CHAPTER 7 - Gorgeous body with tattoo

1262 Words
Ang bango. Ang sarap-sarap naman ng amoy. Para tuloy tinatamad akong bumangon, lalo pa't ang ganda ng panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko raw na nandito si Gabu at niyaya ko siyang matulog sa tabi ko. Parang noong mga bata pa kami. Gawain kasi namin iyon noon satuwing mapapagod kami sa paglalaro at paggawa ng mga assignments at projects. Isang napaka gandang panaginip. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kung anong mainit na bagay na nasa tabi ko mismo. It feels so good. Napapawi nito ang lamig ng paligid na marahil ay dulot ng air condition. Ang sarap namang matulog ng may ganito---teka, mainit na mabango? Imposible namang unan ito eh wala namang unan na may temperatura. Sininghot-singhot ko pa ito habang nanatili pa rin sa pagkakapikit ang mga mata ko. Nakakaadik naman ang amoy. Kaaya-aya sa ilong at dahil diyan ay mamaya na lang ako babangon. Pinayapa kong muli ang sarili at maya-maya lamang ay unti-unti ko na muling naramdaman ang antok. Makalipas ang isang oras. Nagising ako sa nakakakiliting pakiramdam sa leeg ko. May kung anong maliliit at tipid na mainit na bagay na dumadampi roon. Hindi ko tuloy maiwasang igalaw-galaw ang katawan ko lalo na ang balikat ko dahil sa kakaibang sensayon. Pero ano nga ba ito? Nananaginip pa rin ba ko? Ang yaman ko naman 'ata sa panaginip. Unti-unti kong iminulat ang aking paningin at kulang na lang magpantay ang mga paa ko sa sobrang gulat. Anak ka naman ng kuko sa apdo! Bakit may nakikita akong ulo? Mas naistatwa pa ako ng maramdaman ko ang labi nitong sumisipsip na sa bandang leeg ko. Susmita! Aswang ba ang isang 'to at sinisimulan niya ng papakin ako? Mabilis kong iginalaw ang pareho kong braso, inihawak sa nakapirming ulo at pabalibag na inalis ang nagpipyestang aswang sa drop dead gorgeous kong katawan. "What the f**k! What was that for, Darl?" Si Gabu ang aswang? "Gabu? Anong ginagawa mo rito? Saka, anong ginagawa mo sa'kin?" Inalis muna nito ang pagkakakunot ng noo bago tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig na kagagawan ko. "I was just, trying to wake you up? Gusto ko sanang sabay tayong mag-almusal." Wake me up? Sa pamamagitan ng paglapa sa leeg ko? Ngayon ko lang yata narinig iyon ah! "Ganon b---" Naputol sa ere ang sasabihin ko nang madako na ang mga mata ko sa kabuuan ng katawan nitong walang pang-itaas. Eight pack abs. Well toned muscles. Biceps. Triceps. And the clear V-line starting from his waist down to his lower abdomen. Kapansin-pansin din ang malaking tattoo niya sa kanang braso patungo sa kanang bahagi ng kaniyang leeg. Malaki iyon ngunit hindi ko maintindihan kung imahe ba ng ano. Drools. Pandesal, masarap na almusal sa agahan. I swallow hard as I continue to feast my eyes on the tantalizing body in front of me. Sa dalawampu't-tatlong taon ko sa mundo, ito ang unang beses na naakit ako sa katawan ng isang lalaki. Sa magandang katawan ng isang lalaki na nagkataong kay Gabu pa. "Hey Darl, are you fine? Natulala ka na." Nabalik ang atensyon ko sa mukha ni Gabu. Nag-aalala ang ekspresyon nitong pinagmamasdan ako. "Ha? Ah oo. Sige, una ka na sa baba. Susunod na lang ako. Maghihilamos lang muna ko." Tumango-tango ito bago tuluyang nilisan ang silid ko. Sa pagtalikod nito ay bumungad ang mas malaking tattoo na mukha ng isang tigre? Halos masakop na ng tattoo'ng iyon ang buo niyang likuran. Dati rati naman kapag nakakakita ako ng tatuan ang unang opinyon ko ay madumi sa mata, pero bakit iyong kay Gabu hindi naman? Ang lakas pa nga ng dating niya. Pero kailan pa siya nahilig sa tattoo? "Ahhh! Buwesit nman gatas---este Milky! Nakakahiya ka!" Kulang na lang mapatid ang litid ko sa kakasigaw dahil sa sobrang kahihiyan! "Nasaan na iyong mayumi, propesyonal at may saltik---ay ano ba! Este kilos Sanbuenaventura'ng Milky? Natapat lang iyang mata mo sa katawang katakam-takam para ka ng nakulam!" Ngayon, sinasamahan ko na ng pagtalon-talon ang inis ko sa ibabaw ng kamang hinigaan ko. Manarism ko talaga ito kapag nabuburyo ako sa sarili ko...lalo na kapag gumagawa ako ng katangahan. "Hindi ka na nahiya! Ahhh---" Shoot! Sa kakatalon ko hindi ko na namalayang nasa gilid na pala ako ng kama kaya heto't na-out of balance ako. Babagsak ako sa semento! Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ang tuluyang pagtama ng katawan ko sa sahig. Nakalimang sigundo na yata ngunit hindi pa rin nararamdaman ng katawan ko ang malamig na sahig, bagkus ay tila mas uminit. "That was close. Ano bang ginagawa mo Darl? I thought you are attacked by someone or something because you're shouting so loud that's why I hurriedly came here. Then you are just alone all the time? Namamaligno ka ba?" Realization shoot me. Straight in the head. Kaya pala walang simento dahil mabilis akong nasalo ni Gabu. Ang bilis naman. Ano siya, si the Flash? Saka anong namaligno? "Hindi ah! Ano kasi, may gagamba! Tama, may gagamba kaya ako nagsisisigaw saka nagtatatalon!" Tumayo na ito mula sa bahagyang pagkakaluhod sa sahig habang buhat-buhat pa rin ako. "Tsk. Takot ka pa rin sa gagamba hanggang ngayon?" Sinasabi niya iyan habang naglalakad na siya palabas ng silid. "Gabu sandali lang naman! Ibaba mo muna ko!" Pansin niyo, ang hilig niyang buhatin ako? Mukha ba akong baldado? "Ang tagal mo, nagugutom na ako kaya sabay na tayong bababa." Seryoso ba siya? "Mauna ka na! Sandali na lang talaga ako promise! Ni hindi pa kaya ako naghihilamos o nagmumumog man lang!" Nakakahiya! Mamaya may panis na laway pa ko! Tumigil naman ito ng nasa bandang bungad na kami ng hagdan, ngunit imbes na ibaba ay tinitigan ako nito at inamoy-amoy. "You look and smell fine, you don't need those. Natural kang maganda at mabango kaya kahit bagong gising ka gan'on ka pa rin." Ang galing niyang mambola! Idol niya ba si Michael Jordan? Nang makaharap na kami sa hapag-kainan ay saka niya lamang ako ibinaba at pinaghila pa ng upuan sa tabi niya mismo. Naupo ako at doon ko lang napansin ang mga pagkaing nakahain sa harap namin. Sunog na itlog? Sunod na bacon? Sunog na sausage? At pati ba naman tinapay sunog din? Sino namang mahilig kay Michael Jackson noong hindi pa ito lumalaklak ng gluta ang may gawa nito? Sino at ihahampas ko sa kaniya itong plato at mangkok! "Magandang umaga sayo Ms. Milky. Mag-agahan na po kayo, ako ho mismo ang nagluto niyan." Bati sa'kin ni Mary. Nakatayo ito sa bandang gilid ng lamesa at nakangiti ng malapad sa'min. Wow ha! Proud pa siya ng lagay na iyan! "Magandang umaga rin sayo Mary. Wow, pang pelikula itong mga pagkaing niluto mo." Horror at suspense nga lang ang genre. Eh nakakatakot kainan! Parang lalaban kapag nginuya mo! "Salamat po sa papuri Ms. Milky." Papuri? Marunong ba siyang umintindi ng sarcasm? Nilingon ko si Gabu at mas ikinagulat ko naman ng makita kong nilalantakan na nito ang mga pagkain! Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang may nakaumang ng sunog na tinapay sa bibig niya. "Oh, bakit Darl? May problema ba?" Bahagya pa akong lumapit dito at binulungan siya. "Sunog iyan Gabu. Bukod sa mapait, masama rin iyan sa kalusugan." Nginitian lang ako nito bago nagsalita. "Hindi natin ito ikamamatay Darl. Mas ikamamatay natin kapag hindi natin ito kinain at nagalit si Mary." Si Mary? "Isa pa, sanay na ko. Sa loob ng ilang taon, araw-araw ganito ang almusal ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD