CHAPTER 8 - January

1341 Words
Hindi pa kami tapos mag-agahan ni Gabu nang bumalik sa kusina si Mary. "Mr. O, narito po si Ms. January. Nais daw po kayong makausa----" Mary's words are cut when a screechy voice shouted. "Where is he? Ilabas mo siya Mary kung ayaw mong pasabugin ko itong palasyo niyo!" Sa sobrang tinis ng boses, hindi ko tuloy maiwasang magtakip ng tainga. "Stay here Darl. Kakausapin ko lang ang isang 'to." Sabi ni Gabu bago ito tumayo at lumabas ng kusina. "Sino ba iyon Mar--" Pati iyong itatanong ko kay Mary hindi ko na natapos ng muling umalingawngaw ang boses. "How dare you October! Bakit sa account ko kinuha ang kalahati sa ipambabayad mo sa subastahan? My gosh, that was twenty five million pesos! Puwede ko na iyon ipambili ng bagong luxury car at party dresses!" Kahit nahaharangan ng matibay at makapal na pader itong kusina ay hindi pa rin nito magawang pigilan ang pag-alpas ng nakabibinging boses. Sino ba kasi iyon? Daig niya pa ang kinakatay na biik sa sobrang ingay! Out of curiosity, hindi ko tuloy naiwasang sumilip sa pinto at magkinig sa usapan nila ng palihim. Si Mary naman nangingiti lang habang pinapanood ang kalokohan ko. Kulang na lang sumayad ang bibig ko sa lupa ng bumungad sa paningin ko ang isang manika? Isang buhay na manika. Nakasuot ito ng purong kulay puting bestida na hanggang pulso ang haba ng manggas. High cut white converse rubber shoes na nasa tatlong pulgada yata ang kapal ng suwelas. Mahaba ang medyo kulot at itim na itim nitong buhok na napapalamutian ng kulay puti at malaking laso. Hanggang mata ang tuwid na bangs na bumagay sa hugis puso nitong mukha. Puting-puti rin ang kulay ng balat nito katulad sa akin at sobrang cute ng maamo at maganda nitong mukha. Ang sarap namang pisilin ng magkabila niyang pisnge! Cuteness overload! "Why not? Sino ba ang may pasimuno ng kalukuhang iyon Ate Janry?" Ano raw? Ate? Ate Janry? Anong ate, eh mas matanda naman siya di hamak diyan! Halata namang bata pa ang cute na manikang kausap niya na sa tantiya ko nga ay malamang nasa sampu hanggang labing-dalawang taong gulang pa lang! Nasa four feet lang din ang taas nito kaya bakit naman ATE ang tawag sa kaniya ni Gabu?! Joke ba 'to? "What? Di'ba nga dapat magpasalamat ka pa? Because of my oh-so-brilliant idea, hindi natuluyang ikasal iyang baby darling mo roon sa Clyde Mcbride na iyon! Instead of saying thank you, you dared stole my money! That was bullshit!" What? Her brilliant idea? Ibig sabihin, ang batang 'yan ang may kagagawan ng pagkakakidnap sa'kin?" How? "The result of your plan is much bullshit than me stealing your money Ate Janry! You risked the precious life of my Darl! Isn't it enough na halos mabaliw ako ng ibalita sa'kin ni Mary ang kalokohang ginawa mo? You can do everything you want and play anyone's f****d up living but the life of the person I love must be excluded! Hindi mo siya dapat idinamay dito!" Parang kulog na biglang sumabog ang baretonong boses ni Gabu sa buong palasyo. Nangangalit ito at halata sa bawat salita ang diin. Kahit nakatalikod ito sa direksyon ko ay nakikita ko ang bahagyang paggalaw ng kaniyang mga panga na animo'y pinipigilan ang galit. Ganoon din ang mga kamao nitong para bang ano mang oras ay handa ng manuntok. Sino ba kasi talaga ang batang iyan? Paano niya nagawa ang lahat ng iyon sa kabila ng edad niya? Humalukipkip lang ito at nagpapa-cute na ngumuso sa harap ni Gabu. Seryoso? Hindi niya ba alam ang itsura ng taong galit? Kahit ako nakakaramdam ng pagkabahala at takot sa paraan ng pagsasalita ni Gabu. Nababahala ako sa posibleng gawin niya sa bata dahil sa sobrang galit niya. "Okay. So it's foul then? Sorry. Akala ko kasi matutuwa ka sa naisip kong plano. Sorry na October." Kahit naiinis ay hindi ko maiwasang makyutan sa puppy face nito. Para talaga siyang nagsasalitang manika! "Just, don't do that again. Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin kapag inulit mo pa 'to, Ate." Mahinahon na ngayon ang boses ni Gabu at nahinto na rin ang pagngingitngit ng kaniyang mga panga at kamao. Nang muli kong ibalik ang atensyon sa buhay na manika ay nanlaki sa gulat ang mga mata ko ng makitang sa akin na ito nakatingin ngayon. Ngumiti pa ito sa akin ng pagkatamis-tamis dahilan para lumitaw ang matatambok nitong check bone. Anak ka naman ng manikang pinaglihi sa labanos! Wala na bang iku-cute pa ang isang 'to? "She's gorgeous and stunning. No wonder why are you crazy and madly in love with her." Komento pa nito habang hindi inaalis ang mga mata sa direksyon ko. Automatic namang nag-init ang bawat sulok ng mukha ko hindi dahil sa papuri niya kundi sa ikalawa niyang pangungusap. Hindi ko tuloy agad napansin ang paglapit sa'kin ni Gabu. Inilahad nito ang isang palad sa harap ko na mistulang niyaya ako para sumayaw. "Come on, I'm going to introduce you to my eldest lunatic sister." Tinanggap ko naman iyon at iginiya niya na ako papalapit sa sinasabi niyang kapatid. "You can use the adjective alluring rather than lunatic." Nakangusong bungad na salita samin ng manika. "Darl, I'd like you to meet Ate January. The eldest daughter of Mr. Memoir Heartfeelia. Ate Janry, this is Milky Sanbuenaventura. My Darl." She extended her hand for a hand shake at inabot ko naman ito na bakas ang pagtataka sa mukha. "I do have a special kind of dwarfism disorder. Special because unlike other dwarfs, I don't look stocky. I just look like a twelve year old kiddo. That explains the obvious question on your pretty face Ms. Milky." Special kind of dwarfism disorder? Sa haba ng taong inilaan ko sa pag-aaral ng medisina, ito ang unang beses na napatunayan kong totoo pala ang inborn disorder na ito. She's the first species of human who have this in perfect appearance. Mukha lang talaga siyang bata. Ni isang kulubot sa mukha ay wala siya. "Oh, this is unbelievable...yet amusing." That's all I can say. Pati boses niya pambata rin at mas nai-emphasize iyon kapag iyong matinis at nagmamaktol na tinig ang gamit niya kagaya kanina. "I know right. It's fantastic! And you can also address me as Ate Janry by the way." Kaya pala Janry, short for January. At least hindi iyong first letter lang kagaya nitong si Gabu na Mr. O kuno. Bahagya naman akong yumuko ng senyasan ako nito na tila pinapalapit. "Huwag kang masiyadong lumapit diyan kay O. Alam mo bang matindi ang pagnanasa niyan sa'yo?" Kumunot ang noo ko sa ibinulong niya. "Malalaman mo kapag nakapasok ka na sa kuwarto niya." Sa kuwarto niya? Siguro naman walang picture si Gabu doon na nakasuot lang ako ng two piece swim suit. Well, may maipagmamayabang naman itong katawan ko. Kaso, hindi ba iyon awkward? Maya-maya lang ay may dalawang bisig sa balikat ko na marahang umaalalay sa'kin para muling tumuwid sa pagkakatayo. "Don't dare poisoning my innocent Darling Ate Janry. Do you need anything else except with your temper tantrum showcase?" Panunudyong tanong ni Gabu rito. Muling sumimangot ang cute na mukha nito. "Possessive much? Don't worry, I'm not. Hindi ka ba sasabay sa'kin papunta sa society? It's seven in the morning already." Bumuntong-hininga naman ng malalim si Gabu bago sumagot. "I'm not going. Sinabi ko na kay Ama ang tungkol doon. You may now go Ate. May importanteng pag-uusapan pa kasi kami." Tumingin lang ito sa'kin at nginitian ako. Sinabayan ko rin ang matamis niyang ngiting iyon bago ito tuluyang umalis. Napaigtad ako ng bahagya nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Gabu sa leeg ko. Nakapatong na pala roon ang mukha niya at nakakapit na sa magkabilang braso ko ang mga kamay niya mula sa likod. "Now, let's continue our breakfast. We need to talk things first before we proceed to your decision if you're going to stay here...or not."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD