CHAPTER 6 - Never leave

1343 Words
Aanhin mo pa ang damo kung lahat na ng kalye sementado? Aanhin mo pa ang bibig ng baso kung lahat ng tao nag-iinarteng mag-straw? At higit sa lahat, aanhin mo ang palasyo kung pakiramdam mo mag-isa ka lang naman dito? Anong unfair ba ng mundo? Nandito nga ako, wala naman iyong taong gusto ko nasa tabi ko? "Naihanda na po ang tanghalian, kain na po kayo Ms. Milky." Buti pa itong si Virgin Mary----este Mary, sinasamahan ako. Inabot na kami ng tanghalin sa paglilibot-libot dito sa castle na ito. Well, iyong mga mahahalagang lugar pa lang so far ang pinuntahan namin. Gaya ng kuwartong tutulugan ko na akala mo naman kuwarto ni Barbie, punuin ba naman ng kulay puti at pink! May mga nakalutang pang mga lobo na mistulang nakadikit na sa kisame. Naaalala ko tuloy iyong bunso kong kapatid na si Merrideth, iyon ang mahilig sa mga ganoong kulay at lobo. Mayroon ding gym, record studio, music room, giant library, cinema theater, mala Tom's world na kuwarto, olympic size swimming pool, obstacle courses quarter, at napaka lawak na green house sa mismong loft ng mala-palasyong bahay na 'to. Maganda? Oo. Pero mas masaya siguro kung si Gabu ang kasama kong naglibot. "Mary, may number ka ba ni Gab---este ni Mr. O?" Subok lang. Baka sakaling mayroon. "Walang telepono sa lugar na ito Ms. Milky." Daig ko pa pala ang napadpad sa ika-isang daang siglo! Nakasimangot akong umupo sa harap ng mesang may habang sampung dipa yata pero mag-isa lang naman akong kakain. Mesa ba 'to ng bahay o mesa sa reception ng kasal? "Pero meron kami nito." Muling nabalik ang atensyon ko kay Mary ng magsalita ito. "Ano 'yan? Laruan?" Tanong ko ng bahagya nitong iabot sakin ang isang maliit na laruang hugis transmitter. Kasing haba lang yata iyon ng pang-gitna kong daliri. Take note, kulay pink din ito. Ano ba'ng mayroon sa kulay na iyan? Swear, I'm sick of that color! "Gaya ng iyong nakikita, isa itong signal transmitter. Kaya nitong makatawag at matawagan gaya ng sa mga orihinal na telepono. Kailangan mo lang ilapat ang kaangkupang prikwensiya at maaari mo ng makausap si Mr. O." Iyon naman pala! Ba't di niya agad sinabi? Mabilis ko itong hinablot sa pagkakahawak niya at kinalikot. Dahil likas akong matalino kaya walang kahirap-hirap ko itong nai-set sa tamang frequency. Pumailanlang muna ang tunog ng tila nilalamukos na papel bago sumilay ang boses na nagpabato sa'kin sa pagkakaupo rito. "The f**k! Did'nt I told anyone that nobody should call me in this hour!" Katahimikan. Matapos nitong simigaw ay nawala na siya sa kabilang linya. "Inakala niya sigurong isa sa mga tauhan niya ang nagtangkang tumawag. Pagpasensiyahan niyo na po si Mr. O, mainitin lang talaga minsan ang ulo niya lalo pa't mukhang may pinag-usapan sila ni Ms. Feb kagabi." Ms. Feb? Pebrero? So talaga palang galing sa kalendaryo ang mga pangalan nila? Pero grabe! Nakakatakot palang manigaw si Gabu! Ano nang nangyari sa Mr. Nice Guy at goody goody kong bestfriend dati? "Ano pa nga ba, eh wala naman akong magagawa. Ni hindi ko nga knows kung saang lupa siya umilalim ngayon. Anong oras ba umuuwi iyon?" Nagsasalita ako habang pinupuno ang bibig ko nitong nakahain sa harap ko. Pampatanggal man lang ng inis! "Malamang ay bago pa magdilim nandito na siya." Sana nga! Hmp! Pero hindi ko na yata maaantay pa ang pagbabalik niya. Para na kasing pinamugaran ng higad itong utak ko dahil sa labis na pagtataka. Kating-kati na akong itanong ang maraming bagay sa kaniya! Ano nga bang nangyari kay Gabu? Sixteen years siyang ipinagluluksa ng lahat then suddenly isang araw malalaman ko na lang na buhay siya, and the question to that bakit hindi man lang siya nagpakita? Bakit hindi niya ipinaalam sa pamilya niya sa Samar na hindi pa pala siya patay? Sino iyong mga nababanggit na pangalan gaya noong Mr. Memoir at iyang mga kale-kalendaryong pangalan na iyan? Anong kinalaman niya sa Syringe Society? Bakit iba na ang pangalan niya ngayon? Bakit din tila ang yaman niya na ngayon? At higit sa lahat, ano na kayang nangyari sa dapat sanang kasal ko? Jusme! Eh mahigit isang buwan na yata akong nawawala! Sino iyong nagdala sa'kin sa pesteng lugar na pinagbilhan sa'kin ni Gabu? Saka bakit nandoon mismo si Gabu? Ang dami kong tanong ngayon na kahit yata isulat ko sa manila paper at ipaskil sa lahat ng poste ay hindi masasagot hangga't hindi bumabalik si Gabu! 'Kasalanan mo iyan! Binanggit mo kasi 'yong tungkol sa kasal mo kanina! Ayan, naburyo tuloy kaya ka iniwan!' Eh kung ipatapyas ko kaya itong konsensya kong basta na lang pasok ng pasok? ------------------------------- October "Kanina pa ba siya tulog?" Mahinahon kong tanong sa kanang-kamay kong si Mary. "Magdadalawang oras na rin ho simula ng pumasok siya rito sa kaniyang silid." Matapos nitong magsalita ay sinenyasan ko na itong lumabas. Tahimik akong naupo sa gilid ng kamang hinihigaan ng aking reyna at mataman itong pinagmasdan habang natutulog. "Sorry." Maingat kong hinawi ang ilang hibla ng kaniyang buhok na bahagyang nakakalat sa napaka ganda nitong mukha saka masuyo itong hinaplos. "Sorry if I made you wait. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina. I'm really sorry, Darl." Isang matagal ngunit marahang halik ang iginawad ko sa kaniyang noo bago tuluyang lumayo ngunit hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay naramdaman ko na ang malambot na kamay na humawak sa mga daliri ko. "Gabu? Ikaw ba 'yan Gabu?" Mabilis ko itong nilingon at doon ko nakitang gising na ito ngunit tila wala pa sa huwisyo. Her hoarse voice of being newly awake is like a music to my ears which formed a smile into my lips. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag malapit lang sa'yo ang taong mahal mo at naririnig mo ang malamyos niyang boses? Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko kanina at ikinulong sa magkabila kong kamay ang isa niyang kamay na nakahawak sa'kin. "Sorry, did I wake you?" Para namang sinuntok ang dibdib ko ng sumimangot ito. "Kung hindi ako nagising, malamang ay iiwan mo na naman ako. Galit ka pa rin ba? Sorry na oh. Hindi ko naman sinasadya iyong kanina." Ramdam ko ang lungkot at katapatan sa tinig niya. Shit! Kasalanan ko kung bakit siya malungkot! Ang tanga mo October! Ang tanga tanga mo! "No, it's not your fault Darl. I should be the one to ask your forgiveness. Sorry kung basta na lang kita iniwan. Patawad. Pangako, hindi na 'to mauulit." Inilapit ko sa mukha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Tanda ng pangako ko. "Hindi pa rin ako kumbinsido. Baka paggising ko wala ka na naman at nag-teleport na lang kung saan-saan. Ang malala pa niyan baka abutin na naman ng taon bago ulit tayo magkita. Gabu. Please, huwag mo na ulit akong iiwan. Mas nakakaumay pa kasi sa matamis na kakanin ang sobrang pag-aantay." Her dread is the same as mine. Pangamba na muling mawalay sa isa't-isa. "I promise my Darling, I won't leave anymore. Not again. Not this time." Because you belong to me, and you're the most precious thing I will never let to disappear. "Dito ka na matulog, tabi tayo para masiguro kong hindi ka na talaga aalis." She's saying those using her cute pouty face. Of course, I don't have the right to refuse my beloved Darling. Nangingiti akong tumabi rito at ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng puso ko ng ihilig nito ang ulo sa aking braso at yumakap ng mahigpit sa katawan ko. She huddled her face onto my chest and because of her tight embrace, I now freely feeling her very smooth and delicate body. God, this is heaven. Her warmed send shivers to my spine, big time. This is the most delightful feeling I had during my existence, and I promise not to let go of this one. Never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD