seven naman si Decem. Tatlo pa lang ang mayroon ng pamilya at retirado sa'min na pawang sina Ate Feb, Ate March at Ate April. Pareho namang may mga anak na sina Ate May, Ate June at Ate July ngunit hindi pa kasal sa mga kinakasama nila at patuloy pa ring nagtatrabaho dito sa Syringe Society. Habang pareho namang single mother sina Ate August at Ate September. Certified single naman at NBSB sina Novem at Decem. We have different views, attitudes and ways of living pero magkakasundo naman kami, maliban sa isa. Siguro naman alam niyo na kung sino. All of them except to Novem, welcomed me wholeheartedly before. Sila pa mismo ang nagturo at umalalay sa'kin noong mga panahong naninibago pa lang ako. Maybe on the eyes of everybody, we are just a cold hearted killing machine pero sa paningin namin, magkakapatid kami na kinakailangang magtulungan kapag nagigipit ang isa. We are the weirdest family you've ever meet, because we are the toughest, strongest, bravest and most powerful siblings that exist. We are...the Calendar Siblings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD