CHAPTER 9 - Stories behind

1538 Words
Stay here or not? Bakit naman biglang nagkaroon ako ng pagpipilian sa sitwasyon ko ngayon? Iyan ang paulit-ulit na gumugulong sa isip ko hanggang sa tuluyan kaming matapos ni Gabu sa pag-aalmusal. We straightly headed towards the loft where peace and calmness can help us ease the intricacies we have inside, due to his last words. The cosy panorama of the whole island and fragrance of green house perfectly blends our atmosphere also. Sa kapayapaan ng buong paligid, pumaibabaw ang boses ni Gabu. "How do you see me now Darl?" His first question brought lunacies in my head. "What do you mean by that?" Tanong lang din ang ibinalik ko sa kaniya. Alangan namang umamin ako agad na gusto ko siya. Edi pareho kaming natulig dito. "Compared to my brothers and sisters. Do I look the same?" Ngayong binuksan niya ang tungkol sa bagay na iyan, tila nabuhay sa isip ko lahat ng pagtataka. Mag-iisang taon pa lang ako noon ng mapadpad kami ni Mama sa Samar, sa lugar kung saan nakatira si Ninong Jonel na siyang panganay na kapatid ni Gabu. Si Ninong ay kaibigan ni Mama simula noong nasa kolehiyo siya at asawa ni Ninang Maggie na kaibigang matalik naman ni Mama. Halos magkadikit lang noon ang bahay nila at ang bahay na tinutuluyan namin ni Mama at dahil malapit kami sa pamilya nila kaya malayang nakakapunta sa'min sina Ninang at ganoon din kami ni Mama sa kanila. Nang mga panahong iyon ay pitong taong gulang na si Gabu. Simula ng makapunta ito samin ay nawili na ito sa pagbisita. Siya na din mismo ang nagpiprisinta kay Mama na siya na ang mag-aalaga sa'kin satuwing madadatnan nito itong may ginagawa. Mistulang babysitter ko siya habang lumalaki ako kaya naman bago pa ako magkaisip ay kilala ko na siya. While growing up and understanding things broadly, may isang bagay akong unti-unting napapansin sa kaniya na isinawalang kibo ko lamang. Gabu didn't look the same compared to his brothers, sisters and relatives. Ultimo mga magulang niya ay hindi niya kamukha. Satuwing mamamasiyal kami ng magkakasama, ito ang una mong mapupuna kapag tumingin ka sa pamilya nila. Parang may isang naiiba. Kumpara sa mga kapatid niya noong mga bata pa kami, mas maputi ang kulay ng balat ni Gabu. Mas matangos ang ilong nito. Malayong-malayo rin ang hilatsa ng mukha niya sa mga ito, at ngayong mas nagkaedad na siya naging mas malinaw na ang mga pagkakaiba. Wala sa lahi ng mga Tanzanilla ang pagiging higante. Pinaka matanggad na sa kanila ang 5'7 sa lalaki kumpara sa height ni Gabu na sa tantiya ko ay nasa 6'2 yata. Mas evident pa sa kaniya ang European features with his strong physique and torso kaysa sa pagiging Pilipino. Things that cease me in mental distress at some point. "No. Actually, you have a very different look compared to them." I was hesitant to tell him the truth first, pero para saan naman kung magsisinungaling ako? "Because I'm adopted." Napaawang ang mga labing napatitig ako sa kaniya. He's what? "And I only found about it sixteen years ago. When I finally met my real father which happened to be, Mr. Memoir Heartfeelia." Hindi ba ako namamaligno lang sa mga naririnig ko? Sa tagal ng magkaibigan ng pamilya niya at pamilya ko, maski isang beses ay walang nabanggit samin si Lola Mercy at Lolo Clemente, mga magulang niya ng tungkol sa mga bagay na sinasabi niya sa'kin ngayon. I remained speechless due to the sudden abruptness. Tahimik akong nakinig habang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. Sa mga mata niyang deretsong nakatingin sa kabuuan ng isla. "After I disappeared on that river, nagising na lang ako sa kuta ng mga rebelde. Dahil wala naman silang mahihita sa'kin kaya ibinenta nila ako sa isang sindikato, a drug syndicate to be specific. They used me as a Drug Courier. Direkta nilang itinatanim sa katawan ko ang droga saka ako ibinabyahe patungo sa kanilang mga kliyente. It's as if I was just a moneybox which they can drop a coin and withdraw it all the time they want even though they would have to wreck it." Bakas pa rin ang pait at galit sa mga salita niya. Maging ako man, parang gusto kong isabit isa-isa sa toktok ng poste lahat ng gumawa ng kahindik-hindik na mga bagay na iyon sa kaniya! Sino sila para gawin ang kahayupang iyon sa isang inosenteng binatilyo? He was just fourteen years old back then for pity's sake! "Same routines happened for about eleven months. Akala ko nga doon na ako mamatay. Suffering all the unbearable and excruciating pain, it was hell. Mas nanaisin pa siguro ng kahit sino na mamatay kaysa pagdaanan ang ganoong klase ng paghihirap, ang pakiramdam na unti-unti kang kinakatay. But not for me, hindi puwede dahil nangako ako. Hindi ako puwedeng mamatay, dahil nangako ako sayong babalikan kita." That's the only time he faced me. He's expressive eyes are glued on me. Nangungusap ang mga ito, punong-puno ng iba't-ibang klase ng emosyon. "Ingatan mo ang sarili mo Darl, dahil babalikan kita...balang araw." His promise. Those words which he left before he was gone sixteen years ago still lingers on my ears. Mga salitang pinaniwalaan at pinanghawakan ko. Kinapitan ko sa mga sandaling tila nilalamon na ang isip ko ng ideyang kailanman ay hindi na siya babalik. "Inilaban ko ang buhay ko para sa'yo, Darl. Hanggang sa naawa na lang siguro sa'kin ang kapalaran kaya ito na mismo ang gumawa ng paraan para mapadpad ako sa poder ng sarili kong ama. Nang sumapi ang sindikatong iyon sa ilalim ng organisasyon para sa seguridad at proteksyon, doon ko nakilala ang aking ama na siyang itinuturing na panginoon ng samahan. Lukso siguro ng dugo kaya mabilis itong nagduda sa aking pagkatao, dahilan para ipaimbestiga niya kung sino nga ba ako." Saglit siyang tumigil at muling ibinalik ang paningin sa kawalan. "When he found out that I was his long lost son, mabilis pa sa kidlat na binawi niya ako mula sa sindikatong iyon. He told me that I was his son to his adopted sister na pinalayas naman ng mga magulang niya ng malaman ng mga ito ang tungkol dito. Simula noon ay hindi niya na ito nakita pa. Marahil hindi na rin ito bumalik dahil sa kahihiyan. Base sa imbestigasyon, namatay ito matapos akong maipanganak at dahil walang kamag-anak nito ang dumating sa ospital para akuin ang bangkay at kunin ako kaya iniuwi na lamang ako ng isa sa mga nurse na nasa delivery room ng manganak ito. It was Mama Mercy, ang babaeng tumayo bilang nanay ko sa loob ng labing-apat na taon at nagbigay sa'kin ng isang pamilyang kahit kailan ay hindi ako itinuring na iba." A smile formed on his lips reminiscing his family before. "Both of my parents are Swiss. Our family was originally came from Switzerland. That explains why I have this kind of European features. Malayong-malayo sa itsura ng mga umampon sa akin noon." Nang mga oras ring iyon, tuluyan ng nag-ulap ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang kuwento sa likod ng pagkawala niya. All the difficulties and hardships he surpassed are unimaginable and it pinch my heart when he said that it's all because of his promise, because of me. My sobs and cries caught his attention, reason why he quickly reached my distance and leaned my face to his very tough and firm chest. "Shhh. Please stop crying." His swishing words melted me even more. Pero sa mga sandali ring iyon, nabuhay ang mga hinanakit sa dibdib ko. Mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kaniya, pinahid ang mga luha ko at tinapangan ang mukha ko. He just wrinkled his brows watching me gaining some strength and confidence to ask him the question I've been dying to ask ever since we finally saw each other yesterday. "Bakit hindi ka man lang nagpakita sa'kin? All this time buhay ka naman pala! Kung ginawa mo ngang ilaban iyang buhay mo para sa'kin, puwes! bakit hindi mo man lang nagawang ipaalam maski sa'kin man lang na buhay ka? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon kung kailan...ikakasal na dapat ako? Bakit ngayon lang? Bakit hindi pa noon?" Hindi ko na naiwasang pumiyok sa mga huling salitang binitiwan ko. Alam kong wala sa lugar ang galit ko pero masisisi niyo ba ko? I waited for him! Halos mabaliw ako sa pag-aantay na tuparin niya ang sinasabi niyang pangako! Tapos ngayon para siyang kabute na biglang susulpot na lang! Kung kailan nakilala ko na si Clyde! Kung kailan unti-unti ng natututunan ng puso ko na kalimutan siya at tumibok para sa iba! Sa taong nasa tabi ko lang! Para saan? He looked straight in my falls like eyes before he releases his stupid answer. "Akala ko kasi dati, makita lang kitang masaya magiging maayos na rin ako pero hindi. Hindi ko pala kayang tuluyan ka ng mapasakamay ng iba. Hindi ko pala kayang makita ka sa malayo na hawak-hawak na ng iba. Patawad Darl. Patawarin mo sana itong puso kong hindi kayang tanggapin ang katotohanan na...hindi ako ang lalaking mahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD